22/05/2026
The Best time to Invest is Now
Invest your Own Beach Property in Camaya Coast
Send me a message ๐
09772797493
๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ซ๐ข๐ ๐
๐๐ซ๐ซ๐ข๐๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐๐๐ง? ๐๐๐ง๐๐๐ฅ๐ ๐๐ฐ๐๐๐ข๐ฌ๐ก ๐๐ฅ๐๐๐ญ๐ซ๐ข๐ ๐๐จ๐๐ญ ๐
๐ข๐ซ๐ฆ ๐๐จ๐ฌ๐ข๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ซ๐๐ญ๐ ๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ๐ข๐ ๐๐ง
Swedish Electric Boat Firm Candela, Nakipagpulong para sa Posibleng Modernong Sea Transport sa Bataan
Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Candela, isang Swedish electric boat company, sa ilang opisyal at stakeholders sa Bataan upang talakayin ang mga makabagong teknolohiya sa electric marine transportation at ang posibleng benepisyo nito sa lalawigan.
Pinangunahan ni Mr. Bjรถrn Antonsson, Regional CEO Asia-Pacific (APAC) ng Candela, ang pulong kasama sina Cong. Abet Garcia, Bataan 2nd District Representative, Antonio Joseph โJopetโ Rivera Inton, Chairman and President, Bataan Baseco Joint Venture Inc. at Mr. Goody Ilagan Jr. President and CEO of Earth and Shore Leisure Communities Corp, upang pag-usapan ang mga oportunidad ng modernong transportasyong pandagat sa Bataan.
Kilala ang Candela sa paggawa ng hydrofoiling electric boats at ferries na gumagamit ng teknolohiyang nakababawas umano ng hanggang 80% sa energy consumption, habang nagbibigay ng mas mabilis, mas tahimik, at zero-emission na biyahe sa dagat.
Kabilang sa mga tinalakay ang P-12 Shuttle, na kinikilala bilang kauna-unahang electric commuter vessel sa mundo, at ang C-8 model, isa sa mga pinakamabilis at may mahabang range sa mga electric boats ngayon.
Layunin umano ng inisyatibang ito na tuklasin ang mga modernong transport solutions na maaaring makatulong sa turismo, konektibidad, at sustainable development sa Bataan.