08/12/2023
Real Estate is the best choice when it comes to investing 😉
GOOD DEBT WITH MY CREDIT CARD GOT ME THIS LAND TITLE
"May nakita ako dito sa Kasakasan Buddies nag post tungkol sa lupa at natuwa ako kasi same situation kami kaya share ko din. Not to brag but to inspire, kwentong 'Good Debt'.
Last 2019, meron akong ipon na P600,000 at may nag offer sakin na lupa sa Imus Area. Nakatira kami noon sa super crowded na subdivision, yung tipong walang tubig sa umaga ipon ka sa madaling araw. Buntis pa ako noon at napaisip ako mag tatatlo na ang anak ko at ayaw ko lumaki sila dito.
Nag 'tripping' kami dun sa lupa, Executive Subdivision siya at may available na 238 sqm lot. As a mother nag-imagine agad; garden, possibility of pool, and many more kasi 44 sqm lang current bahay namin that time.
Ang price ng lupa P1,400,000 cash. So, isip-isip ako kung saan kukunin ang remaining cash. Then sakto, nag-Viber si BDO na pwede i-cash credit limit na P832,000 at 0.45% per month.
Takbo ako agad sa banko that time sa umaga to process ang loan at hapon palang, nasa bank account ko na. After 2 days, na-finalize ang sale.
Fast forward 2022, ang value ng lupa ko P2,800,000 na at may bumibili sakin ng P2,500,000 CASH. Hindi ko muna binebenta kasi mag tatayo pa Ayala doon ng kung establishments at malapit siya sa CALAX. Pagkatapos ko saloan, sobrang laki pa ng value ng lupa na binili ko.
Naka bili na din ako ng bahay na mas malaki at syempre sa tulong ng credit card din. In total BDO earned almost 11% sa loan ko pero yung investment ko doble na ang amount.
Dami nag sasaway sakin, bakit ako nag papa dami ng credit card... and this is exactly the reason.
Okay lang mangutang, as long as it's a good debt.
PS: I'm not worried about sa info exposed, lahat po ng tao pwede kumuha ng Certified True Copy sa RD. Mas worried po ako na 'di pala pwede mag post anonymously kasi baka mabasa ng mga fans ko 'to. Charot.
Yung loan ko po isa 24 months to pay, nasa P38,000++ monthly and I have 3 milktea business franchise noon na nagbabayad ng loan ko. Masiyado ng mahaba ang pagag kukwento ko pero credit card din po dahilan kung bakit naging tatlo yun. Focus po tayo sa real estate. Charot!
Nag-start lang din po ako P100,000 credit limit, hanggang P900,000 na atnever akong na late at I always pain in full kaya gumanda record ko. Sa mga nag paplano, kumuha na kayo lupa or house & lot kasi pamahal ng pamahal."
A story by Ranya Diaz from Kaskasan Buddies Facebook Group