26/07/2022
From the Comment section..
Ano mangyayari kung ang naka bangga ay namatay at yung nabangga ay hindi nagreport?
Ang aking sagot po ay kailangang maibestigahan pa rin kung sino talaga sa kanila ang may kasalanan (fault) or nagkulang (negligence) dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ang nakabangga ay ang may kasalanan o nagkulang.
May ibang nagsasabi na dahil sa hindi nya pag report ng pangyayari, maaaring masampahan siya ng paglabag sa tinatawag na obstruction of justice; or, abandonment of a person whom he has injured; or, reckless imprudence resulting in homicide pa rin.
Pero, sa tingin ko, since he is involved, he could be a primary suspect. As such, he may even refuse to answer any question relative to the crime without the assistance of a counsel, more so volunteer the information to authorities.
Another thing, wala akong alam na krimen na hindi pag sumbong, maliban na sa Misprision of Treason, Article 116, RPC.
So, ulitin ko po, ang maaaring sagot muna sa ngayon ay, kailangan pa ring maibestigahan ang pangyayari. ⚖️