24/04/2026
eto na po and Episode 4 ng KONTING KAALAMAN, MALAKING KATUKUNGAN with ATTY. TINY RODRIGUEZ.
OUR TOPIC: DECLARATION OF NULLITY OR ANNULMENT? WHAT YOU NEED TO KNOW.
Magandang araw sa inyong lahat, at welcome sa Konting Kaalaman, Malaking Katulungan!
Ang podcast na naglalayong maghatid ng simpleng kaalaman na may malaking epekto sa ating pang-araw-araw na buhay.
Para sa episode na ito, pag-uusapan natin ang isang sensitibo ngunit napakahalagang paksa—Declaration of Nullity o Annulment. Ano nga ba ang pinagkaiba ng dalawa? Kailan ito maaaring i-apply? At ano ang mga bagay na dapat mong malaman bago pumasok sa prosesong ito?
Hindi madali ang usaping legal, lalo na kung may kinalaman sa kasal at pamilya—kaya naman kasama natin ngayon ang isang eksperto na tutulong magbigay-linaw sa mga tanong na ito.
Kasama natin si Atty. Mary Ann, na magbabahagi ng kanyang kaalaman at karanasan upang mas maintindihan natin ang proseso, mga requirements, at ang mga karaniwang misconceptions tungkol sa annulment at declaration of nullity dito sa Pilipinas.
Kaya kung ikaw ay curious, may pinagdadaanan, o gusto lang maging mas informed—stay tuned, dahil siguradong konting kaalaman na naman ang magiging malaking katulungan para sa inyo.
Simulan na natin!