05/10/2025
Bilang paggunita sa International Day of No Prostitution, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang isang makabuluhang medical mission sa pakikipagtulungan ng AOFF Antonio O. Florendo Foundation at Talikala, Inc. Layunin ng aktibidad na magbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan at isulong ang kapakanan ng mga kababaihan at mga batang babae, lalo na yaong mga biktima ng prostitusyon at pagsasamantala.
Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, nakatanggap ang mga kakabaihan na miembro ng Lawig Bubai ng libreng konsultasyon, gamot, bigas at serbisyong medikal at legal na nagbigay sa kanila ng pagkakataong pangalagaan ang kanilang kalusugan at kagalingan. Higit pa sa pisikal na pangangalaga, nagsilbi rin itong paalala ng karapatan ng bawat babae na mamuhay nang malaya sa karahasan at pagsasamantala.
Ang pakikipagtulungan ng AOFF at Talikala ay nagpakita ng kapangyarihan ng malasakit at pagkakaisa sa pagtugon sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga nasa laylayan. Sa paggunita ng International Day of No Prostitution, ang medical mission na ito ay naging sagisag ng pag-asa—patunay na posible kapag ang komunidad ay nagkakaisa para sa kabutihan.
Maraming maraming Salamat AOFF at Talikala Inc