22/06/2026
๐ฃ๐ฑ.๐ฑ๐ ๐ฐ๐ฎ๐๐ต ๐ฎ๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ผ, ๐๐ถ๐บ๐ฏ๐ผ๐น๐ผ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฎ๐, ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎ
Sa isang makabuluhang hakbang, muling ipinakita ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang malalim na malasakit ng mga Cotabateรฑo sa kapwa nito sa oras ng pangangailangan.
Patunay ang P5.5M kabuoang cash assistance na inilaan at inaprubahan sa idinaos na SP session nitong Hunyo 17, 2026.
Tulong para sa pagbangon ng mga biktima ng 7.8 magnitude earthquake nitong June 8, 2026:
P1,500,000.00 -Sarangani
P1,000,000.00 -Jose Abad Santos, Davao Occidental
P500,000.00 -Davao Occidental
P500,000.00 - South Cotabato
P500,000.00 -General Santos City
Tulong para sa pagkamit ng hustisya ng pamilya ng dalawang atleta ng Ateneo de Manila University (ADMU) na nasawi sa Dipaculao, Aurora Province:
P1,000,000.00 - Rene Clert "Bobet" N. Baterbonia
P500,000.00- Chukwuemeka Divine Adili
Hindi naging hadlang ang layo ng distansya upang maipadama ang pagdamay at pag-asa sa mga taong nasaktan at nagdurusa sapagkat, bukod sa responsableng pagpapatupad ng mga programa para sa mga nasasakupan nito, batid ng kapitolyo na ang tunay na paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa tagumpay ng mga proyekto, kundi sa kakayahan nitong mag-abot ng tulong sa mga indibidwal o pamilyang naging biktima ng nasabing trahedya at sakuna, nawalan ng liwanag at lakas upang lumaban sa hamon ng buhay.