Cabayaoasan Kaagapay Tungo sa Tagumpay

Cabayaoasan Kaagapay Tungo sa Tagumpay CABAYAOASAN UPDATES

https://www.facebook.com/61552688288225/posts/122244799640089609/?app=fbl
25/12/2025

https://www.facebook.com/61552688288225/posts/122244799640089609/?app=fbl

βœ¨πŸŽ„ BRGY. CABAYAOASAN CHRISTMAS BALL 2025πŸŽ„πŸ’«

Isang gabi ng saya, pagkakaisa, at pasasalamat ang naghihintay sa ating lahat! Inaanyayahan po namin ang bawat isa na makibahagi sa gaganaping Christmas Ball 2025 na may temang β€œThe True Essence of Christmas is Found in God's Greatest Gifts: Love, Joy, and Hope." πŸ’›βœ¨

πŸ“… BUKAS β€” FRIDAY, December 26, 2025
πŸ•– 8:00 PM
πŸ“ Brgy. Cabayaoasan Public Auditorium

ASSISTED BY: EDM LIGHTS & SOUND

πŸ…“οΈŽπŸ…‘οΈŽπŸ…”οΈŽπŸ…’οΈŽπŸ…’οΈŽ πŸ…’οΈŽπŸ…žοΈŽπŸ…“οΈŽπŸ…”οΈŽ: π‘ͺ𝒂𝒔𝒖𝒂𝒍 π‘¨π’•π’•π’Šπ’“π’†πŸ•ΊπŸ’ƒ
πŸ“ KING AND QUEEN OF CHRISTMAS will be crowned during the programβœ¨πŸ‘‘

Sama-sama nating ipagdiwang ang Pasko kasama ang ating mga ka-barangay, at mga minamahal nating bisita't kababayan. May mga samut saring raffle prizes, sayawan, at parlor games. 🎁🎢

𝐴𝑑𝑖𝑛 π‘π‘œ π‘–π‘‘π‘œπ‘›π‘” π‘–π‘π‘Žπ‘”π‘‘π‘–π‘€π‘Žπ‘›π‘” π‘›π‘Žπ‘›π‘” π‘šπ‘Žπ‘¦ π’ˆπ’‚π’π’‚π’Œ, 𝒑𝒖𝒔𝒐, π’‘π’‚π’ˆπ’ƒπ’Šπ’ƒπ’Šπ’ˆπ’‚π’šπ’‚π’, π’‘π’‚π’ˆπ’Œπ’‚π’Œπ’‚π’Šπ’”π’‚, π‘Žπ‘‘ π’‘π’‚π’”π’‚π’”π’‚π’π’‚π’Žπ’‚π’• π‘ π‘Ž π‘«π’Šπ’šπ’π’” 𝒏𝒂 π‘³π’–π’Žπ’Šπ’Œπ’‰π’‚πŸ©΅βœ¨

Merry Christmas & See you there, everyoneπŸ’ƒπŸ•Ί

Blessing at Pormal na Pagkakaloob ng Bagong Multi-Purpose Vehicle sa Barangay CabayaoasanIsang makabuluhang araw para sa...
24/11/2025

Blessing at Pormal na Pagkakaloob ng Bagong Multi-Purpose Vehicle sa Barangay Cabayaoasan

Isang makabuluhang araw para sa Barangay Cabayaoasan ang ginanap na blessing at pormal na awarding ng bagong Multi-Purpose Vehicle na ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Mangatarem.

Ang kaloob na sasakyang ito ay bunga ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang lokal, mga opisyal ng barangay, at mga katuwang na institusyon na naglalayong mapabuti ang kalidad ng serbisyong ibinibigay sa mamamayan.

Ang bagong Multi-Purpose Vehicle ay magsisilbing mahahalagang kagamitan sa pagpapabuti ng operasyon ng barangay, kabilang na ang:

πŸ‘‰mabilisang tugon sa mga emergency at medikal na pangangailangan;

πŸ‘‰paghahatid-tulong sa panahon ng kalamidad at sakuna;

πŸ‘‰pagdadala ng mga kagamitan para sa iba't ibang programa at proyekto; at

πŸ‘‰pag-suporta sa iba’t ibang aktibidad pangkomunidad at pang-organisasyon.

Ipinapaabot ng Barangay Cabayaoasan ang taos-pusong pasasalamat kay Hon. Mayor Jensen Francisco Viray-Ventenilla, sa buong Sangguniang Bayan, at sa mga opisyal at kawani na naging instrumento upang maisakatuparan ang proyektong ito. Ang bagong sasakyang ito ay hindi lamang isang kagamitan, kundi isang simbolo ng mas pinaigting na paglilingkod, malasakit, at kahandaan sa pagtugon sa pangangailangan ng bawat residente.

Nawa’y magamit natin ito nang may integridad, pananagutan, at buong dedikasyon para sa kapakanan ng komunidad. Sa pamamagitan ng bagong Multi-Purpose Vehicle, mas lalo pa nating mapapalakas ang ating adhikain tungo sa mas ligtas, mas maunlad, at mas pinag-isang barangay.

Maraming salamat sa patuloy na pagtitiwala at suporta. Sama-sama nating itaguyod ang serbisyong tunay na para sa tao.





October 19, 20252nd General Assembly MeetingCabayaoasan Elementary School Multi-Purpose Hall @ 1:00 o'clock in the after...
19/10/2025

October 19, 2025

2nd General Assembly Meeting
Cabayaoasan Elementary School Multi-Purpose Hall @ 1:00 o'clock in the afternoon.

Emcee/Master of Ceremony: SK Chairman Christian P. Agacite

Opening Prayer led by Lani F. Gonzales, followed by National Anthem.

The Barangay Secretary, Minerva D. Laoag, conducted the Roll Call.

Welcome Remarks by Punong Barangay OSCAR G. AGACITE.

πŸ“Œ Barangay Captain OSCAR G. AGACITE presented the Barangay Accomplishment Report 2025.

πŸ“Œ Barangay Kagawad SONNY U. ROSALES, explained the Proposed Annual Budget 2026.

πŸ“ŒPNP VISITORS:
PCMS. Roberto M. Dela Cruz Jr.
Police Captain Joel Reyes, Deputy Chief of Police
Police Corporal Jackilyn Navalta, Asst.WCPD
Police Corporal May Flor Wisco, Asst. PCR
Police Corporal Marvin Palisoc

The Police reminded parents who allowed their minor children not to drive.

The Barangay and Citizens should be alert to those entering and renting due to the emerging drug problem.

πŸ“Œ Peace & Order Situation Report.

πŸ“Œ Anti-Illegal Drugs Campaign Update.

πŸ“Œ Weekly Kalinisan Program.

πŸ“Œ Road and Sidewalk Clearing Operations.

πŸ“Œ Open Forum/ Suggestions.

πŸ“Œ Other matters.

19/10/2025

Ang pagiging pinuno ng barangay ay nangangahulugang pagkakaroon ng tungkulin at pananagutan na mamuno, maglingkod, at magbigay ng magandang halimbawa sa mga mamamayan ng barangay.

Narito ang ilang kahulugan at tungkulin ng pagiging pinuno ng barangay:

1. πŸ›οΈ Tagapamahala ng barangay – Siya ang namumuno sa pagpapatupad ng mga batas, ordinansa, at proyekto sa barangay.

2. πŸ‘₯ Tagapag-ugnay ng mamamayan at pamahalaan – Siya ang tulay sa pagitan ng mga mamamayan at ng pamahalaang lokal o pambansa.

3. βš–οΈ Tagapagpanatili ng kapayapaan at kaayusan – Tungkulin niyang tiyakin na ligtas at tahimik ang komunidad.

4. πŸ’‘ Tagapagpasya at tagapagplano – Kasama ng Sangguniang Barangay, gumagawa siya ng mga plano at proyekto para sa ikauunlad ng barangay.

5. ❀️ Halimbawa ng mabuting mamamayan – Dapat siyang maging tapat, makatarungan, at mapagkalinga sa kapwa.

Kaya naman ating panoorin ang isang taon na naman ng pamumuno kasama ng Konseho para sa ikabubuti ng ating Barangay.

August 31, 2025Sa ngalan ng ating Barangay Cabayaoasan, sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Oscar G. Agacite a...
31/08/2025

August 31, 2025

Sa ngalan ng ating Barangay Cabayaoasan, sa pamumuno ng ating butihing Punong Barangay Oscar G. Agacite at mga Barangay Kagawad, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagdalo sa ating mahalagang programa na may layuning palakasin Ang kaalaman at kamalayan ng bawat isa sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot.

Ang layunin po ng ating Anti-Drug Awareness Seminar ay upang bigyan tayo ng tamang impormasyon, inspirasyon, at paninindigan upang labanan ang anumang uri ng bisyo na sumisira sa kinabukasan ng kabataan at ng ating komunidad.

At ngayon, isang malaking karangalan po para sa atin na ipakilala ang ating panauhing tagapagsalita. Siya po ay si PCMS ROBERTO M. DELA CRUZ JR. Kilala sa kanyang adbokasiya laban sa illegal na droga. Sa kanyang mga karanasan at kaalaman, tiyak na marami tayong natutunan.

Sa ngalan ng ating Barangay, kami po ay taos- pusong nagpapasalamat sa ating kagalang-galang na panauhing tagapagsalita PCMS ROBERTO M.DELA CRUZ JR., sa pagbabahagi Ng inyong oras, kaalaman, at karanasan sa amin.

Nawa'y magsilbing gabay ang inyong mga salita sa bawat isa sa amin upang patuloy naming itaguyod ang isang drug-free na komunidad at ligtas na kinabukasan para sa lahat.

August 30, 2025Weekly Clearing Operations Patuloy na pag monitor sa ating Barangay.Sa pangunguna po Ng ating Punong Bara...
31/08/2025

August 30, 2025

Weekly Clearing Operations
Patuloy na pag monitor sa ating Barangay.

Sa pangunguna po Ng ating Punong Barangay Oscar Garcia Agacite at mga Kagawad, ganun din Ang mga CVOs at BHW's ay tuloy tuloy Ang lingguhang paglilinis sa ating Barangay Hall, Health Center, at Plaza.

Mga Daan na nakakasagabal Ang malalaking sanga Ng puno, ay patuloy na pag tatanggal Ng ating mga CVOs Ng Hindi makasagabal sa ating mga kuryente.

Sama sama at patuloy na magtulungan para sa ikalilinis Ng ating Kapaligiran.

August 2, 2025Clearing at Purok 1 Laod AreaDahil sa mga nagdaang bagyo ay maraming puno ng kawayan ang nagsitumba dito s...
02/08/2025

August 2, 2025
Clearing at Purok 1 Laod Area

Dahil sa mga nagdaang bagyo ay maraming puno ng kawayan ang nagsitumba dito sa Purok 1(Laod Area).

Sa pangunguna po ng ating Punong Barangay Oscar Garcia Agacite at mga barangay kagawad kasama ang mga CVOs, ay nagtulong-tulong na tanggalin ang mga puno ng kawayan na nakaharang sa mga daan.

Samantala, ang mga BHWs ay nag walis naman at naglinis sa ating Barangay Hall at Health Center.

Basta sama-sama at nagtutulungan ay magiging malinis ang ating kapaligiran.

Sa bawat unos, may kapalit na bagong umaga.Isang umagang may pag-asa, bagong araw ng pagbangon.Isa na namang araw na nap...
30/07/2025

Sa bawat unos, may kapalit na bagong umaga.

Isang umagang may pag-asa, bagong araw ng pagbangon.

Isa na namang araw na napasaya ang ating mga Kabarangay, dahil sa biyayang Kaloob ng Maykapal.

Marami mang hirap ang pinagdaanan ng mga BHWs sa pagsusulat ng FACED form, sa mga CVOs na kasama sa paghahakot, mga Brgy. Officials na pinamumunuan ng ating masipag na Brgy. Capt. Oscar Garcia Agacite na umiikot pa sa Camiling dahil walang madaanan para isumite ang mga forms na kailangang icomply.

Pasasalamat sa DSWD headed by mam Nelfa Evangelista at kanyang mga Staff. Mayor Jensen Francisco Viray-Ventenilla .

Espesyal na pasasalamat sa aking pamangkin German German sa pagpapahiram ng sasakyan para mahakot ang ating mga relief goods, kay KAGAWAD Sonny Rosales na one call away sa araw araw na pag drive at pagpapahiram ng sasakyan , kay SECRETARY Minerva Delacruz Laoag na araw araw sinasamahan ang ating kapitan at mga kagawad , at kay insan Renato German na siyang kasama naming naghakot at matiyagang nagmaneho para maiuwi ang ating goods.

Sa lahat ng pagod at hirap sa paghahakot ng mga goods at pag ikot pa para maiuwi ito, nawawala kapag makita ang ngiti sa labi at kasiyahan na makikita sa mukha ng mga tao. Sana ay patuloy pa rin tayong magkaisa kung ano man ang makakabuti sa ating Barangay.

To God Be All the Glory!

Lubos na pasasalamat sa Poong Maykapal, dahil hindi Niya pinabayaan ang ating Barangay.Dumanas man tayo ng baha sa ating...
26/07/2025

Lubos na pasasalamat sa Poong Maykapal, dahil hindi Niya pinabayaan ang ating Barangay.

Dumanas man tayo ng baha sa ating kabukiran at konting portion ng kabahayan, ligtas naman ang ating mga Kabarangay.

Lagi man tayong isolated kapag may baha, napapaligiran ng tubig baha ang ating Barangay, still tayo ay bumabangon sa hamon ng buhay.

Isa sa mga hangarin ng Brgy. Council ay maiparamdam sa ating mga kabarangay na hindi kayo nag iisa sa oras ng sakuna.

Kaya naman nung ideklara na nasa State of Calamity ang Bayan ng Mangatarem, agad agad nagkaroon ng emergency meeting ang council para talakayin ang budget para sa paglalabas pondo para sa ganitong mga sakuna. At napagkasunduan nga na maglabas ng pondo para dito.

Para kahit sa simple at maliit lamang na paraan ay maipadama namin sa inyo ang aming pagmamahal.

Kaya natin ito, basta't sama-sama tayo Kabarangay!



Sa pagdaan ng unos, dumadating ang pagsikat ng araw, kasabay nito ang bagong pag-asa, sabay- sabay na pagbangon ng mga k...
26/07/2025

Sa pagdaan ng unos, dumadating ang pagsikat ng araw, kasabay nito ang bagong pag-asa, sabay- sabay na pagbangon ng mga kailyan at kabarangay.

Appreciation post to our beloved Hon. Mayor Jensen Francisco Viray-Ventenilla, LGU Mangatarem, Hon Vice Ronnie Cruz Palisoc , Kgd. Efren De Vera, Hon. Kgd. Napoleon Calicdan, Hon. Kgd. Canaan Paragas, ABC Pres. Richard Palisoc, DA Head Benito Jazmin and LGU Staff at sa mga sundalong tumulong para maihatid ang biyayang natanggap ng ating mga Kabarangay.

Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ng mga taga Brgy. Cabayaoasan, kahit na umikot pa sila para lamang maihatid ang handog na ayuda para sa mga taga Brgy. Maraming maraming salamat po!

June 16, 2025  Cabayaoasan   Council Project .Y 2025STREET LIGHT PROJECT Purok 1 Iglesia Church going to Buwaya.
17/06/2025

June 16, 2025

Cabayaoasan
Council Project
.Y 2025

STREET LIGHT PROJECT

Purok 1 Iglesia Church going to Buwaya.

June 14, 2025Afternoon SECOND REGULAR SESSION FOR THE MONTH OF JUNE.There was a lot of discussion about the project of t...
16/06/2025

June 14, 2025
Afternoon

SECOND REGULAR SESSION FOR THE MONTH OF JUNE.

There was a lot of discussion about the project of this year 2025.

Address

Cabayaoasan
Mangatarem
2413

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Cabayaoasan Kaagapay Tungo sa Tagumpay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category