Ask Your Lawyer -FREE

Ask Your Lawyer -FREE Free legal advice on Philippine laws. Lawyer assists clients in Metro Manila, Quezon, Batangas, Laguna, and Cavite.

13/03/2025

Sasagutin ng abogado. Magtanong ng problemang legal sa comment section 👇👇👇

02/11/2024

May na-receive na SMS galing "GCash" na may link? Spoofing Scam 'Yan!

Sa Spoofing scam, gumagamit ng illegal na software ang scammers para mag mukhang trusted ang sender tulad ng mga banks or service providers.

Tandaan, GCash will never send links via SMS, email and Messaging Apps para !

Supervised by the Bangko Sentral ng Pilipinas.
Chat with Gigi inside the GCash app or visit the Help Center to learn more.

Ngayong malapit na ang Pasko, ano ang batas sa 13th-month pay na dapat ibigay sa bawat empleyado?Sagot:  Ayon sa Preside...
25/09/2024

Ngayong malapit na ang Pasko, ano ang batas sa 13th-month pay na dapat ibigay sa bawat empleyado?

Sagot: Ayon sa Presidential Decree No. 851, mandatory ay dapat matanggap ng bawat rank-and-file na empleyado ang kanilang 13th-month pay.

Magkano ang 13th-month pay?

Sagot: Sa DOLE Advisory No. 25, ang empleyado ay dapat makatanggap ng halagang hindi bababa sa 1/12 ng kanilang basic salary sa loob ng isang calendar year. Tingnan ang computation na nasa litrato ng post na ito.

Kailan dapat matanggap ang 13th-month pay?

Sagot: Ang pera mula sa 13th-month pay ay dapat ibigay ng employer sa bawat empleyado sa araw na December 24 ng bawat taon o bago sumapit ang nasabing petsa ngunit hindi pwedeng lampas dito.

Pag nag-resign, makukuha pa din ba ang 13th-month pay?

Sagot: Oo. Dapat makuha ng nag-resign o natanggal na rank-and-file na empleyado ang kanyang 13th-month pay base sa ipinasok niyang bilang ng buwan sa isang calendar year.

Anong gagawin pag hindi sumunod sa batas ang employer?

Sagot: Pwedeng ireklamo sa DOLE ang employer. Kailangan din mag-report ang bawat employer sa DOLE na naibigay na nila ang 13-month pay sa kanilang mga rank-and-file na empleyado.

May bonus ba bukod pa sa 13-month pay?

Sagot: Wala. Maliban na lamang kung galante ang employer at kusang nagbibigay ng bonus tuwing Pasko kahit na walang batas na nag-uutos nito. Magpasalamat sa employer na may 13-month pay na, may bonus pa. Kaya hindi kayo pwedeng kumanta ng “ibigay nyo na ang aming Christmas bonus!!”dahil wala itong basehan sa batas.

07/12/2023

May problema ka bang legal? Comment below at sasagutin ng abogado. Walang bayad. Go!

LOST ORIGINAL OWNER'S DUPLICATE CERTIFICATE OF TITLENawawalang titulo ng may-ari ng lupa, anong dapat gawin?Ang bawat ti...
01/11/2023

LOST ORIGINAL OWNER'S DUPLICATE CERTIFICATE OF TITLE

Nawawalang titulo ng may-ari ng lupa, anong dapat gawin?

Ang bawat titulo ng lupa ay mayroong dalawang kopya. Isa sa may-ari o registered owner. Ang isa naman ay sa Registry of Deeds kung saan nakatala ang titulo. Parehong original yan kasi duplicate noong naunang i-print.
Kapag nawala ang orihinal na kopya ng may-ari, hindi maiibenta at hindi din maiisangla ang lupa. Hindi din mapapalipat sa tagapagmana kung sakali na pumanaw na ang registered owner. Eto ang mga dapat gawin:
1. Lumapit sa abogado at magpagawa ng Affidavit of Loss para sumumpa sa ilalim ng batas na nawawala ang original owner's copy ng titulo at mga detalye ng pagkawala nito.
2. Ipatatak sa kopya ng Registry of Deeds na nawawala ang original owner's duplicate title sa pamamagitan ng pagdadala doon nung Affidavit of Loss at magbayad ng fees.
3. Humingi ng Certification sa Registry of Deeds na pinatutunayan na hawak ng nasabing opisina ang kanilang kopya ng titulo at hindi pa ito naiisyuhan ng anumang 2nd owner's copy ng titulo.
4. Magbayad sa abogado upang makapag-file ng Petition para mag-isyu ang korte ng 2nd owner's copy kapalit ng nawawalang titulo.
5. Humarap sa hukuman at patunayan na nawawala ang inyong titulo at yan ay magagawa mo lahat sa tulong ng isang abogado.
6. Hintayin ang court Order na nag-uutos sa Registry of Deeds na mag-isyu na ng panibagong titulo kapalit ng nawala at kanselahin ang nawawalang titulo.
7. Pag lumabas na ang bagong titulo o 2nd owner's copy, maaari ng maibenta, sangla, o kaya naman ay ipalipat sa mga tagapagmana kung sakali na namatay na ang registered owner.

FAQ:

Magkano ang magagastos lahat-lahat kasama ang Affidavit at bayad sa abogado at korte? More or less 80k-100k

Gaano katagal ang buong proseso ng pag-isyu ng bagong titulo kapalit ng nawala? More or less 4-6 months.

Sigurado ba na maiisyuhan ng titulo kapalit ng nawala? Pag kumpleto sa patunay na nawala nga ang titulo at walang oppositor o humadlang sa pag-iisyu ng bagong titulo, sure yan na magkakatitulo na bago. Pero pag may oppositor na nagsabi na hindi nawawala ang titulo at dinala sa korte, madi-dismis ang kaso dahil hindi naman pala talaga nawawala ang titulo.

Illegitimate Child’ s SurnameFrequently Asked QuestionsMarami pong nagtatanong kung paano papalitan ang apelyido ng ille...
12/04/2021

Illegitimate Child’ s Surname
Frequently Asked Questions
Marami pong nagtatanong kung paano papalitan ang apelyido ng illegitimate child o ipinanganak pero hindi kasal ang kanyang magulang. Pumirma ang tatay sa Birth Certificate kaya naka-apelyido sa kanya. Pero hindi na nagpakita at hindi nagsustento ang tatay. Dahil dyan, gusto ng alisin ang apelyido ng tatay sa Birth Certificate at gamitin ang apelyido ng nanay. Pwede ba ito?

Q: Pwede ba palitan ang apelyido ng bata mula sa tatay papunta sa nanay?

A: Hindi dahil mahigpit ang korte sa pagpapalit para malaman ng bata kung sino ang tunay niyang ama kahit hindi na nagpapkita at nagsusuporta. Kung ang bata mismo ang gusto magpapalit pagsapit nya sa hustong gulang, pwede na. Pero hindi pwedeng nanay ang magpapalit.

Q: Kung naka-apelyido sa nanay, pwede ba ipalipat sa apelyido ng tatay?

A: Pwede, kung kikilalanin ng tatay ang anak nya na naaayon sa batas. Kailangan gumawa ang nanay ng Affidavit to Use the Surname of the Father kung kinilala ng tatay ang anak nya.

Q: Saan magpapapalit ng apelyido?

A: Ayon sa batas, korte lamang ang pwedeng mag-utos ng pagpapalit ng apelyido kaya kakailanganin mo ng abogado.

Q: Magkano magagastos?

A: Humigit-kumulang P 100k

Q: Gaano katagal?

A: Mga 1-2 years depende sa dami ng kaso sa korte.

Bibili ka ba ng House and Lot?O kahit lupa lang.Ano-ano ang mga dapat gawin bago bumili ng lupa para maiwasan na maloko ...
08/12/2020

Bibili ka ba ng House and Lot?
O kahit lupa lang.
Ano-ano ang mga dapat gawin bago bumili ng lupa para maiwasan na maloko o kayanay magkaproblema in the future?
1. Siguraduhin na hawak ng Seller ng house and lot ang ORIGINAL OWNER'S DUPLICATE CERTIFICATE OF TITLE. Dalhin ito kasama ang seller sa Registry of Deeds na nag-issue ng title. Ipa-check sa hepe o officer kung hindi peke ang mismong titulo na hawak ng seller. Kumuha ng certified true copy ng titulo. Dapat walang nakatatak sa titulo na ito ay nakasangla o may ibang tao na naghahabol o may claim sa lupa. Wag bilhin pag may nakatatak at walang cancellation ng tatak na iyon. Kung walang titulo o hindi nakapangalan sa seller, hanap ka ng ibang lupa.
2. Puntahan ang house and lot na bibilhin at mag-inspection. Wag bilhin pag may squatter o ibang nakatira na hindi mo mapapaalis pag nabili mo na. Dapat ay pagkabayad mo, pwede mo ng gamitin agad ang binili mo.
3. Siguraduhing updated o bayad ang lahat ng real property taxes ng lupang binibili mo. Dapat ang Tax Declaration ay nasa pangalan ng seller.
4. Pag magbabayad na, siguraduhin na ito ay sa harap ng abogado na magnonotaryo ng Deed of Absolute Sale. Dapat makuha mo ang original owner's duplicate title at original na copy ng Deed of Absolute Sale. Kailangan kumuha ka din sa seller ng Acknowledgement Receipt as proof na binayaran mo na ang house and lot o lupa.
5. Magbayad ng buwis sa pagkabili ng lupa sa BIR.
6. Ipalipat sa pangalan mo ang titulo ng lupa.

Mag-ingat sa mga pekeng ahente, pekeng titulo, at pekeng mga dokumento gaya ng SPA at Extrajudicial Settlement of Estate.

Biktima ka ba ng mapanirang post sa Facebook?Eto ang pwede mong gawin para maparusahan ang nanira sa iyo through a Faceb...
14/11/2020

Biktima ka ba ng mapanirang post sa Facebook?

Eto ang pwede mong gawin para maparusahan ang nanira sa iyo through a Facebook post.

1. Screenshot mo agad ang mapanirang post laban sa iyo at ipa-print mo ng colored sa long bond paper. Kahit i-delete ng nag-post, may evidence ka na.
2. Screenshot mo din ang account page ng author o mismong nagpost laban sa iyo para patunayan na siya mismo ang nag-post. Ipa-print ng colored sa long bond paper. Mas malaki ang print, mas mabuti.
3. Dalhin sa PNP or NBI Cybercrime Division para masuri ang post at humingi ng assistance para makapag-file ng kasong kriminal na may hanggang 8 years na pagkakakulong sa nag-post.
4. Pag kumpleto na ang ebidensya kasama ang salaysay ng nagrereklamo at testigo na nakabasa ng mapanirang post, pwede ng isampa sa Prosecutor's Office.
5. Pag nakitaan ng probable cause ng imbestigador, kakasuhan na sa korte ang nag-post at maaaring ma-isyuhan ng warrant of arrest.
6. Magkakaron ng hearings at kung mapatunayan sa korte na nagkasala, hahatulan na makulong ang nag-post at pagbabayarin ng multa.

Ikaw ba ay umuupa? Kailangan mo ba magbayad ngayong lockdown?
09/04/2020

Ikaw ba ay umuupa? Kailangan mo ba magbayad ngayong lockdown?

06/03/2020

Ano ang pwedeng gawin ng isang babaeng biktima ng pang-aabuso ng asawa o partner nila? Pwede silang humingi ng Barangay Protection Order na agarang makukuha para maiwasan ang pagpapatuloy ng anumang uri ng pang-aabuso ng asawa o boyfriend.

Address

Lucena
4301

Telephone

+639173116144

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ask Your Lawyer -FREE posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share