Atty. Johnnyvel S. Sombilon

Atty. Johnnyvel S. Sombilon Lawyer

Congratulations sa mga bagong abogado!
07/01/2026

Congratulations sa mga bagong abogado!

12/11/2025
17/10/2025

The (SC) has reiterated that a marriage officiated by a solemnizing officer without legal authority is generally void—but not if one or both spouses honestly believed that the person had the authority to solemnize the marriage.

In a Decision written by then Associate Justice Mario V. Lopez (retired), the SC’s Second Division dismissed the petition for nullity of marriage filed by a wife who claimed that the person who officiated her wedding was not a judge, as she had believed at the time of the ceremony.

The couple was married at the Municipal Hall of Tarlac City, with their marriage contract listing Judge Conrado De Gracia (Judge De Gracia) as the solemnizing officer.

However, more than 20 years later, the wife’s lawyer claimed that the purported officiant in their wedding photos was not Judge De Gracia but Rosalio Florendo, a fellow member of the Tarlac City Rotary Club.

This led the wife to file a petition with the Regional Trial Court to nullify their marriage due to lack of authority of the solemnizing officer.

The SC found that the wife failed to prove that the officiant lacked authority. The marriage certificate showed that Judge De Gracia was then an incumbent judge within the jurisdiction of Tarlac City and had legal authority to officiate the marriage under the Family Code.

The SC cited Article 3 of the Family Code (FC) which lists as one of the formal requirements of a valid marriage the authority of the solemnizing officer. Meanwhile, Article 7 of FC clothes incumbent judges within their jurisdiction with such authority. Marriage solemnized by a person without such authority is void under Articles 4 and 35(2) of FC unless one or both parties believe in good faith that the officiant is authorized in which case, the marriage is still valid.

While the wife later alleged that the solemnizing officer was not Judge De Gracia, the SC found that she presented no evidence to identify either Judge De Gracia or Florendo.

The SC emphasized that the legal presumption in favor of the marriage contract stating the solemnizing officer’s authority must be respected in the absence of clear and convincing evidence to the contrary.

Read the full text of the Press Release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153254

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153241

Read the Dissenting Opinion of Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen https://sc.judiciary.gov.ph/267998-dissenting-opinion-justice-marvic-m-v-f-leonen/

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

07/10/2025

Pinawalang-bisa ng ang pagremata ng ilang mga ari-arian dahil hindi patas ang interes na siningil sa isang pautang sa bangko at ipinataw ito nang walang pahintulot mula sa nangungutang.

Sa isang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, pinagbigyan ng Special Third Division ng Korte ang Motion for Reconsideration na inihain nina Editha Ang at Violeta Fernandez (mga nangutang). Ang kanilang mga ari-arian ay naremata ng United Coconut Planters Bank (UCPB) matapos silang mabigong magbayad ng 16 milyong pisong utang.

Nangutang sina Ang at Fernandez mula sa UCPB. Pinahihintulutan ng kasunduan sa pautang ang UCPB na i-adjust ang interest rate kada quarter batay sa kondisyon ng merkado.

Nang mabigo ang mga nanghihiram na bayaran ang kabuuang utang sa takdang panahon ay sinimulan ng UCPB ang proseso ng pagreremata sa kanilang mga ari-arian.

Nagsumite ng petisyon ang mga nangutang sa Regional Trial Court (RTC) para ipawalang-bisa ang pagbebenta ng ari-arian. Ayon sa kanila, hindi makatarungan at walang bisa ang kasunduan na ang bangko ang may tanging kapangyarihan na magtakda at magtaas ng interest rate.

Sumang-ayon ang RTC na ang mga probisyon sa interest rate ay hindi wasto dahil ipinaubaya ang mga ito sa pagpapasya ng bangko. Gayunpaman, idineklara nitong legal ang ginawang pagbebenta ng ari-arian. Binaliktad ito ng Court of Appeals, na nagpasiyang walang bisa ang parehong interest rate at ang pagbebenta ng ari-arian.

Sa una ay sumang-ayon ang Korte Suprema na hindi wasto ang interest rate ngunit pinagtibay ang pagbebenta ng ari-arian dahil sa kabiguang makapagbayad ng mga nangutang.

Gayunman, sa muling pagsasaalang-alang ng Korte ay nagpasya itong kung ang interest rate ay hindi katanggap-tanggap at ipinataw lamang ng nagpapautang, ang anumang kasunod na pagremata ay wala ring bisa.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa ilalim ng Civil Code, ang mga kontrata ay dapat patas at napagkasunduan ng magkabilang panig. Walang bisa ang kontrata na nakasalalay lamang sa kagustuhan ng isang partido.

Sa kasong ito, tanging ang UCPB lang ang nagtakda ng interest rate. Dahil hindi wasto ang interest rate, walang bisa ang pagremata ng mga ari-arian.

Naniniwala ang Korte na dapat bigyan ng pagkakataon ang mga nangungutang na bayaran ang utang sa isang interest rate na napagkasunduan ng magkabilang panig. Kung hindi, ang kanilang kapalaran ay nasa kamay lang ng nagpapautang, na maglalagay sa panganib para mawalan sila ng ari-arian bunsod ng hindi patas na pagkakataon para mabayaran ang kanilang utang.

Basahin ang kabuuan ng Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=152735

Basahin ang kabuuan ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=152719

Basahin ang Dissenting Opinion ni Acting Chief Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=152726

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO:
https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


11/04/2025

The (SC) has ruled that it is the State’s duty to provide clean, safe, and properly equipped detention facilities for people who are arrested.

In a Decision written by Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., the SC’s Second Division upheld the Ombudsman’s dismissal of a complaint filed by the Commission on Human Rights (CHR) against police officers in Tondo, Manila. The CHR had accused the officers of operating a so-called “secret detention cell” inside Raxabago Police Station 1.

The CHR said it discovered three men and nine women cramped in a small, dirty room hidden behind a wooden shelf. Video footage of the room was submitted, and the CHR claimed it was a secret cell.

The police explained that the station was overcrowded at the time, holding 96 detainees despite being built for only 50. Thus, a small room had to be used as a temporary holding area while detainees awaited investigation. They denied it was a secret cell, saying it was visible and had its own entrances.

The SC ruled that there was no evidence of a secret detention cell or violation of the 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘛𝘰𝘳𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘈𝘤𝘵 𝘰𝘧 2009, which bans hidden or solitary cells. It also found no bad faith on the part of the police, noting that there were no other available spaces to hold the detainees at the time.

However, the SC stressed that poor jail conditions must still be addressed. It acknowledged the budget limitations faced by the police officers but emphasized that detainees still have basic rights under the law, including the right to decent living conditions while in custody.

The SC also urged government agencies to urgently improve jail conditions, warning that if these agencies continue to fail to do so, the Court will step in to protect the rights of detainees when properly asked.

Read the full text of the Press Release at https://tinyurl.com/w8fpthsw.

Read the full text of the Decision at https://tinyurl.com/28pcj4c5.

Read the Dissenting Opinion of Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen at https://tinyurl.com/3v5fzne7.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

07/03/2025

Dapat suriing maigi ng mga bumibili ng lupa ang pagmamay-ari nito sa pamamagitan ng pag-inspect sa certificate of title at sa talaan sa Registry of Deeds upang maiwasan ang mga mapanlinlang na transaksyon.

Ito ang paalala ng sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa kung saan kinatigan ng Third Division ng Korte ang mga desisyon ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals (CA) na nagpawalang-bisa sa mga titulo ng lupa sa Sta. Teresita, Angeles City nina Orencio at Eloisa Manalese (mag-asawang Manalese).

Bumili ang mag-asawang Manalese ng dalawang lote ng lupa kay Carina Pinpin (Pinpin), na nagpakita ng mga duplicate na certificate of title sa kanyang pangalan at sinabing binili nila ang mga ari-arian mula sa mga orihinal na may-ari na sina Narciso at Ofelia Ferreras (Ferreras). Nagpakita si Pinpin ng isang deed of sale bilang patunay ng kanyang pagmamay-ari, na nagpapahintulot sa mag-asawang Manalese na ilipat ang mga titulo sa kanilang pangalan.

Pero hinamon ni Danilo Ferreras, ang tagapangasiwa ng Ferreras Estate, ang bisa ng mga titulong ito sa harap ng RTC at sinabing ang mga ari-arian ay legal pa rin na pagmamay-ari ng Estate. Sinabi niya na si Pinpin ay mapanlinlang na nakakuha ng mga duplicate na titulo sa pamamagitan ng pagsusumite ng isang maling affidavit of loss at isang pekeng deed of sale.

Ayon sa Korte, bigo ang mag-asawang Manalese na suriing mabuti kung sino ang tunay na may-ari ng lupa. Iginiit ng Korte na hindi sapat ang pagsaalang-alang lamang sa titulo, lalo na kung may mga palatandaan ng panloloko o iregularidad. Dahil dito, dapat na suriin ang parehong titulo at ang talaan ng Registry of Deeds bago bumili ng lupa ang sinuman.

Dagdag pa ng Korte, walang good faith kung kahina-hinala na ang bentahan pero ito ay binabalewala lang ng bumibili.

Sa ilalim ng Presidential Decree (PD) No. 1529 o ang Property Registration Decree, ang isang re-issued title ay duplicate lamang at walang legal weight di tulad ng orihinal na titulo.

Dahil ang mag-asawang Manalese ay may hawak ng mga duplicate na sertipiko, ang dapat nilang ginawa ay i-verify agad ang mga ito sa Registry of Deeds.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-land-buyers-must-check-both-title-and-registry-of-deeds-records/.

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/254046-spouses-orencio-s-manalese-and-eloisa-b-manalese-and-aries-b-manalese-vs-the-estate-of-the-late-spouses-narciso-and-ofelia-ferreras-represented-by-its-special-administrator-danilo-s-fer/.


01/11/2024

Iginiit ng Korte Suprema na hindi parte ng mga opisyal na tungkulin ng isang mayor o alkalde ang pagremit ng GSIS contributions.

Pinawalang sala ng Korte Suprema si Mayor Antonio M. Talaue (Talaue) ng Sto. Tomas, Isabela sa paglabag sa Republic Act No. 8291 o ng Government Service Insurance System (GSIS) Act of 1997 (GSIS Act) dahil sa hindi pagremit ng GSIS contributions ng munisipalidad.

Paliwanag ng Korte, sa ilalim RA 7160 o ng Local Government Code, ang municipal mayors ay kinukunsidera na “chief executives” at hindi “heads of offices” na obligado sa ilalim ng section 52(g) ng GSIS Act na magremit ng GSIS contributions. Hindi rin kasama sa listahan ng mga tungkulin ng isang alkalde sa Local Government Code ang tungkuling iremit ang mga naturang kontribusyon sa GSIS.

Sinabi ng Korte na hindi napatunayan ng prosekusyon na si Talaue ang may tungkulin na magremit ng mga GSIS premium contributions ng mga kawani. Hindi rin napatunayan na sinadya niya ang hindi pagremit ng GSIS contributions.

Si Talaue ay nagsilbing alkalde ng munisipalidad ng Sto. Tomas, Isabela mula 1988 hanggang 1998 at mula 2001 hanggang 2010. Taong 2003 nang inabisuhan ng GSIS si Talaue sa hindi pagremit ng munisipalidad ng social insurance contributions ng mga kawani nito sa pagitan ng mga taong 1997 at 2003 na umaabot sa halagang PHP 12,071,451.22.

Ang Desisyon ay galing sa Special First Division ng Korte na isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, na may Concurring Opinion galing kay Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa.

Basahin ang buong press release sa: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-remittance-of-gsis-contributions-not-part-of-mayors-duties/

Basahin ang buong Desisyon sa: https://sc.judiciary.gov.ph/248652-people-of-the-philippines-vs-antonio-m-talaue/



08/10/2024

Paglabag sa Ordinansa, Hindi Sapat na Basehan Para sa Warrantless Search — Korte Suprema

Iginiit ng Korte Suprema na ang paglabag sa mga ordinansa at regulasyon ay hindi sapat na basehan para magsagawa ng warrantless "search and seizure," lalo na kung hindi naman pagkakakulong ang parusa sa mga ito.

Sa isang desisyong isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez, pinawalang-sala ng Second Division ng Korte Suprema ang isang lalaki na nahatulan ng illegal possession of firearm matapos sabihin ng Korte na "inadmissible" o hindi maaaring tanggapin bilang ebidensya ang nakumpiskang baril dahil ito ay produkto ng isang iligal na search and seizure.

Sa ilalim ng Rule 126, Section 13 ng Rules of Court, maaaring pahintulutan ang mga search and seizure na walang warrant kung ito ay bahagi ng isang ligal na pag-aresto. Pero dapat munang isagawa ang ligal na pag-aresto bago pa ang warrantless search and seizure.

Sa kasong ito, ang naging batayan ng mga pulis sa pagtugis sa akusado ay ang naging paglabag nito sa mga alituntuning pantrapiko sa pagpasok sa isang kalsadang one-way, na mauuwi lang dapat sa pagkumpiska sa lisensya ng motorista. Samakatuwid, sa kabila ng kanyang paglabag sa pagpasok sa one-way na kalsada, hindi siya under arrest nang habulin siya ng mga pulis.

Dahil walang bisa ang naganap na pag-aresto, wala ring bisa ang sumunod na warrantless search, ayon sa Korte.

Basahin ang buong press release sa: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-violation-of-ordinance-not-enough-to-justify-a-warrantless-search/

Basahin ang buong Desisyon sa: https://sc.judiciary.gov.ph/252396-angelito-ridon-y-guevarra-vs-people-of-the-philippines/



27/09/2024

SC: Bukod sa Lemon Law, Pwedeng Maghabla Sa Ilalim ng Ibang Batas ang mga Nakabili ng Depektibong Bagong Sasakyan

Hindi lamang Lemon Law ang pwedeng maging remedyo sa ilalim ng batas ng mga nakabili ng depektibong bagong sasakyan.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang konsyumer na humiling sa Toyota Balintawak, Inc. na palitan ang kanyang bagong biling sasakyan matapos madiskubre na may depekto ito. Ngunit tinanggihan sya ng Toyota dahil ayon sa Republic Act No. 10642 o ang Philippine Lemon Law (Lemon Law), maaaring ayusin muna ng Toyota nang hanggang apat na beses ang sasakyan bago ito palitan.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio Kho, Jr., sinabi ng Korte Suprema na hindi limitado sa Lemon Law ang legal remedies ng mga mamimili ng bagong sasakyan.

Maaari ring gamitin ng mga konsyumer ang Consumer Act, na nagbibigay sa supplier ng 30 araw para maisaayos ang depektibong produkto.

Ang mga mamimili ng depektibong bagong sasakyan ay may karapatang ipatupad ang kanilang mga karapatan sa ilalim ng anumang umiiral na batas.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-lemon-law-not-exclusive-remedy-for-defective-brand-new-vehicles/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/254978-79-department-of-trade-and-industry-vs-toyota-balintawak-inc-and-toyota-motor-phils-corp/



27/09/2024

SC: Pang-iinsulto at Masamang Pakikitungo sa Empleyado Maaring Ituring na Constructive Dismissal

Maaaring ituring na constructive illegal dismissal ang pagbitiw ng isang empleyado dahil sa demotion o pagbaba sa ranggo, pang-iinsulto, masamang pakikitungo, at kawalan ng malasakit ng employer.

Ito ang naging Desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng isang empleyado na napilitang mag-resign dala ng hostile work environment.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, sinabi ng Korte Suprema na ang mga kilos ng employer na nagpapakita ng labis na pagkayamot sa empleyado tulad ng demotion, nakakainsultong pananalita, at kawalan ng malasakit o pakialam ay maituturing na constructive illegal dismissal kapag hindi na nakayanan ng empleyado ang kanyang kalagayan at napilitang magbitiw sa pwesto.

Ang pamantayan para malaman kung merong constructive dismissal ay kung ang isang makatuwirang empleyado ay mapipilitang iwanan ang kanyang trabaho dahil sa kanyang kalagayan.

Bagamat sinabi ng Korte Suprema na hindi talaga maiiwasang may mga matitinding salita na maaaring bitawan sa trabaho dahil sa hindi pagkakaunawaan, hindi ito dapat nakasisira sa dignidad ng mga empleyado.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-employers-insulting-words-hostile-behavior-toward-an-employee-constitute-constructive-dismissal/

Basahin ang buong kaso: https://sc.judiciary.gov.ph/254465-jonathan-dy-chua-bartolome-vs-toyota-quezon-avenue-inc-lincoln-t-lim-esteban-dela-paz-jr-josefina-de-jesus-and-pauline-bacaling/



06/09/2024

Korte Suprema: Ang Pangangaliwa ay Maituturing na Sadyang Pananakit sa Asawa sa Ilalim ng Anti-VAWC Act

Ipinagpapalagay ng Korte Suprema na may “criminal intent” na manakit sa asawa ang pangangaliwa, sapat para ituring na paglabag sa batas na Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC).

Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, napatunayang guilty ang lalaki sa pagdulot ng “mental and emotional anguish” sa asawa dahil sa pagkakaroon niya ng ibang babae at anak.

Ayon sa lalaki, wala naman siyang intensyong magdulot ng “mental and emotional distress” sa kanyang asawa nang siya ay mangaliwa.

Pero ayon sa Korte Suprema, likas na mali ang pangangaliwa base sa pamantayan ng ating lipunan, sa ating kultura o maging sa relihiyon.

At dahil mas nilalayong protektahan ng batas ang mga biktima kaysa parusahan ang nagkasala, tinitingnan ng batas ang epekto ng isang pagkakasala sa babae o bata, at hindi ang motibo ng nagkasala.

Paglilinaw ng Korte Suprema, ang desisyon na ito ay hindi maaaring gamitin sa mga hindi tradisyunal na setup ng pamilya o pakikipag relasyon sa iba na may pahintulot ng asawa dahil walang maituturing dito na “mental or emotional anguish.”

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-criminal-intent-to-cause-anguish-presumed-in-marital-infidelity-under-anti-vawc-act/


Address

Makati

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Johnnyvel S. Sombilon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Atty. Johnnyvel S. Sombilon:

Share

Category