23/04/2026
"Ang PAGIGING MAGULANG ay isang MISYON - ang magpalaki ng mga tao na malusog sa espiritwalidad o moralidad, pag-iisip, damdamin, pakikipagkapwa-tao, at pangangatawan upang mamuhay nang may mabuting layunin para sa kapakanan ng kanilang pamilya, komunidad, at bansa - HINDI SUKATAN NG PAGKALALAKI AT PAGKABABAE." π€²
Maaari ka nang magkaanak kung handa mo nang gampanan ang mga sumusunod na OBLIGASYON O RESPONSIBILIDAD NG ISANG MAGULANG ayon sa FAMILY CODE βοΈ:
Article 194 - Magbigay ng SUPORTA na binubuo ng lahat ng mga bagay na kailangan sa patuloy na pamumuhay nang matiwasay, maayos na tirahan, damit, tugong-medikal, edukasyon, at transportasyon, na angkop sa kakayanang pinansyal ng pamilya. π ππ₯π«
Ang EDUKASYON ay tumutukoy sa pag-aaral o pagsasanay para sa isang propesyon o bokasyon kahit hindi na menor de edad ang mga anak. π
Ang TRANSPORTASYON naman ay tumutukoy sa gastos para sa pagpunta sa at pag-uwi mula sa paaralan o pinagtatrabahuang lugar. π
Article 220
a) Mamuhay kasama ang mga anak, suportahan sila, aralan at turuan sila nang tama at sa pamamagitan ng mabuting halimbawa π¨βπ©βπ§βπ¦π
b) Bigyan sila ng pagmamahal at pag-aaruga, mga mabubuting aral at payo, atensyon at pang-unawa π«
c) Bigyan sila ng moral at espirituwal na gabay at ipaunawa at ituro sa kanila ang katapatan, integridad, disiplina sa sarili, pagtayo sa sariling mga paa, kasipagan, matalinong paggamit ng pera, at pagiging makabayan at mabuting mamamayan βͺπ
d) Linangin, ingatan, at panatilihin ang kanilang pisikal at mental na kalusugan sa lahat ng panahon πͺπ§
e) Bigyan sila ng magagandang kagamitan sa pag-aaral, pangasiwaan ang kanilang mga gawain, pagsasaya, at pakikisalamuha sa iba, ingatan o ilayo sila mula sa masamang kasamahan o barkada, at pigilan sila sa pagkakaroon ng kaugalian o asal na makakasama sa kanilang kalusugan, pag-aaral, at moral πππ―
f) Katawanin sila sa lahat ng mga bagay na makakaapekto sa kanilang interes o buhay π¨βπ¦
g) Kunin ang kanilang respeto at pagsunod π©βπ§βπ¦
h) Disiplinahin sila nang nararapat ayon sa sitwasyon π€
i) Gawin ang iba pang tungkulin ng mga magulang ayon sa batas π
Article 221 - Managot sa batas para sa pinsala o kapahamakang dulot ng mga maling gawi ng kanilang mga anak na menor de edad. πΆ
Tunay na hindi basta-bastang maging magulang. Dapat nauunawaan mo ang tunay na kahulugan nito. π¦
Ikaw ay isang MATAGUMPAY na MAGULANG kung ang iyong ANAK ay LUMAKING ISANG MABUTING TAO na MALUSOG SA LAHAT NG ASPETO NG BUHAY. π«
Ang PAGKAKAROON NG ANAK ay isang DESISYONG INTENSYONAL AT PINAG-ISIPANG MABUTI ng MAG-ASAWA. π°ββοΈπ€΅ββοΈ
TANDAAN: Ang mga anak ay hindi kailanman makakapagpasya para sa kanilang sarili kung sila ba ay ipapanganak dito sa mundo. Iyon ay pagpili na ang mga magulang lamang ang makakagawa. Kaya hindi makatarungan para sa mga anak kung sila ay isisilang upang mahirapan lamang sa buhay. π€°
ISIPIN ANG KAPAKANAN ng magiging ANAK mo, huwag ang sariling kagustuhan o imahe lamang. π©βπΌπ¨βπΌ
Sa lahat ng mga magulang na, nawa kayo ay patuloy na maging matatag para sa inyong mga anak. Manindigan at patuloy na maging mabuti sa inyong mga anak. π
Sa huli, tandaan na ang PAGIGING MAGULANG ay PANGHABANGBUHAY. Kahit matatanda na ang inyong mga anak at may sarili na ring mga pamilya, hindi magbabago na kayo ay kanilang mga magulang. π©βπ¦³π¨βπ¦³