09/07/2026
SINO ANG SAKOP NG BAGONG NCR MINIMUM WAGE INCREASE?
Narito ang dapat ninyong malaman tungkol sa Wage Order No. NCR-27.
Marami ang nagtatanong:
"Contractual lang po ako. Kasama ba ako?"
"Probationary pa lang po ako. May umento rin ba ako?"
"Agency worker po ako. Sakop din ba ako?"
Basahin natin mismo ang Section 4 ng Wage Order No. NCR-27:
The wage increase prescribed herein shall apply to all minimum wage earners in the private sector within the region, regardless of their position, designation or status and irrespective of the method by which their wages are paid.
Ano ang ibig sabihin nito?
Kung ikaw ay isang minimum wage earner sa pribadong sektor sa NCR na saklaw ng Wage Order, ang wage increase ay ipatutupad ANUMAN ang iyong:
▪︎ Posisyon
▪︎ Designation
▪︎ Employment status (regular, probationary, casual, contractual, project-based, at iba pa)
▪︎ Paraan ng pagbabayad ng sahod (daily, monthly, piece-rate, at iba pa)
Hindi maaaring gamitin ng employer ang alinman sa mga ito bilang dahilan upang hindi ibigay ang itinakdang minimum wage increase.
ANO ANG MANGYAYARI KUNG HINDI ITO SUSUNODIN?
Ayon sa Section 6 ng Wage Order No. NCR-27, ang sinumang employer na tatanggi o mabibigong magbayad ng itinakdang wage increase ay mananagot alinsunod sa Section 12 ng Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act), na inamyendahan ng Republic Act No. 8188 (An Act Increasing the Penalty and Imposing Double Indemnity for Violation of the Prescribed Increases or Adjustments in the Wage Rates).
I-SAVE at I-SHARE ang post na ito upang mas marami pang manggagawang Pilipino ang malaman kung sino ang sakop ng bagong minimum wage increase.
Legal Tips for Pinoys
Kaalaman sa Batas, Lakas ng Bawat Pilipino.