21/09/2026
Nakaka-frustrate kapag naibigay na ng business ang produkto o serbisyo, pero paulit-ulit pa ring ipinagpapaliban o iniiwasan ang bayad. Hindi lamang kita ang apektado, pati cash flow, operating expenses, at ibang obligasyon ng negosyo.
Hindi palaging kaso agad ang unang hakbang. Makabubuting kumonsulta muna sa abogado upang masuri ang contract, invoices, proof of delivery, payment terms, communications, at anumang dahilan ng customer sa hindi pagbabayad.
Mula rito, maaaring matukoy kung mas praktikal ang formal demand, maayos na payment arrangement, o collection case.
Mas mabuting humingi ng legal advice habang maaari pang maprotektahan ang ebidensya at mapili ang pinakamabisang paraan para maningil.