Atty. Dong Ba-alan

Atty. Dong Ba-alan Legal
Political
Economics
Education
Sports

12/04/2025

Ito ang totoong makatao at mapagmahal sa kanyang mga kababayan. Galit sa mga corrupt at abusadong kawani ng pamahalaan. Ang Idolo ng bayan, ang bagong pinuno ng Roxas, Palawan. Ito ang IBOBOTO ko.

21/08/2024

Gahamang Kuya

19/08/2024

GAHAMANG KUYA, NA AYAW HATIIN AT IBIGAY ANG TITULO NG LUPANG PAG-AARI NG NAMAYAPANG AMA, NA ANG TITULO AY NAKA PANGALAN SA INA. ANO BA ANG DAPAT GAWIN? ITO ANG REKLAMO NG BUNSONG KAPATID.

Attorney D**g meron pong naiwan na lupa yong yumao kong tatay na isang hektarya, pero buhay pa po ang nanay ko at marami akong kapatid, yong iba may asawa na at yong iba wala pa.

Apat na taon ng patay ang tatay ko at kasal sila ng nanay ko. Kasalukuyang sinasaka ng kuya ko ang nasabing lupa at sya rin po ang may hawak ng titulo nito. Sa madaling salita sya lang ang nasusunod sa lahat ng desisyon regarding sa lupa, mula noong mamatay ang tatay ko.

Gusto ng paghati-hatian ito naming magkakapatid pero ang sabi ng kuya ko sasakahin daw nya muna nya kaya kahit labag sa kalooban namin ay wala kaming nagawa.

Ngayon ang issue gusto ng nanay ko at ibang kapatid namin na hatiin na talaga ang lupa dahil lagi kaming pinagwawalaan at nilalait ng kuya kong ito.

Actually, sinabihan na sya ng nanay ko na wag ng galawin yong lupa at ihinto muna ang trabaho dahil hahatiin at aayusin na naming tio, pero imbes na sundin nya ang nanay ko ay tinuloy pa rin nya ang pagsasaka at pinagsisigawan at binastos pa nya ang nanay ko at ang sabi nya wala daw karapatan ang nanay ko at manahimik nalang daw.

Gusto nang kunin ng nanay ko ang titulo pero ayaw nya ibigay. Bayulinte kasi ang kuya ko kya natatakot ang nanay ko na patulan sya dahil senior citizen na ang nanay namin at sakitin na.

Sabi nya Atty. D**g, sya lang daw may karapatan sa lupa at balak nya ibenta at kanya lang ang pera. Yong titulo ay nka pangalan sa nanay namin at taga Nueva Eceja po kami.

Ang tanong ko Atty. D**g, ano kaya ang pwede ikaso sa kuya kong gahaman sa lupa at ano po kaya ang dapat gawin na hakbang ng nanay ko para maayos at mahati ang lupa?

Sagot Ni Atty. D**g Ba-alan:

Talaga namang marami sa ating nakatatandang kapatid at tila ay tinubuan na ng kasakiman at kinalimutan na ang kanyang obligasyon bilang panganay sa kanyang mga kapatid.

Ayon po sa batas, ang karapatan ng magkakapatid sa naiwang ari-arian ng kanilang magulang ay paghahatian po nila ito patas kung walang naiwang last will and testament ang magulang (Art 980, the Law on Succession, Civil Code of the Philippines)

Ayon po sa kaso ng Roman Catholic Bishop Of Tuguegarao vs. Prudencio, G.R. No. 187942, Sept 7, 2016, sinabi ng Korte Suprema na ang lahat ng anak ng yumao ay dapat na kasama sa hatian ng ari-ariang naiwang ng kanilang mga magulang. Ang anumang transaction may kinalaman sa nasabing ari-arian ng walang pagsangayon dito ang sinuman sa mga tagapagmana ay itinuturing na walang saysay at bisa.

Dahil ang dapat nating gawin sa ganitong pagkakataon ay dalahin po natin ang usapin sa barangay sa inyong bayan ayusin muna ang sigalot dahil wala pa tayong karapatan na dalahin ito agad sa husgado kung hindi po tayo dadaan sa proseso ng Katarugang Pambarangay ayong sa Sec. 408, Local Government Code at kung hindi natin nabigyan pansin ang tinatawag na “earnest effort to compromise” na requirement bago maghabla ang mga kapatid laban sa kanilang mga kapatid. Ang reklamong nararapat na idulog nyo sa husgado ay petition for judicial partition with damages.

(P**i share po para sa kabatiran din ng inyong mga kaibigan at kakilala dahil ang “ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”. Art. 3, Civil Code of the Philippines. Ipinababatid ko din po sa lahat ng humihingi ng payong legal sa atin na akin po itong inilalabas sa aking page at youtube account na Atty D**g Ba-alan).

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!Elsie Urbano-Briones Badua, Jonalyn Sangilan
09/07/2024

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!

Elsie Urbano-Briones Badua, Jonalyn Sangilan

07/05/2024

HINDI NAKA PAGBAYAD NG UPA SA BAHAY, PWEDE BANG PAALISIN?
Tanong at Pagsasaysay ni Angelina:
Sir matanong ko lang po. Kami po ay nag rerenta at may kulang na dalawang (2) buwan sa renta at past due sa bills. Ang gusto ng may ari may pupunta sa aming bahay kasama daw ng barangay para kuhain ang susi sa amin at kami ay pinapaalis na agad dahil may uupa na daw.
Pinaliwanag ko naman po sa kanya na wala pa kami agarang malilipatan at inaasikaso pa namin na makabayad ng mga past due at unahin yon. Pero gusto nya na kung hindi pa makabayad iwanan namin ang mga valuable things na pwede nila ibenta para sa pamabayad sa mga utang namin sa bahay.
Wala naman po kami mapag lalagyan pa ng mga gamit gawa ng kailangan namin unahin makabayad.
Kailangan na pagkuha ng susi sa amin kasabay na ilabas namin ang mga gamit eh wala pa po kami bahay na pwde malipatan.
Paano po kami hahanap ng bago malipatan ay kakailanganin din namin ng fund para sa paglipat. Kung hindi daw ay iaakyat nya sa police ang case namin. Tulungan mo po ako ano ang dapat na gawin. Taga Cavite po kami. Salamat po
Sagot ni Atty. D**g Ba-alan:
Ang usapan sa pag-uupa ng bahay o anumang gamit ay isang uri ng kasunduan na dapat ay matuwid na sinusunod ng magkabilang panig. Ang may-ari ng bahay o gamit ay tinatawag na “lessor”. Yong umuupa naman ay tinatawag na “lessee”.
Ayon po sa batas, isa sa obligasyon ng lessee ay bayaran ang upa (Art. 1657, the Law on Lease, Civil Code of the Philippines). Obligasyon naman ng lessor na siguruhin na mapanatiling maayos ang bahay o gamit na inuupahan.
Kung hindi po makakabayad ng upa, ang lessee ay maaaring ipawalang saysay at bisa ng lessor ang nasabing kasunduan at paalisin sa nasabing bahay ang lessee. Maliban sa pagpapaalis sa lessee ay maari din itong pagbayarin ng damages ng lessor dahil sa ginawa ng lessee na hindi pagbabayad ng upa. (Art. 1659, the Law on Lease, Civil Code of the Philippines).
Subalit hindi po dapat ilagay ng lessor sa kanyang mga kamay at sapilitan nitong paalisin ang lessee na hindi nakakabayad ng upa. Dahil kung ito po ay gagawin ng lessor, sya ay maaarin pong makasuhan ng “sapilitang pagpapaalis” o “forcible entry” at “pamimilit sa isang tao na gawin ang isang bagay na ayaw nyang gawin” o “grave coercion” ng lessee.
Ang tama, at naaayon sa batas, na dapat gawin ng lessor ay magharap po ng reklamong “unlawful detainer” sa husgado laban sa lessee.
Husgado lamang po ang pwedeng mag paalis sa lessee. Aatasan din ito, ng husgado na bayaran ang renta, kasama na dito ang attorney’s fee at damages bilang bayad sa hindi pagtupad ng lessee ng kanyang obligsyon ayon sa kanilang naging kasunduan.
Sa kaso ni Angelita, bagaman at talagang mahirap po ang buhay, pero hindi naman pwede na ipatong natin sa iba ang kahirapan natin. Dahil ang pagpapa-arkila ng bahay ay isang uri din ng hanap buhay at maaaring yon din lang ang inaasahan ng nagpapaupa.
Dahil dito, marapat lamang na bayaran po ninyo ang upa para hindi na kayo makasuhan pa ng may-ari ng bahay na inyong inuupahan. Pwede din po kayong makiusap sa may ari ng bahay na bigyan kayo ng pagkakataon na makabayad at wag muna paalisin.
Pero kung hindi po papayag ang may-ari ng bahay na inyong inuupahan ay wala po kayong magawa kundi ang umalis na lamang dito.
(P**i share para sa kabatiran din ng inyong mga kaibigan at kakilala dahil ang “ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”. Art. 3, Civil Code of the Philippines. Ipinababatid ko din po sa lahat ng humihingi ng payong legal sa atin na akin po itong inilalabas sa aking page at youtube account na Atty D**g Ba-alan)

07/05/2024

MISIS NA DIVORCE SA MUSLIM NA MISTER PINAGBABANTAAN NA IDEDEMANDA NG ADULTERY, KAPAG HINDI IBINIGAY ANG ANAK SA CUSTODY NITO

Tanong at Pagsasaysay ni Mary Bebs

Good morning po Atty. D**g, hihingi lang po sana ng advice kung ano po ba dapat kong gawin, may isa po akong anak (illegitimate) 7years old na babae, at hiwalay na po kami ng ex-husband ko 4years ago na. Then, this year po ay totally divorced na kami, at ako po ay may bago na pong partner at may anak na rin po.

Ngayon po, nag-chat po itong si ex-husband ko at nire-request nya na ibigay ko daw sa kanya ang custody ng anak namin. Nasa abroad po sya at pag hindi ko daw po binigay, baka masayang lang daw po yong ginastos ko sa divorce at kakasuhan daw po nya ako, kaso babae po kasi anak namin.

Before po kasi kami nag hiwalay nitong ex-husband ko ay may itinago po sya na scandal video ko. Kinunan nya kami ng video ng best friend ko after bathing at habang nagbibihis po ako at insinet-up daw nya yong camera ng laptop nya noong araw na yon sa kwarto ng best friend ko.

That time po kasi nandoon kami sa house ng best friend ko dahil namasyal po kami. Tinago nya po itong video na ito ng 7-month at dinala nya pa ito sa abroad noon, kaya hangga't maaari po sana ayokong ibigay ang anak ko sa kanya. Hindi ko naman ipinagdadamot anak ko sa kanya, pero ang gusto nya sa kanya ang custody ng bata.

Atty. D**g, ano po kaya ang maipapayo nyo. Lagi nya po kasi panakot na pag uwi nya daw dito sa Pilipinas ay magpa-file daw po sya ng adultery case kung hindi ko daw ibibigay ang anak ko sa kanya. Ang sakit lang sa part ko bilang nanay attorney, hoping mapansin po itong post.

Muslim po kami ng ex-husband attorney at last 2019 po kami kinasal sa muslim, balik islam po kami.

After 1-month po naming ikinasal ay nagpunta po ako abroad, then nag hiwalay na din po kami, at hindi po kami nagsama noong kasal na kami. This year lang po na grant ang divorced decree namin ng sharia court.

Sagot ni Atty. D**g Ba-alan:

Mukhang biktima ng blackmail ang katoto nating si Mary Bebs na sa naisin nitong itama ang kanyang nagawang pagkakamali ay nagawa naman syang biktimahin ng kanyang dating asawa sa pamamagitan ng pagkuha ng isang video matapos maliligo at habang nagbibihis sa bahay ng kanyang best friend.

Bagama’t hindi binangit ni Mary Bebs pero nararamdaman natin na marahil ay may halong hindi kanais nais na nilalaman ang videong sinasabi nito.
Ayon po sa batas, ang pagkuha ng larawan, o video, ng ilang masisilang bahagi ng katawan ng isang tao, maging ito man ay babae o lalaki, ng walang pahintulot mula dito ay isang krimen na tinatawag na “photo or video voyeurism” na pinarurusahan sa ilalim ng RA 9995.

Maging ang paglalabas nito sa internet, cellphone, at kahalintulad na kagamitan ay pinarurusahan din sa ilalim ng nasabing batas. Hindi din po ito pwedeng ilabas at gamiting ebidensya sa anomang uri ng imbestigasyon at sa alin mang husgado dito sa Pilipinas.

Dahil dito ay walang dapat ikabahala ang ating katutung si Mary bebs. Kaya, ikaw na ungoy ka na kumuha sa larawang binabangit ni Mary Bebs mas mainam na wasakin at sirain mo na ang nasabing video dahil oras na umuwi ka sa pilipinas ay maaring makakuha ng search warrant si Mary Bebs laban sa iyo at makuha ang nasabing ebidensya at ikaw ay maaaring mapanagot sa ilalim ng nasabing batas at makulong ng haggang pitong (7) taon, o kaya ay mag multa ng hangang Limang Daang Libong (Php500,000.00) Piso.

Gayon pa man Mary Bebs, ang isang babaeng muslim na ikinasal sa ilalim ng muslim rites at muslim law, bago makapag-asawang muli, matapos na maibigay ang divorce decree, ay dapat nitong sundin ang tadhanain ng Muslim Code, na nagsasabi na dapat muna itong mag-antay ng tatlong (3) buwan. Ang tawag po dito ay “idda”.

Ang babaeng muslim na nag-asawa ng hindi pa tapos ang pagsasagawa ng idda ay maari naman makulong ng anim (6) buwan o kaya ay pagmultahin ng korte ng halagang two hundred (200) pesos ayon sa Art. 183, Muslim Code of the Philippines.

Ayon pa din sa nasabing batas, ang custody ng batang muslim, kung ito ay wala pang pitong (7) taong gulang, ay dapat na mananatili sa ina nito, pero kung ang bata ay lampas na sa pitong taon pero wala pa ito sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinta, ang bata ay bibigyan ng pagkakataon na mamili kung saan magulang sya sasama.

Subalit, kung ang batang muslim ay isang babae at sumapit na ito sa idad ng pagdadalaga ay dapat na nasa kustudiya na ito ng kanyang ama; at, kung ang bata ay lalaki at sumapit na ito sa idad ng pagbibinta ang kustudiya naman nito ay kanyang ina mapupunta, yan ay ayon sa Art. 78, Muslim Code of the Philippines.

(P**i share din po ang item na ito para magbigay kaalaman at aral din ito sa inyong mga kaibigan at kakilala dahil ang “ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”. Art. 3, Civil Code of the Philippines. Mayroon din po akong radio program sa THUNDER NEWS PHILIPPINES NARRA, 93.1 FM at mapapakingan ng live thru Bigo Live nito every Saturday morning. Ipinababatid ko din po sa lahat ng humihingi ng payong legal sa akin, na ang mga ito po inilalabas ko sa aking page at facebook account, ganoon din sa akin youtube channel na Atty. D**g Ba-alan)

31/12/2023

Mister Na Kasal Sa Katolikong Misis, Nag File Ng Divorce Sa Islam at muling nag pakasal, maaari bang makasuhan.

Tanong At Pagsasaysay Ni Gina:

Attorney D**g, tanong ko lang, kasal kasi kami ng asawa ko sa katoliko at hindi kami muslim. Nag file sya ng divorce sa Shari'a law, kasi nag convert daw sya sa Islam ayon doon sa nasaad na papel nya.

Napanood ko po yong isang video post nyo attorney sa youtube. Yong sa akin naman asawa ko nag file ng divorce ayon sa Shari'a law di kami kasal sa muslim, legal po ba yon?

Kinasal kami noong February 2012 at may dalawa kaming anak. May kabit sya at na nasa bansang Qatar sila ngayon. May anak na din sila, pero nasa Probinsya ng Capiz ang mga ito.

Since OFW ako dito sa Kingdom of Bahrain hindi ako maka file ng case sa kanila. Thirty-three (33) years old na ako at tubong South Cotabato. Nakuha nya ang divorce paper nya sa North Cotabato, dyan sa Pilipinas, doon kasi sya ng file ng petition. Pwede ko ba sila makasuhan attorney?

Nagkahiwalay kami dahil nag abroad sya pero nag bago sya. Iniwan nya kami ng mga anak ko. Ang mga anak namin ay nasa pangagalaga ng nanay ko ngayon. Ang gusto kong mangyari ay kasuhan sila, makabawi man lang ako sa kanila, kahit di sila ma deport basta mabahidan ko mga pangalan nila.

Gusto ko lang po na kahit andito ako may mga kaso na sila if ever uuwi sila ng Pilipinas di na sila makakabalik pa, salamat at sorry sa abala.

Sagot Ni Atty. D**g Ba-alan:

Dito sa continente ng Asia, ang bansang Pilipinas nalang ang walang batas sa divorce, maliban sa mga Filipinong muslim na ikinakasal sa ilalim ng muslim law at muslim rites.

Ayon po Muslim Code of the Philippines, ang isang mister na muslim ay pwedeng mag-asawa at magpakasal ng mahigit sa isa basta kaya nitong asikasuhin at tratuhin ang mga ito ng parehas ayon kulturang muslim (Sulu Islamic Association of Masjid Lambayong vs. Malik, A.M. No. MTJ-92-691, Sept 10, 1993).

Hindi lamang po pagpapakasal ng mihigit sa isa ang pinapayagan sa nasabing batas, dahil pinapayagan din ang divorce sa ilalim nito.

Ayon sa naturang batas, mayroon pong pitong (7) ground kung saan pwedeng maghain ng divorce petition ang isang muslim: Una, pagtangi ng mister na muslim na makatatalik ang kanyang misis; Pangalawa, pagtatwa ni mister sa pakikipagtalik; Pangatlo, pagririto sa misis sa mga kamang-anak ni mister; Pang-apat, pagpaparatang sa misis ng reklamong pakikiapid; Panglima, pagsasauli ng misis ng dowry; Pang-anim, pagbibigay karapatan ng mister kay misis na pwede nyang i-divorce si mister, at Pangpito, ayon sa kautusan ng husgado dahil sa hindi pagbibigay suporta kay misis, impotency ni mister, at iba pang katulad nito (Pacasum vs. Zamoranos, G.R. No. 193719, March 21, 2017).

Subalit upang maigawad ang divorce decree ay kinakailang munang mag-file ng argabyadong muslim ng kahilingan sa Shari'a Circuit Court ng petition na humuhiling na pawalang saysay ang kanilang kasal, at matapos maigawad ito ng korte ay saka palang magkakaroon ng karapatan ang isang muslim na muling magpakasal sa iba.

Subalit para maigawad ang divorce at maging balido ito, ang magsing-irog ay dapat parehong muslim, o kaya si mister ay muslim, at ikinasal sila sa ilalim ng muslim law at ayon sa muslim rites.

Ayon sa isang bigamy case, sinabi ng Korte Suprema na ang isang muslim ay walang karapatan ng mag-asawa ng higit sa isa, maliban kung kaya nitong pakisamahan ang mga ito at tratatuhin ito ng pantay, maayos at tama ayon sa islamic law (Malaki vs. People, G.R. No. 221075, Nov 15, 2021).

Sinabi pa ng Korte Suprema na ang sinumang kasal sa isang civil marriage na nag-convert sa islam at nakipagkasundong muling makasal sa iba, kahit ang kanyang unang kasal ay hindi dissolved at may bisa, ay nagkakasala sa kasong bigamy. Ang pagpapakonbert sa relihiyong islam ay hindi nag-aalis dito sa anumang criminal liability.

Sinabi pa ng Kataastaasang Hukuman, na ang divorce decree, ayon sa muslim code, ay may bisa lamang kung ang kasal ay isinagawa sa pagitan ng parehong muslim, o dili kaya si mister ay isang muslim at ito isinakatuparan ayon sa muslim law at muslim rites. (Zamoranos vs. People, G.R. No. 193902, June 1, 2011)

Ayon pa Korte Suprema, na bagama’t ayon sa muslim code ay hindi maaaring makasuhan at makulong ang isang muslim kung ito ay magpapakasal ng mahigit sa isang beses, subalit ang batas na ito ay para lang sa mga muslim at yaong kasal sa ilalim ng muslim law at tradition. Dahil dito, wala pong bisa ang anumang divorce decree kung ang partidos dito ay katoliko, at hindi muslim, at ang kasal ay isinagawa ayon sa catholic rites at hindi ayon sa muslim rites.

Sa kaso ni Gina, dahil sila ng kanyang mister ay kasal sa katoliko at hindi ayon sa seremonyang muslim, ang divorce na nakamit ng kanyang mister ay walang bisa at ang muling pagpapakasal nito sa ibang babae, kahit pa ito ay isinagawa ayon sa muslim law at muslim rites, gayon hindi pa napapawang bisa ang kanilang kasal, ay labag sa batas at ang kanyang mister ay maaaring mapanagot at makulong sa salang bigamy na pinarurusahan, ayon sa Art. 349, Revised Penal Code of the Philippines. (Malaki vs. People, G.R. No. 221075, Nov 15, 2021)

(P**i share para sa kabatiran din ng inyong mga kaibigan at kakilala dahil ang “ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”. Art. 3, Civil Code of the Philippines. Ipinababatid ko din po sa lahat ng humihingi ng payong legal sa atin na akin po itong inilalabas sa aking page at youtube account na Atty D**g Ba-alan)

06/12/2023

BAKLANG JOWA BINABAWI ANG LAHAT NG REGALONG IBINIGAY, ANO ANG DAPAT GAWIN.

Tanong at Pagsasalaysay ni Papa Frank:

Atty. D**g, nag karoon kasi ako ng jowa, tapos magkaroon ako ng utang sa kanya pero sinabi ko naman na hulugan ko sya this month ng kalahati tapos next month yong kalahati.

Kaso minura-mura nya ako sa chat at kung ano-ano sinasabi nya sa akin kaya sabi ko sa kanya, mag hiwalay na kami pero yong utang ko babayaran ko sa kanya.

Kasi post sya ng post ng mga picture namin sa social media tapos add sya ng add ng mga kakilala ko.

Yong mga binigay nya binabawi nya. Kahit yong bigay nya na pera para sa load. Ang utang ko lang sa kanya ay 14,700 lang. Tapos binabawi nya lahat ultimo yong nabigay niya attorney. Kahit mga gamit na niregalo nya binabawi nya. Tapos mag papa brgy daw sya para bawiin lahat at tubuan pa.

Ano pwede kong gawin attorney? Bali ang naging jowa ko ay bakla. Pareho kaming lalaki. Sya po ang hindi totoong lalaki.

Nagkautang ako sa kanya kasi ang sabi niya sa kanya nalang ako umutang para daw wala ng tubo. Ang utang ko lang kasi sa kanya ay Php14,700 lang. Pero yong mga nabigay nya na pera na naitulong sa akin, pati yon binabawi nya na din. Tapos tutubuan pa daw nya kaya naging Php40,000 na daw yon lahat. Mga gamit na iniregalo nya na binigay sa akin binawi nya na.

Wala kaming kasulatan tungkol dito bali siya lang ang nagsulat sa papel, kasama na yong mga nabigay nya lahat-lahat sa akin isinama nya para daw ipapakita nya sa brgy. Wala pa naman kami sa brgy, mag papa schedule palang po daw siya ngayon.

Kaya ako nakikipag hiwalay sa kanya kasi lahat na ng mga kaklase at friends ko pinag a-add nya sa facebook tapos lahat ng kilos ko inaalam nya at chinachat nya mga kakilala ko.

Then, pag galit siya nag popost ng mga picture namin tapos kung ano-ano pa po.

Sagot ni Atty. D**g Ba-alan:

Mahirap talagang ipaliwanag ang takbo ng mundo ngayon dahil kahit kapwa lalaki ay napapaibig sa kapwa lalaki, wala naman pong bawal dito sa mata ng ating batas at hindi nito pinaparusahan ang ganitong relasyon.

Subalit ang utang ay utang at ang bigay ay bigay.

Ayon sa batas, ang anumang uri ng inutang ay dapat na bayaran ng katumbas din halaga (Art 1953, the Law of Loan, Civil Code of the Philippines).
Hindi po ito pwedeng patungan ng interest kung wala namang pinag-usapan na papatungan at lalagyan ito ng interest. Ayon pa sa nasabing batas, ang interest, upang maging balido at maipatupad, dapat ang kasunduan ng pagbabayad nito ay nakasulat (Art. 1956, the Law of Loan, Civil Code of the Philippines). Kung hindi ito nakasulat, ito ay walang bisa at saysay.

Ang bigay naman ay tinatawag na “gratis”, o kusang loob, at ang nagbigay ay hindi nag-iisip na ito ay babayaran, at ang binigyan ay hindi din nag-iisip na ito ay obligsyon nyang bayaran. Sa simpleng salita ito ay donation (Art 726, the Law on Donation, Civil Code of the Philippines).

Dahil dito si Papa Frank ay walang obligasyong bayaran o ibalik ang anumang ibinigay sa kanyang ng kanyang baklang jowa. Subalit, obligasyon naman ni Papa Frank na bayaran ang anumang utang nito ng walang patung na interest para sa nasabing halaga.

Ang pagpo post ng magkasama sila ng kanyang baklang jowa ay hindi naman po ito labag sa batas lalo pa kung hindi naman malaswa ang nasabing post.

(P**i share para sa kabatiran din ng inyong mga kaibigan at kakilala dahil ang “ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”. Art. 3, Civil Code of the Philippines. Ipinababatid ko din po sa lahat ng humihingi ng payong legal sa atin na akin po itong inilalabas sa aking page at youtube account na Atty D**g Ba-alan)

24/09/2023

MAY SHARE BA ANG EX-WIFE SA MGA ARI-ARIANG NAPUNDAR NILA NG KANYANG EX-HUSBAND KAHIT HINDI SILA KASAL.

Tanong at Pagsasaysay Ni Rachel:

Good morning, Atty. D**g yong motor ay naka pangalan sa ex-mister ko pero di kami kasal at may anak kami pero nasa nanay nya yong mga bata gusto ko po sana kunin yong mga ari-arian at anak ko ano kaya maipapayo nyo sa akin?

Hindi po kami kasal pero may pundar po kaming dalawa bago kami nag nag hiwalay na bahay at tricycle po. Magkapareho kami nag hirap at nag trabaho sa pagbili nito.

Sagot Ni Atty. D**g Ba-alan:

Rachel, ang usapan tungkol sa mga ari-arian ng lihitimong mag-asawa ay depende sa kung ano ang naging usapan nila bago pa man sila ikinasal. Ito ay tinatawag na “marriage settlement” ayon sa Art. 75, Family Code of the Philippines.

Ang magsing irog, bago ang kasal, ay maari nilang pagkasunduan na ang property relation na gusto nilang masunod sa kanilang pamumuhay ay maaring ang: una, absolute community of property; pangalawa, conjugal partnership of gain; at pangatlo, ay ang complete separation of property. Ito ay ayon sa Art. 74, Family Code.

Ayon sa batas, kung walang naging kasuduan sa kanilang mga ari-arian bago ang kasal, ang masusunod na sistema ay ang tinatawag na “absolute community of property”.

Ang “absolute community of property” ay isang uri ng sistema ng property relation ng mag-asawa kung saan ang lahat ng ari-arian ng bawat isa, sa oras ng kanilang kasal, ay magiging pag-aari na nilang dalawa, kasama na dito ang lahat ng kinita nila sa Negosyo at sweldo. Kung sakaling ma dissolved ang kasal, ito ay hahatiin nilang mag-asawa ng pantay, o 50-50. (Art. 102, Family Code)

Maaaring ma dissolved ang absolute community of property, kung maideklarang walang bisa ang kanilang kasal, o kung mayroong legal na paghihiwalay ang mag-asawa, o kaya ay pumanaw na ang isa sa kanila. (Art. 99, Family Code)

Halimbawa, si Maria ay mayroon isang milliong piso sa kanyang banko at ang magiging mister nitong si Jose ay mayroon lang isang libo sa kanyang bank account, ang salaping ito ay awtomatikong magsamanib at magiging pag-aari na nilang dalawa sa oras na ikinasal sila.

Kung sakaling mapawalang saysay sa bandang huli ang kanilang kasal at ito pa din ang kanilang pera, ito ay paghahatian nilang dalawa ng pantay. Ibig sabihin si Maria ay tatangap nalang ng halagang Php500,500.00 at ang salaping mapupunta naman kay Pedro ay Php500,500.00 din.

Ganito din ang hatian sa lahat ng kanilang kinita mula sa kani-kanilang sweldo, o income mula naman sa kanilang negosyo.

Sa kaso ng mga nagsasamang mag-asawa ng hindi kasal, ang sistema ng kanilang property relation ay yong tinatawag na “co-ownership”.

Sa sistemang ito, ang tanging sakop ng ari-arian ng mag-asawa ay yong lang kinita nila sa kanilang sweldo sa trabaho. Kung sakaling maghiwalay na sila, ang lahat ng kanilang naipon na propidad ay hahatiin nila batay sa kanilang naging contribution sa bawat isa.

Halimbawa, kung sila ay nakabili ng sasakyan at nakapagtayo ng bahay sa binili nilang lupa, na may kabuoang halagang ibinyad at ginastos sa mga ito na one million pesos, ito ay itinuturing na pag-aari nilang dalawa bilang co-owners nito.

Kung si lalaki ay nagbigay ng kabuoang halaga na 300,000 at si babae ay may kontribusyon dito na 700,000, ang halagang ding ito ang mapupunta sa bawat isa kanila sa oras na sila ay magkasundo ng maghiwalay. Subalit kinakailangan nilang magpakita ng ebedinsya ng kani-kanilang kontribusyon para dito.

Kung sakaling wala silang maipakitang ebedinsya, ito ay hahatiin nila ng 50-50.

Ayon pa sa Korte Suprema sa kaso ng Buenaventura vs. Court of Appeals, GR No. 127358, March 31, 2005, kung wala mang aktwal na halagang naiambag dito ang isa sa magsing-irog, ang pangangalaga at pag-aasikaso dito ay maituturing na kontribusyon nito.

Dahil dito, si Rachel ay mayroong karapatan at makukuhang share sa naipon nilang ari-arian ng dating nito mister.

(P**i share para sa kabatiran din ng inyong mga kaibigan at kakilala dahil ang “ignorance of the law excuses no one from compliance therewith”. Art. 3, Civil Code of the Philippines. Mayroon din po akong radio program sa THUNDER NEWS PHILIPPINES NARRA, 93.1 FM at mapapakingan ng live thru Facebook Live nito every Saturday morning. Ipinababatid ko din po sa lahat ng humihingi ng payong legal sa atin na akin po itong inilalabas sa aking page at youtube account na Atty D**g Ba-alan)

12/09/2023

Address

Narra
5308

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Dong Ba-alan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Atty. Dong Ba-alan:

Share

Category