22/04/2024
Kaganapan sa Pre-Employment and Government Placement Bureau nitong nakalipas na linggo.
1. Deployment ng 85 EPS workers. Si Admin Arnel Ignacio ay personal na binati, at kinamusta ang mga papaalis na mga OFWs bago sila mag final processing.
2. Dumating ng ligtas ang apat na mga OFWs na nahire sa NAN YA Plastics at IMEI Foods sa pamamagitan ng G2G arrangement sa bansang Taiwan.
3. Noong Lunes din nag umpisa ang pag attend ng PDOS ng mga Family Invites na mga seasonal workers patungong South Korea.
Maliban sa mga ito, patuloy pa ding insinasagawa ng PEGPB ang ginagawang pre-employment orientation sa mga aplikanteng meron ng kontrata, mga pre-flight briefings sa mga papaalis nang mga OFWs, documentation ng mga workers na meron ng kontrata, at visa application ng mga workers sa PEGPB, at VISA filing sa embahada ng Taiwan at Korea.