Canosa Law Office

Canosa Law Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Canosa Law Office, Notary public, 2nd Floor, Cabatic Bldg. , Sta. Lucia, Ilocos Sur, Narvacan.

25/02/2026

Nagpasya ang na ang paggamit ng palayaw na kahalintulad ng sa ibang kandidato sa nakaraang halalan ay hindi sapat para patunayang may layuning lituhin ang mga botante. Hindi rin ito maaaring maging batayan para ideklarang nuisance candidate ang isang tumatakbo.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho Jr., pinagtibay ng Korte Suprema na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Commission on Elections (COMELEC) nang ideklara nitong nuisance candidate si Charles “DB” Savellano (Savellano) sa halalan ng 2025 dahil lamang sa paggamit niya ng palayaw na kahalintulad sa isang naunang rehistradong kandidato.

Tumakbo si Savellano bilang Kinatawan ng Unang Distrito ng Ilocos Sur sa halalan noong 2025. Humiling sa COMELEC ang kanyang kalaban na si Ronald V. Singson (Singson) na ideklara si Savellano bilang nuisance candidate dahil sa pagkakahalintulad ng kanyang palayaw sa nakalaban ni Singson sa naunang halalan na si Deogracias Victor “DV” Savellano.

Sinabi ni Singson na magdudulot ng kalituhan sa mga botante ang pagkakahalintulad ng “DB” at “DV.” Iginiit din niya na walang tunay na intensiyong tumakbo si Savellano sa pampublikong posisyon dahil sa hindi nito pagdalo sa mga aktibidad ng kampanya at kawalan ng mga panayam sa midya.

Dahil dito, idineklara ng COMELEC si Savellano bilang nuisance candidate at kinansela ang kanyang Certificate of Candidacy (COC).

Gayunman, naglabas ang Korte Suprema ng isang temporary restraining order (TRO) na nagbabawal sa COMELEC na ideklara si Savellano bilang nuisance candidate habang nakabinbin pa ang kaso.

Sa ilalim ng Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code of the Philippines, may tatlong batayan para ideklara ang isang kandidato bilang nuisance candidate: kapag ang Certificate of Candidacy (COC) ay inihain para gawing katatawanan ang proseso ng halalan; kapag ito ay inihain para lituhin ang mga botante sa pamamagitan ng paggamit ng pangalang kahalintulad ng sa isang rehistradong kandidato; o kapag may iba pang mga pangyayari o kilos na nagpapakita na ang kandidato ay walang tunay na intensiyong tumakbo sa posisyon.

Hindi ito sinang-ayunan ng Korte Suprema na nag-atas ng pagbabalik ng bisa ng COC ni Savellano. Nag-atas din ito na kilalanin siya bilang kandidato para sa Unang Distrito ng Ilocos Sur sa halalan ng 2025 at gawing permanente ang naunang inilabas na TRO laban sa COMELEC.

Muling iginiit ng Korte na ang sadyang paggamit ng palayaw para lituhin ang mga botante, maging ang pagkakahalintulad man ay sa pagitan ng mga rehistradong kandidato o hindi, ay nagpapakita ng kawalan ng tunay na intensiyong tumakbo sa pampublikong posisyon.

Gayunman, nilinaw ng Korte na hindi sapat para patunayang may layuning lituhin ang mga botante ang pagkakaroon lamang ng magkahalintulad na palayaw.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160672.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160665.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


25/02/2026

Naglabas ang ng mga panuntunan sa pagsuri ng mitigating circumstance ng boluntaryong pagsuko at nilinaw na ang nasabing pangyayari ay dapat suriin batay sa tunay na layunin ng tao at sa kabuuan ng mga pangyayari.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagbigyan ng Korte Suprema ang petisyon ng isang lalaki at ibinaba ang kanyang parusa matapos kilalanin ang kanyang boluntaryong pagsuko nang malaman niya na may inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.

Nagpunta ang lalaki sa National Bureau of Investigation (NBI) para kumuha ng clearance. Lumabas na may “hit” ang kanyang pangalan, na nagpapakitang mayroon siyang nakabinbing kaso. Inamin niya ito sa opisyal ng NBI.

Inatasan siyang bumalik makalipas ang isang linggo habang bineberipika ang mga rekord. Pagbalik niya, kinumpirma ng opisyal ng NBI na mayroon siyang nakabinbing kasong bigamy at may nakabinbing warrant of arrest na inilabas 13 taon na ang nakararaan. Sinabi niya sa opisyal, “masuko na lang ako,” at humingi ng tulong para makapagpiyansa. Pagkatapos nito, inihain sa kanya ang warrant of arrest.

Kalaunan, naglabas ang NBI ng sertipikasyon na kusang-loob siyang sumuko. Gayunman, sa return of the warrant at order of release, inilarawan siya bilang inaresto.

Sa kanyang arraignment, una siyang nagbigay ng not guilty plea ngunit kalaunan ay nakipag-plea bargain at hiniling sa hukuman na isaalang-alang ang kanyang boluntaryong pagsuko at pag-amin ng kasalanan.

Hinatulan siya ng Regional Trial Court (RTC) ng guilty sa kasong bigamy at kinilala ang kanyang pag-amin sa kasalanan bilang mitigating circumstance. Gayunman, sinabi ng RTC na wala umanong naganap na boluntaryong pagsuko base sa return of the warrant at order of release. Binigyang-diin din na nakabinbin ang kaso sa loob ng 13 taon dahil hindi siya matagpuan.

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang desisyong ito at sinabing nagtungo siya sa NBI hindi para sumuko kundi para kumuha ng clearance. Dagdag pa ng CA, wala na umano siyang pagpipilian nang sabihin niyang susuko siya dahil nasa loob na siya ng tanggapan ng NBI.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema.

Sa ilalim ng Article 13(7) ng Revised Penal Code, kailangan sa boluntaryong pagsuko na: hindi pa naaresto ang nagkasala; kusang-loob siyang sumuko sa isang taong may awtoridad o sa kinatawan nito; at boluntaryo ang pagsuko.

Sa kasong ito, bumalik ang lalaki sa NBI at sinabi niyang susuko siya bago pa man aktuwal na maihain sa kanya ang warrant of arrest. Hindi pa siya noon naaresto. Sumuko rin siya sa isang opisyal ng NBI na isang taong may awtoridad.

Nagpasya ang Korte Suprema na dapat tingnan ang boluntaryong pagsuko sa isang mas maunawain at malawak na pananaw kapag napatunayan na ang pagkakasala. Binigyang-diin nito na dapat suriin ang boluntaryong pagsuko batay sa kabuuan ng mga pangyayari. Naglatag ito ng mga sumusunod na gabay:

1. Ang pagiging boluntaryo at kusang pagsuko ay dapat magpakita na ang nagkasala ay umaamin sa kanyang pagkakasala o nagnanais na iligtas ang mga awtoridad sa abala ng paghahanap at pag-aresto sa kanya.
2. Hiwalay sa mismong paglalabas ng warrant of arrest ang mga pangyayari ng boluntaryong pagsuko. Ang naunang paglabas ng warrant of arrest ay hindi dapat gamitin laban sa pag-aangkin ng akusado ng boluntaryong pagsuko kung ang iba pang mga pangyayari ay nagpapakita na natugunan ang lahat ng mga rekisito, kabilang ang pagiging boluntaryo. Gayunman, kung alam ng akusado ang pagkakaroon ng warrant of arrest laban sa kanya at patuloy siyang umiwas sa batas, maaari nitong maalis ang pagiging boluntaryo at kusa ng kanyang pagsuko.
3. Maaaring maging batayan para itanggi ang pagiging kusa ng pagsuko ang haba ng panahong ginamit ng akusado para umiwas sa batas.
4. Hindi nawawala ang pagiging boluntaryo dahil lamang sa may posibilidad na maaresto ang akusado anumang oras bago siya sumuko. Ang napipintong pag-aresto ay dapat may kasamang palatandaan na ang akusado ay tumakas o maaaring patuloy na umiwas at magtago bago maikaila ang pagiging boluntaryo.
5. Dapat isaalang-alang ang layunin ng akusado sa oras ng kanyang pagsuko kasama ng iba pang mga pangyayari sa pagtukoy kung siya ay may karapatan sa mitigating circumstance. Hindi kinakailangang sumuko ang nagkasala sa unang pagkakataon.
6. Kung hindi malinaw sa mga rekord na kusang-loob na sumuko ang nagkasala, ito ay hindi maaaring ipasya pabor sa kanya.

Tungkol naman sa pagiging boluntaryo ng kanyang pagsuko, binigyang-diin ng Korte Suprema na kung nais niyang umiwas sa pag-aresto, hindi na sana siya bumalik sa NBI. Bagama’t para kumuha ng clearance ang una niyang pagpunta doon, ang kanyang pasyang bumalik kahit may posibilidad na may nakabinbing kaso laban sa kanya ay nagpapakita ng kanyang kahandaang makipagtulungan sa mga awtoridad.

Nilinaw din ng Korte Suprema na bagama’t alam niya ang tungkol sa nakabinbing kaso, walang patunay na alam niyang may nailabas nang warrant of arrest laban sa kanya. Binanggit din ng Korte ang kawalan ng anumang tangkang tumakas, ang hayagang paggamit niya ng kanyang tunay na pangalan, at ang kusang-loob niyang pagbabalik sa NBI.

Pinaalalahanan rin ng Korte Suprema ang mga hukom na iwasan ang minadali o padalus-dalos na pagbuo ng konklusyon.

Ibinaba ang parusa ng lalaki mula sa anim (6) na taon sa apat (4) na taon ng pagkakakulong bilang maximum.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160857.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160836.

Basahin ang Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/258592-formerly-udk-no-17170-concurring-opinion-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

25/02/2026

Muling iginiit ng na ang paghahalughog matapos ang isang legal na pag-aresto ay maaring sumakop sa mga bagay na nasa agarang kontrol ng akusado. Maaaring tanggapin ng hukuman ang anumang mga ebidensiyang makukuha sa paghahalughog kahit hindi ito lantad sa paningin ng mga umarestong pulis.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol na pagkakasala kay Jeryl Bautista dahil sa illegal possession of dangerous drugs under Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, as amended.

Naaresto sa isang buy-bust operation si Bautista. Matapos mahuli, kinapkapan siya ng mga pulis at nakuhanan siya ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng isang cellphone charger.

Depensa ni Bautista, hindi dapat tanggapin bilang ebidensiya ang mga karagdagang sachet dahil hindi ito lantad sa paningin ng mga pulis nang kumpiskahin ito noong siya’y naaresto.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na pagkakasala ng Regional Trial Court at Court of Appeals at isinantabi ang kanyang argumento. Paliwanag nito, hindi lamang ang plain view doctrine ang batayan para maging wasto ang isang warrantless search dahil maaari ring magsagawa ng paghahalughog sa isang taong naaresto nang naaayon sa batas.

Sa pangkalahatan, kinakailangan ang warrant sa paghahalughog at pagsamsam ng anumang ebidensiya. Kapag nagsagawa ang pulisya ng paghahalughog o pagsamsam nang walang wastong warrant, hindi maaaring gamitin sa hukuman ang mga ebidensiyang makukuha. Gayunman, may mga kinikilalang exception o pagpapaliban sa patakarang ito.

Isa sa mga ito ang plain view doctrine na nagpapahintulot sa pagsamsam ng ebidensiyang lantad sa paningin kung: (1) may legal na dahilan ang pulis na naroroon sa lugar kung saan nakita ang bagay; (2) hindi planado ang pagkakadiskubre nito; at (3) agad na malinaw na ang bagay ay may kaugnayan sa krimen o labag sa batas.

Isa pang kinikilalang exception ang warrantless search na kaugnay ng isang legal na pag-aresto. Para maging wasto, kinakailangang: (1) legal ang pag-aresto sa akusado; (2) isinagawa ang paghahalughog nang walang warrant matapos ang pag-aresto; (3) limitado ang paghahalughog sa katawan ng akusado at sa mga bagay na nasa kanyang agarang kontrol; at (4) isinagawa ito sa lugar ng pag-aresto.

Sa kasong ito, inaresto si Bautista sa isang buy-bust operation at siniyasat bilang bahagi ng pagkakaaresto sa kanya. Bagaman hindi lantad sa paningin ng mga pulis ang mga sachet na nakatago sa loob ng cellphone charger, sinabi ng Korte Suprema na wasto pa rin ang paghahalughog dahil isinagawa ito bilang bahagi ng isang legal na pag-aresto at sumasaklaw sa mga bagay na nasa agarang kontrol ng akusado sa oras ng pag-aresto.

Dahil napatunayan ng prosekusyon na: (1) may droga sa kanyang pag-iingat; (2) walang pahintulot ng batas ang naturang pag-iingat; at (3) ginawa ito nang may kaalaman at kusang-loob, hinatulan ng Korte si Bautista ng pagkakakulong ng hanggang 16 na taon at pinagmulta ng PHP 300,000.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=161226.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=161221.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


24/02/2026
23/02/2026

PUBLIC ADVISORY

This is to inform the public that Mr. Jayson B. Cacanindin is no longer connected with Canosa Law Office in any capacity.

Accordingly, any transactions, representations, or dealings made by him on behalf of the office shall not be recognized and are deemed unauthorized.

For any inquiries or official transactions, you may contact Canosa Law Office through the following mobile numbers: +63 917 165 2857 and +63 985 865 1932.

We appreciate your understanding and cooperation.

Thank you, and God bless.

25/10/2025

Paalala mula sa IBP: Protektahan ang sarili laban sa pekeng abogado.

Verify before you trust.

A win for our farmers. 🌱
25/10/2025

A win for our farmers. 🌱

𝐄𝐗𝐄𝐂𝐔𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐍𝐎. 𝟏𝟎𝟏, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟓

Directing the Full Implementation of Republic Act No. 11321 or the “Sagip Saka Act”

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/kRTuZh

24/09/2025

Good day, clients!

Our office is CLOSED on September 25-26. If you have any legal concerns, kindly contact us on our Facebook Messenger at Canosa Law Office page.

We sincerely apologize if we cannot cater your needs today until tomorrow. And to those who have an appointment, you can contact us on our mobile number if you want to reschedule your appointment. Thank you for your kind understanding.

Stay safe and dry. God bless.

22/08/2025

Nagpasya ang na ang pagkakabawi ng isang na-carnap na sasakyan ay hindi hadlang para matanggap ng may-ari ang kabuuang bayad sa ilalim ng insurance policy.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang UCPB General Insurance Co., Inc. (UCPВ) na bayaran si Wilfrido C. Wijangco (Wilfrido) para sa pagkawala ng kanyang ninakaw na sasakyan.

Tinutukan ng patalim ang anak ni Wilfrido na si Andrew sa isang paradahan ng mga armadong lalaki na tinangay ang sasakyan matapos siyang pagbantaan. Iniulat sa pulisya ang pagnanakaw at nagsampa si Wilfrido ng insurance claim sa UCPB at nagsumite ng lahat ng kinakailangang dokumento.

Sa kabila ng paulit-ulit na follow-up na ginawa ni Wilfrido, hindi inaprubahan ng UCPB ang kanyang paghahabol. Nagprotesta si Wilfrido sa pagkaantala at gumawa ng pormal na kahilingan laban sa UCPB.

Ipinaalam kalaunan ng UCPB kay Wilfrido na nabawi ang sasakyan ng Traffic Management Group (TMG) at ititigil ang kanyang claim hangga’t hindi naiisumite ang TMG clearance. Nang hindi umusad ang kanyang claim, nagsampa ng kaso si Wilfrido laban sa UCPB.

Pinagbigyan ang insurance claim ng Regional Trial Court (RTC) na nagsabing nagdulot ang pagnanakaw ng pananagutan sa UCPB kahit na nabawi pa ito. Nang binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang desisyon, iniakyat ang kaso sa Korte Suprema.

Ibinalik ng Korte Suprema ang desisyon ng RTC. Binigyang-diin nito na may nagawa nang pagnanakaw kapag labag sa batas ang pagkuha ng sasakyan. Hindi nabubura ng pagkakabawi ng sasakyan ang mismong pagnanakaw.

Sa ilalim ng Seksyon 249 ng Insurance Code, inaatasan ang mga insurer na magbayad ng mga claim sa loob ng takdang panahan matapos matanggap ang patunay ng pagkawala. Sa sandaling lumipas ang panahong ito at bago mabawi ang insured na sasakyan, magiging pinal ang pagbabayad ng insurer para sa pagkawala at hindi maaaring pilitin ang insured na tanggapin ang nabawing sasakyan.

Sa kasong ito, inihain ni Wilfrido ang kanyang katibayan ng pagkawala noong Oktubre 10, 2006, ngunit ipinaalam sa kanya ng UCPB ang pagbawi pagkalipas ng 162 na araw – higit pa sa 90-araw na legal na palugit. Hindi rin magamit ang sasakyan dahil nawawala ang ilang bahagi at may matinding pinsala kahit pa nabawi ito.

Inatasan ng Korte Suprema ang UCPB na magbayad kay Wilfrido ng PHP 1.8 milyon na insurance proceeds, kasama ang dobleng interes sa halaga. Inatasan din ang UPCB na magbayad ng PHP 180,000 bilang attorney’s fee at PHP 200,000 bilang danyos.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-recovery-of-carnapped-vehicle-does-not-bar-insurance-claim/.

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/257086-wilfredo-c-wijangco-represented-by-his-son-andrew-c-wijanco-vs-ucpb-general-insurance-co-inc/.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


‼️
27/06/2025

‼️

The (SC) has ruled that a land sale made through a verbal, unwritten agreement can be considered valid and binding—as long as it has been partly or fully carried out.

In a Decision written by Associate Justice Samuel H. Gaerlan, the SC’s Third Division upheld the verbal sale of land between Marcos Batara (Batara) and his nephew Benedicto Ocampo (Ocampo). Even without a written contract, the SC found the sale valid because Ocampo had already received the land title, moved into the property, and made improvements on it.

The land was registered in the name of Batara, who passed away in 1974. His children, Noblesa and Ernesto, only learned of their father’s ownership of the property in 2007, when they received a notice to pay unpaid real estate taxes on the land and found out that the same was being occupied by their cousin, Ocampo.

Noblesa and Ernesto filed a case to reclaim the land from Ocampo, saying they were the rightful heirs. Ocampo, on the other hand, claimed he bought the land from Batara while the latter was still alive. After Batara died, Ocampo kept paying installments to Marcelo, Batara’s brother.

Ocampo admitted that the sale was not evidenced by any written document because Batara died before they could execute the necessary instruments. But Ocampo provided the owner’s copy of land title as proof, claiming Batara gave it to him after the initial payment in 1972.

Ruling in Ocampo’s favor, the SC said that under the Civil Code, a sale of land must be in writing to be enforced in court. This written document serves as proof that both parties agreed to the sale.

However, the sale is still considered valid even without a written contract if it has already been fully or partly carried out. In such cases, a verbal agreement can still be legally binding, and witnesses may be allowed to testify to prove that the sale happened.

In this case, the sale was partially executed as Ocampo had partially paid for the land, taken possession of it, received the land title, and paid real property taxes. The SC thus admitted the testimonies of Ocampo and his witnesses, which proved the sale.

The SC, however, found that Ocampo’s payments to Batara’s brother Marcelo were ineffective because he was not authorized to accept them on behalf of his brother’s heirs.

Therefore, while the sale remains valid, Ocampo must pay the remaining balance of the purchase price, with interest, to Noblesa and Ernesto.

Read the full text of the Press Release at https://tinyurl.com/yeapyzcd.

Read the full text of the Decision at https://tinyurl.com/msxr7hsd.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

11/05/2025

Happy Mother's Day to all moms out there 🤍

Address

2nd Floor, Cabatic Bldg. , Sta. Lucia, Ilocos Sur
Narvacan
2704

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Canosa Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Canosa Law Office:

Share

Category