Philippine Labor Law

Philippine Labor Law Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Philippine Labor Law, Labor & Employment Lawyer, Edsa cor Sultan, Grand Central Residence, Mandaluyong.

Philippine Labor Law โ€“ A legal information platform of Camacho & Raรฑin Law Firm committed to providing reliable guidance, updates, and educational resources on Philippine labor laws and employment-related matters.

๐€๐๐Ž ๐๐€ ๐€๐๐† ๐๐Ž๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐€๐๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐„๐‘๐„๐๐”๐ˆ๐‘๐„ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐Ž๐‘ ๐‚๐€๐’๐„?Ang pagdinig sa mga labor cases ay hindi isinasagawa sa anyo ng t...
01/03/2026

๐€๐๐Ž ๐๐€ ๐€๐๐† ๐๐Ž๐’๐ˆ๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐๐€๐๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐„๐‘๐„๐๐”๐ˆ๐‘๐„ ๐’๐€ ๐‹๐€๐๐Ž๐‘ ๐‚๐€๐’๐„?

Ang pagdinig sa mga labor cases ay hindi isinasagawa sa anyo ng trial-type hearing na karaniwang sinusunod sa mga regular na hukuman .Sa halip, ang pagresolba ng kaso ay pangunahing nakabatay sa pagsusumite ng Position Paper, kalakip ang lahat ng ebidensiya at salaysay ng mga saksi.

๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐š๐ฉ๐ž๐ซ?

Ang Position Paper ay isang pormal, beripikado, at komprehensibong salaysay ng paninindigan ng isang partido sa isang labor case. Dito inilalahad ang mga materyal na pangyayari ng kaso, ang mga isyung dapat pagpasiyahan ng Labor Arbiter, ang mga argumentong legal na sumusuporta sa paninindigan ng partido, at ang mga hinihiling na remedyo o prayer alinsunod sa umiiral na batas at jurisprudence.

Sa ilalim ng ๐’๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐Ÿ, ๐‘๐ฎ๐ฅ๐ž ๐• ๐ง๐  ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐๐‹๐‘๐‚ ๐‘๐ฎ๐ฅ๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐๐ซ๐จ๐œ๐ž๐๐ฎ๐ซ๐ž, inaatasan ng Labor Arbiter ang mga partido na magsumite nang ng kanilang verified position papers, kasama ang lahat ng suportang dokumento at mga affidavit, sa loob ng sampung (10) araw mula sa petsa ng pagwawakas ng mandatory conciliation and mediation conference, o sa petsang itinakda ng Labor Arbiter.

๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐…๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐๐จ๐ฌ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐š๐ฉ๐ž๐ซ?

Upang maging maayos, malinaw, at sistematiko ang presentasyon, karaniwang sinusunod ang ganitong balangkas:

I. Caption- Naglalaman ng pangalan ng ahensiya (NLRC), numero ng kaso, pangalan ng mga partido, at uri ng pleading.
II. Prefatory Statement - Maikling pahayag ng kalikasan ng kaso at ng posisyon ng partido.
III. Parties - Pagkilala at maikling paglalarawan ng complainant at respondent.
IV. Antecedent Facts - Kronolohikal at malinaw na paglalahad ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa paghahain ng kaso.
V. Issue/s - Tiyak na mga legal na tanong na dapat resolbahin ng Labor Arbiter.
VI. Discussion - Detalyadong talakayan ng batas, jurisprudence, at aplikasyon nito sa mga facts ng kaso.
VII. Prayer - Tiyak na kahilingan ng partido, tulad ng reinstatement, backwages, separation pay, damages, o dismissal ng reklamo.

Sa kabuuan, ang Position Paper ang nagsisilbing pangunahing sandigan ng pagdedesisyon sa isang labor case; kayaโ€™t nararapat lamang na ito ay maging malinaw, kumpleto, at nakabatay sa mga materyal na pangyayari at wastong aplikasyon ng batas upang matiyak ang makatarungan at makatuwirang resolusyon ng kaso.


20/02/2026
๐๐จ๐ง-๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ž ๐€๐ ๐ซ๐ž๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š: ๐†๐š๐›๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐๐š๐›๐š๐ฅ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐„๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฒ๐š๐๐จSa panahon ngayon, karaniwan nang isi...
28/09/2025

๐๐จ๐ง-๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ž ๐€๐ ๐ซ๐ž๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐š๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ ๐š๐ฐ๐š: ๐†๐š๐›๐š๐ฒ ๐š๐ญ ๐๐š๐›๐š๐ฅ๐š ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐„๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฒ๐š๐๐จ

Sa panahon ngayon, karaniwan nang isinasama ng mga employer sa kanilang kontrata ng paggawa ang mga non-compete agreement. Ito ay nagtatakda ng mga restriksiyon sa dating empleyado upang protektahan ang negosyo ng kompanya. Gayunman, maraming manggagawa ang pumipirma sa ganitong probisyon nang hindi lubos na nauunawaan ang epekto nito sa kanilang karapatan na maghanapbuhay.

๐€๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐๐จ๐ง-๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ž ๐€๐ ๐ซ๐ž๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ?

Ang non-compete agreement ay isang probisyon o kasunduan sa kontrata ng paggawa na nagbabawal sa empleyadoโ€”habang siyaโ€™y nasa serbisyo o matapos niyang lisanin ang kompanyaโ€”na makipagtrabaho o magtayo ng negosyo na tuwirang kakumpitensiya ng kanyang employer. Layunin nitong protektahan ang mga trade secret, sensitibong impormasyon, mga kliyente at reputasyon ng kompanya laban sa posibleng paggamit ng dating empleyado na makasisira sa interes ng employer.

๐Š๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง ๐ˆ๐ญ๐จ ๐๐š๐ฅ๐ข๐๐จ?

Ayon sa Korte Sumprema sa kasong Daisy B. Tiu v. Platinum Plans Philippines, Inc., G.R. No. 163512, 28 Pebrero 2007, balido lamang ang non-compete clause kung:

a. Makatwiran ang tagal (time limit) โ€“ Halimbawa, limitado sa isa o dalawang taon pagkatapos ng pagtatrabaho.

b. Makatwiran ang saklaw ng kalakalan (trade limit) โ€“ Tanging sa direktang kakumpitensiya ng employer.

c. Makatwiran ang saklaw ng lugar (place limit) โ€“ Alinsunod lamang sa mga lugar kung saan may operasyon ang kompanya.

Kung ang restriksiyon ay labis o walang tiyak na hangganan, maaari itong ideklarang walang bisa sapagkat labag sa karapatan ng isang tao na maghanapbuhay.

๐๐š๐ง๐š๐ง๐š๐ ๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐š๐›๐š๐ 

Kung may nakasaad sa kontrata na liquidated damages, obligadong bayaran ito ng empleyado sakaling lumabag sa kasunduan. Sa nasabing kaso ni Tiu, pinagbabayad ang lumabag ng โ‚ฑ100,000. Kung walang ganitong stipulasyon, kailangang patunayan ng employer ang aktuwal na pinsala bago maningil ng danyos.

Ang non-compete agreement ay pinapayagan at ipinatutupad sa Pilipinas kung ito ay may makatwirang limitasyon at lehitimong layunin. Mahalagang maging maingat ang mga empleyado: ang simpleng pagpirma nang hindi nauunawaan ang probisyon ay maaaring magdulot ng matinding restriksiyon sa kanilang hanapbuhay at obligasyong pinansiyal sa hinaharap.

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ซ๐ญ๐ž ๐’๐ฎ๐ฉ๐ซ๐ž๐ฆ๐š: ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š!Sa kasong ๐‘๐ก๐จ๐๐š ๐. ๐€๐ฆ๐จ๐ซ, ๐ž๐ญ ๐š๐ฅ. ๐ฏ๐ฌ. ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ญ ๐๐š๐œ๐ค๐š๐ ๐ข๐ง๐ ...
26/09/2025

๐๐š๐ ๐จ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐Š๐จ๐ซ๐ญ๐ž ๐’๐ฎ๐ฉ๐ซ๐ž๐ฆ๐š: ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š!

Sa kasong ๐‘๐ก๐จ๐๐š ๐. ๐€๐ฆ๐จ๐ซ, ๐ž๐ญ ๐š๐ฅ. ๐ฏ๐ฌ. ๐‚๐จ๐ง๐ฌ๐ญ๐š๐ง๐ญ ๐๐š๐œ๐ค๐š๐ ๐ข๐ง๐  ๐‚๐จ๐ซ๐ฉ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง/๐–๐ข๐ฅ๐ฅ๐ข๐š๐ฆ ๐‚๐ก๐š๐ง ๐š๐ง๐ ๐•๐ข๐ซ๐ ๐ข๐ง๐ข๐š ๐‚๐ก๐š๐ง, ๐†.๐‘. ๐๐จ. ๐Ÿ๐Ÿ“๐Ÿ—๐Ÿ—๐Ÿ–๐Ÿ– (๐Ÿ๐Ÿ— ๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“), pinagtibay ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang pasya ng Labor Arbiter at ng NLRC na ang pagtanggal sa labindalawang (12) manggagawa ng Constant Packaging Corporation ay iligal.

Ang mga nagreklamo ay kinuha bilang mga sorter at packer na binabayaran ng pakyawan. Pinagtatrabaho sila ng labindalawang (12) oras bawat araw, pitong (7) araw sa isang linggo, tumatanggap ng kabayaran na mas mababa sa itinakdang minimum wage, may pagkaantala sa sahod, at walang remittance ng kontribusyon sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG. Matapos silang magsampa ng reklamo sa Department of Labor and Employment (DOLE), pinagbawalan silang makapasok ng guwardiya ng kumpanya.

Nilinaw ng Kataas-taasang Hukuman na ang isang empleyadong handa at may kakayahang magtrabaho ngunit pinipigilang makapasok sa lugar ng trabaho nang walang makatuwiran o legal na dahilan ay ituturing na iligal na tinanggal sa trabaho. Ang pagpigil sa kanila sa gate ay katumbas ng pagpapaalis na ginawa nang walang due process, at samakatwid ay labag sa batas.

Inutusan ang Constant Packaging Corporation na bayaran ang mga manggagawa ng separation pay, back wages, service incentive leave pay, at holiday pay.

Ipinapaalala ng desisyong ito na ang pagpigil sa empleyado na makapasok at magtrabaho nang walang makatarungan at legal na dahilan at walang pagsunod sa tamang proseso ay katumbas ng ilegal na pagpapaalis.

๐€๐๐Ž ๐€๐๐† ๐†๐€๐†๐€๐–๐ˆ๐ ๐Š๐”๐๐† ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐๐Ž๐“๐ˆ๐‚๐„ ๐“๐Ž ๐„๐—๐๐‹๐€๐ˆ๐ (๐๐“๐„)?  ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐†๐€๐๐€๐˜ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐„๐Œ๐๐‹๐„๐˜๐€๐ƒ๐ŽAng Notice to Explai...
05/09/2025

๐€๐๐Ž ๐€๐๐† ๐†๐€๐†๐€๐–๐ˆ๐ ๐Š๐”๐๐† ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐๐Ž๐“๐ˆ๐‚๐„ ๐“๐Ž ๐„๐—๐๐‹๐€๐ˆ๐ (๐๐“๐„)?

๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐†๐€๐๐† ๐†๐€๐๐€๐˜ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐„๐Œ๐๐‹๐„๐˜๐€๐ƒ๐Ž

Ang Notice to Explain (NTE) ay bahagi ng procedural due process sa lugar ng trabaho. Ito ay hindi awtomatikong parusa o desisyon para tanggalin ka sa trabaho. Sa halip, ito ay pagbibigay sa iyo ng pagkakataong ipaliwanag ang iyong panig sa isang isyu o reklamo.

Kung makatanggap ka ng NTE, mahalagang malaman kung paano ito haharapin nang tama. Narito ang ilang gabay:

1. HUWAG MAGPADALOS-DALOS SA PAGSAGOT- Basahin at unawain nang mabuti ang nilalaman ng notice. Iwasan ang pagsagot agad lalo na kung ikaw ay galit o emosyonal. Maglaan ng sapat na oras para makapag-isip at makapaghanda ng malinaw, lohikal, at mahinahong sagot.

2. KUMALAP NG EBIDENSYA AT SUPORTA - Kung may mga dokumento, email, memo, o record na magpapatunay sa iyong panig, ihanda ang mga ito bilang ebidensya.

Maaari ring humingi ng pahayag mula sa mga kasamahan na makakapagpatibay sa iyong depensa. Tandaan na mas matibay ang iyong posisyon kung mayroong konkretong ebidensya at lehitimong testigo.

3. HUMINGI NG PAGLILINAW MULA SA HR - Kung may kulang o malabong detalye sa notice, huwag mag-atubiling humingi ng karagdagang impormasyon. Maaari kang mag-request ng mga dokumentong ginamit bilang batayan, gaya ng CCTV footage, incident reports, o iba pang record.

4. HUWAG MAG-RESIGN NANG DAHIL SA PRESSURE - Ang pagbibitiw ay dapat laging boluntaryo. Kung ikaw ay napilitang mag-resign, maaaring mawala ang iyong karapatan sa mga benepisyo o separation pay.

Tandaan: hindi dapat gamitin ng kumpanya ang NTE bilang paraan para pilitin kang mag-resign.

5. HUWAG PUMIRMA NG QUITCLAIM NANG HINDI NAUUNAWAAN - Ang Quitclaim and Release ay dokumentong nagsasabing wala ka nang anumang reklamo o habol laban sa kumpanya.
Kung hindi naman boluntaryo ang iyong pag-alis, huwag pipirma ng quitclaim dahil maaari nitong limitahan ang iyong karapatan.

6. KUMONSULTA SA ISANG ABOGADO - Kung seryoso ang paratang at may posibilidad na mauwi ito sa termination, pinakamainam na kumonsulta agad sa isang abogado.

Makakatulong ang abogado para:

a. Gabayan ka sa tamang proseso

b. Suriin kung may nilabag na karapatan ang kumpanya

c. Tumulong sa paghahanda ng iyong sagot at ebidensya.

Ang Notice to Explain ay hindi katumbas ng parusa. Ito ay bahagi ng patas na proseso na nagbibigay ng pagkakataon sa empleyado na maipagtanggol ang kanyang sarili.

Ang tamang kaalaman, maingat na aksyon, at wastong legal na gabay ay makatutulong upang maprotektahan ang iyong karapatan bilang manggagawa.

๐‚๐Ž๐Œ๐๐€๐๐˜ ๐”๐๐ˆ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐’: ๐”๐๐€๐”๐“๐‡๐Ž๐‘๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐ƒ๐„๐ƒ๐”๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐”๐๐ƒ๐„๐‘ ๐‹๐€๐๐Ž๐‘ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐๐Ž. ๐Ÿ๐Ÿ, ๐’๐„๐‘๐ˆ๐„๐’ ๐Ž๐… ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’Ayon sa Section 7 ng Labor Advisory ...
01/09/2025

๐‚๐Ž๐Œ๐๐€๐๐˜ ๐”๐๐ˆ๐…๐Ž๐‘๐Œ๐’: ๐”๐๐€๐”๐“๐‡๐Ž๐‘๐ˆ๐™๐„๐ƒ ๐ƒ๐„๐ƒ๐”๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐”๐๐ƒ๐„๐‘ ๐‹๐€๐๐Ž๐‘ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ ๐๐Ž. ๐Ÿ๐Ÿ, ๐’๐„๐‘๐ˆ๐„๐’ ๐Ž๐… ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

Ayon sa Section 7 ng Labor Advisory No. 11, Series of 2014, malinaw na kabilang ang company uniform sa mga unauthorized deductions mula sa sahod ng isang empleyado.

Ibig sabihin, hindi maaaring ipapasan sa manggagawa ang halaga ng uniporme. Sa katunayan, ang uniporme ay nagsisilbing bahagi ng pagkakakilanlan at pagpapakilala ng brand ng kompanya, kayaโ€™t makatarungan lamang na ang kompanya ang gumastos at maglaan nito para sa kanilang mga empleyado.

๐Œ๐š๐ง๐ข๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ž๐š๐ฌ๐จ๐ง ๐ŸŽ„: ๐œ๐จ๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ฒ ๐ง๐š ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฆ ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ก๐จ๐, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ฆ๐š๐ฑ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฆ ๐š๐ง๐  ๐š๐ฉ๐ฉ๐ซ๐ž๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ.
31/08/2025

๐Œ๐š๐ง๐ข๐Ÿ๐ž๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ญ๐ก๐ข๐ฌ ๐ฌ๐ž๐š๐ฌ๐จ๐ง ๐ŸŽ„: ๐œ๐จ๐ฆ๐ฉ๐š๐ง๐ฒ ๐ง๐š ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฆ ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š๐ก๐จ๐, ๐ค๐ฎ๐ง๐๐ข ๐ฆ๐š๐ฑ๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฆ ๐š๐ง๐  ๐š๐ฉ๐ฉ๐ซ๐ž๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ.

๐’๐€๐‹๐€๐‘๐˜ ๐€๐ƒ๐•๐€๐๐‚๐„: ๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐“๐€๐ ๐๐€ ๐๐† ๐„๐Œ๐๐‹๐„๐˜๐€๐ƒ๐Ž ๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐Š๐‘๐„๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Š๐”๐Œ๐๐€๐๐˜๐€?Sa isang online group, may nagtanong kung maaari daw ...
30/08/2025

๐’๐€๐‹๐€๐‘๐˜ ๐€๐ƒ๐•๐€๐๐‚๐„: ๐Š๐€๐‘๐€๐๐€๐“๐€๐ ๐๐€ ๐๐† ๐„๐Œ๐๐‹๐„๐˜๐€๐ƒ๐Ž ๐Ž ๐ƒ๐ˆ๐’๐Š๐‘๐„๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Š๐”๐Œ๐๐€๐๐˜๐€?

Sa isang online group, may nagtanong kung maaari daw siyang magsumbong sa DOLE matapos hindi mapagbigyan ng kompanya ang kanyang hiling na salary advance.

Mahalagang linawin na walang batas na nag-oobliga sa mga kompanya na magbigay ng salary advance sa kanilang mga empleyado. Ang pagbibigay nito ay nakadepende sa pasya ng employer at karaniwang nakapaloob lamang sa kanilang internal policy, kung mayroon man.

๐€๐๐† ๐“๐€๐๐†๐ˆ๐๐† ๐Ž๐๐‹๐ˆ๐†๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐Š๐Ž๐Œ๐๐€๐๐˜๐€ ๐€๐˜ ๐€๐๐† ๐“๐€๐Œ๐€๐๐† ๐๐€๐†๐๐ˆ๐†๐€๐˜ ๐๐† ๐’๐€๐‡๐Ž๐ƒ.

Ayon sa Labor Code, ang sahod ay dapat ibigay nang hindi bababa sa isang beses kada dalawang (2) linggo o dalawang beses sa isang buwan, at ang pagitan ng bawat bayad ay hindi dapat lumampas ng labing-anim (16) na araw.

Sa madaling salita, kung hindi man mapagbigyan ang hiling na salary advance, hindi ito awtomatikong paglabag ng employer. Ang mahalaga ay matiyak na naibibigay ang sahod sa tamang oras at ayon sa itinakdang iskedyul ng batas.

๐€๐Š๐’๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐„ ๐‡๐€๐๐€๐๐† ๐๐€๐๐”๐๐“๐€ ๐Ž ๐๐€๐”๐–๐ˆ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐“๐‘๐€๐๐€๐‡๐Ž: ๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐ ๐ˆ๐“๐Ž ๐’๐€๐Š๐‹๐€๐– ๐๐† ๐„๐‚๐‚?Ang Employeesโ€™ Compensation Commission (ECC) ...
30/08/2025

๐€๐Š๐’๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐„ ๐‡๐€๐๐€๐๐† ๐๐€๐๐”๐๐“๐€ ๐Ž ๐๐€๐”๐–๐ˆ ๐Œ๐”๐‹๐€ ๐’๐€ ๐“๐‘๐€๐๐€๐‡๐Ž: ๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐ ๐ˆ๐“๐Ž ๐’๐€๐Š๐‹๐€๐– ๐๐† ๐„๐‚๐‚?

Ang Employeesโ€™ Compensation Commission (ECC) ay itinatag upang magbigay ng proteksiyon at benepisyo sa mga manggagawa sakaling magkasakit, maaksidente, o mamatay dahil sa mga pangyayaring may kaugnayan sa kanilang trabaho. Alinsunod sa Presidential Decree No. 626, layunin ng programa na mabigyan ng nararapat na kompensasyon at tulong ang mga manggagawa at kanilang pamilya laban sa mga panganib ng hanapbuhay.

Isa sa mga madalas na katanungan hinggil sa Employeesโ€™ Compensation Program (ECP) ay kung sakop ba ng programa ang mga aksidente na nangyayari habang ang isang manggagawa ay papunta o pauwi mula sa kanyang trabaho.

๐Š๐€๐ˆ๐‹๐€๐ ๐‚๐Ž๐Œ๐๐„๐๐’๐€๐๐‹๐„ ๐€๐๐† ๐€๐Š๐’๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“๐„ ๐‡๐€๐๐€๐๐† ๐๐€๐๐”๐๐“๐€ ๐Ž ๐๐€๐”๐–๐ˆ?

Ayon sa ECC, ang injury o death ng isang covered employee ay maituturing na compensable kung ito ay nangyari habang siya ay papunta o pauwi mula sa kanyang trabaho, bastaโ€™t natutugunan ang sumusunod na kondisyon:

DIRETSO AT TULUY-TULOY NA PAGLALAKBAY โ€“ Ang biyahe ng manggagawa ay dapat na tuwiran at hindi naputol ng ibang aktibidad.

WALANG PAGLILIHIS NG RUTA โ€“ Hindi dapat lumihis ang empleyado para sa personal na layunin (halimbawa, dumaan sa mall o nakipagkita sa kaibigan bago umuwi).

KARANIWANG RUTA โ€“ Ang tinahak na daan ay dapat na pamilyar at normal na dinaraanan ng empleyado papunta o pabalik mula sa trabaho.

๐’๐ˆ๐๐Ž ๐๐†๐€ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐‚๐Ž๐•๐„๐‘๐„๐ƒ ๐Œ๐„๐Œ๐๐„๐‘๐’ ๐Ž ๐Š๐€๐’๐€๐Œ๐€ ๐’๐€ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ๐€ ๐๐† ๐„๐‚๐‚?

Sa pribadong sektor, lahat ng compulsory members ng SSS o yung mga may employee-employer relationship ay pasok sa programa ng ECC kasama na rito ang mga sea-based OFWs, kasambahays at maging ang mga self-employed members.

Ang Employeesโ€™ Compensation Commission (ECC) ay nagsisilbing haligi ng seguridad para sa mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor. Sa pamamagitan ng ECP, ang mga empleyado ay nabibigyan ng proteksiyon hindi lamang laban sa mga panganib na dala ng mismong trabaho kundi maging sa mga aksidenteng maaaring mangyari habang sila ay papunta o pauwi sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Mahalagang maunawaan ng bawat manggagawa kung sila ay sakop ng programa at kung anu-anong sitwasyon ang maaaring magbigay sa kanila ng benepisyo, upang matiyak na ang kanilang karapatan ay nagagamit at napapakinabangan.

Earlier today, Manila Labor Lawyer attended an administrative hearing involving a public school teacher charged with una...
27/08/2025

Earlier today, Manila Labor Lawyer attended an administrative hearing involving a public school teacher charged with unauthorized private practice of profession. The penalty is only a reprimand, but the case exposes a serious grey area in DepEdโ€™s rules on moonlighting and private of profession.

Teachers are often invited to join civic, religious, or community activitiesโ€”sometimes voluntary, sometimes with token honoraria. They may be asked to serve as church lectors, resource speakers, coaches in youth programs, or even judges in privately organized singing or dance contests.

This raises key questions: if a music teacher judges a privately organized contest, does that amount to โ€œprivate practice of professionโ€? And should a teacher be required to secure a permit before doing so?

In my view, the policy is unclear, and this ambiguity may expose teachers to administrative liabilityโ€”even when their participation is simply a form of community service.

๐‡๐€๐™๐€๐‘๐ƒ ๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐‘๐ˆ๐๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐’๐„๐Š๐“๐Ž๐‘: ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐๐€ ๐๐€๐๐† ๐ˆ-๐Œ๐€๐๐ƒ๐€๐“๐Ž?May ilang trabaho sa pribadong sektor na likas na may mataas na ...
26/08/2025

๐‡๐€๐™๐€๐‘๐ƒ ๐๐€๐˜ ๐’๐€ ๐๐‘๐ˆ๐๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐’๐„๐Š๐“๐Ž๐‘: ๐ƒ๐€๐๐€๐“ ๐๐€ ๐๐€๐๐† ๐ˆ-๐Œ๐€๐๐ƒ๐€๐“๐Ž?

May ilang trabaho sa pribadong sektor na likas na may mataas na antas ng panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa. Mula sa mga manggagawang exposed sa kemikal at pisikal na panganib, hanggang sa mga empleyadong nagtatrabaho sa mapanganib na kapaligiran, hindi maikakaila ang bigat ng kanilang responsibilidad at sakripisyo.

Bagamaโ€™t malinaw ang mga panganib na ito, sa kasalukuyan ay wala pang batas na hayagang nag-uutos ng pagbibigay ng hazard pay sa mga empleyado ng pribadong sektor. Ang malinaw lamang na mandato ng batas ay para sa piling sektor ng mga empleyado sa pamahalaan

Sa pribadong sektor, ang pagkakaloob ng hazard pay ay nakasalalay pa rin sa kapasyahan ng kompanya. Maaari lamang itong ipatupad kung ito ay malinaw na nakasaad sa employment contract, collective bargaining agreement (CBA), o umiiral na company policy.

Dahil dito, lumilitaw ang isang mahalagang usaping pang-legal at pang-ekonomiya: nararapat bang gawing obligadong benepisyo ang hazard pay para sa mga empleyado ng pribadong sektor na gumaganap ng trabahong may likas na panganib?

๐Ÿ‘‰ Ano sa tingin ninyoโ€”dapat ba itong gawing batas?

๐€๐๐† ๐’๐”๐’๐๐„๐๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐“๐‘๐€๐๐€๐‡๐Ž ๐’๐€ ๐๐‘๐ˆ๐๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐’๐„๐Š๐“๐Ž๐‘ ๐“๐”๐–๐ˆ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ: ๐Œ๐€๐˜ ๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€ ๐“๐”๐๐†๐Š๐Ž๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž?Tuwing may anunsyo ang go...
25/08/2025

๐€๐๐† ๐’๐”๐’๐๐„๐๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐† ๐“๐‘๐€๐๐€๐‡๐Ž ๐’๐€ ๐๐‘๐ˆ๐๐€๐ƒ๐Ž๐๐† ๐’๐„๐Š๐“๐Ž๐‘ ๐“๐”๐–๐ˆ๐๐† ๐Š๐€๐‹๐€๐Œ๐ˆ๐ƒ๐€๐ƒ: ๐Œ๐€๐˜ ๐‘๐„๐†๐”๐‹๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€ ๐“๐”๐๐†๐Š๐Ž๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐“๐Ž?

Tuwing may anunsyo ang gobyerno tungkol sa suspensyon ng trabaho at klase, palaging lumilitaw ang tanong ng mga empleyado sa pribadong sektor:

โ€œ๐๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ญ๐ข๐ฅ๐š ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฌ๐š๐ค๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐ž๐ง๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐ฉ๐ซ๐ข๐›๐š๐๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ค๐ญ๐จ๐ซ?โ€

Madalas pa nga itong gawing biro na para bang โ€œimmortalโ€ ang mga manggagawa sa pribadong sektor, patuloy na pumapasok at hindi natitinag kahit may matinding bagyo o baha.

Ayon sa ๐ƒ๐Ž๐‹๐„ ๐‹๐š๐›๐จ๐ซ ๐€๐๐ฏ๐ข๐ฌ๐จ๐ซ๐ฒ ๐๐จ. ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ, ang desisyon na magsuspinde ng trabaho ay nananatiling nasa kamay ng mga pribadong kumpanya. Aminin natin, minsan ay pinipili ng mga kumpanya na huwag magsuspinde dahil sa panghihinayang sa posibleng mawawalang kita. May pagkakataon din na huli na ang anunsyo ng suspensyon, kaya nalalagay sa peligro ang ating mga manggagawa.

Mahalagang tandaan na ayon sa nasabing Labor Advisory, kapag may imminent danger o napipintong panganib sa buhay at kaligtasan ng empleyado dulot ng matinding sama ng panahon, may karapatan ang empleyado na huwag pumasok sa trabaho.

At higit pa rito, malinaw na itinatakda ng regulasyon na hindi maaaring parusahan, patawan ng sanction, o ipitin ng kumpanya ang empleyado na nagpasya na unahin ang kanyang kaligtasan.

๐Ÿ’ก Mensahe: Higit sa anumang kita o oras ng trabaho, ang buhay at kaligtasan ang pinakamahalaga.


Address

Edsa Cor Sultan, Grand Central Residence
Mandaluyong

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Labor Law posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share