CRD LAW FIRM

CRD LAW FIRM CRD Law Firm provides full legal service to its domestic and foreign clients such as civil and crimi

14/08/2021

Estate Tax Amnesty extended until June 14, 2023!

Revenue Regulations No. 17-2021 Amends certain provisions of RR No. 6-2019 to implement the extension of the Estate Tax Amnesty pursuant to RA No. 11569, which amended RA No. 11213 (Tax Amnesty Act). For full text, http://ow.ly/xzl730rQS69

11/01/2021

MGA GASTUSIN AT BAYARIN SA PAGLIPAT NG TITULO MULA SA BENTAHAN NG LUPA

Isa sa mga magagandang investment ay pagbili ng lupa dahil ang value o halaga nito ay masasabi natin na tumataas habang lumilipas ang panahon.

Bukod sa selling price, ang pagbili ng lupa ay may karampatang gastusin upang mailipat ang titulo sa buyer o bagong may-ari na karaniwang binabayaran sa 3 ahensiya ng gobyerno: BIR, Treasury Office at Registry of Deeds.

Sa BIR, kailangan magbayad ng Capital Gains Tax (CGT) at Documentary Stamp Tax (DST). Ang CGT at DST ay 6% at 1.5% na binabase kung ano pinakamataas na halaga ng lupa mula sa Selling Price (SP), Market Value (MV), o Zonal Value (ZV).

Sa Treasury Office, kailangan magbayad ng Transfer Tax na 0.50%-0.75% mula sa pinakamataas na halaga ng SP, MV, o ZV.

Ang huling binabayaran ay Registration Fee sa Registry of Deeds na halos katumbas ng binabayaran sa Transfer Tax.

Ang mga nabanggit na mga bayarin ay maaring tumaas dahil sa penalties at interests kung hindi makakapagbayad sa takdang panahon.

Para sa karagdagang impormasyon, maari lamang na kumonsulta sa mga nabanggit na sangay ng gobyerno, at mga propesyonal.

30/12/2020

MALING DETALYE SA BIRTH, MARRIAGE, O DEATH CERTIFICATE

Kabilang ba kayo sa mga biglang nagugulat dahil sa maling detalye sa birth certificate, marriage o death certificate?

Binibigyan tayo ng batas ng remedyo upang maitama ang ating certificate. Ang mga maling detalye ay pwede maitama sa dalawang pamamaraan: 1. Administrative Correction
2. Judicial Correction

Ang Administrative Correction ay pagsasaayos ng record sa lebel ng Civil Register na hindi na kailangan dumaan pa sa korte.

Ang Judicial Correction naman ay pagsasaayos ng record sa korte. Ito ay mas mahabang proseso kumpara sa Administrative Correction. Mula sa pagsampa ng kaso, pagsasagawa ng mga hearings, at paglabas ng desisyon ang ilang mga bagay na kailangan sa Judicial Correction.

Hindi lahat ng maling detalye sa certificate ay pwede isaayos sa Administrative Correction. Ilan lamang dito na sakop ng Administrative Correction ay mga clerical o typographical errors patungkol sa mga sumusunod:

1. Pangalan (First, Second, Middle, or Last Name)
2. Araw o buwan ng kapanganakan
3. Kasarian o s*x

Maliban sa mga nabanggit, ang ibang maling detalye sa certificate ay maaring maitama sa pamamagitan ng Judicial Correction.

Para sa dagdag na impormasyon, sumangguni lamang sa abogado o sa pinakamalapit na Civil Register sa inyong munisipyo upang magabayan ng tama.

25/12/2020
12/12/2020

PAGBENTA SA NAMANANG LUPAIN

Bagama’t ang tagapagmana ay itinuturing may-ari ng namanang lupain, ang pagbebenta nito ay hindi magagawa kung ang pagmamana ay hindi dumaan sa tinatawag na Settlement of Estate.

Ang Settlement of Estate ay isang prosesong legal kung saan ang titulo ng namanang lupain ay legal na maililpat sa pangalan ng tagapagmana. Mayroong dalawang uri ng Settlement of Estate: Judicial Settlement at Extra-Judicial Settlement.

Ang Judicial Settlement ay proseso sa Korte na kung saan ito ay dadaan sa pagdinig o hearing hangga’t makapaglabas ng Desisyon ang Korte.

Ang Extra-Judicial Settlement naman ay isang proseso sa labas ng Korte na kung saan hindi na kailangan dumadaan pa sa Korte.

Matapos dumaan sa proseso ng Settlement of Estate, ang titulo ng namanang lupain ay maililipat na sa pangalan ng tagapagmana, at sa pagkakataong ito, maaari nang maibenta ng legal ang namanang lupain.

Maaari din maibenta ang namanang lupain HABANG nasa proseso ng Settlement of Estate.

Komunsulta lamang sa abogado o professional na may kaalamang legal upang kayo ay magabayan ng tama.

26/11/2020

100 likes, thank you!

15/11/2020

ANO ANG GAGAWIN MATAPOS MASAMPA ANG KASO SA PISKALYA O PROSECUTOR'S OFFICE?

Matapos magsampa ng Sumbong Salaysay o Complaint-Affidavit sa Piskalya o Prosecutor' Office, magsasagawa ng Preliminary Investigation (PI) ang Investigating Prosecutor.

Ang pagsasagawa ng PI ay isang proseso na kung saan aalamin ng Investigating Prosecutor kung mayroong sapat na basehan upang iakyat ang kaso sa korte.

Sa pagsisimula ng PI, ang mga partido (Complainant/Nagrereklamo at Respondent/Nirereklamo) ay makakatanggap ng Subpoena patungkol sa petsa ng hearing.

Ang hearing na ito ay nakalaan para sa Respondent upang magsumite ng Counter-Affidavit o Kontra Salaysay. Ang Counter-Affidavit o Kontra Salaysay ay ang sagot ng Respondent sa Complaint-Affidavit o Sumbong Salaysay na inihain o sinampa ng Complainant. Ito din ay maaring samahan ng "supporting documents" upang palakasin ang depensa ng Respondent.

Sa nasabing hearing, bibigyan ng kopya ng Counter-Affidavit o Kontra Salaysay ang Complainant upang siya naman ay may pagkakataon na sagutin ang Counter-Affidavit o Kontra Salaysay. Ang sagot na ito ay tinatawag na Reply-Affidavit o Sagot sa Kontra Salaysay.

Kung ang Complainant ay hindi magsusumite ng Reply-Affidavit, ang kaso ay ituturing na "Submitted for Resolution" na kung saan ang kaso ay reresolbahin na ng Investigating Prosecutor base sa mga dokumento na sinumite ng mga partido.

Ang Resolution ng Office of the Prosecutor ay tinuturing na desisiyon kung saan ang kaso ay maaaring madismiss o iakyat sa korte.

SUSUNOD NA PAKSA: Ano ang mangyayari kung ang kaso ay iniakyat sa korte?

09/11/2020

PAANO MAGSAMPA NG KASONG KRIMINAL?

Paggawa ng Sumbong Salaysay o Complaint-Affidavit. Ang Sumbong Salaysay o Complaint-Affidavit ay ang pangunahing dokumento na inihahain sa pagsampa ng kasong kriminal. Kalakip nito ay ang mga tinatawag na “supporting documents” upang palakasin ang inyong kaso. Ang Sumbong Salaysay o Complaint-Affidavit, kasama ang “supporting documents”, ay pwede ihanda ng isang abogado o pulis.

Paghain o pagsampa sa Pisklaya o Prosecutor’s Office. Matapos maihanda ang mga dokumento, ito ay ihahain sa Piskalya o Prosecutor’s Office na kung saan ang mga nagbigay ng salaysay ay haharap sa Piskal o Prosecutor upang sumpaan ang kani-kanilang salaysay.

Matapos maihain o maisampa sa Piskalya o Prosecutor’s Office ang Sumbong Salaysay o Complaint-Affidavit at “supporting documents”, magsasagawa ng Preliminary Investigation ang Piskalya o Prosecutor’s Office para malaman kung ang kaso ay i-aakyat sa korte upang magsagawa ng pormal na pagdidinig/paglilitis.

SUSUNOD NA PAKSA: Ano ang gagawin matapos magsampa ng kaso sa Piskalya o Prosecutor’s Office?

Address

Marilao
3018

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639295331122

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CRD LAW FIRM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to CRD LAW FIRM:

Share