Laus & Rosales Law Offices

Laus & Rosales Law Offices Notary Public

NEW OFFICE HOURS*Visit us at our:MEXICO OFFICE: Unit 7, 2nd Floor, EC Building, JASA, Lagundi, Mexico, Pampanga (https:/...
02/02/2026

NEW OFFICE HOURS*

Visit us at our:

MEXICO OFFICE: Unit 7, 2nd Floor, EC Building, JASA, Lagundi, Mexico, Pampanga (https://g.co/kgs/7z5V6VA); or

SAN SIMON OFFICE: MacArthur Highway, San Agustin (Tulaoc), San Simon, Pampanga (near LTO and PTT Gas Station: https://g.co/kgs/6kTQBwC).

You may also contact us at +639954301868 / +639686622136 or [email protected].

*effective until further notice

11/07/2025

ALAM MO BA? Naglabas ng bagong guidelines ang Philippine Clearing House Corporation (PCHC) sa pagsusulat ng tseke.

Ginawa ang mga pagbabago at standardized ang format para sa mas mabilis at maayos na pagproseso ng tseke. Kapag pare-pareho at malinaw ang format, mas mabilis ma-verify at ma-clear ang tseke.

Sinimulan itong ipatupad noong 01 Hulyo 2025.

Narito ang mga mahahalagang pagbabago:
✅ Tamang date format
• MM-DD-YYYY
• M-DD-YYYY
• MM-D-YYYY
✅ Tamang pagsulat ng amount in figures:
• Walang mga dagdag na simbolo tulad ng ₱, *, -, at _
• Gumamit ng comma (,) para paghiwalayin ang libo, milyon, atbp.
• Gumamit ng period (.) bago mag sentimo.

Basahin ang buong Memorandum Circular sa PCHC website: https://www.pchc.com.ph/news-1/mc.3887.clarifications-on-strict-enforcement-of-the-non-acceptance-of-checks-with-invalid-date-format-and-unnecessary-special-characters_symbols-in-the-amount-in-figures

02/07/2025

Hinatulan ng na guilty sa simple theft o pagnanakaw ang mga manager ng isang pizza restaurant dahil sa pagbulsa ng mga service charge na dapat sana ay ibinahagi sa kanilang mga kapwa empleyado.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., pinatawan ng Second Division ng Korte ang mga manager ng Shakey’s branch sa Angono, Rizal na sina Janice Teologo at Jennifer Delos Santos ng parusang anim na buwang pagkakakulong at inutusan silang bayaran ang kapwa nila empleyado ng kaukulang parte nila ng service charge kasama ang interes.

Isa sa mga trabaho nina Teologo at Delos Santos bilang manager ay ibigay ang sweldo at bahagi ng service charge ng kanilang mga empleyado.

Taong 2009 nang magsumbong ang mga empleyado ng Shakey’s sa Angono, Rizal sa Big G PhilFoods & Entertainment, Inc. (Big G), may-ari ng nasabing sangay ng Shakey’s, na hindi nila natatanggap ang kanilang bahagi ng service charge. Dagdag pa nila, kahit wala silang natanggap, napilitan silang pumirma sa mga dokumento ng payroll dahil ayon sa mga manager, patakaran umano ito ng kumpanya.

Hinatulan ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals ang mga manager, kabilang ang dalawang hindi pa nahuhuli, ng qualified theft dahil sa kabiguang ipamahagi ang service charge at pag-abuso sa tiwala ng kanilang employer, ang Big G.

Pero binago ng Korte Suprema ang hatol at ginawang simple theft na lang.

Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang theft o pagnanakaw ay nangyayari kapag ang isang tao ay kumuha ng isang bagay na pag-aari ng iba nang walang pahintulot, na may layong makinabang mula dito, nang hindi gumagamit ng karahasan o puwersa. Nagiging qualified theft kapag may nasasangkot na pag-abuso sa tiwala o kumpiyansa ng employer.

Sa kasong ito, ibinulsa ng mga manager ang service charge na nakalaan sana para sa kapwa nila empleyado. Ang mga biktima sa kasong ito ay ang mga empleyado at hindi ang employer. Dahil walang special trust relationship sa pagitan ng mga manager at rank-and-file na manggagawa, walang pang-aabuso sa tiwala o kumpiyansa upang maging qualified ang pagnanakaw.

Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/5458j2j6.

Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/56unjbn7.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


26/06/2025

Nagpasya ang na ang kawalan ng kakayahan ng isang asawa na mahalin ang kabiyak o magkaroon ng emosyonal na koneksyon sa kanya dahil sa isang personality disorder ay maaaring ituring na ebidensya ng psychological incapacity at maging batayan para ideklarang walang bisa ang kasal.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, kinatigan ng Second Division ng Korte ang naunang pasya ng Regional Trial Court (RTC) na nagdeklarang walang bisa ang kasal ng mag-asawa dahil sa psychological incapacity ng lalaki na gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang asawa.

Nagkakilala ang mag-asawa noong 1999 at palihim na nagpakasal noong 2002. Hindi sila agad nagsama dahil nagtrabaho ang lalaki sa Saudi Arabia. Kinasal sila sa simbahan noong 2004 nang umuwi ang lalaki pero umalis ulit ito sa Pilipinas. Bumalik sa bansa ang lalaki noong 2005 at silang mag-asawa ay nagsama paminsan-minsan at nagkaroon ng dalawang anak — isang lalaki noong 2007 at babae noong 2012. Nagsama lamang sila ng halos limang taon at ang pagsasama ay puno ng paulit-ulit na pagtatalo at hiwalayan.

Noong 2016, nagsampa ng petisyon ang lalaki para mapawalang-bisa ang kasal. Nagsumite sya ng diagnosis ng isang psychologist tungkol sa kanyang Passive-Aggressive Personality Disorder na naging dahilan para mahirapan siyang mapanatili ang kanyang malalapit na relasyon.

Pinagbigyan ng RTC ang petisyon pero binaliktad nito ang naging desisyon matapos umalma ang Office of the Solicitor General dahil sa due process. Kalanaunan ay isinantabi ng Court of Appeals ang apela ng asawa.

Pero nagpasya ang Korte Suprema pabor sa lalaki at sinabing napatunayan nito ang kanyang psychological incapacity.

Sa ilalim ng Article 36 ng Family Code, ang kasal ay walang bisa kung ang isa o parehong mag-asawa ay hindi kayang gampanan pyschologically ang kanilang mga tungkulin sa pag-aasawa kahit pa ang kundisyon na ito ay lumantad lang pagkatapos ng kasal.

Ang kawalan ng kakayahang magmahal ay dapat na malalim na nakaugat sa karakter ng tao at dapat na umiiral bago pa ang kasal.

Sa kasong ito, sinabi ng Korte na ang emotional detachment ng lalaki ay dahil sa strikto at emotionally distant na pagpapalaki. Bagamat kaya niyang tustusan ang kanyang pamilya, nahirapan siyang tugunan ang emosyonal na mga pangangailangan ng kanyang asawa.

Basahin ang buong press release sa https://tinyurl.com/2zjba472.

Basahin ang buong Desisyon sa https://tinyurl.com/8e67mcme.

Basahin ang Dissenting Opinion ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez sa https://tinyurl.com/56e9rs43.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


25/06/2025

Iginiit ng na ang pag-amin ng isang biktima na siya ay nasa isang relasyon sa nang-abuso sa kanya ay hindi nagpapahiwatig ng pagpayag sa pakikipagtalik. Dapat malinaw ang katibayan na may pahintulot.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez, hinatulang guilty ng Second Division ng Korte si Jhopet Hernandez Toralde (Toralde) sa panggagahasa sa isang 14-anyos na babae.

Ginamit ni Toralde ang “sweetheart theory” bilang depensa at sinabing hindi niya pinilit ang biktima na makipagtalik sa kanya dahil sa sila ay nasa isang romantikong relasyon.

Si Toralde ay hinatulan ng Regional Trial Court na guilty sa sekswal na pang-aabuso sa ilalim ng Anti-Child Abuse Law (Republic Act No. 7610). Ang desisyon ng RTC ay pinagtibay ng Court of Appeals.

Bagamat pinagtibay ang hatol na guilty, sinabi ng Korte Suprema na si Toralde ay nagkasala ng panggagahasa sa ilalim ng Revised Penal Code dahil kumpleto ang lahat ng elemento ng krimen, kabilang ang paggamit ng mga pagbabanta at pananakot para sa sapilitang pakikipagtalik.

Tinanggihan ng Korte ang depensa ni Toralde at binigyang diin na ang pagkakaroon ng isang relasyon ay hindi nagbibigay ng karapatan para sa sapilitang pakikipagtalik. Dagdag pa nito, ang depensa ng pagkakaroon ng isang romantikong relasyon ay hindi sapat at kailangang may malinaw na katibayan ng consent o pagsang-ayon.

Si Toralde ay sinentensiyahan ng parusang reclusion perpetua o maximum na 40 taon na pagkakakulong at inutusang bayaran ang biktima ng PHP 225,000 bilang danyos.

Basahin ang buong press release sa https://tinyurl.com/nvpvv9fm.

Basahin ang buong Desisyon sa https://tinyurl.com/6tzma4tx.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Our Mexico and San Simon Offices will be open tomorrow, June 6, 2025, from 8:00AM to 4:00PM.
05/06/2025

Our Mexico and San Simon Offices will be open tomorrow, June 6, 2025, from 8:00AM to 4:00PM.

21/05/2025

The (SC) has reiterated that the children remain legitimate even if their parents’ marriage is later declared null and void due to psychological incapacity.

In a Decision written by Associate Justice Jhosep Y. Lopez, the SC’s Second Division modified the ruling of a Regional Trial Court (RTC) that declared a child illegitimate following the nullity of her parents’ marriage.

The child was born several months before the couple got married. During the marriage, the wife experienced physical, emotional, and verbal abuse from her husband, who himself struggled with alcohol addiction, gambling, and infidelity.

This prompted the wife to file a petition to nullify their marriage, which the RTC granted, declaring the marriage void due to the husband’s psychological incapacity.

However, the RTC also declared their child illegitimate since she was born before their marriage, and her birth certificate did not show she had been legitimated.

The SC affirmed that the marriage was void, but ruled that the child remains legitimate.

The general rule is that when a marriage is nullified, the child is considered illegitimate from the time they were conceived.

However, the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦 allows exceptions, such as when the marriage is nullified due to psychological incapacity. This applies whether the child was born before or during the marriage.

The SC emphasized that once a child is legitimated under the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦, there is no legal basis for changing their status back to illegitimate. Allowing this would go against the law’s intent to protect the child’s best interests.

Read the full text of the Press Release at https://tinyurl.com/4yrkc82r.

Read the full text of the Decision at https://tinyurl.com/c673ywxs.

Read the Concurring Opinion of Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen at https://tinyurl.com/mrx3swc7.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

14/05/2025

Ang isang duplicate o photocopy ng mga orihinal na dokumento, maging sa papel o electronic form, ay maaaring tanggapin bilang ebidensya sa korte, basta’t walang duda o kwestiyon tungkol sa pagiging tunay o pagiging patas sa paggamit ng kopya.

Sa Desisyon na isinulat ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, pinagtibay ng Unang Dibisyon ng ang hatol kay Ybo Lastimosa para sa pagpatay kay Ildefonso Vega, Jr. Gumamit ang prosekusyon ng photocopy ng death certificate ni Vega bilang pangunahing ebidensya sa kaso.

Sa paglilitis, tumestigo ang mga saksi na binaril ni Lastimosa si Vega sa ulo sa labas ng isang sabungan sa Cebu City. Tumestigo din ang asawa ni Vega na patay na siya nang madatnan sa ospital. Para suportahan ito, ang prosekusyon ay nagprisinta ng photocopy ng death certificate ni Vega na nagkumpirma na namatay siya dahil sa mga tama ng bala sa ulo at leeg.

Guilty sa kasong homicide ang hatol kay Lastimosa ng Regional Trial Court na binigyan ng timbang ang photocopy ng death certificate at eyewitness accounts. Sa apela, inangat ng Court of Appeals ang hatol sa murder.

Umapela si Lastimosa at nangatwiran na nabigo ang prosekusyon na patunayan na nangyari ang krimen dahil ang orihinal na death certificate ay hindi iprinisinta sa paglilitis. Dagdag niya, ang isang photocopy, nang walang paghahambing sa orihinal para sa pagpapatunay, ay hindi dapat tinanggap bilang ebidensya.

Pero tinanggihan ng Korte Suprema ang argumentong ito. Paliwanag ng Korte, sa ilalim ng Rule 130, Section 4(c) ng 2019 Revised Rules on Evidence, na nagkabisa noong 2020, ang isang duplicate ay tinatanggap bilang orihinal maliban kung may genuine na tanong tungkol sa pagiging tunay ng orihinal o kung magiging hindi patas ang paggamit ng duplicate. Nalalapat ang panuntunang ito sa parehong papel at elektronikong mga dokumento, na nagpapakita ng kasalukuyang realidad kung saan ang mga duplicate ay kadalasang maaasahan tulad ng mga orihinal.

Sa kasong ito, binanggit ng Korte na ang photocopy ng death certificate ay tinatanggap dahil walang pagtatalo sa pagiging tunay ng orihinal na dokumento, at walang anumang pag-aangkin na hindi patas sa pag-rely sa duplicate.

Gayunpaman, binigyang-diin ng Korte na habang ang isang photocopy ay maaaring tanggapin, ang bigat o halaga nito ay nakasalalay sa kung gaano ito kahusay na nagpapatunay o sumusuporta sa iba pang magagamit na ebidensya. Sa kasong ito, suportado ng testimonya ng asawa ng biktima at ng ibang mga testigo ang pagkamatay ni Vega.

Pinagtibay ng Korte ang sentensiya ni Lastimosa na reclusion perpetua o pagkakakulong ng hanggang 40 taon at inutusan siyang magbayad ng PHP 275,000 bilang civil indemnity at danyos, na may interes.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://tinyurl.com/36r9m76u.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://tinyurl.com/mwe35fhe.


Hanapin ang iyong Polling Place para sa May 12, 2025 National and Local Elections gamit ang Precinct Finder sa https://p...
09/05/2025

Hanapin ang iyong Polling Place para sa May 12, 2025 National and Local Elections gamit ang Precinct Finder sa https://precinctfinder.comelec.gov.ph.

𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗿𝗲𝗰𝗶𝗻𝗰𝘁 𝗙𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗶𝘀 𝗻𝗼𝘄 𝗹𝗶𝘃𝗲!

Alam mo na ba kung saan ka boboto sa darating na halalan?

Hanapin ang iyong Polling Place para sa May 12, 2025 National and Local Elections gamit ang Precinct Finder sa https://precinctfinder.comelec.gov.ph.

Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon: 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯, 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘢𝘬𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘳𝘦𝘩𝘪𝘴𝘵𝘳𝘰.



OUR SAN SIMON OFFICE IS NOW OPEN!Visit us at MacArthur Highway, San Agustin (Tulaoc), San Simon, Pampanga (near LTO and ...
01/05/2025

OUR SAN SIMON OFFICE IS NOW OPEN!

Visit us at MacArthur Highway, San Agustin (Tulaoc), San Simon, Pampanga (near LTO and PTT Gas Station).

You may also contact us at +639954301868 / +639686622136 or [email protected].

NOTARY PUBLICVisit us at Block 10, Lot 31, GL Apartment, Bayabas Street, Sto. Domingo Village, San Jose Matulid, Mexico,...
28/03/2025

NOTARY PUBLIC

Visit us at Block 10, Lot 31, GL Apartment, Bayabas Street, Sto. Domingo Village, San Jose Matulid, Mexico, Pampanga.

You may also contact us at +639954301868 / +639686622136 or [email protected].

Address

Unit 7, 2nd Floor, EC Building, JASA, Lagundi, Pampanga
Mexico
2021

Opening Hours

Monday 8am - 4pm
Tuesday 8am - 4pm
Wednesday 8am - 4pm
Thursday 8am - 4pm
Friday 8am - 4pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Laus & Rosales Law Offices posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share