Manunulat ng kwento at makata ng tula

Manunulat  ng kwento at makata ng tula Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Manunulat ng kwento at makata ng tula, Legal, Gen.MacArthur brgy.01 elizaldez st., General MacArthur.

25/12/2022

Hindi tayo pwede
Ang relasyon natin ay impossible,
Kung kaya't kontento na ako sa mga nangyare,
Nangyaring ang dala ay sakit at pighati,
Pero alam mo di kita masisisi,
Kasi alam ko na hindi talaga ako ang rason ng iyong ngiti,
Isa ako sa mga taong pumasok sa buhay mo,
Para kahit papaano makapagpadala ako,
Nang panandaliang saya sa puso mo.

09/10/2022

Di ko na kaya.
Maaari bang sumuko na.
Pagod na pagod na ako.
Sa mga kalokohang pinaggagawa mo.

Hindi ko na kayang magtimpi.
Maari bang unahin ko na muna ang sarili?
Pagod na kasi ako sa kakaintindi.
Pasensya ko ay inaabuso na kasi.

Akala ko ba okay tayo.
Kaso iba pala turing mo.
Hindi pa kita kailanman napasaya.
Oh baka naman sadyang may mahal kang iba.

Sana naman pagdating ng panahon.
Malaman mo ang halaga ko sa buhay mo.
Mas mabuti kung malamon mo yan sa panahon na ako ay tuluyan ng umahon.
Sa sakit na dulot mo.

09/10/2022

"Balisang Damdamin''
Gulong-gulo ako sa nadadama ko,
Sino nga ba ang laman ng pusong ito?
Yung bagong dumating na bumuo sa'kin,
At iniingatan ang aking damdamin.

O yung unang nagpatibok sa puso ko,
At una ring dumulot ng sakit dito.
Hindi ako sigurado kung sino ba?
Ang tunay na tinitibok ng puso ko.

Sakit na dulot ng una ay hinilom,
Hindi hinayaang malunod sa alon,
Pinadama sa'king ako'y mahalaga
At patuloy na pinapasaya niya.

Ikaw na nagbibigay swerte sa buhay,
At ang isang rason ng aking tagumpay.
Sa iyong mga matatamis na papuri,
Nasa akin ay nagpapangiti lagi.

Ikaw na mas matatag kaysa sa akin,
Magaling magbalat-kayo ng damdamin.
Pero sa loob ng puso ay malambot,
Kahit na hindi kita nakitang nalungkot.

Ikaw na nagdulot ng sakit sa puso,
Pero hanggang ngayon inaalala ko.
Ikaw na hindi malimutan ng puso,
Dahil sa mga leksyon na itinuro mo.

Leksyon na hanggang ngayon hawak-hawak ko.
Gaya nang bago ka magmahal ng tao,
Matuto kang mahalin ang sarili mo.
At tiyak napumili ng tamang tao.

Tamang tao na hindi ka kayang saktan,
At araw araw kang maiintindihan.
Dahil pag-maling tao ang mapili mo,
Sakit lang sa puso ang madadama mo.

Kayong dalawa ang nagbibigay kulay,
Sa madilim at walang kulay na buhay.
Kayong dalawa na paksa ng tula ko,
At palaging laman ng panaginip ko.

Kayong dalawang ginawan ko ng tula,
Para ipadama na ako'y masaya,
Sa tuwing kayo ang kasa-kasama ko,
Damang-dama ko na buong-buo ako.

Sa bago na pinapansin ako lagi.
Sa una na binabalewala ako,
At kailanman ay hindi pinipili.
Sino ba ang nagpapatibok sa puso ko?

Sa bago na hindi masyadong maingay,
Sa una na sobrang tahimik ng buhay.
Sa bago na marami ang kaibigan.
Sa una na sakto lang ang kaibigan.

Bago na bumuo sa durog kung puso,
Luma na dinurog akong parang paso.
Sino ba ang nagpapatibok sa puso ko?
Kailan masasagot ang tanong na ito?

Tanong na nakakabagabag sa puso,
Pusong pumipintig pag nakita kayo.
At nang oras na nalaman kong sya pala,
Yung bagong rason sa aking pagligaya.

Ang

Oh binibini,Ngiti mo ay nakabibighani,Ang iyong ganda ay walang kapantay,Makita lang ito nagkakaroon na ng kulay ang aki...
27/09/2022

Oh binibini,
Ngiti mo ay nakabibighani,
Ang iyong ganda ay walang kapantay,
Makita lang ito nagkakaroon na ng kulay ang aking buhay.

Binubuo mo ang araw ko,
Pinapasaya ang walang ganang buhay ko.
Kinakabahan ako pagnakikita ka,
Sumasayaw rin ang puso ko sa saya.

Lalo't makikita ulit kita bukas ng maaga,
Yung dating malungkot ay biglang sumigla.
Sa pagdating mo nagkaroon ng liwanag ang mundo ko,
Para kang puno na rason ng pagkabuhay ko.

Address

Gen.MacArthur Brgy.01 Elizaldez St.
General MacArthur

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Manunulat ng kwento at makata ng tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category