13/04/2023
Ang Binibini na aking tinatanggi.
O, Binibini na aking tinatanggi labis akong nagdaramdam saiyo.
Magmula noong ako'y iyong nilisan ay hindi ko lubos na mapagtanto na labis akong masasaktan ng husto.
Ano ba ang nagawa kong mali?
May mali ba sa sarili ko?
Saan ba ako nagkulang?
Hindi pa ba sapat ang pagmamahal na naipakita ko saiyo?
Maari ba tayong bumalik sa umpisa kung saan ay tayong dalawa lang sa'ating mundo?
Hindi ba't tayo ay nagsumpaang dalawa, na sa hirap at ginhawa ay tayo mananatiling ikaw at ako pa rin?
Ngunit bakit ikaw ay biglang nagbago?
Nanlamig na ang iyong paglalambing at napupuno ka na nang pait.
Kung ano man ang aking nagawa nawa'y patawarin mo ako at hindi ko sinasadyang saktan ang iyong damdamin.
At kung hindi na ako ang nagmamay-ari ng iyong puso ay handa nakong bitawan ang lahat ng ating ipinangako at palayain ka.
Ako'y magpapalaam na at nawa'y maging masaya ka na sa piling niya.
Hanggang sa muli,
Ang iyong nagiisang tagahanga.
-Zero,2023-