Venzon, Ongson & Abcede Law Office

Venzon, Ongson & Abcede Law Office Venzon Law Office is a Bulacan Law Firm that offers a wide range of legal services and consultation since its establishment in 1998.

25/08/2026

Inabsuwelto ng ang isang babae sa kasong ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ. Ayon sa Korte, maaaring gamiting depensa ang naunang kasal na walang bisa na mula pa sa simula (๐˜ท๐˜ฐ๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฃ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ), kahit wala pang naunang desisyon ng hukuman na nagpapawalang-bisa rito.

Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, binaligtad ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang mga naunang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) ng Pampanga at Court of Appeals (CA) na humatol kay Ma. Fe Imelda Lapira (Lapira) na nagkasala sa ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ.

Kinasuhan si Lapira ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ sa ilalim ng Artikulo 349 ng Revised Penal Code dahil sa pagpapakasal niya kay Jimmy Fariscal habang kasal pa siya kay Takahiko Sato, batay sa ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ na inisyu ng Office of the Civil Registrar General.

Sa paglilitis, iginiit ni Lapira na walang bisa ang kanyang kasal kay Sato dahil walang isinagawang seremonya at walang naisyung ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆโ€”mga rekisitong kinakailangan para magkaroon ng bisa ang kasal. Kinumpirma rin ng Local Civil Registrar na walang rekord ng aplikasyon para sa ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ nina Lapira at Sato.

Sa pag-absuwelto kay Lapira, ginamit ng Korte Suprema ang naging pasya nito sa kasong Pulido v. People noong 2021. Ayon sa naturang desisyon, maaaring direktang igiit ng isang akusado sa kasong ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ na walang bisa ang nauna nitong kasal bilang depensa, kahit wala pang naunang deklarasyon mula sa hukuman na nagpapawalang-bisa rito.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na isa sa mahahalagang elemento ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ ang pagkakaroon ng may bisa na naunang kasal. Kung ang unang kasal ay walang bisa na mula pa sa simula, nangangahulugang wala ang naturang elemento ng ๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ๐˜ข๐˜ฎ๐˜บ.

Sa kasong ito, sapat na patunay ang sertipikasyong inilabas ng Local Civil Registrar na walang ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ na naisyu kina Lapira at Sato. Dahil dito, napabulaanan ang pagpapalagay o ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ na wasto ang marriage certificate.

Basahin ang kabuuan ng ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐‘๐ž๐ฅ๐ž๐š๐ฌ๐ž sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171178.

Basahin ang kabuuan ng ๐ƒ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165698.

Sumunod sa ๐‚๐ซ๐ž๐๐ข๐ญ ๐€๐ญ๐ญ๐ซ๐ข๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ๐ฅ๐ข๐œ๐ฒ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

25/08/2026

Hindi itinuring ng na โ€œadvertisementโ€ sa ilalim ng PD No. 957 o ๐˜š๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ถ๐˜ฎ ๐˜‰๐˜ถ๐˜บ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ดโ€™ ๐˜—๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ ๐˜‹๐˜ฆ๐˜ค๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฆ na parte ng mga โ€œwarrantyโ€ ng developer ang pangako ng ahente na mag-iisyu ng ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ matapos mabayaran ang ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ ngunit inatasan pa rin nito ang ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ na ibalik sa nakabili ang binayad matapos hindi tuparin ng ahente ang nasabing pangako.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng ng Korte Suprema ang Empire East Land Holdings, Inc. (Empire East) na isauli ang mga ibinayad ni John Edrem Bautista (Bautista) matapos itong mabigong mag-isyu ng ipinangakong ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ .

Nagbayad si Bautista ng PHP 130,000 para sa isang ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ช๐˜ข๐˜ญ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ต sa Empire East na binubuo ng PHP 20,000 ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ at PHP 110,000 na karagdagang bayad. Ayon kay Bautista, nagbayad siya dahil nangako ang ahente ng Empire East na mag-iisyu ng ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ณ๐˜ข๐˜ค๐˜ต ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ญ kapag nabayaran na niya ang ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ท๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜ง๐˜ฆ๐˜ฆ. Nang lumipas ang mahigit isang taon at hindi pa rin naibigay ang kontrata, itinigil ni Bautista ang pagbabayad at hiniling ang pagsasauli ng kanyang mga ibinayad.

Sumang-ayon ang Korte Suprema sa naging desisyon ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) at Court of Appeals na pabor kay Bautista. Pinagtibay ng Korte Suprema na karapat-dapat makatanggap si Bautista ng refund, pero nilinaw din nito na hindi saklaw ng Seksyon 19 ng PD 957 ang pangako ng ahente.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang Seksyon 19, na nag-aatas na maging totoo at hindi mapanlinlang ang mga ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต at ๐˜ด๐˜ข๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ช๐˜ข๐˜ญ, ay nalalapat lamang sa mga materyal na inilaan para sa pangkalahatang publiko, gaya ng mga inilalathala sa mga pahayagan o ipinapalabas sa radyo, telebisyon, at iba pang katulad na paraan ng ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ด๐˜ด ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ. Hindi nito saklaw ang mga pangakong ginagawa ng ahente sa mga indibidwal na mamimili.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na nananatiling protektado ang mga mamimili dahil maaari pa ring managot ang mga ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ sa ilalim ng kanilang mga obligasyong kontraktuwal at iba pang naaangkop na batas.

Inatasan nito ang Empire East na isauli kay Bautista ang PHP 130,000, na may interes na 6% kada taon mula nang ihain ang reklamo noong 2012, at magbayad ng PHP 260,000 bilang ๐˜ฆ๐˜น๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฆ๐˜ด o danyos na iginagawad ng mga hukuman para pigilan ang maling pagkilos at magsilbing babala laban sa mga katulad na gawain.

Basahin ang ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171359.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/05/272556-1.pdf.

Sumunod sa ๐˜Š๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต ๐˜ˆ๐˜ต๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜—๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜บ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


25/08/2026

Nagpasya ang na maaaring tukuyin ng mga hukuman kung buhay o patay na ang isang partido sa mga kaso ng ๐˜ฆ๐˜ซ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต kung kinakailangan ito para malutas kung sino ang may karapatang magmay-ari sa isang ari-arian. Gayunman, pansamantala lang ang naturang pagtukoy at para lamang sa kasong ๐˜ฆ๐˜ซ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, isinantabi ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang apelang inihain ni Belinda E. Soriano at ng kaniyang mga kamag-anak (Belinda at iba pa) sa isang kaso ng ๐˜ฆ๐˜ซ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต na isinampa laban sa kanila ni Antonio V. Estrella (Estrella).

Inangkin ni Estrella ang pagmamay-ari ng isang ari-arian sa Lungsod ng Quezon kung saan nanirahan si Belinda at iba pa sa bisa ng kanyang pahintulot. Nang tumanggi ang mga ito sa kaniyang hiling noong 2012 na umalis para maipaayos ang ari-arian, nagsampa si Estrella ng kasong ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ง๐˜ถ๐˜ญ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ.

Iginiit naman nina Belinda at iba pa na dapat isantabi ang kaso dahil wala umanong legal na kapasidad si Estrella na magsampa ng kaso dahil namatay na siya noong 1990. Bilang ebidensiya, iniharap nila ang ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ o sertipiko ng kamatayan ni Estrella.

Sa pagpasya nito pabor kay Estrella, sinabi ng Korte Suprema na matagumpay niyang napabulaanan ang ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ o palagay na nilikha ng ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ. Kinilala mismo ng mga partido na ang Estrellang nagsampa ng kaso ay siya ring Estrellang nakapangalan sa titulo ng ari-arian. Hindi kailanman iginiit nina Belinda at iba pa na impostor siya o kinuwestiyon ang kanyang pagkakakilanlan. Bukod dito, ang aktuwal na paglitaw ni Estrella at ang pagpapatunay na siya ay buhay ay nagpatibay sa kanyang legal na kapasidad na magsampa ng kaso.

Sinabi ng Korte Suprema na bagaman ang tamang remedyo para kanselahin ang isang ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ง๐˜ช๐˜ค๐˜ข๐˜ต๐˜ฆ o itama ang isang tala sa ๐˜ค๐˜ช๐˜ท๐˜ช๐˜ญ ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜จ๐˜ช๐˜ด๐˜ต๐˜ณ๐˜บ ay ang paghahain ng isang petisyon para sa kanselasyon, hindi nito pinipigilan ang mga hukumang dumidinig sa mga kaso ng ๐˜ฆ๐˜ซ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต na pansamantalang tukuyin kung buhay o patay na ang isang partido kapag kinakailangan ito para malutas ang isyu ng paghawak sa ari-arian (possession).

Dagdag pa nito, ang pagtukoy ng hukuman kung buhay o patay ang isang partido sa isang kasong ๐˜ฆ๐˜ซ๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ay limitado lamang sa pagtukoy sa legal na kapasidad ng naturang partido na magsampa ng kaso at sa kanyang karapatan sa pisikal na paghawak sa ari-arian.

Nagpasya rin ang Korte Suprema na natugunan ang mga kinakailangan para sa ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ธ๐˜ง๐˜ถ๐˜ญ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ต๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ. Sa simula, legal ang paghawak nina Belinda at iba pa sa ari-arian. Gayunman, naging labag sa batas ang kanilang pananatili nang hilingin ni Estrella na lisanin nila ang ari-arian pero tumanggi ang mga ito, dahilan para magsampa siya ng kaso sa loob ng isang taon, alinsunod sa itinakda ng batas.

Basahin ang ๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ด๐˜ฆ sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171407.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/236333-belinda-e-soriano-et-al-vs-antonio-v-estrella/.

Sumunod sa ๐˜Š๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ต ๐˜ˆ๐˜ต๐˜ต๐˜ณ๐˜ช๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ ๐˜—๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ช๐˜ค๐˜บ ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


25/08/2026

The Supreme Court (SC) has ruled that a bank cannot require a depositor to return money they already withdrew on the ground of unjust enrichment when the loss was caused by the bankโ€™s own gross negligence.

In a Decision written by Associate Justice Japar B. Dimaampao, the SCโ€™s Third Division denied the petition filed by BDO Unibank, Inc. (BDO), holding that the bankโ€™s disregard of its own banking policy amounted to gross negligence.

The case stemmed from Cristina Barcellanoโ€™s (Barcellano) deposit of a regional check worth PHP 151,200 from an Albay branch of Landbank into her savings account at BDOโ€™s Lucena City branch.

The BDO teller mistakenly validated the check as local instead of regional, allowing the amount to be credited after only three banking days instead of the required seven.

Believing the funds were available, Barcellano withdrew PHP 76,000. Shortly after, BDO received a stop payment order on the check and demanded that she return the money. Although Barcellano initially agreed, she never repaid the amount. BDO later refused to release the remaining balance and filed a criminal complaint for estafa.

Both the Regional Trial Court and the Court of Appeals acquitted Barcellano, finding no fraud, deceit, or abuse of confidence on her part and blamed BDOโ€™s own negligence.

Before the SC, BDO asked for a review of the civil aspect of the case, arguing that despite Barcellano's acquittal, she should still be required to return the money. BDO argued that her refusal amounted to unjust enrichment and that since the funds were released due to its error in processing the check, Barcellano was required to return them based on the principle of ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ต๐˜ช, which requires the repayment of money received by mistake.

The SC disagreed, ruling that there was no unjust enrichment because BDO failed to prove that Barcellano knowingly received and retained a benefit to which she was not entitled.

SC declared that the bank did not explain why the stop payment order was issued or show that Barcellano knew the check would not be honored. Instead, the evidence showed that she withdrew the money in good faith after BDO itself made the funds available in her account.

The SC also ruled that BDOโ€™s own gross negligence caused its loss. It found that the bank credited the check before it had properly cleared it, incorrectly treated a regional check as a local check, and failed to detect the error until after receiving the stop payment order. These lapses showed a failure to observe basic safeguards meant to protect the bank from the risks of invalid checks.

The SC also rejected BDOโ€™s reliance on solutio indebiti. Although the doctrine generally requires the return of money received by mistake, it does not apply when the mistake resulted from the payorโ€™s own gross negligence. Here, BDOโ€™s error stemmed from its failure to exercise the extraordinary diligence and reasonable prudence required of banks.

Read the full text of the press release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171657

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/261264-bdo-unibank-inc-vs-cristina-barcellano-y-riego/

Copying of this content is subject to the SC PIOโ€™s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution

12/08/2026
12/08/2026

READ | Former Chief Justice Artemio V. Panganiban Commends PSA's Administrative Petition for Correction Automated System

In a recent article published on Inquirer.net, former Chief Justice Artemio V. Panganiban recognized the Administrative Petition for Correction Automated System (APCAS) as a significant reform that advances efficient and accessible public service in the digital age.

Developed by the Philippine Statistics Authority (PSA), APCAS streamlines the processing of administrative petitions for the correction of clerical or typographical errors in civil registry documents through digital processing and electronic transmission of petitions. Through this, APCAS helps reduce turnaround time and improves the overall client experience.

The PSA encourages all Local Civil Registry Offices (LCROs) to maximize the use of APCAS in delivering faster and more efficient civil registration services to the public.

For LCROs interested to be onboarded to APCAS, you may reach out to [email protected]. ๐Ÿ“ฉ

๐Ÿ”Ž Read the full article here โฌ‡๏ธ
https://opinion.inquirer.net/192248/correcting-birth-marriage-and-death-data

06/08/2026
27/07/2026

Nagpasya ang na ang magkaparehong hangarin ng mag-asawa na wakasan ang kanilang kasal ay hindi sapat para patunayan ang collusion o pakikipagsabwatan sa kasong Petition for Declaration of Nullity of Marriage o pagpapawalang-bisa ng kasal. Hindi katumbas ng pakikipagsabwatan ang kawalan ng pagtutol.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, nagpasya ang Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema na walang sabwatan sa pagitan ng mag-asawa sa petisyon na ideklarang walang bisa ang kanilang kasal. Ang pakikipagsabwatan o collusion ay nangangahulugang lihim na nagkasundo ang mag-asawa na magsinungaling o magbigay ng maling paglalarawan ng mga pangyayari para mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Idineklara ng Korte Suprema na walang bisa ang kasal dahil sa psychological incapacity o sikolohikal na kawalan ng kakayahan ng asawang lalake.

Inihain ng asawang babae sa Regional Trial Court (RTC) ang petisyon na nagsasabing hindi nagampanan ng kanyang kabiyak ang mga tungkulin nito sa pag-aasawa dahil sa patuloy na pisikal, sikolohikal, at pinansiyal na pang-aabuso na nagsimula pa bago sila ikasal.

Nang hindi naghain ng sagot ang lalake sa petisyon, inatasan ng RTC ang Provincial Prosecutor na magsagawa ng imbestigasyon para alamin kung may sabwatan sa pagitan ng mag-asawa. Matapos ang imbestigasyon, iniulat ng Assistant Provincial Prosecutor na walang naganap na pakikipagsabwatan.

Sa paglilitis, nagharap ang babae ng ilang saksi, kabilang ang isang clinical psychologist, gayundin ang ama at pinsan ng kanyang asawa na tumestigo tungkol sa mga bisyo at mapang-abusong pag-uugali nito. Samantala, hindi naghain ng anumang saksi ang lalaki at hindi rin niya tinutulan ang petisyon.

Sa kabila nito, isinantabi ng RTC ang kaso at sinabing hindi sapat ang mga ebidensya para patunayan ang psychological incapacity. Iginiit din ng RTC na inamin ng ama ng asawang lalake na napag-usapan nila ng kanyang anak ang magiging testimonya nito at ang pagpayag ng asawa na mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Binaliktad ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC, na kinatigan naman ng Korte Suprema.

Paliwanag ng Korte Suprema, isang lihim na kasunduan upang manloko o makakuha ng isang bagay na labag sa batas ang pakikipagsabwatan o collusion. Bagamaโ€™t napansin ng RTC ang ilang kahina-hinalang pangyayari, ayon sa Korte, walang malinaw na patunay na nagsabwatan ang mag-asawa para gumawa ng huwad na batayan para mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Binigyang-diin nito na hindi awtomatikong nangangahulugang may pakikipagsabwatan ang magkaparehong hangarin ng mag-asawa na wakasan ang kanilang kasal. Hindi katumbas ng isang lihim na plano para linlangin ang hukuman ang kawalan ng pagtutol sa petisyon ng asawa o ang hindi paghain ng anumang ebidensiya.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168319.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=165664.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


27/07/2026

Isinantabi ng ang mga pinagsama-samang mga petisyong kumukuwestiyon sa No Contact Apprehension Policy o NCAP sa Metro Manila matapos nitong pagpasiyahan na naging moot o wala nang saysay ang mga isyung iniharap dahil sa pagpapatibay ng isang bago at pare-parehong balangkas sa pagpapatupad ng batas-trapiko sa ilalim ng Metro Manila Traffic Code of 2023.

Bukod sa pagiging moot ng mga isyu, isinantabi rin ang mga petisyon dahil sa kawalan ng legal na katayuan o legal standing ng mga petitioner at hindi pagsunod sa doktrina ng exhaustion of administrative remedies, hierarchy of courts, at forum-shopping.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Rodil V. Zalameda, isinantabi ng Korte Suprema ang mga petisyong inihain ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon at iba pa. Layunin ng mga petisyon na ideklarang labag sa Konstitusyon ang mga ordinansa ng mga lungsod ng Muntinlupa, Paraรฑaque, Quezon, Valenzuela, at Maynila na nagpapatupad ng Resolution No. 16-01 ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na nagtatatag sa NCAP.

Layunin ng programang ito na mapagaan ang daloy ng trapiko at mabawasan ang korapsyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga digital camera para matukoy ang mga paglabag sa batas-trapiko.

Sinabi ng mga petitioner na hindi naaayon ang NCAP sa Republic Act No. (RA) 4136 o Land Transportation and Traffic Code na nagtakda ng direkta at harapang paghuli sa mga lumalabag at nagpataw ng pananagutan sa aktuwal na nagmamaneho sa halip na sa rehistradong may-ari ng sasakyan. Dagdag nito, nilalabag ng NCAP ang karapatan sa due process dahil maaaring mapatawan ng parusa ang mga motorista nang walang immediate notice o pagkakataong kuwestiyunin ang paglabag sa mismong oras na ito ay nangyari na maaaring magresulta sa pagkakaipon ng mga multa bago pa man sila maabisuhan.

Sinabi ng Korte Suprema na nalampasan na ng mga sumunod na pangyayari ang mga isyung iniharap sa mga petisyon. Alinsunod sa doktrina ng constitutional avoidance, dapat iwasan ng mga hukuman ang pagresolba sa mga usaping konstitusyonal kung maaari namang maresolba ang kaso batay sa mga hindi konstitusyonal na batayan. Sa kasong ito, nabago na ang balangkas ng pagpapatupad ng batas-trapiko sa pamamagitan ng MMTC 2023 na hindi naman kinukuwestiyon sa kasalukuyang mga petisyon.

Binigyang-pansin din nito na ang MMTC 2023 na pinagtibay ng Metro Manila Council ay nagtatag ng pare-parehong balangkas para sa regulasyon ng trapiko at pagpapatupad ng NCAP sa buong Metro Manila. Nagtakda ito ng iisang sistema ng pagdinig sa mga paglabag sa trapiko, mga pamamaraan sa Traffic Adjudication Board, mga itinakdang panahon para sa pag-aayos ng mga Notice of Violation, mga alituntunin sa pagtatala ng mga paglabag sa Land Transportation Management System ng Land Transportation Office (LTO), mga pananggalang sa data privacy, pare-parehong multa at iba pang parusa, mga kinikilalang online payment platform, at mga tuntunin hinggil sa mandatory na proseso ng awtorisasyon.

Naglabas kalaunan ang MMDA ng Memorandum Circular No. 10, series of 2025, para ipatupad ang MMTC 2023, na pinagtibay ng mga lungsod ng Muntinlupa, Paraรฑaque, Quezon, at Valenzuela sa pamamagitan ng mga bagong ordinansa. Naglabas din ang Lungsod ng Maynila ng isang ordinansa na nagpapatupad ng MMTC 2023 pero pinanatili ang sarili nitong Traffic Adjudication Board.

Paliwanag ng Korte Suprema, epektibong napalitan ang magkakaibang sistema ng NCAP na siyang kinukuwestiyon sa mga petisyon. Dahil hindi naman kinukuwestiyon ang MMTC 2023 at ang mga bagong ordinansa, wala nang magiging praktikal o legal na epekto ang anumang pasya ukol sa bisa ng mga naunang ordinansa.

Inalis din ng Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) na inilabas nito noong Agosto 30, 2022 laban sa mga lungsod ng Maynila, Quezon, Valenzuela, Paraรฑaque, at Muntinlupa, sa Land Transportation Office (LTO), at sa lahat ng mga partido.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168727.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168686.

Basahin ang Separate Concurring and Dissenting Opinion ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168702.

Basahin ang Separate Opinion ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier sa
https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168712.

Basahin ang Separate Concurring and Dissenting Opinion ni Associate Justice Japar B. Dimaampao sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168707.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


27/07/2026

Nagpasya ang na kung ang karahasang sikolohikal (psychological violence) ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, maaari itong ituring na paggamit ng information and communications technology (ICT). Dahil dito, puwedeng patawan ang gumawa nito ng mas mabigat na parusa alinsunod sa Seksyon 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa isang Resolusyon na isinulat ni Kasangguning Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, binago nang bahagya ngunit pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon noong Oktubre 22, 2025. Sa naturang desisyon, pinanatili ang hatol na nagkasala ang isang indibidwal (###) dahil sa paggawa ng karahasang sikolohikal laban sa dati niyang kasintahan (AAA) sa ilalim ng Seksyon 5(i) ng Republic Act (RA) No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act), matapos siyang mag-post ng mga mapanirang pahayag tungkol kay AAA sa Facebook.

Gayunman, nagpasya ang Korte Suprema na itaas ng isang antas ang parusa dahil ang paglabag ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, na malinaw na nakasaad sa sakdal at napatunayan sa paglilitis.

Nagsampa si AAA ng kasong VAWC laban sa dati niyang kasintahan na si ### matapos siyang mag-post sa Facebook ng pahayag kung saan tinawag niya si AAA na maruming babae at hayop, at nagbanta siyang susuntukin kapag nakita niya ito. Inulit pa ni ### ang mga panlalait sa mga komento sa naturang post na maaaring mabasa ng publiko.

Habang dinidinig ang kaso, iniharap ni AAA ang mga screenshot ng post sa Facebook at sinabi niyang siya ang gumawa ng account para kay ### kung saan nai-post ang naturang pahayag. Pinatunayan naman ng dalawa niyang kapatid na kay ### ang account at nakatanggap sila ng mga mensahe mula sa kanya gamit ang parehong account.

Sa kabila ng pagtanggi ni ###, pinagtibay ng Korte Suprema, sa desisyong inilabas nito, ang mga naging pasya ng Family Court at Court of Appeals (CA) na naghatol na nagkasala si ###. Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa mga kasong kriminal, kailangang mapatunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati ang pagkakakilanlan ng gumawa nito. Pinagtibay din ng Korte Suprema ang parusang ipinataw ng CA kay ###, na kinabibilangan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, multang PHP 100,000, at pagsailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Sa pagresolba sa Motion for Reconsideration ni ###, sinabi ng Korte Suprema na napatunayang si ### ang gumawa ng post sa Facebook nang lampas sa makatwirang pagdududa (beyond reasonable doubt), batay sa mga pamantayang itinakda nito sa nauna nitong desisyon:

1. Pag-amin sa pagmamay-ari ng account o sa paggawa ng naturang post;
2. Pagkakaroon ng patunay na nakita ang akusado na gumagamit ng account o nagsulat ng naturang post;
3. Paglalaman ng impormasyon na tanging ang nagkasala o iilang tao lamang ang nakaaalam;
4. Paggamit ng mga salita o pananalitang naaayon sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng nagkasala;
5. Mga tala mula sa internet service provider, kumpanya ng telekomunikasyon, o social media site, pati na ang resulta ng pagsusuri sa mga digital device na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa account sa nagkasala;
6. Mga kilos o gawain na naaayon sa mga nauna niyang post; o
7. Iba pang mga pangyayaring nagpapakita ng pagmamay-ari, paggamit, o paggawa ng account o post.

Dahil napatunayan na si ### ang gumawa ng post sa Facebook at natugunan ang lahat ng kinakailangang elemento ng karahasang sikolohikal, sinabi ng Korte Suprema na naaangkop ang Seksyon 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Itinatakda ng probisyong ito ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga krimen at paglabag na ginawa gamit ang ICT. Mas mabigat ang parusa dahil maaaring magamit ang ICT para makaiwas ang mga nagkasala sa pananagutan, makapinsala sa mas maraming tao, o magdulot ng mas malaking pinsala.

Batay sa kahulugan ng ICT, sinabi ng Korte na ang mga social media platform tulad ng Facebook ay maituturing na ICT systems dahil pinapayagan ng mga ito ang mga gumagamit na lumikha, magpadala, tumanggap, mag-imbak, at magproseso ng mga datos na elektronikong mensahe gamit ang mga kompyuter, mobile phone, o iba pang katulad na kagamitang elektroniko.

Sa kasong ito, nakasaad sa sakdal na ginawa ni ### ang post sa Facebook gamit ang kanyang โ€œFacebook Messenger Accountโ€ฆ na maaaring makita ng sinuman (set to public view).โ€ Ayon sa Korte Suprema, sapat na ang pahayag na ito para ipakitang ginamit ang ICT bilang isang nagpapabigat na sirkumstansya. Bagaman hindi tahasang nabanggit ang terminong โ€œICT,โ€ malinaw pa ring ipinaalam sa sakdal kay ### na siya ay inaakusahan ng paggawa ng karahasang sikolohikal laban kay AAA sa pamamagitan ng Facebook, na kabilang sa saklaw ng isang ICT system.

Napatunayan ng prosekusyon ang nasabing pahayag sa paglilitis.

Dahil dito, itinaas ng Korte ng isang antas ang parusa mula sa pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, tungo sa pagkakakulong na anim na taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan, at isang araw. Nanatili naman ang multang PHP 100,000. Inatasan din si ### na sumailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168987

Basahin ang buong kopya ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168968

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

Address

Malolos
3000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Venzon, Ongson & Abcede Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Venzon, Ongson & Abcede Law Office:

Shortcuts

Share