17/09/2026
Thank you so much Engr. Owen Morga and Arch. Sarah Joy Botilo - Morga of Vectors Architectural and Engineering Services and Vectors Review Center for trusting me with your notarization needs. Happy to assist you!💜
Since we’re on the topic of notarization, here’s a quick reminder for everyone😊
📌 Ang notarization ay hindi lang basta pagpapa-tatak at pagpirma sa dokumento.
Bago maisagawa ang isang notarial act, may mga legal requirements at procedures na kailangang sundin ng isang Notary Public.
Here are some things you should remember:
1. 👤 Kailangan personal na pumunta ang taong pipirma.
Kung ikaw ang pipirma o mag-aacknowledge ng dokumento, kailangan mong personal na humarap sa Notary Public.
Hindi po puwedeng ibang tao na lang ang pumunta para sa iyo at magpa-notaryo ng document na ikaw ang dapat pumirma o mag-acknowledge.
2. 🪪 Huwag kalimutang magdala ng valid ID.
Kailangang ma-establish ng Notary Public ang identity ng taong humaharap at pipirma sa document.
Kaya kapag pupunta for notarization, magdala po ng valid government-issued ID na maaaring gamitin para maayos na ma-verify ang iyong identity.
3. 📄 Siguraduhing kumpleto na ang dokumento.
Bago pumunta sa Notary Public, siguraduhin na kumpleto na ang mga dokumento at mga detalye nito.
Iwasan ang mga blank spaces o bahagi na kailangan pang sulatan o baguhin pagkatapos ng notarization.
4. ⚖️ Ang notarized document ay hindi nangangahulugang automatic na valid na ang lahat ng nakasaad dito.
Ang pagpa-notaryo ay hindi automatic na nangangahulugang legal o valid na ang buong laman ng document o ang transaction na nakasaad dito. Mahalagang tandaan ito. 😊
Ang Notary Public ay nagsasagawa ng notarial act at nagve-verify ng mga bagay na kinakailangan sa ilalim ng applicable rules. Samantala, ang mga parties ay responsable pa rin sa nilalaman ng kanilang dokumento at sa legality ng kanilang agreement o transaction.
Kaya sa susunod na magpapagawa o magpapanotaryo kayo ng document, tandaan:
Hindi lang po ito tungkol sa “tatak at pirma.” May legal process at requirements na kailangang sundin. 🤍
Kung may document kayong planong ipa-notaryo at hindi kayo sigurado kung ano ang mga kailangang dalhin o ihanda, feel free to send us a message before coming to the office. We’ll be happy to let you know what you may need to prepare.😊
📩 Send us a message or schedule an appointment for your notarial concerns.