Atty. Claire Castro

Atty. Claire Castro BAGONG PILIPINAS

Dinalaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Verdant Covered Cou...
12/08/2026

Dinalaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Verdant Covered Court sa Caimito Street, Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City matapos maapektuhan ng pagbaha dulot ng Habagat.

Nakipag-usap ang Pangulo sa mga evacuee upang personal na kumustahin ang kanilang kalagayan habang nananatili sila sa evacuation center.

Nagbigay rin si Marcos ng stuffed toys sa mga batang evacuee, kasabay ng pagbisita at paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon.

Ang pagbisita ay bahagi ng pag-iikot ng Pangulo sa Las Piñas upang tingnan ang sitwasyon ng mga komunidad na nakaranas ng pagbaha at ang kasalukuyang kalagayan ng mga residenteng napilitang lumikas.

-Usec Claire Castro

‘EFFECTIVE NAMAN ANG ATING GINAGAWA NGUNIT KULANG PA RIN’Iginiit ni Pres. Bongbong Marcos na nabawasan kahit paano ang p...
11/08/2026

‘EFFECTIVE NAMAN ANG ATING GINAGAWA NGUNIT KULANG PA RIN’

Iginiit ni Pres. Bongbong Marcos na nabawasan kahit paano ang pagbabaha sa ilang lugar sa bansa pero aminado siyang marami pang dapat gawin ang pamahalaan.

“Itong halimbawa sa dredging, ngayon lang tayo nag-dredge ulit. Tinigil ng moratorium sa dredging for 12 years. So 12 years walang dredging. Kaya at pababaw ng pababaw yung mga ilog natin, yung mga spillway natin,” saad ng Pangulo kasunod ng pag-inspeksyon niya sa Las Piñas City ngayong Martes.

-Usec Claire Castro

'GALING SA IBANG LUGAR'Nagbigay ng reaksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa toneladang basurang halos b...
11/08/2026

'GALING SA IBANG LUGAR'

Nagbigay ng reaksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa toneladang basurang halos bumara at pumuno sa isang kanal sa Baclaran, Parañaque City.

“Isa pang issue na nakita natin ‘yung nagpabaha diyan sa Parañaque lalo ay ‘yung nagpabara ang basura. Nakita ninyo ‘yung mga picture na punong-puno ‘yung kanal, punong-puno ng basura na hindi naman galing sa Parañaque, galing sa ibang lugar ‘yun,” ani ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na nakadagdag sa problema ang high tide, na naging dahilan upang maipit ang mga basurang bumara sa mga kanal.

Nanawagan naman siya sa mga local government unit at publiko na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na itutuloy ng pamahalaan ang waste-to-energy program, kung saan ipoproseso ang basura upang gawing kuryente.

'MABILIS HUMUPA ANG BAHA'Kapansin-pansin ang mabilis na paghupa ng tubig-baha sa ilang bahagi ng Metro Manila, Ayon sa m...
10/08/2026

'MABILIS HUMUPA ANG BAHA'

Kapansin-pansin ang mabilis na paghupa ng tubig-baha sa ilang bahagi ng Metro Manila,

Ayon sa mga residente sa Las Piñas, “Kung noon ay hanggang tuhod ang baha, ngayon ay halos hindi na umaabot sa gutter ang tubig.”

Kapansin-pansin din aniya ang mabilis na paghupa ng tubig-baha sa ilang bahagi ng Navotas, Valenzuela, Manila, G. Araneta Avenue at E. Rodriguez, na dati ay palaging lubog sa tubig.

Dahil sa nakitang agarang resulta, sinabi sa ulat na epekto na rin ito sa kampanya ng pamahalaan kontra baha.

Nanawagan din ang Pangulo sa mga lokal na pamahalaan at residente na magtulungan upang matugunan ang problema, kabilang ang pagiging responsable sa pagtatapon ng basura.

-USEC CLAIRE CASTRO

10/08/2026

"MABILIS NA PAGHUPA SA MGA BAHA SA KA MAYNILA AN"

ROCKET LAUNCH, PARTE NG PAG-ASENSO Ang mga kritiko at ang mga "tumataas ang kilay" sa planong paglulunsad ng rocket sa P...
31/07/2026

ROCKET LAUNCH, PARTE NG PAG-ASENSO

Ang mga kritiko at ang mga "tumataas ang kilay" sa planong paglulunsad ng rocket sa Pilipinas, at iginiit na hindi dapat maging balakid ang sinuman sa mga layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pag-unlad ng bansa.

Patuloy pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang mga pangunahing suliranin tulad ng sa edukasyon, kalusugan, at gutom, habang isinusulong ang mga proyektong pang-teknolohiya bilang bahagi ng pag-asenso ng Pilipinas.

-USEC CLAIRE CASTRO

"PRESIDENT MARCOS AUTHORIZED RELEASE OF DUTERTE'S BIR RECORDS"President Ferdinand Marcos Jr. authorized the Bureau of In...
31/07/2026

"PRESIDENT MARCOS AUTHORIZED RELEASE OF DUTERTE'S BIR RECORDS"

President Ferdinand Marcos Jr. authorized the Bureau of Internal Revenue (BIR) to release the tax records of Vice President Sara Duterte and her husband, lawyer Manases "Mans" Carpio.

-USEC CLAIRE CASTRO

"GOOD NEWS PARA SA ATING MGA G**O ABROAD" Sa mga pampublikong paaralan ilalagay ang mga gurong OFW na magdedesisyong umu...
28/07/2026

"GOOD NEWS PARA SA ATING MGA G**O ABROAD"

Sa mga pampublikong paaralan ilalagay ang mga gurong OFW na magdedesisyong umuwi sa bansa, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang .

-USEC CLAIRE CASTRO

'TAYO AY HINAHANGAAN' Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hinahangaan aniya ang Pilipinas dahil sa "bilis, lik...
28/07/2026

'TAYO AY HINAHANGAAN'

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na hinahangaan aniya ang Pilipinas dahil sa "bilis, liksi, at pagiging aktibo" nito sa pagtugon sa kinahaharap na energy crisis.

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naisalba ng pamahalaan ang pera ng taumbayan na umano'y muntik nang mapu...
28/07/2026

Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naisalba ng pamahalaan ang pera ng taumbayan na umano'y muntik nang mapunta sa bulsa ng mga tiwaling opisyal.

-USEC CLAIRE CASTRO

Address

Manila
NCR

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Claire Castro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Atty. Claire Castro:

Shortcuts

Share