26/08/2023
NOTICE TO THE PUBLIC
PAUNAWA SA PUBLIKO
Nakarating saamin ang balitang may mga gumagamit ng pangalan ng opisinang ito, ng aming mga abogado (Atty. Fernando, Atty. Johnny, Atty. Laarni) para makapanloko at mambastos ng iba.
Ayon sa impormasyon, pinalalabas ng mga gumagamit sa pangalan ng opisina at mga abogado na may trabahong naghihintay para sakanila, at kapag naman ay pumayag ang kausap, biglang tatawag at hihingi ng kapalit.
May mga tao ring gumagamit ng pangalan ng opisina at ng mga abogado upang makakalap at kolekta ng pera. Pinaniniwala ng mga gumagamit ng pangalan ng opisina at ng mga abogado na nangangailangan o naghahanap ang opisina o abogado ng maaring magbigay ng paunang gastos para sa piyansa o kaso, kapalit nito ay ang napakalaking interest kada ilang araw liban pa sa pangunahing (principal) utang.
Nais naming ipaalam sa lahat na kailan man ay hindi gagawin ng sino man galing sa opisina o ng aming mga abogado ang mga gawaing nabanggit.
Hindi po naghahanap ng emplyedo ang opisina, hindi rin po kami nangungutang o nagpapautang at nangangako ng interest.
Maraming pawis, pagod, at puyat ang binuhos at patuloy na binubuno para sa pangalang ito. Hindi po kami gagawa ng ikakasira ng aming kinabubuhay at ng aming pangalan.
Ang lahat ng transaksyon ng opisina ay sa opisina pinaguusapan, at kung sa labas man, mismong abogado o empleyadong may tamang pagkakakilanlan ang makakausap ninyo.
Mangyari pong may mga lumapit at nakipagusap sainyo na gamit ang pangalan ng opisina at ng aming mga abogado, pwede po ninyong ipagbigay alam sa opisina para ma-verify.
Nakapagreport na din kami sa kinauukulan ukol dito.