Mendiguarin Law Office

Mendiguarin Law Office Passion & Reason in every Legal Solution.

We are looking to hire new members of our team. Grow with us and apply today. For interested applicants, kindly send us ...
09/04/2025

We are looking to hire new members of our team. Grow with us and apply today. For interested applicants, kindly send us your updated resume via email. Happy Araw ng Kagitingan, everyone!

10/10/2024

Atty., may mali po sa birth certificate ng anak ko. Anong pwedeng gawin?

A: Kung mere clerical errors (ex. misspelled ang first name, middle name or surname) lamang ang dapat baguhin sa Birth Certificate, kelangan lang mag file ng administrative Petition for Correction of Clerical Errors sa inyong Local Civil Registar (LCR). Usually may ready-made/template Petition ang ating mahal na LCR at kelangan lamang na ito'y ma ipanotaryo sa isang abogado. Halimbawa ng clerical error ay misspelled name na Annaliza Florez na dapat sana ay Annalisa Flores.

Kapag buong first name or middle name or surname ang kelangan palitan, or pati na citizenship or year of birth, kelangan mag file ng isang Petition sa korte para sa correction or cancellation ng erroneous entries. Halimbawa ang nailagay sa Birth Certificate ay Dominador De Leon ngunit ang kanyang pagkakalinlan noon pa naman at nasa IDs at school records ay Dominador Dela Cruz, kelangang idulog ang mga ganitong erroneous entries sa korte.

18/09/2024

Q: Atty., ano pong pwedeng ikaso sa asawa kong mahilig mambabae?

A: Ang panloloko, pangangaliwa or pakikipag relasyon ng nobyo o mister sa ibang babae maliban sa kanyang kasintahan o misis ay isang uri ng psychological violence na ipinagbabawal sa RA 9262 or the Anti-Violence against Women and Children Act. (### vs. People, G.R. No. 250219, 1 March 2023)

Kapag kasal ang biktima at ang mister na mahilig mambabae, posible ring kasuhan si mister ng ng concubinage, basta may pruweba na (1) ibinahay ni mister ang kabit sa conjugal home, o di kaya ay (2) nahuli si mister at si querida na nagsisiping sa eskandalosong pamamaraan or di kaya ay (3) nagsasama si mister at ang kanyang querida sa iisang bahay. Sa kasong concubinage, magkasamang kakasuhan ang mister at ang kanyang kabit o querida. (Article 334, Revised Penal Code).

Kapag pinakasalan ni mister ang querida, kahit pa hindi napapawalang bisa ang naunang kasal nila ni misis, posible kasuhan din si mister ng bigamy. (Article 349, Revised Penal Code).

03/09/2024

Q: Attorney, bumili po ako ng lupa. Hindi pa ako pumosisyon doon dahil nasa ibang lugar iyong aking family home. Makapalipas ang ilang buwan, binisita ko ulit yung lugar at nagulat ako nang makitang may ibang taong pumosisyon sa bagong biling lupa. Ayaw nang umalis nung kumakamkam sa lupa ko kahit wala siyang papeles. Ano pong dapat gawin?

A: Ayon sa batas, ang taong naninirahan sa isang lupa na pag mamay-ari ng iba ay tinatawag na illegal settler or squatter. Para lang klaro, walang legal rights ang isang squatter sa lupang kanyang inangkin o illegal na inokupahan. Ngunit, bawal sa batas ang paggamit ng land owner ng dahas o intimidasyon upang mapaalis ang squatter. Bawal ho ang pamemwersa upang maipagtabuyan ang mga illegal settler or squatter. Kung ipipilit bawiin ang lupa sa marahas na paraan, posibleng magkaron ng pananagutan sa batas ang may-ari ng lupa.

Ang pinaka mainam gawin ay humingi ng payong legal upang malaman kung paano mag-file ng ejectment case laban sa illegal settlers. Mas mainam bawiin ang lupang kinamkam sa pamamagitan ng legal at mapayapang pamamaraan.

25/08/2024

Q: Attorney, May crush ako kaso hindi niya ako kilala. Pwede po bang i-message ko siya nang i-message via SMS or sa Messenger or Instagram hanggang sa mapansin niya ako? Mayroon po bang mali sa gagawin ko? Gusto ko lang naman siyang maging kaibigan para mas lalo kaming magkakilala.

A: Mali po ang pangungulit sa Messenger nang wala sa lugar at paulit ulit na pagsesend nang kung ano anong messages lalo na kapag hindi ka kakilala nang taong sinusubukan mong kausapin.

Ayon sa Section 12, Article 2 ng Safe Spaces Act, the "invasion of victim’s privacy through cyberstalking and incessant messaging" constitutes Online Sexual Harassment. Maging listo at wag padalos dalos sa ating social media etiquette. Kung hindi mo kilala, wag gambalain at respetuhin ang virtual personal space ng bawat isa.

23/08/2024

Q: Atty, mayroon po bang pwedeng ikaso sa taong gumawa nang mapanira at bastos na Facebook post laban sa akin? Paano naman ang mga nag-react at nagshare ng mapanirang post, kailangan din ba nilang managot sa batas?

A: Opo. Ayon sa Cybercrime Prevention Act of 2012, pwede makasuhan ng kasong cyberlibel ang sinumang mag-publish sa Facebook ng isang post na pawang laman ay paninirang puri at may intensyong siraan ang pagkatao ng biktima sa ibang tao na posibleng makabasa ng post.

Samantala, sa mata ng batas, ang mga taong nag react lamang tulad ng pag-like at pati mga nag-share ng mapanirang post ay walang pananagutan maliban lamang kung sila mismo ay nagsulat or di kaya may idinagdag na mapanirang salita laban sa biktima.

22/08/2024

Q: Attorney, pwede ko po bang tanggihan ang asawa ko kapag pinipilit niya akong makipag-siping or makipag-sex sa kanya kahit ayaw ko? Ang sabi pa niya obligasyon ko ang pakikipagtalik bilang asawa at hindi ko ito pwedeng talikuran.

A: Opo, may karapatan kang tumangging makipag-sex sa asawa mo. Sa kasong People v. Jumawan (2014), nilinaw ng Korte Suprema na kapag ang mister ay pwersahang nakipag siping sa kanyang misis gamit ang dahas, siya ay posibleng managot sa kasong r**e.

Paalala lamang: no means no. Kung ayaw, huwag pilitin kahit gaano pa ka in-heat. :)

"Husbands are once again reminded that marriage is not a license to forcibly r**e their wives. A husband does not own his wife's body by reason of marriage. By marrying, she does not divest herself of the human right to an exclusive autonomy over her own body and thus, she can lawfully opt to give or withhold her consent to marital coitus." (People v. Jumawan, supra)

29/04/2021

Q: Attorney, may nareceive po akong Subpoena mula sa Public Prosecutor na may kalakip na Complaint-Affidavit/Sinumpaang Salaysay. Ano pong ibig sabihin nito at ano ang kailangan kong gawin?

A: Ibig sabihin po nito ay may inihain na criminal complaint laban sa inyo. Dumulog sa inyong abogado at magpatulong kung paano magfile ng Counter Affidavit or Kontra Salaysay (Disclaimer: Hindi po ito normal na Affidavit lamang na parang Affidavit of Loss) na naglalaman ng inyong depensa. Kung hindi po kayo sasagot ay magpapasya ang Public Prosecutor na may probable cause laban sa iyo. Ihahanda niya ang karampatang Impormasyon laban sa iyo at i-rerekomenda niya sa City o Provincial Prosecutor na isumite ang kaso sa Korte.

10/04/2021

"It may be stressed that the infliction of physical violence, constitutional indolence or laziness, drug dependence or addiction, and psycho sexual anomaly are manifestations of a sociopathic personality anomaly. Let it be noted that in Article 36, there is no marriage to speak of in the first place, as the same is void from the very beginning. To indulge in imagery, the declaration of nullity under Article 36 will simply provide a decent burial to a stillborn marriage."

Excerpt from the case of Kalaw v. Fernandez, G.R. No. 166357, 14 January 2015, wherein the Supreme Court nullified the marriage on the ground of the wife's psychological incapacity manifested by excessive mahjong-playing and spousal neglect.

30/03/2021

Q: Attorney, ano po ang kailangan kapag magpapanotaryo?
A: Kailangan pong dalhin ang document na ipapanotaryo (magdala ng extra copy para sa inyong abogado). Dapat mag-appear or magpakita ang lahat ng signatories/pipirma sa abogado at magsumite ng photocopies ng kanilang gov't issued IDs. Hindi po sapat na CTC or cedula lang. Dapat ang ID ay may signature at may picture na magpapatunay sa identity ng signatories.

28/03/2021

"If the two eventually fell in love, despite the disparity in their ages and academic levels, this only lends substance to the truism that the heart has reasons of its own which reason does not know."

Famous quote taken from the controversial case, Chua Qua v. Clave [G.R. No. 49549, 30 August 1990] where a thirty year (30) old teacher falls in love with her sixteen (16) year old student.

In other words, sometimes, love just happens. 💗

Address

2nd Floor Columban Plaza, Brgy. Poblacion, Pangasinan
Lingayen
2401

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mendiguarin Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category