Atty. Julia RE Law Office

Atty. Julia RE Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Atty. Julia RE Law Office, Lawyer & Law Firm, 2F Amall Bldg Rizal Street, Ormoc City.

23/03/2026
13/03/2026
04/03/2026
04/03/2026

🇵🇭 BIR Audit? Know Your Rights.

With the shift to a single-instance audit, taxpayers must be informed—not intimidated.

For years, through on Rappler, we’ve answered thousands of real tax questions—helping Filipinos, MSMEs, and businesses navigate the BIR.

👉 From LOA to FAN
👉 From audit to appeals
👉 From confusion to clarity

Our tax experts—led by Global Tax Policy Expert and Chief Tax Advisor Mon Abrea of Asian Consulting Group (ACG)—are here to help you.

📩 Got a tax question about taxes?
👍 Follow our page.

Because compliance should be clear, fair, and not fear-based.

👉 Hindi dapat kinakatakutan ang buwis. Dapat naiintindihan.

The Philippines Rises. The World Invests.

04/03/2026
23/02/2026

Nagpasya ang na puwedeng kilalanin bilang magkatuwang na may-ari ng ari-arian (co-owners of property) ang mga nagsasama na magkapareho ang kasarian, alinsunod sa Artikulo 148 ng Family Code, kung may sapat na patunay na kapwa silang may aktuwal na ambag sa naturang mga pag-aari.

Sa isang desisyong isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, pinagbigyan ng Second Division ng Korte Suprema ang reklamo ng isang babae para sa paghahati ng ari-arian at kinilala siya bilang isa sa mga may-ari ng bahay at lupang kanyang pinagsamahan kasama ang kanyang kaparehong kasarian na partner.

Ang Artikulo 148 ng Family Code ang nagtatakda ng mga patakaran sa pagmamay-ari ng ari-arian ng mga magkaparehang nagsasama ngunit hindi maaaring magpakasal ayon sa batas, at kinikilala nito ang pagiging magkatuwang na may-ari batay sa aktuwal na ambag ng bawat isa.

Nagsama ang dalawang babae bilang magkarelasyon. Isang taon matapos ang kanilang relasyon, bumili sila ng isang bahay at lupa, at napagkasunduan nilang isa sa kanila na lamang ang irehistrong pangalan para mapadali ang mga transaksyon sa bangko.

Nang maghiwalay sila, napagkasunduan nilang ibenta ang ari-arian at hatiin nang pantay ang kita. Isa sa kanila ang lumagda sa isang Acknowledgment na nagpapatunay na ang isa pa ay nag-ambag ng halos 50% ng gastos sa pagbili at pagpapagawa ng bahay.

Gayunpaman, kalaunan ay hindi siya pumayag na ibenta ang ari-arian at itinanggi niya na ang dating karelasyon niya ay isa ring may-ari nito.

Para maprotektahan ang kanyang karapatan, ang dating kapareha ay naglagay ng adverse claim sa titulo ng ari-arian at humiling ng paghahati nito. Nang hindi ito magtagumpay, nagsampa siya ng kaso para sa paghahati ng real estate at kabayaran sa danyos, gamit ang Acknowledgment bilang patunay ng pagiging magkatuwang na may-ari.

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang reklamo para sa paghahati ng ari-arian, habang nilinaw nito ang mga probisyon sa Family Code na namamahala sa ugnayan sa ari-arian ng mga magkasintahang nagsasama ngunit hindi kasal.

Ang Artikulo 147 ay naaangkop sa mga magkasintahang hindi pa kasal ngunit maaaring magpakasal ayon sa batas. Ang ari-ariang nakuha habang sila’y nagsasama ay ipinapalagay na pagmamay-ari ng magkatuwang.

Samantala, ang Artikulo 148 ay naaangkop sa mga magkasintahang hindi pinapayagang magpakasal. Tanging ang mga ari-ariang nakuha sa pamamagitan ng aktuwal na ambag ang itinuturing na pagmamay-ari ng magkatuwang.

Dahil ang Family Code ay nagpapahintulot lamang ng pag-aasawa sa pagitan ng lalaki at babae, itinuring ng Korte Suprema na ang mga magkaparehong kasarian ay sakop ng Artikulo 148.

Dito, napagpasyahan ng Korte Suprema na ang nilagdaang Acknowledgment, kung saan inamin ng isang kapareha na nagbayad ang isa pa ng halos kalahati ng gastos sa ari-arian, ay itinuturing na may bisa at sapat na patunay ng aktuwal na ambag. Ito ang nagpatibay sa pagiging magkatuwang na may-ari.

Basahin ang Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160462.

Basahin ang kabuuang teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160431.

Basahin ang Concurring Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160444.

Basahin ang Concurrence ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160439.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC Public Information Office: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

23/02/2026

Court of Tax Appeals Associate Justice Marian Ivy F. Reyes-Fajardo, 2024 Bar Examiner for Commercial and Taxation Law, talks about value-added tax (VAT) exemptions in Episode 106: PEZA-Registered Businesses: VAT Exempt or Not?

What is VAT and how is it imposed? How does the place where goods or services are consumed affect whether VAT is charged? What is the difference between VAT-exempt transactions and zero-rated transactions?

This week's podcast is available on Spotify, Apple Podcasts, YouTube, Facebook, and the website.

Spotify: https://open.spotify.com/episode/6EwtxwvIazZnSBYXE62WT8?si=bw6g2mGIQjisjjpflx4YvA

Apple Podcasts: https://podcasts.apple.com/ph/podcast/episode-106-peza-registered-businesses-vat-exempt-or-not/id1852172756?i=1000750622742

YouTube: https://youtu.be/GbUXtUMhsDg

Facebook: https://www.facebook.com/share/v/1Hub6D2LUg/

SC website: http://sc.judiciary.gov.ph/podcasts/

20/02/2026

Seeking to bolster the protection of its modern-day heroes, the Sangguniang Panlungsod has approved Ordinance No. 211, Series of 2026, institutionalizing a dedicated Overseas Filipino Workers (OFW) Help Desk to provide a localized safety net for migrant workers and their families. Through this ordinance, Ormoc City not only honors the sacrifices of OFWs, but also concretely strengthens local mechanisms for their protection and reintegration, highlighting the city's commitment to ensuring that no migrant worker is denied access to justice or support due to poverty or lack of support therof.

Authored by SP Member Krizea Caessandra “Kia” Mercadal, this legislation aims to establish a frontline facility under the Public Employment Service Office (PESO) that will handle integrated welfare services, legal referrals, and repatriation assistance. The measure comes as a response to the growing number of Ormocanon OFWs-recorded at over 7,500 as of late 2025—who continue to face systemic challenges such as contract substitution, unpaid wages, and various forms of exploitation despite their massive economic contributions. This legislation The speaks of OFWs being so much more than just sources of remittances, they are heroes and big contributors to the families in the communities. By linking the help desk to national databases from the Department of Migrant Workers (DMW), the ordinance intends to provide a proactive shield against illegal recruitment through regular pre-employment orientation seminars and updated listings of licensed agencies.

19/02/2026

Naglabas ang ng mga panuntunan sa pagsuri ng mitigating circumstance ng boluntaryong pagsuko at nilinaw na ang nasabing pangyayari ay dapat suriin batay sa tunay na layunin ng tao at sa kabuuan ng mga pangyayari.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagbigyan ng Korte Suprema ang petisyon ng isang lalaki at ibinaba ang kanyang parusa matapos kilalanin ang kanyang boluntaryong pagsuko nang malaman niya na may inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.

Nagpunta ang lalaki sa National Bureau of Investigation (NBI) para kumuha ng clearance. Lumabas na may “hit” ang kanyang pangalan, na nagpapakitang mayroon siyang nakabinbing kaso. Inamin niya ito sa opisyal ng NBI.

Inatasan siyang bumalik makalipas ang isang linggo habang bineberipika ang mga rekord. Pagbalik niya, kinumpirma ng opisyal ng NBI na mayroon siyang nakabinbing kasong bigamy at may nakabinbing warrant of arrest na inilabas 13 taon na ang nakararaan. Sinabi niya sa opisyal, “masuko na lang ako,” at humingi ng tulong para makapagpiyansa. Pagkatapos nito, inihain sa kanya ang warrant of arrest.

Kalaunan, naglabas ang NBI ng sertipikasyon na kusang-loob siyang sumuko. Gayunman, sa return of the warrant at order of release, inilarawan siya bilang inaresto.

Sa kanyang arraignment, una siyang nagbigay ng not guilty plea ngunit kalaunan ay nakipag-plea bargain at hiniling sa hukuman na isaalang-alang ang kanyang boluntaryong pagsuko at pag-amin ng kasalanan.

Hinatulan siya ng Regional Trial Court (RTC) ng guilty sa kasong bigamy at kinilala ang kanyang pag-amin sa kasalanan bilang mitigating circumstance. Gayunman, sinabi ng RTC na wala umanong naganap na boluntaryong pagsuko base sa return of the warrant at order of release. Binigyang-diin din na nakabinbin ang kaso sa loob ng 13 taon dahil hindi siya matagpuan.

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyong ito at sinabing nagtungo siya sa NBI hindi para sumuko kundi para kumuha ng clearance. Dagdag pa ng CA, wala na umano siyang pagpipilian nang sabihin niyang susuko siya dahil nasa loob na siya ng tanggapan ng NBI.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema.

Sa ilalim ng Article 13(7) ng Revised Penal Code, kailangan sa boluntaryong pagsuko na: hindi pa naaresto ang nagkasala; kusang-loob siyang sumuko sa isang taong may awtoridad o sa kinatawan nito; at boluntaryo ang pagsuko.

Sa kasong ito, bumalik ang lalaki sa NBI at sinabi niyang susuko siya bago pa man aktuwal na maihain sa kanya ang warrant of arrest. Hindi pa siya noon naaresto. Sumuko rin siya sa isang opisyal ng NBI na isang taong may awtoridad.

Nagpasya ang Korte Suprema na dapat tingnan ang boluntaryong pagsuko sa isang mas maunawain at malawak na pananaw kapag napatunayan na ang pagkakasala. Binigyang-diin nito na dapat suriin ang boluntaryong pagsuko batay sa kabuuan ng mga pangyayari. Naglatag ito ng mga sumusunod na gabay:

1. Ang pagiging boluntaryo at kusang pagsuko ay dapat magpakita na ang nagkasala ay umaamin sa kanyang pagkakasala o nagnanais na iligtas ang mga awtoridad sa abala ng paghahanap at pag-aresto sa kanya.
2. Hiwalay sa mismong paglalabas ng warrant of arrest ang mga pangyayari ng boluntaryong pagsuko. Ang naunang paglabas ng warrant of arrest ay hindi dapat gamitin laban sa pag-aangkin ng akusado ng boluntaryong pagsuko kung ang iba pang mga pangyayari ay nagpapakita na natugunan ang lahat ng mga rekisito, kabilang ang pagiging boluntaryo. Gayunman, kung alam ng akusado ang pagkakaroon ng warrant of arrest laban sa kanya at patuloy siyang umiwas sa batas, maaari nitong maalis ang pagiging boluntaryo at kusa ng kanyang pagsuko.
3. Maaaring maging batayan para itanggi ang pagiging kusa ng pagsuko ang haba ng panahong ginamit ng akusado para umiwas sa batas.
4. Hindi nawawala ang pagiging boluntaryo dahil lamang sa may posibilidad na maaresto ang akusado anumang oras bago siya sumuko. Ang napipintong pag-aresto ay dapat may kasamang palatandaan na ang akusado ay tumakas o maaaring patuloy na umiwas at magtago bago maikaila ang pagiging boluntaryo.
5. Dapat isaalang-alang ang layunin ng akusado sa oras ng kanyang pagsuko kasama ng iba pang mga pangyayari sa pagtukoy kung siya ay may karapatan sa mitigating circumstance. Hindi kinakailangang sumuko ang nagkasala sa unang pagkakataon.
6. Kung hindi malinaw sa mga rekord na kusang-loob na sumuko ang nagkasala, ito ay hindi maaaring ipasya pabor sa kanya.

Tungkol naman sa pagiging boluntaryo ng kanyang pagsuko, binigyang-diin ng Korte Suprema na kung nais niyang umiwas sa pag-aresto, hindi na sana siya bumalik sa NBI. Bagama’t para kumuha ng clearance ang una niyang pagpunta doon, ang kanyang pasyang bumalik kahit may posibilidad na may nakabinbing kaso laban sa kanya ay nagpapakita ng kanyang kahandaang makipagtulungan sa mga awtoridad.

Nilinaw din ng Korte Suprema na bagama’t alam niya ang tungkol sa nakabinbing kaso, walang patunay na alam niyang may nailabas nang warrant of arrest laban sa kanya. Binanggit din ng Korte ang kawalan ng anumang tangkang tumakas, ang hayagang paggamit niya ng kanyang tunay na pangalan, at ang kusang-loob niyang pagbabalik sa NBI.

Pinaalalahanan rin ng Korte Suprema ang mga hukom na iwasan ang minadali o padalus-dalos na pagbuo ng konklusyon.

Ibinaba ang parusa ng lalaki mula sa anim (6) na taon sa apat (4) na taon ng pagkakakulong bilang maximum.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160857.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160836.

Basahin ang Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/258592-formerly-udk-no-17170-concurring-opinion-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

🤣😅
19/02/2026

🤣😅

Hindi lahat ng “I love you” ay totoo, lalo na kung may kasunod na paghingi ng account details o OTP.

Tandaan: Huwag kailanman ibigay ang OTP kahit sa kakilala, ka-relasyon, o sa kausap online.

Magmahal nang wais. Gawin ang o para sa mas ligtas at secure na pagbabangko.

16/02/2026

Our office will be open tomorrow, February 17. Since Atty. Julia will be out of town on Feb 18-25. For any concerns, you may message us. Thank you!

Address

2F Amall Bldg Rizal Street
Ormoc City
6541

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 12am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Julia RE Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share