Antonio Calleja & Rey

Antonio Calleja & Rey Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Antonio Calleja & Rey, Lawyer & Law Firm, 2nd Floor, Rosauro Bldg. , Landco Business Park, Brgy. 37/Bitano, Legazpi City, Legazpi.

Visit us at our new office location! 📍2nd Floor, Rosauro Building, Landco Business Park, Bitano, Legazpi City — now with...
02/04/2025

Visit us at our new office location! 📍2nd Floor, Rosauro Building, Landco Business Park, Bitano, Legazpi City — now with a signage to guide you!

📣We are pleased to announce the relocation of our office to a more expansive location!🏢✨📬New Office Address: 📍2nd Floor,...
24/03/2025

📣We are pleased to announce the relocation of our office to a more expansive location!🏢✨

📬New Office Address:
📍2nd Floor, Rosauro Building, Landco Business Park, Legazpi City

🕒Office Hours:
📍Monday - Friday: 9AM - 5PM
📍Weekend: By appointment

Stop by and see how we can help you today.⚖️

Ang Republic Act No. 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) ay layuning protektahan ang publiko at fina...
26/02/2025

Ang Republic Act No. 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) ay layuning protektahan ang publiko at financial system laban sa cybercrimes.

Tanging ang mga naagrabyadong asawa lang ang maaaring maghain ng petisyon para ipawalang-bisa ang kanilang kasal.Sa Desi...
14/02/2025

Tanging ang mga naagrabyadong asawa lang ang maaaring maghain ng petisyon para ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, tinanggihan ng Korte Suprema ang petisyon ng isang Pilipina na gustong ipadeklarang walang bisa ang kanyang ikalawang kasal dahil sa pagiging bigamous nito. Bigamous ang kasal kapag nauna nang ikinasal ang alinman sa mag-asawa.

Unang ikinasal ang Pilipina sa isang Chinese sa Hong Kong at sa Pilipinas. Pagkauwi ng Pilipinas, ikinasal naman siya sa isang Pilipino na dati niyang naging kliyente sa Hong Kong.

Nakakuha ang kanyang unang asawa ng divorce sa Hong Kong na kinilala ng isang korte sa Parañaque.

Makalipas ang 14 na taon, naghiwalay naman ang Pilipina at ang kanyang Pilipino na asawa. Hiniling ng Pilipina sa korte na ipawalang-bisa ang ikalawang kasal dahil sa pagiging bigamous nito. Gusto rin niyang magpakasal muli. Pero tinanggihan ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals ang kanyang petisyon.

Sa desisyon ng Korte Suprema, tanging ang naagrabyado o inosenteng asawa mula sa alinmang kasal ang may karapatang magpetisyon para sa pagpapawalang-bisa ng pangalawang kasal. Sa kasong ito, ang unang asawa ng nagpetisyon ang may hawak ng karapatang iyon, ngunit nawala ito pagkatapos makakuha ng diborsiyo. Ang karapatang ito ay hindi nailipat sa petitioner, na itinuturing na nagkasalang asawa.

Sa ilalim ng Article 35(4) ng Family Code, ang bigamous marriages, o ang mga kasal na pinasok habang ang alinmang partido ay legal na kasal sa iba, ay hindi wasto sa simula. Gayunpaman, ang mga bigamous na kasal ay dapat pa ring ideklarang walang bisa ng korte para sa layunin ng muling pagpapakasal.

Orihinal na lathala ng Supreme Court Public Information Office: https://www.facebook.com/SupremeCourtPhilippines

Tanging ang mga naagrabyadong asawa lang ang maaaring maghain ng petisyon para ipawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, tinanggihan ng ang petisyon ng isang Pilipina na gustong ipadeklarang walang bisa ang kanyang ikalawang kasal dahil sa pagiging bigamous nito. Bigamous ang kasal kapag nauna nang ikinasal ang alinman sa mag-asawa.

Unang ikinasal ang Pilipina sa isang Chinese sa Hong Kong at sa Pilipinas. Pagkauwi ng Pilipinas, ikinasal naman siya sa isang Pilipino na dati niyang naging kliyente sa Hong Kong.

Nakakuha ang kanyang unang asawa ng divorce sa Hong Kong na kinilala ng isang korte sa Parañaque.

Makalipas ang 14 na taon, naghiwalay naman ang Pilipina at ang kanyang Pilipino na asawa. Hiniling ng Pilipina sa korte na ipawalang-bisa ang ikalawang kasal dahil sa pagiging bigamous nito. Gusto rin niyang magpakasal muli. Pero tinanggihan ng Regional Trial Court at ng Court of Appeals ang kanyang petisyon.

Sa desisyon ng Korte Suprema, tanging ang naagrabyado o inosenteng asawa mula sa alinmang kasal ang may karapatang magpetisyon para sa pagpapawalang-bisa ng pangalawang kasal. Sa kasong ito, ang unang asawa ng nagpetisyon ang may hawak ng karapatang iyon, ngunit nawala ito pagkatapos makakuha ng diborsiyo. Ang karapatang ito ay hindi nailipat sa petitioner, na itinuturing na nagkasalang asawa.

Sa ilalim ng Article 35(4) ng Family Code, ang bigamous marriages, o ang mga kasal na pinasok habang ang alinmang partido ay legal na kasal sa iba, ay hindi wasto sa simula. Gayunpaman, ang mga bigamous na kasal ay dapat pa ring ideklarang walang bisa ng korte para sa layunin ng muling pagpapakasal.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-guilty-spouse-cannot-seek-nullity-of-bigamous-marriage/.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/g-r-259520/.

ALAMIN‼️📣🗣💬 Mga pangunahing kaalaman tungkol sa pagbili ng boto, pagbebenta ng boto, at pag-aabuso ng mga yaman ng Estad...
13/02/2025

ALAMIN‼️📣🗣💬

Mga pangunahing kaalaman tungkol sa pagbili ng boto, pagbebenta ng boto, at pag-aabuso ng mga yaman ng Estado

Iginiit ng Korte Suprema na ang isang “contract of sale of goods” o kontrata sa pagbebenta ng mga kalakal ay nakukumplet...
12/02/2025

Iginiit ng Korte Suprema na ang isang “contract of sale of goods” o kontrata sa pagbebenta ng mga kalakal ay nakukumpleto na sa pamamagitan lamang ng kasunduan sa pagitan ng mga partido, kahit walang nakasulat na dokumento.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, inutusan ng Third Division ng Korte si Marcelina Villanueva (Villanueva) na bayaran ang Coca-Cola Bottlers Phils., Inc. (Coca-Cola) para sa mga produktong inihatid sa kanya sa ilalim ng kanilang kasunduan sa dealership.

Kinasuhan ng Coca-Cola si Villanueva, na nagpapatakbo ng negosyo sa pangalan ng “Vedge Trading,” para mangolekta ng mahigit PHP 600,000 na hindi binayarang produkto. Depensa ni Villanueva, hindi siya kundi ang kanyang mga pamangkin ang namamahala sa negosyo.

Nagpasya ang Korte Suprema pabor sa Coca-Cola. Bagama't walang naipakitang nakasulat na kontrata, napatunayan ang pagbebenta ng mga kalakal sa pamamagitan ng iba pang ebidensya tulad ng mga pinirmahang delivery invoice na nagkukumpirma sa pagbili, terms of payment, at aktwal na paghahatid ng mga produkto.

Orihinal na lathala ng Supreme Court Public Information Office: https://www.facebook.com/SupremeCourtPhilippines

Iginiit ng na ang isang “contract of sale of goods” o kontrata sa pagbebenta ng mga kalakal ay nakukumpleto na sa pamamagitan lamang ng kasunduan sa pagitan ng mga partido, kahit walang nakasulat na dokumento.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, inutusan ng Third Division ng Korte si Marcelina Villanueva (Villanueva) na bayaran ang Coca-Cola Bottlers Phils., Inc. (Coca-Cola) para sa mga produktong inihatid sa kanya sa ilalim ng kanilang kasunduan sa dealership.

Kinasuhan ng Coca-Cola si Villanueva, na nagpapatakbo ng negosyo sa pangalan ng “Vedge Trading,” para mangolekta ng mahigit PHP 600,000 na hindi binayarang produkto. Depensa ni Villanueva, hindi siya kundi ang kanyang mga pamangkin ang namamahala sa negosyo.

Nagpasya ang Korte Suprema pabor sa Coca-Cola. Bagama't walang naipakitang nakasulat na kontrata, napatunayan ang pagbebenta ng mga kalakal sa pamamagitan ng iba pang ebidensya tulad ng mga pinirmahang delivery invoice na nagkukumpirma sa pagbili, terms of payment, at aktwal na paghahatid ng mga produkto.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-contract-of-sale-of-goods-finalized-by-mere-agreement-of-parties/.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/264746-marcelina-villanueva-doing-business-under-the-name-and-style-vedge-trading-vs-coca-cola-bottlers-phils-inc-jonathan-erasga-benjamin-i-dequina-jr-allan-d-evangelista-and-eugenio.

Ang pagiging isang overseas Filipino worker (OFW) ay hindi hadlang para igawad ng korte ang parental authority at sole c...
31/01/2025

Ang pagiging isang overseas Filipino worker (OFW) ay hindi hadlang para igawad ng korte ang parental authority at sole custody sa mga anak sa isang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ng Second Division ng KorteSuprema sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez.

Bukod sa pagbigay ng sole custody sa ina, binigyan din ng Korte ng provisional custody ang lola ng mga bata na kasama nila sa bahay sa Pilipinas.

Sa isang petisyon, hiniling ng ama ng dalawang bata na maibalik sa kanya ang kustodiya ng mga bata dahil wala sa bansa ang kanilang ina. Hiwalay na ang mag-asawa.

Mula regional trial court, umabot sa Korte Suprema ang petisyon.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals na nagpasiya na ang ina ay hindi isang “absent” na magulang dahil lamang siya ay isang OFW. Sa paggawad ng custody, isinaalang-alang ng Korte ang best interest ng mga bata.

Sa kasong ito, bagamat nasa ibang bansa, nagawa pa rin ng ina na pangasiwaan at alagaan ang kanyang mga anak. Sinusubaybayan at nakipag-ugnayan siya sa mga bata sa pamamagitan ng CCTV sa bahay at nagpapadala rin siya ng pera buwan-buwan bilang suporta.

Sinabi ng Korte Suprema na hindi karapat-dapat ang ama dahil sa kanyang pag-iinom, paninigarilyo, at marahas na pag-uugali. Natuklasan din ng Korte Suprema na ang mga bata ay nasanay nang mamuhay kasama ang kanilang lola.

Orihinal na lathala ng Supreme Court Public Information Office: https://www.facebook.com/SupremeCourtPhilippines

Ang pagiging isang overseas Filipino worker (OFW) ay hindi hadlang para igawad ng korte ang parental authority at sole custody sa mga anak sa isang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ng Second Division ng sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez.

Bukod sa pagbigay ng sole custody sa ina, binigyan din ng Korte ng provisional custody ang lola ng mga bata na kasama nila sa bahay sa Pilipinas.

Sa isang petisyon, hiniling ng ama ng dalawang bata na maibalik sa kanya ang kustodiya ng mga bata dahil wala sa bansa ang kanilang ina. Hiwalay na ang mag-asawa.

Mula regional trial court, umabot sa Korte Suprema ang petisyon.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Court of Appeals na nagpasiya na ang ina ay hindi isang “absent” na magulang dahil lamang siya ay isang OFW. Sa paggawad ng custody, isinaalang-alang ng Korte ang best interest ng mga bata.

Sa kasong ito, bagamat nasa ibang bansa, nagawa pa rin ng ina na pangasiwaan at alagaan ang kanyang mga anak. Sinusubaybayan at nakipag-ugnayan siya sa mga bata sa pamamagitan ng CCTV sa bahay at nagpapadala rin siya ng pera buwan-buwan bilang suporta.

Sinabi ng Korte Suprema na hindi karapat-dapat ang ama dahil sa kanyang pag-iinom, paninigarilyo, at marahas na pag-uugali. Natuklasan din ng Korte Suprema na ang mga bata ay nasanay nang mamuhay kasama ang kanilang lola.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-ofws-do-not-lose-parental-and-custody-rights-over-their-children/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/266116/

Ang mga foreign currency deposit account ay hindi kasali sa mga papatawan ng estate tax sa ilalim ng Republic Act No. 64...
29/01/2025

Ang mga foreign currency deposit account ay hindi kasali sa mga papatawan ng estate tax sa ilalim ng Republic Act No. 6426 (RA 6426) o ang Foreign Currency Deposit Act of the Philippines.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, kinatigan ng First Division ng KorteSuprema ang hiling para sa refund ng binayarang estate tax na inihain ng estate ni Charles Marvin Romig (Charles), isang American national na nanirahan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Namatay si Charles noong 2011 nang hindi nag-iwan ng huling habilin. Nilipat ni Maricel Narciso Romig (Maricel), ang nag-iisang tagapagmana, ang pagmamay-ari ng mga ari-arian ni Charles sa kanyang sarili, kabilang ang isang dollar deposit account.

Sa pag-compute ng estate tax, hindi naisama ni Maricel ang dollar deposit account kaya nagbayad siya ng dagdag na PHP 4.56 milyon para maisama ito. Pero kalaunan, humingi siya ng refund dahil batay sa section 6 ng RA 6426, exempt ang foreign currency deposit account sa estate tax.

Tinanggihan ng Commission on Internal Revenue ang kanyang refund claim, dahil binawi na umano ng 1997 National Internal Revenue Code (NIRC) ang tax exemption sa mga dollar deposit account. Pero nagdesisyon ang Court of Tax Appeals (CTA) pabor kay Maricel.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng CTA. Nilinaw ng Korte na ang isang pangkalahatang batas, gaya ng NIRC, ay hindi maaaring bawiin ang ipinagkaloob na tax exemption na ibinigay ng isang special law, tulad ng RA 6426, nang walang malinaw at tahasang probisyon sa pagpapawalang-bisa.

Dagdag pa ng Korte, dinisenyo ang RA 6426 para makaakit ng mga foreign investment sa pamamagitan ng pag-exempt ng mga foreign currency account mula sa lahat ng buwis.

Orihinal na lathala ng Supreme Court Public Information Office: https://www.facebook.com/SupremeCourtPhilippines

Ang mga foreign currency deposit account ay hindi kasali sa mga papatawan ng estate tax sa ilalim ng Republic Act No. 6426 (RA 6426) o ang Foreign Currency Deposit Act of the Philippines.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, kinatigan ng First Division ng ang hiling para sa refund ng binayarang estate tax na inihain ng estate ni Charles Marvin Romig (Charles), isang American national na nanirahan sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Namatay si Charles noong 2011 nang hindi nag-iwan ng huling habilin. Nilipat ni Maricel Narciso Romig (Maricel), ang nag-iisang tagapagmana, ang pagmamay-ari ng mga ari-arian ni Charles sa kanyang sarili, kabilang ang isang dollar deposit account.

Sa pag-compute ng estate tax, hindi naisama ni Maricel ang dollar deposit account kaya nagbayad siya ng dagdag na PHP 4.56 milyon para maisama ito. Pero kalaunan, humingi siya ng refund dahil batay sa section 6 ng RA 6426, exempt ang foreign currency deposit account sa estate tax.

Tinanggihan ng Commission on Internal Revenue ang kanyang refund claim, dahil binawi na umano ng 1997 National Internal Revenue Code (NIRC) ang tax exemption sa mga dollar deposit account. Pero nagdesisyon ang Court of Tax Appeals (CTA) pabor kay Maricel.
Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng CTA. Nilinaw ng Korte na ang isang pangkalahatang batas, gaya ng NIRC, ay hindi maaaring bawiin ang ipinagkaloob na tax exemption na ibinigay ng isang special law, tulad ng RA 6426, nang walang malinaw at tahasang probisyon sa pagpapawalang-bisa.

Dagdag pa ng Korte, dinisenyo ang RA 6426 para makaakit ng mga foreign investment sa pamamagitan ng pag-exempt ng mga foreign currency account mula sa lahat ng buwis.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-foreign-deposit-accounts-exempt-from-estate-tax/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/262092-commissioner-of-internal-revenue-vs-estate-of-mr-charles-marvin-romig-represented-by-its-sole-heir-mrs-maricel-narciso-romig/

Hindi maaaring tanggihan ng mga bangko nang wala sa katuwiran ang pagbabayad ng mga nanghihiram na nanganganib na mahara...
27/01/2025

Hindi maaaring tanggihan ng mga bangko nang wala sa katuwiran ang pagbabayad ng mga nanghihiram na nanganganib na maharap sa mas mataas na interes at karagdagang mga singil.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, inatasan ng Third Division ng Korte ang Premiere Development Bank (Bangko) na tanggapin ang tseke na ibinayad ng mag-asawang Engracio T. Castañeda (Engracio) at Lourdes E. Castañeda bilang kabuuang bayad sa kanilang personal na utang.

Ang mag-asawa ay kumuha ng PHP 2.6 milyong personal loan mula sa Bangko. Pero nagsilbi rin silang surety sa tatlong utang na nagkakahalaga ng PHP 86.8 milyon na kinuha ng dalawang kumpanya kung saan nagsilbing presidente at bise-presidente si Engracio.

Nang magbayad ang mag-asawa ng PHP 2.6 milyon para sa kanilang personal loan at P6 milyon para sa isa sa mga corporate loans, hinati-hati ng Bangko ang bayad sa apat na utang.

Sa Desisyon ng Korte, dapat itinuring ng Bangko na kabuuang bayad sa personal loan ng mag-asawa ang PHP 2.6 milyon. Sa ilalim ng Article 1252 ng Civil Code, maaring magpasya ang nagpapahiram kung paano i-apply ang bayad kapag hindi nagsabi ang nanghihiram. Pero para lang ito sa iisang nanghihiram na may maraming utang.

Ayon pa sa Korte, mali ang Bangko sa pagtrato sa mag-asawa at sa mga kumpanya bilang iisang nanghihiram, na pinagsasama ang mga pagbabayad para sa magkahiwalay na personal at corporate na mga utang, dahil ang mag-asawa at ang mga kumpanya ay magkaibang entity.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-banks-cannot-unreasonably-refuse-payment-from-borrowers/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/185110-premiere-development-bank-vs-spouse-engracio-t-castaneda-and-lourdes-e-castaneda

13/01/2025

Sinu-sino ang madalas na magkaroon ng BIR open cases at ano ang dapat gawin?

Send a message to learn more

Address

2nd Floor, Rosauro Bldg. , Landco Business Park, Brgy. 37/Bitano, Legazpi City
Legazpi
4500

Opening Hours

Monday 9am - 4:30pm
Tuesday 9am - 4:30pm
Wednesday 9am - 4:30pm
Thursday 9am - 4:30pm
Friday 9am - 4:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Antonio Calleja & Rey posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share