16/11/2026
BREAKING: TINANGGAL NA NG SUPREME COURT ANG BOND PARA SA MGA SEAFARER 🇵🇭
Ano ibig sabihin nito?
1. Pag nanalo ka sa NLRC, makukuha mo na agad yung pera mo kahit nag-a-appeal pa yung company.
2. Hindi mo na kailangan magbayad ng BOND o piyansa.
3. Pantay ka na sa mga land-based workers.
Bakit tinanggal? Kasi sabi ng Korte, labag ito sa Due Process at Equal Protection. Hindi makatarungan na pahirapan pa yung nanalo na.
Ito ay sa ilalim ng Section 59 ng Magna Carta of Filipino Seafarers (RA 12021) na idineklarang UNCONSTITUTIONAL noong Nov 11, 2026.
BAKIT SEAMAN LANG ANG MAY BOND?
Yung land-based worker, pag nanalo sa NLRC, kuha agad yung pera.
Yung seaman, kailangan pa mag-bond bago makuha yung pera.
Saan ang hustisya dun? Pare-pareho lang tayong manggagawa.
Buti na lang, sabi ng Supreme Court, PANTAY NA TAYO NGAYON.
Mabuhay ang mga Seaman! ⚓
Source: GMA News / Supreme Court