Legal Information

Directions

Legal Information Law. Legal. Updates.

02/10/2026

Hindi itinuring ng na “advertisement” sa ilalim ng PD No. 957 o 𝘚𝘶𝘣𝘥𝘪𝘷𝘪𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘊𝘰𝘯𝘥𝘰𝘮𝘪𝘯𝘪𝘶𝘮 𝘉𝘶𝘺𝘦𝘳𝘴’ 𝘗𝘳𝘰𝘵𝘦𝘤𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘋𝘦𝘤𝘳𝘦𝘦 na parte ng mga “warranty” ng developer ang pangako ng ahente na mag-iisyu ng 𝘊𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘚𝘦𝘭𝘭 matapos mabayaran ang 𝘳𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘦𝘦 ngunit inatasan pa rin nito ang 𝘥𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘦𝘳 na ibalik sa nakabili ang binayad matapos hindi tuparin ng ahente ang nasabing pangako.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng ng Korte Suprema ang Empire East Land Holdings, Inc. (Empire East) na isauli ang mga ibinayad ni John Edrem Bautista (Bautista) matapos itong mabigong mag-isyu ng ipinangakong 𝘊𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘚𝘦𝘭𝘭 .

Nagbayad si Bautista ng PHP 130,000 para sa isang 𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵𝘪𝘢𝘭 𝘶𝘯𝘪𝘵 sa Empire East na binubuo ng PHP 20,000 𝘳𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘦𝘦 at PHP 110,000 na karagdagang bayad. Ayon kay Bautista, nagbayad siya dahil nangako ang ahente ng Empire East na mag-iisyu ng 𝘊𝘰𝘯𝘵𝘳𝘢𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘚𝘦𝘭𝘭 kapag nabayaran na niya ang 𝘳𝘦𝘴𝘦𝘳𝘷𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘦𝘦. Nang lumipas ang mahigit isang taon at hindi pa rin naibigay ang kontrata, itinigil ni Bautista ang pagbabayad at hiniling ang pagsasauli ng kanyang mga ibinayad.

Sumang-ayon ang Korte Suprema sa naging desisyon ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) at Court of Appeals na pabor kay Bautista. Pinagtibay ng Korte Suprema na karapat-dapat makatanggap si Bautista ng refund, pero nilinaw din nito na hindi saklaw ng Seksyon 19 ng PD 957 ang pangako ng ahente.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na ang Seksyon 19, na nag-aatas na maging totoo at hindi mapanlinlang ang mga 𝘢𝘥𝘷𝘦𝘳𝘵𝘪𝘴𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵 at 𝘴𝘢𝘭𝘦𝘴 𝘮𝘢𝘵𝘦𝘳𝘪𝘢𝘭, ay nalalapat lamang sa mga materyal na inilaan para sa pangkalahatang publiko, gaya ng mga inilalathala sa mga pahayagan o ipinapalabas sa radyo, telebisyon, at iba pang katulad na paraan ng 𝘮𝘢𝘴𝘴 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘤𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯. Hindi nito saklaw ang mga pangakong ginagawa ng ahente sa mga indibidwal na mamimili.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na nananatiling protektado ang mga mamimili dahil maaari pa ring managot ang mga 𝘥𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘦𝘳 sa ilalim ng kanilang mga obligasyong kontraktuwal at iba pang naaangkop na batas.

Inatasan nito ang Empire East na isauli kay Bautista ang PHP 130,000, na may interes na 6% kada taon mula nang ihain ang reklamo noong 2012, at magbayad ng PHP 260,000 bilang 𝘦𝘹𝘦𝘮𝘱𝘭𝘢𝘳𝘺 𝘥𝘢𝘮𝘢𝘨𝘦𝘴 o danyos na iginagawad ng mga hukuman para pigilan ang maling pagkilos at magsilbing babala laban sa mga katulad na gawain.

Basahin ang 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘳𝘦𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171359.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/05/272556-1.pdf.

Sumunod sa 𝘊𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵 𝘈𝘵𝘵𝘳𝘪𝘣𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘗𝘰𝘭𝘪𝘤𝘺 ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


02/10/2026

Nagpasya ang na maaaring tukuyin ng mga hukuman kung buhay o patay na ang isang partido sa mga kaso ng 𝘦𝘫𝘦𝘤𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 kung kinakailangan ito para malutas kung sino ang may karapatang magmay-ari sa isang ari-arian. Gayunman, pansamantala lang ang naturang pagtukoy at para lamang sa kasong 𝘦𝘫𝘦𝘤𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, isinantabi ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang apelang inihain ni Belinda E. Soriano at ng kaniyang mga kamag-anak (Belinda at iba pa) sa isang kaso ng 𝘦𝘫𝘦𝘤𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 na isinampa laban sa kanila ni Antonio V. Estrella (Estrella).

Inangkin ni Estrella ang pagmamay-ari ng isang ari-arian sa Lungsod ng Quezon kung saan nanirahan si Belinda at iba pa sa bisa ng kanyang pahintulot. Nang tumanggi ang mga ito sa kaniyang hiling noong 2012 na umalis para maipaayos ang ari-arian, nagsampa si Estrella ng kasong 𝘶𝘯𝘭𝘢𝘸𝘧𝘶𝘭 𝘥𝘦𝘵𝘢𝘪𝘯𝘦𝘳.

Iginiit naman nina Belinda at iba pa na dapat isantabi ang kaso dahil wala umanong legal na kapasidad si Estrella na magsampa ng kaso dahil namatay na siya noong 1990. Bilang ebidensiya, iniharap nila ang 𝘥𝘦𝘢𝘵𝘩 𝘤𝘦𝘳𝘵𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦 o sertipiko ng kamatayan ni Estrella.

Sa pagpasya nito pabor kay Estrella, sinabi ng Korte Suprema na matagumpay niyang napabulaanan ang 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘶𝘮𝘱𝘵𝘪𝘰𝘯 o palagay na nilikha ng 𝘥𝘦𝘢𝘵𝘩 𝘤𝘦𝘳𝘵𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦. Kinilala mismo ng mga partido na ang Estrellang nagsampa ng kaso ay siya ring Estrellang nakapangalan sa titulo ng ari-arian. Hindi kailanman iginiit nina Belinda at iba pa na impostor siya o kinuwestiyon ang kanyang pagkakakilanlan. Bukod dito, ang aktuwal na paglitaw ni Estrella at ang pagpapatunay na siya ay buhay ay nagpatibay sa kanyang legal na kapasidad na magsampa ng kaso.

Sinabi ng Korte Suprema na bagaman ang tamang remedyo para kanselahin ang isang 𝘥𝘦𝘢𝘵𝘩 𝘤𝘦𝘳𝘵𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦 o itama ang isang tala sa 𝘤𝘪𝘷𝘪𝘭 𝘳𝘦𝘨𝘪𝘴𝘵𝘳𝘺 ay ang paghahain ng isang petisyon para sa kanselasyon, hindi nito pinipigilan ang mga hukumang dumidinig sa mga kaso ng 𝘦𝘫𝘦𝘤𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 na pansamantalang tukuyin kung buhay o patay na ang isang partido kapag kinakailangan ito para malutas ang isyu ng paghawak sa ari-arian (possession).

Dagdag pa nito, ang pagtukoy ng hukuman kung buhay o patay ang isang partido sa isang kasong 𝘦𝘫𝘦𝘤𝘵𝘮𝘦𝘯𝘵 ay limitado lamang sa pagtukoy sa legal na kapasidad ng naturang partido na magsampa ng kaso at sa kanyang karapatan sa pisikal na paghawak sa ari-arian.

Nagpasya rin ang Korte Suprema na natugunan ang mga kinakailangan para sa 𝘶𝘯𝘭𝘢𝘸𝘧𝘶𝘭 𝘥𝘦𝘵𝘢𝘪𝘯𝘦𝘳. Sa simula, legal ang paghawak nina Belinda at iba pa sa ari-arian. Gayunman, naging labag sa batas ang kanilang pananatili nang hilingin ni Estrella na lisanin nila ang ari-arian pero tumanggi ang mga ito, dahilan para magsampa siya ng kaso sa loob ng isang taon, alinsunod sa itinakda ng batas.

Basahin ang 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘳𝘦𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171407.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/236333-belinda-e-soriano-et-al-vs-antonio-v-estrella/.

Sumunod sa 𝘊𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵 𝘈𝘵𝘵𝘳𝘪𝘣𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘗𝘰𝘭𝘪𝘤𝘺 ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


02/10/2026

Sa sesyon nito noong Agosto 26, 2026, pinal na tinanggihan ng En Banc ng ang 𝘮𝘰𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘧𝘰𝘳 𝘳𝘦𝘤𝘰𝘯𝘴𝘪𝘥𝘦𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 na inihain ni Datu Pax Ali S. Mangudadatu. Sa pag-aksyon nito sa G.R. Nos. 260219 at 260231, 𝘋𝘢𝘵𝘶 𝘗𝘢𝘹 𝘈𝘭𝘪 𝘚. 𝘔𝘢𝘯𝘨𝘶𝘥𝘢𝘥𝘢𝘵𝘶 𝘷. 𝘛𝘩𝘦 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘯 𝘌𝘭𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯𝘴, 𝘚𝘩𝘢𝘳𝘪𝘧𝘢 𝘈𝘬𝘦𝘦𝘭 𝘔𝘢𝘯𝘨𝘶𝘥𝘢𝘥𝘢𝘵𝘶, 𝘈𝘻𝘦𝘭 𝘝. 𝘔𝘢𝘯𝘨𝘶𝘥𝘢𝘥𝘢𝘵𝘶, 𝘢𝘯𝘥 𝘉𝘢𝘪 𝘈𝘭𝘪 𝘈. 𝘜𝘯𝘵𝘰𝘯𝘨, pinagtibay ng Korte ang nauna nitong desisyon na nagpanatili sa pagkansela ng 𝘤𝘦𝘳𝘵𝘪𝘧𝘪𝘤𝘢𝘵𝘦 𝘰𝘧 𝘤𝘢𝘯𝘥𝘪𝘥𝘢𝘤𝘺 ni Mangudadatu para sa pagka-Gobernador ng Sultan Kudarat at inabandona ang “second placer rule.”

Ayon sa Korte, dapat punan ng Bise Gobernador ang nabakanteng posisyon.

Tumutukoy ang “second placer rule” sa nakasanayang gawain na ideklarang panalo ang kandidatong nakakuha ng ikalawang pinakamataas na bilang ng boto kapag kalaunan ay napatunayang diskwalipikado o hindi kwalipikado ang kandidatong nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto.

Muling iginiit ng Korte Suprema na walang batas na nagpapahintulot sa paggamit ng second placer rule. Binigyang-diin nito na kinikilala ng Konstitusyon bilang nahalal ang kandidatong nakakuha ng pinakamataas na bilang ng boto.

Paliwanag nito, nagkakaroon ng permanenteng bakante kalaunan kapag napatunayang hindi kwalipikadong manungkulan ang nanalong kandidato. Para sa mga lokal na halal na posisyong saklaw ng 𝘓𝘰𝘤𝘢𝘭 𝘎𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘊𝘰𝘥𝘦 (𝘓𝘎𝘊), pinupunan ang naturang bakante alinsunod sa mga tuntunin sa succession o pagpapalit sa puwesto at hindi sa pamamagitan ng pagdedeklara sa second placer bilang nanalo. Alinsunod dito, ang Bise Gobenador ang hahalili sa posisyon ng Gobernador para sa natitirang bahagi ng termino.

Nilinaw ng Korte Suprema na limitado ang desisyon nito sa mga lokal na halal na posisyong saklaw ng LGC. Hindi nito tinalakay kung naaangkop o hindi ang 𝘴𝘦𝘤𝘰𝘯𝘥 𝘱𝘭𝘢𝘤𝘦𝘳 𝘳𝘶𝘭𝘦 o mga tuntunin sa 𝘴𝘶𝘤𝘤𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 sa mga pambansang halal na posisyon dahil hindi inilatag sa Korte ang mga usaping ito.

Ia-upload sa 𝘸𝘦𝘣𝘴𝘪𝘵𝘦 ng Korte Suprema ang buong teksto ng Resolusyon na may petsang Agosto 26, 2026 sa G.R. Nos. 260219 at 260231 kapag 𝘢𝘷𝘢𝘪𝘭𝘢𝘣𝘭𝘦 na.

Basahin ang 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘣𝘳𝘪𝘦𝘧𝘦𝘳 sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=171947.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon ng Korte Suprema na may petsang Abril 25, 2025 sa G.R. Nos. 260219 at 260231 sa http://sc.judiciary.gov.ph/?p=146486.

Sumunod sa 𝘊𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵 𝘈𝘵𝘵𝘳𝘪𝘣𝘶𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘗𝘰𝘭𝘪𝘤𝘺 ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


02/10/2026

The (SC) has ruled that evidence of credit card hacking cannot be seized under a search warrant that authorizes only the search for illegal drugs and drug paraphernalia unless they are discovered in plain view.

In a Decision penned by Associate Justice Japar B. Dimaampao, the SC’s Third Division acquitted an accused of violating Republic Act No. (RA) 8484, or 𝘵𝘩𝘦 𝘈𝘤𝘤𝘦𝘴𝘴 𝘋𝘦𝘷𝘪𝘤𝘦𝘴 𝘙𝘦𝘨𝘶𝘭𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘈𝘤𝘵 𝘰𝘧 1998. Section 9(e) of the law prohibits the possession of counterfeit access devices, including fake credit cards.

The National Bureau of Investigation (NBI) received information that the accused was involved in illegal drug activities and computer hacking, particularly credit card fraud.

To verify the report, the NBI instructed the informant to buy methamphetamine hydrochloride (𝘴𝘩𝘢𝘣𝘶) from the accused. Laboratory test later confirmed that it was indeed 𝘴𝘩𝘢𝘣𝘶.

The NBI obtained a search warrant for violation of RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, authorizing the search for 𝘴𝘩𝘢𝘣𝘶 and other drug-related items.

During the search of the accused’s residence, NBI agents seized several items including computers, ATM cards, laptops, a money counter, a dry seal, and a card-scheming device.

They also recovered two American Express credit cards bearing the name “V S Tan.” An American Express manager later confirmed that the cards were fake because their numbers did not match the records of the original account holder.

Both the Regional Trial Court and the Court of Appeals convicted the accused based on the evidence seized in the implementation of the search warrant.

The SC reversed the conviction and explained that, as a general rule, authorities may seize only items specifically described in a search warrant. One exception is the plain view doctrine, which allows officers to seize evidence they discover while lawfully present in a place.

For the 𝘱𝘭𝘢𝘪𝘯 𝘷𝘪𝘦𝘸 𝘥𝘰𝘤𝘵𝘳𝘪𝘯𝘦 to apply, the officers must have a lawful reason to be in the place where the evidence is found; the discovery must be inadvertent or unintentional; and it must be immediately clear that the item may be connected to a crime.

The SC found that only the first requirement was met.

The search warrant covered only illegal drugs and related paraphernalia. It did not authorize the seizure of credit cards or other access devices.

Their discovery of the credit cards was also not made in plain view. The credit cards were inside a non-transparent bag. Their contents could not be seen until the bag was opened. Even then, the cards did not appear fake on their face. Their alleged connection to a crime became apparent only because of the NBI’s prior information and their subsequent verification by American Express.

Although the NBI agents were lawfully inside the accused’s residence, their discovery of the credit cards was not accidental. The agents already had information linking the accused to alleged credit card fraud and hacking but did not obtain a search warrant covering those offenses.

The SC thus ruled that the credit cards were unlawfully seized and could not be used as evidence against the accused. Without them, the prosecution failed to prove his guilt under RA 8484.

Read the full text of the press release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172645

Read the full text of the Decision athttps://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/06/273931.pdf

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution

02/10/2026

The has reiterated that what Republic Act No. 9262, or the 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘪𝘰𝘭𝘦𝘯𝘤𝘦 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯𝘴𝘵 𝘞𝘰𝘮𝘦𝘯 𝘢𝘯𝘥 𝘛𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘊𝘩𝘪𝘭𝘥𝘳𝘦𝘯 𝘈𝘤𝘵 𝘰𝘧 2004, criminalizes is not marital infidelity by itself but the psychological violence that goes with it causing mental or emotional suffering to the wife.

In a Decision penned by Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, the SC’s Second Division affirmed the conviction of a husband for violation of Section 5(i) of the 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘈𝘞𝘊 𝘈𝘤𝘵, which penalizes the act of causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to a woman or her child.

Married in 1999, the husband and wife’s marital problems began in 2009, when the husband started coming home late and grew distant from his family. In January 2010, the husband sent his wife text messages saying he would no longer return home, wanted to start a new life alone, and intended to seek the nullity of their marriage. The wife later discovered that her husband was living with another woman.

The husband was charged with psychological violence before the Regional Trial Court. During trial, the wife claimed that her husband’s actions caused her severe mental and emotional suffering, and loss of self-esteem and dignity. She said she experienced depression and attempted to take her own life several times.

The psychologist who evaluated the wife found signs of depression, including feelings of inferiority, sleep problems, difficulty concentrating, and problems relating with others. The psychologist linked these emotional difficulties to the wife’s conflict with her husband and his abandonment of the family for another woman.

The SC affirmed in full the finding that the husband is guilty of psychological violence under the 𝘈𝘯𝘵𝘪-𝘝𝘈𝘞𝘊 𝘈𝘤𝘵, sentencing the husband to up to eight years in prison and ordering him to pay a PHP 100,000 fine and PHP 30,000 in moral damages to his wife. The SC also directed him to undergo mandatory psychological counseling or psychiatric treatment.

The SC explained that, depending on the circumstances, an extramarital relationship may or may not cause mental or emotional anguish to the wife. Infidelity may be one of the acts through which psychological violence is committed, but the resulting mental or emotional suffering must still be proven.

In this case, the SC held that the wife’s testimony, psychological evaluation, and other witness testimonies sufficiently proved that her husband’s acts caused her mental and emotional suffering.

Read the full text of the Press Release at: https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173362.

Read the full text of the Decision: https://sc.judiciary.gov.ph/268619-###-vs-people-of-the-philippines/.

Read the Dissenting Opinion of Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen: https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168031.

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

02/10/2026

Muling binigyang-diin ng na ang pinarurusahan ng Republic Act No. 9262, o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, ay hindi ang mismong pagtataksil sa asawa, kundi ang sikolohikal na karahasan (psychological violence) na kalakip nito na nagdudulot ng pagdurusang pangkaisipan o emosyonal (mental and emotional suffering) sa asawang babae.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, pinagtibay ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol ng pagkakasala ng isang lalaki sa paglabag sa Section 5(i) ng Anti-VAWC Act na nagpaparusa sa pagdudulot ng pangkaisipan o emosyonal na pagdurusa, panlilibak o kahihiyan sa isang babae o sa kanyang anak.

Ikinasal ang mag-asawa noong 1999 at nagkaroon ng dalawang anak. Nagsimula ang kanilang problema sa pagsasama noong 2009 nang simulan ng lalaki ang pag-uwi nang gabi at pagiging malayo sa kanyang pamilya. Noong Enero 2010, nagpadala ng mga mensahe sa telepono ang lalaki sa kanyang asawa na nagsasabing hindi na siya uuwi, gusto na niyang mamuhay mag-isa, at nagbabalak na ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

Nalaman kalaunan ng babae na may kinakasamang ibang babae na ang kanyang asawa. Nagmatyag ang kapatid ng babae at isang pampribadong imbestigador at natuklasang totoo ngang may iba nang kinakasama ang lalaki. May mga saksi din na nagsabi sa babae tungkol sa relasyon ng asawa nito at ng kinakasama.

Sinampahan ng kasong psychological violence (sikolohikal na karahasan) ang asawang lalaki sa Regional Trial Court (RTC). Sa paglilitis, isinalaysay ng asawang babae na nagdulot sa kanya ng matinding pagdurusang pangkaisipan at emosyonal ang mga ginawa ng kanyang asawa, pati na rin ang pagkawala ng pagpapahalaga sa sarili at dangal. Sinabi niyang nakaranas siya ng depresyon at ilang beses na nagtangkang magsuicide.

Nalaman ng sikolohistang sumuri sa asawang babae ang mga senyales ng depresyon, kabilang ang pakiramdam ng kawalan ng halaga, kawalan ng tulog, paghihirap sa pagtuon ng pansin, at mga problema sa pakikipag-ugnayan sa iba. Iniugnay ng sikolohista ang mga emosyonal na paghihirap na ito sa hidwaan ng asawang babae sa kanyang asawa at sa pag-iwan nito sa pamilya para sa ibang babae.

Pinagtibay nang buo ng Korte Suprema ang desisyong nagpapatunay na guilty sa sikolohikal na karahasan sa ilalim ng Anti-VAWC Act ang asawang lalaki. Dahil dito, pinatawan siya ng parusang pagkakulong nang hanggang walong taon at inutusang magbayad ng PHP 100,000 na multa at PHP 30,000 na moral damages sa kanyang asawa. Inatasan din siya ng Korte Suprema na sumailalim sa obligadong psychological counseling o psychiatric treatment.

Paliwanag ng Korte, depende sa sitwasyon, ang pakikipagrelasyon sa labas ng kasal ay maaaring magdulot ng pagdurusang pangkaisipan o emosyonal sa asawang babae pero kailangan pa ring patunayan ito.

Sa kasong ito, pinagtibay ng Korte Suprema na ang salaysay ng asawang babae, ang kanyang psychological evaluation, at ang mga pahayag ng iba pang saksi ay sapat na nakapagpatunay na nagdulot sa kanya ng pagdurusang pangkaisipan at emosyonal ang mga ginawa ng kanyang asawa.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173362.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/268619-###-vs-people-of-the-philippines/.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


23/09/2026

Nagpasya ang na ang pagiging mukhang lasing, pangangamoy-alak, o makitang malapit sa mga walang lamang bote ng alak ay hindi sapat para mapatunayang lumabag sa Election Liquor Ban.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, pinawalang-sala ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema si Mcgill Esquillo Omandam (Omandam) matapos mabigo ang prosekusyon na patunayan ang kanyang guilt beyond reasonable doubt na uminom siya ng alak sa loob ng ipinagbabawal na panahon sa ilalim ng Section 261(dd)(1) ng Omnibus Election Code o ang COMELEC Liquor Ban.

Inaresto si Omandam bisperas ng halalan matapos rumesponde ang mga pulis sa mga ulat ng kaguluhan. Ayon sa mga umarestong pulis, tila lasing si Omandam, nangangamoy-alak, bulol magsalita, at matamlay ang kanyang pagkilos. Nakakuha rin ang mga pulis ng dalawang walang lamang bote ng Tanduay Rhum malapit sa lugar ng insidente.

Paliwanag ng Korte Suprema, ipinagbabawal ng OEC ang pag-inom ng nakalalasing na alak habang umiiral ang Election Liquor Ban na sumasaklaw sa araw bago ang halalan at mismong araw ng halalan. Kailangang patunayan ng prosekusyon na aktuwal na uminom ng alak ang akusado sa nasabing panahon.

Gayunman, sa kasong ito, wala ni isa sa mga umarestong pulis ang nakakita kay Omandam na umiinom. Dumepende lang ang prosekusyon sa circumstantial evidence.

Bagama’t maaaring maging batayan ng hatol ang circumstantial evidence, binigyang-diin ng Korte na ang mga pangyayari, kapag pinagsama-sama, ay dapat magpatunay sa pagkakasala nang lampas sa makatuwirang pagdududa (guilt beyond reasonable doubt) at mag-alis sa anumang makatuwirang paliwanag na nagpapakitang walang sala ang akusado.

Napatunayan ng Korte na hindi naabot ng prosekusyon ang pamantayang ito. Ibinatay lamang nito ang kaso sa mga obserbasyon sa hitsura at kilos ni Omandam at sa iba pang mga pangyayaring walang sapat na patunay.

Binigyang-diin nito na karaniwang hindi ginagawa nang palihim ang naturang paglabag at madali sanang mapatutunayan sa pamamagitan ng mga paraang madaling makuha gaya ng field sobriety test, breath analyzer, o chemical test. Gayunman, wala sa mga ito ang isinagawa ng mga pulis, at hindi rin sila kumuha ng mga litrato o video para maidokumento ang sinasabing pagkalasing ni Omandam.

Bagama’t dalawang walang lamang bote ng alak ang nakuha, hindi sinuri ng mga pulis ang mga ito para sa fingerprints o nagsagawa ng forensic tests para matukoy kung hinawakan ni Omandam ang mga ito.

Sinabi ng Korte na nagpahina sa kawastuhan at pagiging patas ng imbestigasyon ang mga pagkukulang na ito. Kapag pinagsama-sama, nagdulot ang mga ito ng pagdududa sa pagiging maaasahan at kasapatan ng circumstantial evidence.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173139.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=173133.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


18/07/2026

Nagpasya ang na kung ang karahasang sikolohikal (psychological violence) ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, maaari itong ituring na paggamit ng information and communications technology (ICT). Dahil dito, puwedeng patawan ang gumawa nito ng mas mabigat na parusa alinsunod sa Seksyon 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa isang Resolusyon na isinulat ni Kasangguning Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, binago nang bahagya ngunit pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon noong Oktubre 22, 2025. Sa naturang desisyon, pinanatili ang hatol na nagkasala ang isang indibidwal (###) dahil sa paggawa ng karahasang sikolohikal laban sa dati niyang kasintahan (AAA) sa ilalim ng Seksyon 5(i) ng Republic Act (RA) No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act), matapos siyang mag-post ng mga mapanirang pahayag tungkol kay AAA sa Facebook.

Gayunman, nagpasya ang Korte Suprema na itaas ng isang antas ang parusa dahil ang paglabag ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, na malinaw na nakasaad sa sakdal at napatunayan sa paglilitis.

Nagsampa si AAA ng kasong VAWC laban sa dati niyang kasintahan na si ### matapos siyang mag-post sa Facebook ng pahayag kung saan tinawag niya si AAA na maruming babae at hayop, at nagbanta siyang susuntukin kapag nakita niya ito. Inulit pa ni ### ang mga panlalait sa mga komento sa naturang post na maaaring mabasa ng publiko.

Habang dinidinig ang kaso, iniharap ni AAA ang mga screenshot ng post sa Facebook at sinabi niyang siya ang gumawa ng account para kay ### kung saan nai-post ang naturang pahayag. Pinatunayan naman ng dalawa niyang kapatid na kay ### ang account at nakatanggap sila ng mga mensahe mula sa kanya gamit ang parehong account.

Sa kabila ng pagtanggi ni ###, pinagtibay ng Korte Suprema, sa desisyong inilabas nito, ang mga naging pasya ng Family Court at Court of Appeals (CA) na naghatol na nagkasala si ###. Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa mga kasong kriminal, kailangang mapatunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati ang pagkakakilanlan ng gumawa nito. Pinagtibay din ng Korte Suprema ang parusang ipinataw ng CA kay ###, na kinabibilangan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, multang PHP 100,000, at pagsailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Sa pagresolba sa Motion for Reconsideration ni ###, sinabi ng Korte Suprema na napatunayang si ### ang gumawa ng post sa Facebook nang lampas sa makatwirang pagdududa (beyond reasonable doubt), batay sa mga pamantayang itinakda nito sa nauna nitong desisyon:

1. Pag-amin sa pagmamay-ari ng account o sa paggawa ng naturang post;
2. Pagkakaroon ng patunay na nakita ang akusado na gumagamit ng account o nagsulat ng naturang post;
3. Paglalaman ng impormasyon na tanging ang nagkasala o iilang tao lamang ang nakaaalam;
4. Paggamit ng mga salita o pananalitang naaayon sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng nagkasala;
5. Mga tala mula sa internet service provider, kumpanya ng telekomunikasyon, o social media site, pati na ang resulta ng pagsusuri sa mga digital device na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa account sa nagkasala;
6. Mga kilos o gawain na naaayon sa mga nauna niyang post; o
7. Iba pang mga pangyayaring nagpapakita ng pagmamay-ari, paggamit, o paggawa ng account o post.

Dahil napatunayan na si ### ang gumawa ng post sa Facebook at natugunan ang lahat ng kinakailangang elemento ng karahasang sikolohikal, sinabi ng Korte Suprema na naaangkop ang Seksyon 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Itinatakda ng probisyong ito ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga krimen at paglabag na ginawa gamit ang ICT. Mas mabigat ang parusa dahil maaaring magamit ang ICT para makaiwas ang mga nagkasala sa pananagutan, makapinsala sa mas maraming tao, o magdulot ng mas malaking pinsala.

Batay sa kahulugan ng ICT, sinabi ng Korte na ang mga social media platform tulad ng Facebook ay maituturing na ICT systems dahil pinapayagan ng mga ito ang mga gumagamit na lumikha, magpadala, tumanggap, mag-imbak, at magproseso ng mga datos na elektronikong mensahe gamit ang mga kompyuter, mobile phone, o iba pang katulad na kagamitang elektroniko.

Sa kasong ito, nakasaad sa sakdal na ginawa ni ### ang post sa Facebook gamit ang kanyang “Facebook Messenger Account… na maaaring makita ng sinuman (set to public view).” Ayon sa Korte Suprema, sapat na ang pahayag na ito para ipakitang ginamit ang ICT bilang isang nagpapabigat na sirkumstansya. Bagaman hindi tahasang nabanggit ang terminong “ICT,” malinaw pa ring ipinaalam sa sakdal kay ### na siya ay inaakusahan ng paggawa ng karahasang sikolohikal laban kay AAA sa pamamagitan ng Facebook, na kabilang sa saklaw ng isang ICT system.

Napatunayan ng prosekusyon ang nasabing pahayag sa paglilitis.

Dahil dito, itinaas ng Korte ng isang antas ang parusa mula sa pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, tungo sa pagkakakulong na anim na taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan, at isang araw. Nanatili naman ang multang PHP 100,000. Inatasan din si ### na sumailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168987

Basahin ang buong kopya ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168968

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

08/07/2026

SUPREME COURT: PHOTOCOPY CAN BE ADMITTED AS EVIDENCE IN COURT

The Supreme Court (SC) has ruled that a duplicate or photocopy of original documents, whether in paper or electronic form, can be admitted as evidence in court, provided there is no genuine question regarding the original’s authenticity or fairness in using the copy.

In a decision dated February 3, 2025 and written by Chief Justice Alexander G. Gesmundo, the SC’s First Division upheld the conviction of Ybo Lastimosa for the murder of Ildefonso Vega, Jr. The case involved the use of a photocopy of Vega’s death certificate as key evidence.

During the trial, witnesses testified that Lastimosa shot Vega in the head outside a cockpit in Cebu City. Vega’s wife further testified that he was already dead when she found him at the hospital. To support her testimony, the prosecution presented a photocopy of Vega’s death certificate, which confirmed that he died from gunshot wounds to the head and neck.

The Regional Trial Court found Lastimosa guilty of homicide, relying on the photocopy of the death certificate and eyewitness accounts. On appeal, the Court of Appeals upgraded the conviction to murder, ruling that the attack involved treachery, as Vega had no chance to defend himself or escape when he was shot.

Lastimosa appealed, arguing that the prosecution failed to prove the corpus delicti (the body of the crime) or that the crime was committed because the original death certificate was not presented at trial. He claimed that a photocopy, without comparison to the original for authentication, should not have been admitted as evidence.

The SC rejected this argument, explaining that under Rule 130, Section 4(c) of the 2019 Revised Rules on Evidence, which took effect in 2020, a duplicate is admissible as the original unless there is a genuine question about the original’s authenticity, or it would be unfair to use the duplicate. This rule applies to both paper-based and electronic documents, reflecting the modern reality where duplicates are often as reliable as originals.

“This approach reflects the practical realities of document usage and storage in the modern world, where duplicates are often indistinguishable from originals and can be more accessible.”

A photocopy is considered a duplicate as defined under the Revised Rules on Evidence: “a counterpart produced by the same impression as the original, or from the same matrix, or by means of photography, including enlargements and miniatures, or by mechanical or electronic re-recording, or by chemical reproduction, or by other equivalent techniques which accurately reproduce the original.”

In this case, the SC noted that the photocopy of the death certificate was admissible because there was no dispute over the original document’s authenticity, nor was there any claim of unfairness in relying on the duplicate.

However, the SC emphasized that while a photocopy may be admissible, its weight or value depends on how well it corroborates or supports other available evidence.

In this case, the photocopy of the death certificate, combined with the testimonies of Vega’s wife and other eyewitnesses, sufficiently established that Vega died from gunshot wounds and that Lastimosa was responsible.

The SC affirmed Lastimosa’s sentence to reclusion perpetua or imprisonment of up to 40 years and ordered him to pay PHP 275,000 in civil indemnity and damages, with interest.

Address

12
Ligao
1600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Legal Information posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category