04/07/2024
Ano nga ba ang cyber-libel and Libel, At ano Ang mga pagkakaiba nito?
Ang cyberlibel ay isang krimen na pinaparusahan sa ilalim ng Republic Act No. 10175 o โCybercrime Prevention Act of 2012.โ
Kapareho ito ng krimen ng libel sa ilalim ng Article 355 ng Revised Penal Code dahil ang depinisyon ng cyberlibel ay hinango rin sa depinisyong ng libel sa Revised Penal Code bukod sa ilang aspeto. Katulad ng karaniwang libel, mayroong cyberlibel kapag naglathala ang sinuman ng malisyosong pagbibintang ng krimen, depekto, bisyo, anumang aksyon o kawalan nito, kondisyon, o kalagayan, na nagdudulot ng pagkasira ng puri o pagkapahiya ng isang tao o korporasyon. Ang pinagkaiba lang ng cyberlibel ay mas malubha ang parusa nito dahil sa paggamit ng information and communication technology (katulad ng internet) sa paglalathala. Mas mahirap kasing mahuli ang naglathala sa mga kaso ng cyberlibel kaya mas matinding parusa ang itinakda ng batas para rito.
According to Article 355, Revised Penal Code of the Philippines, Libel- means by writings or similar means. - A libel committed by means of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition, cinematographic exhibition, or any similar means, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos, or both, in addition to the civil action which may be brought by the offended party.
โKung ang libel ay pinarurusahan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang apat na taon at dalawang buwan, ang cyberlibel naman ay pinaparusahan ng pagkakakulong mula anim na taon at isang araw hanggang sampung taon.
May pinagkaiba rin ang libel at cyberlibel sa isyu ng kung saan maaring isampa ang kaso. Sa libel, maaring isampa ang kaso sa lugar kung saan nakatira ang nagrereklamo o sa lugar kung saan unang inilathala ang malisyosong artikulo. Sa cyber-libel naman, magfile your affidavit complaint and supporting documents with the Prosecutor's Office at the place where you reside.
โ๏ธ
โREPUBLIC ACT. 10175
ACT No. 3815 (December 8, 1930)
AN ACT REVISING THE PENAL CODE AND OTHER PENAL LAWS.