16/02/2026
🚨 KAPAG HINDI KA NAGBAYAD NG REAL PROPERTY TAX (RPT)…
PWEDE BA KUNIN NG GOBYERNO ANG LUPA MO?
Marami ang nagsasabi:
“Okay lang, tax dec lang naman.
May titulo naman ako, safe na yan.”
Pero eto ang totoo:
Ang hindi pagbabayad ng property tax ay isa sa pinakamabilis na paraan para mawala ang lupa — legally.
✅ Ano mangyayari kapag hindi ka nagbayad?
1️⃣ Magiging DELINQUENT ang property mo.
Kapag hindi nabayaran ang annual tax, automatic tax delinquent ka na.
2️⃣ Lumalaki ang penalty at interest.
Kahit maliit lang ang tax (2,000–10,000/year),
puwedeng maging malaki dahil sa interest, surcharge at penalties.
After ilang taon, baka magulat ka — tens of thousands na ang utang.
3️⃣ Mag-iissue ang LGU ng Notice of Delinquency.
Ipapadala, ipo-post, o ipu-publish yan.
Public record na ang property mo.
4️⃣ Pwedeng i-AUCTION ang lupa mo.
Oo, legal ito.
Pwede ibenta ng LGU ang property para mabawi ang unpaid taxes.
❌ Hindi agad-agad kukunin.
Pero walang “forever grace period.
Kapag pinabayaan mo ng matagal — pwede talaga ma-auction.
✅ “Eh may titulo naman ako?”
Kahit titled property, pwede pa rin ma auction.
Dahil may legal priority ang government pagdating sa taxes.
✅ “Pwede pa ba bawiin?”
Usually may redemption period (madalas 1 year).
Pwede mo pa bayaran ang tax + penalties.
Pero kapag lumagpas ka doon…
pwede mo na talagang mawala ang ownership.
⚠️ Tandaan:
Ang Tax Declaration ay hindi proof of ownership.
Record lang yan ng taxation at possession.
Maraming pamilya ang nawawalan ng lupa
hindi dahil ibinenta nila
kundi dahil pinabayaan ang buwis ng 10–20 years.
Bottomline:
Hindi mahal ang property tax.
Pero mahal ang consequence kapag hindi mo binayaran.
Liezelle Mahinay
PRC Licensed Real Estate Broker 🇵🇭