20/03/2026
π¨ CASE DIGEST: Kailangan mo bang mag-"reserve" ng independent civil action?
Supreme Transportation Liner v. San Andres
G.R. No. 200444 | August 15, 2018
Eto ang nangyari:
Alas singko ng umaga, isang Mabel Tours Bus ang umovertake sa isang Toyota Revo sa Maharlika Highway. Nag-sideswiped, nawala sa kontrol, at nag-swerve sa kabila β HEAD-ON COLLISION sa Supreme Bus na galing sa kabilang direksyon. Hindi pa tapos. Yung Mabel Tours Bus tuloy-tuloy pa rin ang andar β nabangga pa ang isang nakaparadang jeepney na nahulog sa kanal. Apat na sasakyan ang nasira. Buti na lang, walang namatay.
Ngayon, eto ang nakakaloka:
Si San Andres β yung may-ari ng Mabel Tours Bus na NAGDULOT ng aksidente β siya pa ang nag-file ng civil case for damages LABAN sa Supreme Transportation. Sinabi niyang P144,500 daw ang pinsala sa bus niya at P150,000 ang unrealized profits.
Syempre, lumaban ang Supreme Transportation. Nag-file sila ng counterclaim β P500,000 sa bus damage at P100,000 sa medical expenses ng mga pasahero at empleyado nila.
Habang nangyayari 'to, nag-file din sila ng criminal case against Belchez (yung driver ni San Andres). At alam mo na β NA-CONVICT si Belchez. Inamit niya mismo ang krimen.
PERO eto ang problema: Hindi nag-reserve ng civil action si Supreme Transportation sa criminal case.
Ang sabi ng RTC at Court of Appeals: "Wala kang reservation? Wala kang counterclaim. Double recovery yan."
Ang sabi ng SUPREME COURT: "MALI KAYO." β
Ang independent civil actions under Articles 32, 33, 34 at 2176 ng Civil Code ay HINDI na kailangan ng reservation. Pwede itong i-file KAHIT KAILAN β basta hindi ka mag-recover ng damages nang dalawang beses para sa iisang act or omission.
Ang counterclaim ni Supreme Transportation ay based sa quasi-delict (Article 2176) β isang INDEPENDENT civil action. Hiwalay ito sa civil liability ex delicto na nanggagaling sa criminal case. Dalawang magkaibang source of obligation. Dalawa 'to. Hindi double recovery.
π‘ KEY TAKEAWAY:
Isang negligent act = DALAWANG civil liability:
1οΈβ£ Civil liability ex delicto (Revised Penal Code)
2οΈβ£ Independent civil liability based on quasi-delict (Article 2176, Civil Code)
Pwedeng i-pursue pareho. Basta walang double recovery.
Case REMANDED sa trial court.
I-TAG mo na yung kagrupo mong hindi pa nagrereview. π