07/05/2022
Handa na po akong paglingkuran kayo sa Bagong Navotas!
Nagpapasalamat po ako sa lahat ng ating nakasama sa 45 days na kampanya, mula sa aking pamilya, mga staff ng Team Bagong Navotas, volunteers, at supporters, taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat!
Labis na pasasalamat din po sa inyo, mga kababayan ko mula sa iba't ibang barangay na buong ngiti ang sinalubong sa amin. Nakatataba po ng puso ang inyong pagsuporta sa akin at sa Team Bagong Navotas! Para po sa inyo ang aming pagtindig at paglaban!
Kumakatok po muli ako sa inyong mga puso, mga kababayan ko, na pagbigyan ninyo ako; isang attorney na handang magbigay serbisyo at tumulong sa konseho. Asahan po ninyo na hindi namin sasayangin ang inyong mga boto!
#1 po sa balota! Atty. Icoy De Guzman po! 😊