20/08/2026
Hindi itinuring ng na โadvertisementโ sa ilalim ng PD No. 957 o ๐๐ถ๐ฃ๐ฅ๐ช๐ท๐ช๐ด๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐ฐ๐ฏ๐ฅ๐ฐ๐ฎ๐ช๐ฏ๐ช๐ถ๐ฎ ๐๐ถ๐บ๐ฆ๐ณ๐ดโ ๐๐ณ๐ฐ๐ต๐ฆ๐ค๐ต๐ช๐ท๐ฆ ๐๐ฆ๐ค๐ณ๐ฆ๐ฆ na parte ng mga โwarrantyโ ng developer ang pangako ng ahente na mag-iisyu ng ๐๐ฐ๐ฏ๐ต๐ณ๐ข๐ค๐ต ๐ต๐ฐ ๐๐ฆ๐ญ๐ญ matapos mabayaran ang ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ง๐ฆ๐ฆ ngunit inatasan pa rin nito ang ๐ฅ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ณ na ibalik sa nakabili ang binayad matapos hindi tuparin ng ahente ang nasabing pangako.
Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng ng Korte Suprema ang Empire East Land Holdings, Inc. (Empire East) na isauli ang mga ibinayad ni John Edrem Bautista (Bautista) matapos itong mabigong mag-isyu ng ipinangakong ๐๐ฐ๐ฏ๐ต๐ณ๐ข๐ค๐ต ๐ต๐ฐ ๐๐ฆ๐ญ๐ญ .
Nagbayad si Bautista ng PHP 130,000 para sa isang ๐ณ๐ฆ๐ด๐ช๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ช๐ข๐ญ ๐ถ๐ฏ๐ช๐ต sa Empire East na binubuo ng PHP 20,000 ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ง๐ฆ๐ฆ at PHP 110,000 na karagdagang bayad. Ayon kay Bautista, nagbayad siya dahil nangako ang ahente ng Empire East na mag-iisyu ng ๐๐ฐ๐ฏ๐ต๐ณ๐ข๐ค๐ต ๐ต๐ฐ ๐๐ฆ๐ญ๐ญ kapag nabayaran na niya ang ๐ณ๐ฆ๐ด๐ฆ๐ณ๐ท๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ง๐ฆ๐ฆ. Nang lumipas ang mahigit isang taon at hindi pa rin naibigay ang kontrata, itinigil ni Bautista ang pagbabayad at hiniling ang pagsasauli ng kanyang mga ibinayad.
Sumang-ayon ang Korte Suprema sa naging desisyon ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) at Court of Appeals na pabor kay Bautista. Pinagtibay ng Korte Suprema na karapat-dapat makatanggap si Bautista ng refund, pero nilinaw din nito na hindi saklaw ng Seksyon 19 ng PD 957 ang pangako ng ahente.
Ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang Seksyon 19, na nag-aatas na maging totoo at hindi mapanlinlang ang mga ๐ข๐ฅ๐ท๐ฆ๐ณ๐ต๐ช๐ด๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต at ๐ด๐ข๐ญ๐ฆ๐ด ๐ฎ๐ข๐ต๐ฆ๐ณ๐ช๐ข๐ญ, ay nalalapat lamang sa mga materyal na inilaan para sa pangkalahatang publiko, gaya ng mga inilalathala sa mga pahayagan o ipinapalabas sa radyo, telebisyon, at iba pang katulad na paraan ng ๐ฎ๐ข๐ด๐ด ๐ค๐ฐ๐ฎ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ช๐ค๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ. Hindi nito saklaw ang mga pangakong ginagawa ng ahente sa mga indibidwal na mamimili.
Binigyang-diin ng Korte Suprema na nananatiling protektado ang mga mamimili dahil maaari pa ring managot ang mga ๐ฅ๐ฆ๐ท๐ฆ๐ญ๐ฐ๐ฑ๐ฆ๐ณ sa ilalim ng kanilang mga obligasyong kontraktuwal at iba pang naaangkop na batas.
Inatasan nito ang Empire East na isauli kay Bautista ang PHP 130,000, na may interes na 6% kada taon mula nang ihain ang reklamo noong 2012, at magbayad ng PHP 260,000 bilang ๐ฆ๐น๐ฆ๐ฎ๐ฑ๐ญ๐ข๐ณ๐บ ๐ฅ๐ข๐ฎ๐ข๐จ๐ฆ๐ด o danyos na iginagawad ng mga hukuman para pigilan ang maling pagkilos at magsilbing babala laban sa mga katulad na gawain.
Basahin ang ๐ฑ๐ณ๐ฆ๐ด๐ด ๐ณ๐ฆ๐ญ๐ฆ๐ข๐ด๐ฆ sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171359.
Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/05/272556-1.pdf.
Sumunod sa ๐๐ณ๐ฆ๐ฅ๐ช๐ต ๐๐ต๐ต๐ณ๐ช๐ฃ๐ถ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ค๐บ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.