Ortiz Law Office

Ortiz Law Office Law & Notarial Office
(Olongapo City based lawyer)

31/12/2025

The Supreme Court ruled that marital infidelity, by itself, does not automatically amount to psychological violence under the Anti-VAWC law unless it is used to cause proven emotional anguish.

The decision clarifies that prosecutors must show intent to inflict psychological harm, as the High Court overturned a conviction for lack of such proof. See comment section for more details.

27/06/2025

Nagpasya ang na ang kawalan ng kakayahan ng isang asawa na mahalin ang kabiyak o magkaroon ng emosyonal na koneksyon sa kanya dahil sa isang personality disorder ay maaaring ituring na ebidensya ng psychological incapacity at maging batayan para ideklarang walang bisa ang kasal.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, kinatigan ng Second Division ng Korte ang naunang pasya ng Regional Trial Court (RTC) na nagdeklarang walang bisa ang kasal ng mag-asawa dahil sa psychological incapacity ng lalaki na gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang asawa.

Nagkakilala ang mag-asawa noong 1999 at palihim na nagpakasal noong 2002. Hindi sila agad nagsama dahil nagtrabaho ang lalaki sa Saudi Arabia. Kinasal sila sa simbahan noong 2004 nang umuwi ang lalaki pero umalis ulit ito sa Pilipinas. Bumalik sa bansa ang lalaki noong 2005 at silang mag-asawa ay nagsama paminsan-minsan at nagkaroon ng dalawang anak β€” isang lalaki noong 2007 at babae noong 2012. Nagsama lamang sila ng halos limang taon at ang pagsasama ay puno ng paulit-ulit na pagtatalo at hiwalayan.

Noong 2016, nagsampa ng petisyon ang lalaki para mapawalang-bisa ang kasal. Nagsumite sya ng diagnosis ng isang psychologist tungkol sa kanyang Passive-Aggressive Personality Disorder na naging dahilan para mahirapan siyang mapanatili ang kanyang malalapit na relasyon.

Pinagbigyan ng RTC ang petisyon pero binaliktad nito ang naging desisyon matapos umalma ang Office of the Solicitor General dahil sa due process. Kalanaunan ay isinantabi ng Court of Appeals ang apela ng asawa.

Pero nagpasya ang Korte Suprema pabor sa lalaki at sinabing napatunayan nito ang kanyang psychological incapacity.

Sa ilalim ng Article 36 ng Family Code, ang kasal ay walang bisa kung ang isa o parehong mag-asawa ay hindi kayang gampanan pyschologically ang kanilang mga tungkulin sa pag-aasawa kahit pa ang kundisyon na ito ay lumantad lang pagkatapos ng kasal.

Ang kawalan ng kakayahang magmahal ay dapat na malalim na nakaugat sa karakter ng tao at dapat na umiiral bago pa ang kasal.

Sa kasong ito, sinabi ng Korte na ang emotional detachment ng lalaki ay dahil sa strikto at emotionally distant na pagpapalaki. Bagamat kaya niyang tustusan ang kanyang pamilya, nahirapan siyang tugunan ang emosyonal na mga pangangailangan ng kanyang asawa.

Basahin ang buong press release sa https://tinyurl.com/2zjba472.

Basahin ang buong Desisyon sa https://tinyurl.com/8e67mcme.

Basahin ang Dissenting Opinion ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez sa https://tinyurl.com/56e9rs43.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


27/06/2025

Nagpasya ang na ang isang kasunduan sa pagbebenta ng lupa ay may bisa kahit hindi nakasulat kung ito ay bahagya o ganap nang naipatupad.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, kinatigan ng Third Division ng Korte ang berbal na pagbebenta ng lupa sa pagitan nina Marcos Batara (Batara) at ng kanyang pamangkin na si Benedicto Ocampo (Ocampo). Bagamat walang nakasulat na kontrata, sinabi ng Korte na may bisa ang pagbebenta dahil natanggap na ni Ocampo ang titulo ng lupa, nakalipat na siya sa ari-arian, at nagtanim ng mga pananim dito.

Nakarehistro ang lupa sa pangalan ni Batara na namatay noong 1974. Nalaman lang ng kanyang mga anak na sina Noblesa at Ernesto ang tungkol sa ari-arian noong 2007. Nakatanggap sila ng notice na magbayad ng hindi pa nababayarang buwis sa real estate at nalaman din na doon nakatira ang kanilang pinsan na si Ocampo.

Sina Noblesa at Ernesto ay nagsampa ng kaso para bawiin ang lupain mula kay Ocampo at sinabing sila ang mga nararapat na tagapagmana.

Sinabi ni Ocampo na binili niya ang lupa kay Batara noong buhay pa siya. Nang namatay si Batara, patuloy na nagbabayad si Ocampo ng hulugan kay Marcelo, kapatid ni Batara at tagapag-alaga ni Noblesa.

Inamin ni Ocampo na ang pagbebenta ay hindi napatunayan ng anumang nakasulat na dokumento dahil namatay si Batara bago pa nila maisagawa ang mga kinakailangan. Pero iprinisenta ni Ocampo ang kopya ng titulo ng lupa ng may-ari bilang patunay na sinasabing ibinigay ito ni Batara sa kanya pagkatapos ng unang pagbabayad noong 1972.

Nagdesisyon pabor kina Noblesa at Ernesto ang Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na nagsabing mas may karapatan sila sa ari-arian dahil nakarehistro ito sa pangalan ng kanilang ama. Dagdag pa rito, walang sapat na patunay ng pagbebenta maliban sa mga pahayag ni Ocampo.

Binaliktad ng Korte Suprema ang desisyon ng RTC at CA.

Sa ilalim ng Civil Code, ang pagbebenta ng lupa ay dapat na nakasulat para maipatupad ito sa korte. Ang nakasulat na dokumentong ito ay nagsisilbing patunay na ang magkabilang partido ay sumang-ayon sa pagbebenta. Pero ang pagbebenta ay itinuturing na may bisa pa rin kahit na walang nakasulat na kontrata kung ito ay ganap na o bahagyang naisakatuparan na. Sa ganitong mga kaso, ang isang berbal na kasunduan ay maaari pa ring magkaroon ng legal na bisa, at ang mga saksi ay maaaring payagang tumestigo upang patunayan na nangyari ang bentahan.

Dagdag pa ng Korte, ang pag-aari ng lupa at pagpapagawa ng mga pagbabago ay matibay na senyales na nagkaroon na ng verbal sale. Kaya ang mga mamimili na nakatira na sa ari-arian ay maaaring gamitin ang kasunduang berbal bilang legal na batayan sa kanilang pagmamay-ari kahit na walang nakasulat na kontrata.

Sa kasong ito, ang pagbebenta ay bahagyang naipatupad dahil bahagyang binayaran ni Ocampo ang lupa, lumipat siya rito, natanggap niya rin ang titulo ng lupa, at nagbayad din ng amilyar. May patunay na may bentahan base sa mga testimonya ni Ocampo at ng kanyang mga testigo.

Pero sinabi ng Korte na hindi si Marcelo ang awtorisadong tumanggap ng bayad sa ngalan ng mga tagapagmana ng kanyang kapatid. Kaya kahit nananatiling wasto at may bisa ang pagbebenta, kailangang bayaran ni Ocampo ang natitirang balanse ng presyo ng pagbili na may kasamang interes kina Noblesa at Ernesto.

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/yeapyzcd.

Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/msxr7hsd.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


It's hard to be a Notary Public nowadays! πŸ’œβš–οΈ
10/06/2025

It's hard to be a Notary Public nowadays! πŸ’œβš–οΈ

In line with its Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027, the (SC) has amended the 2004 Rules on Notarial Practice (2004 Notarial Rules) to modernize and streamline notarial reporting.

In an En Banc Resolution in A.M. No. 02-8-13-SC, the SC approved amendments to the 2004 Notarial Rules, specifically on the submission of copies of notarial entries and instruments acknowledged by notaries public.

Under the Amended 2004 Notarial Rules, notaries public are now required to keep in portable document format (PDF) the certified copy of each month’s notarial entries and the duplicate original copy of instruments acknowledged before them.

These should be emailed to the clerk of court within the first 10 days of the following month using the notary public’s official email address. If there are no entries for the month, a formal statement confirming this must be submitted instead.

All PDF files must be sent as direct attachments to the transmittal email. They must not be submitted as external links to cloud storage, file-sharing platforms, or similar sites. PDF files should not be compressed into archive formats such as ZIP (.zip) or RAR (.rar), and must not require additional extraction or conversion prior to access.

Notaries are prohibited from charging any fees for digitizing, transmitting, or processing these documents.

Courts retaining electronic duplicate original copies of notarized documents are directed to conduct an inventory and assessment of these materials. A report on the results must be submitted to the Office of the Court Administrator, with a copy furnished to the SC’s Management Information Systems Office.

The Amended 2004 Notarial Rules was published on June 6, 2025, in two newspapers of general circulation and shall become effective 15 days from publication or on June 21, 2025.

Read the full text of the SC’s March 4, 2025 Resolution in A.M. No. 02-8-13-SC, Re: 2004 Rules on Notarial Practice, at https://tinyurl.com/bdzaatrx.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

20/09/2024

SC: Maaaring kilalanin sa Pilipinas ang divorce kahit hindi dumaan sa korte sa ibang bansa

Hindi kinakailangang dumaan sa korte ang divorce sa ibang bansa para mabigyan ng bisa sa Pilipinas.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang Pilipina na nakakuha ng divorce sa Japan mula sa kanyang asawang Hapon sa pamamagitan ng isang kasunduan.

Para kilalanin sa Pilipinas ang kanyang divorce, naghain siya sa Regional Trial Court (RTC) ng petition for judicial recognition of foreign divorce na ipinagkaloob ng RTC. Kinwestiyon ito sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, maaaring kilalanin ang divorce sa ibang bansa basta ito ay tanggap sa batas ng bansang nagkaloob nito, maging ito man ay dumaan sa judicial o administrative proceeding, o sa pamamagitan ng kasunduan ng mag-asawa.

Sa ilalim ng Article 26(2) ng Family Code, ang mga Pilipinong dating kasal sa dayuhan ay maaaring humiling sa mga korte ng Pilipinas na kilalanin ang divorce na wasto nitong nakuha sa ibang bansa, para maiwasan ang sitwasyon na pwede na mag-asawa ang dayuhan sa ibang bansa pero bawal pa rin mag-asawang muli ang Pilipino sa Pilipinas.

Pero ibinalik ng Korte Suprema sa RTC ang kaso para mabigyan ng pagkakataon ang Pilipina na patunayan ang batas ng Japan.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-recognition-of-divorce-not-limited-to-those-decreed-by-foreign-courts/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/249238-republic-of-the-philippines-vs-ruby-cuevas-ng-a-k-a-ruby-ng-sono/



God bless to all Bar takers! βš–οΈπŸ’œ
08/09/2024

God bless to all Bar takers! βš–οΈπŸ’œ

HAPPY FATHER's DAY to all the amazing dads out there! Your love, guidance, and strength make a world of difference. Toda...
16/06/2024

HAPPY FATHER's DAY to all the amazing dads out there! Your love, guidance, and strength make a world of difference. Today, we celebrate you and all that you do. Enjoy your special day! πŸ’™πŸ’™πŸ’™

Thank you Lord for a favorable decision! βš–οΈπŸ’œ
15/03/2024

Thank you Lord for a favorable decision! βš–οΈπŸ’œ

Address

2-23rd Street East Bajac-Bajac
Olongapo
2200

Opening Hours

Monday 8:30am - 6pm
6pm - 7pm
Tuesday 8:30am - 6pm
6pm - 7pm
Wednesday 8:30am - 6pm
6pm - 7pm
Thursday 8:30am - 6pm
6pm - 7pm
Friday 8:30am - 6pm
6pm - 7pm

Telephone

+63472249349

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ortiz Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Ortiz Law Office:

Share