Legal Aid Ministers and Partners - LAMP

Legal Aid Ministers and Partners - LAMP Legal Aid Ministers & Partners is the legal service arm of The Great Lighthouse Foundation, Inc.

It provides free legal consultation, Pro Bono & subsidized legal services.

Praise God for LAMP’s First Free Legal Aid Clinic for 2023. ⚖️Legal Aid Ministers and Partners - LAMP is an arm of The G...
18/03/2023

Praise God for LAMP’s First Free Legal Aid Clinic for 2023. ⚖️

Legal Aid Ministers and Partners - LAMP is an arm of The Great Lighthouse Foundation Inc.

17/03/2023

Bukas Na! Mag-tungo lamang sa Lighthouse Bible Baptist Church mula 8am - 11am. ☺️

The Great Lighthouse Foundation Inc.

14/02/2023
10/05/2022

Tama o Mali, Panalo o hindi.

Just our 2 cents on the electoral process.

Wag nating iparamdam na tama tayo sapagkat nanalo ang ating kandidato. Hindi tama ito. Hindi porket nanalo, tama. Hindi rin porket natalo, mali.

Una, ang eleksyon ay parte ng demokrasya. Ito ang pagkakataon kung saan ang mga kabahagi ng isang bansa ay maaring makibahagi at ipahayag ang kanilang sinusuportahang kandidato.

Sa ating bansa, siniguro ng gumawa ng ating konstitusyon na ang lahat ng Pilipinong kwalipikado ay maaaring makibahagi. Hindi ito nilagyan ng anumang pamantayan gaya ng pagmamay-ari ng lupa o eduksyon. Ang tanging kwalipikasyon ay mamamayan ka, 18 yrs. of age, at residente kung saan ka boboto. Pagdating sa mga kandidato, ganun din ang ginawa, walang pamantayan ng track record, edukasyon, o yaman. Ang pamantayan, Natural-born Filipino, residente ng ating bayan, at sa iba-ibang antas, dapat ay ma-meet ang age requirement.

Simple diba? Sapagkat gusto natin na ang demokrasya ay payak at ganap. Ibig sabihin sinumang kwalipikado ay maaring bumoto at sinumang kwalipikado ay maaaring tumakbo at maluklok.

Ikalawa, walang tama o mali dito. Bakit? Sapagkat ang electoral process ay pagpapatupad ng ating demokrasya. Hindi ito korte. Bagaman nagkaroon ng pagsisiyasat at pagpapahyag ng mga kwalipikasyon, buhay, nakaraan, at plataporma ng mga kandidato, ito ay hindi paglilitis.

Bilang isang abogado, ito ay hindi justiciable issue. Hindi ito isyung legal. Ito ay politcal issue na hinayaang ilagay sa kamay ng mga kinatawang politikal, ang mamamayang Pilipino.

Dahil dito, wag nating iparamdam na tama tayo sapagkat nanalo ang ating kandidato. Hindi tama ito. Hindi porket nanalo, tama. Hindi rin porket natalo, mali.

Oo, “the people have spoken”, pero ang pahayag na ito, sa pamamagitan ng ating boto, ay testamento na ang demokrasya ay buhay. Na ang mga mamamayan ang may kapangyarihan na magluklok. Hindi ibig sabihin nito na mali lahat ng natalo.

Sa lahat ng mga Pilipino. Wag nating isiping dahil nanalo ang kandidato natin ay nakamit natin ang hustisya. Walang hustisya dito. Ang dami ng boto ay hindi katumbas ng pagpapawalang-sala. Ganoon din naman sa natalo. Hindi ibig sabihin nito na mayroong injustice na nangyari.

Pero paano ang kwestyon ng malawakang dayaan? Hindi ba ito injustice? Muli, may mga mekanismo ng pagkwestyon sa ating halalan. Hayaan nating gawin ito ng mga kandidatong nadaya. Sa pagkakataon na ito, ebidensya na ang titingan. May paglilitis ng magaganap.

Ang gobyerno ay hindi iisang tao. Ang gobyerno ay kinabibilangan ng maraming mga ahensya at mga indibidwal na nagpapakilos nito. Ibig sabihin ba dahil nanalo ang kandidato natin tama na ang lahat? O dahil natalo ang kandidato natin ay mali na ang lahat.

Muli, walang naging tama o maling boto. Wag tayong magsiraan. Wag tayong magbatuhan ng masasakit na salit. Respetuhin natin ang proseso. Pagkatiwalaan natin ang sistema. Sino tayo para sabihin natin sa ating kapwa na mali sila o na tama tayo?

Siguro dito magandang ipakita ang ginawa ni Hesus ng dinala sa kaniya yung babaeng nahuling nakikiapid. Sabi ng Panginoon. “Siya na walang kasalanan, siya ang maunang pumukol ng bato”

John 8:4-7
They say unto him, Master, this woman was taken in adultery, in the very act. Now Moses in the law commanded us, that such should be stoned: but what sayest thou? This they said, tempting him, that they might have to accuse him. But Jesus stooped down, and with his finger wrote on the ground, as though he heard them not. So when they continued asking him, he lifted up himself, and said unto them, He that is without sin among you, let him first cast a stone at her.

Preparing Complaints for Duty Free Workers Union.
04/12/2021

Preparing Complaints for Duty Free Workers Union.

All prepped and ready.  Demand Letters for sending out on behalf of a client.
03/12/2021

All prepped and ready. Demand Letters for sending out on behalf of a client.

Hindi dahil hindi ka siningil para sa legal na serbisyo ay ibig sabihin na wala itong halaga.  Lahat ng ginagawa ng isan...
12/10/2020

Hindi dahil hindi ka siningil para sa legal na serbisyo ay ibig sabihin na wala itong halaga.

Lahat ng ginagawa ng isang abogado mula sa simpleng konsultasyon, sulat, at iba pa ay bunga ng kaniyang masusing pag-aaral at pag-analisa ng sitwasyon.

Narito ang ilan sa mga standard fees na anunsyo ng IBP Chapters ng Baguio-Benguet at Cebu:

May pandemya man, tuloy-tuloy ang ating pagbibigay ng legal na tulong.  Para sa libring konsultasyon tumawag o mag-text ...
22/08/2020

May pandemya man, tuloy-tuloy ang ating pagbibigay ng legal na tulong. Para sa libring konsultasyon tumawag o mag-text sa 0922-810-6340 o magpadala ng mensahe sa dito sa aming page.

Address

Mapuntod
1113

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639228106340

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Legal Aid Ministers and Partners - LAMP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Legal Aid Ministers and Partners - LAMP:

Share

Category