05/10/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Sa mundo ng umaapaw na kalabuan at kawalang-katiyakan, mayroong mga taong nagdadala ng tanglaw at gumagabay sa mga kabataan tungo sa isang walang katapusang paggalugad at karunungan. Ngayong Pandaigdigang Araw ng mga G**o, ating ginugunita at binabati ang mga ating mga propesor at g**o na nagbubuklod sa napakaraming ideya tungo sa isang harmoniyaโt himig. Ang mga taong ito ay hindi lamang nakatayo upang magsalita o maglahad lamang ng kaalaman, kundi para itaguyod at bigyang-liwanag ang mga pangunahing isyu na kailangang tugunan.
Sa Development Studies, kinikilala si Dr. Edberto Villegas bilang haligi ng makabayan at makamasang programa na may radikal na pagtanaw sa kaunlaran. Malaki ang naging ambag ni Doc Ed sa paghubog ng isang kontra-kultura at alternatibong anyo ng pag-aaral ng lipunan, na humahamon sa mga neoliberal at reaksyunaryong programa na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino. Mula noon hanggang ngayon, at hanggaโt nananatili ang isang mapaniil na sistema, dadalhin ng napakaraming mga iskolar ng bayan ang mga aral at paninindigang iniwan ni Doc Ed, at ang gampaning isabuhay at isapraktika ang mga ito upang ipagpatuloy ang pagsusulong ng isang lipunang tunay na malaya at ng radikal at makataong kaunlaran.
Wala nang hihigit pa sa mga komunidad sa labas ng paaralan bilang lunsaran at tahanan ng salimbayan ng teorya at praktika. Sa piling ng masa, malalaman natin kung paanong naroon ang pinakamalaking dagok sa tuwing nangungurakot ang gobyerno at patuloy na umiiral ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata-kapitalismo at pasismo ng rehimeng US-Marcos at Duterte. Sa pilapil ng sakahan hanggang sa karagatan, doon natin makikita ang bakas ng sukdulang pagsasamantala. Ang mga natutuhan natin sa paaralan ay higit pang uunlad sa pagtungo sa mga komunidad at pag-aaral ng kongkretong kalagayan ng lipunan. Mula rito, malaki ang papel ng masa bilang mga g**o ng bayanโmga g**ong simbolo ng kahalagahan ng teoryang gumagabay sa praktika at ng praktikang nagpapaunlad sa teorya.
Ang makabuluhang araw na ito ay isa ring paalala na ipaglaban ang makabayan, siyentipiko, at makamasang tipo ng edukasyon. Ang edukasyong tunay na nagtataguyod ng kapakanan ng bayan, nagpapayaman sa diwang kritikal at mapanlikha, at sumasandig sa buhay at pakikibaka ng nakararamiโito ang papanday sa tunay at radikal na pagbabago. Kung gayon, mahalaga ang nagkakaisang pwersa ng mga kabataan at estudyante, g**o, propesyunal, at batayang masa sa pagbalikwas sa kolonyal, komersyalisado, at represibong tipo ng edukasyon, at sa malakolonyal at malapyudal na lipunan sa kabuuan, tungo sa tunay na panlipunang pagbabago.
Pub by: Denise Crucido
Caption by: Juliana Nery & Kashley Gonzales