Atty. Rovelyn Paraan

Atty. Rovelyn Paraan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Atty. Rovelyn Paraan, Notary public, Purok 8, Communal, Davao City.

27/07/2026

Nagpasya ang na nananatiling may bisa ang bentahan ng lupa na magkaibang numero ng lote ang nakasaad sa kasulatan ng bentahan o deed of sale kumpara sa tunay na nabenta, basta’t malinaw na maipapakita ang totoong pinagkasunduan ng mga partido. Dahil dito, maaaring itama ang kasulatan para tumugma sa aktuwal na napagkasunduan ng magkabilang panig.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinagtibay ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang bentahan ng isang 491 metro kuwadradong lupain sa Lungsod ng Cebu sa pagitan ng mga mamimiling sina Genara at Felipe Abay, Sr. (mga Abay) at ng mga nagbentang sina Crispin Caballes at mga tagapagmana ni Trinidad Caballes-Gallardo (mga Gallardo), sa kabila ng pagkakamali sa nakalagay na numero ng lote sa deed of sale.

Bahagi ang lupang ito ng ari-ariang naiwan ni Margarita Lopez na may siyam na anak, kabilang sina Crispin at Trinidad.

Binisita ng mga Abay ang lugar kasama si Crispin at si Tomas Gallardo, isa sa mga tagapagmana ni Trinidad, bago nila binili ang ari-arian. Sa kanilang pagbisita, ipinakita sa kanila ang mga hangganan ng lupa. Tumulong pa si Tomas sa mga Abay sa pagtatayo ng bakod sa paligid nito.

Tinirahan ng mga Abay ang ari-arian nang humigit-kumulang 20 taon. Naputol lang ang kanilang paninirahan nang pumasok dito ang mga manggagawa ng mag-asawang Jacinto at Chiok Ngo Lim Young (mga Young), sinara ang bakod, at nagtayo ng sarili nilang mga poste.

Nalaman ng mga Abay na isang titulo para sa ari-arian ang naisyu sa pangalan ng mga Young. Dahil dito, naghain sila ng reklamo sa Regional Trial Court (RTC) para maipakansela ang nasabing titulo.

Kinuwestiyon ito ng mga Gallardo at ikinatuwirang ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay tumutukoy sa ibang lote, ang Lot No. 6036-B, at hindi sa loteng kanilang tinitirhan na Lot No. 7. Bagama’t parehong matatagpuan sa iisang lugar ang dalawang lote, hiwalay na ari-arian ang mga ito at hindi magkatabi. Sinuportahan ng mga Young ang panig ng mga Gallardo at pinanindigang sila ay mga mamimili na may mabuting intensyon.

Nagdesisyon ang RTC pabor sa mga Abay, pero binaliktad ang desisyong ng Court of Appeals (CA). Ayon sa CA, ang mga dokumentong iprinisenta ng mga Abay ay nagpapakitang Lot No. 6036-B ang kanilang nabili at hindi ang Lot No. 7 na inangkin at pinaghahawakan nila.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema at iginiit nito ang ang mga naging desisyon nito sa mga naunang kaso na nagpapatibay ng bilihan. Pinahihintulutan nito ang pagtatama ng kasulatan para maipakita ang tunay na kasunduan ng mga panig sa mga pagkakataong nabigo ang deed of sale na tumpak na mailarawan ang lupang nilayon ng magkabilang panig.

Sa ilalim ng Civil Code, maaaring itama ang isang kasulatan nang kapag dahil sa isang pagkakamali hindi nito naipapakita ang tunay na pinagkasunduan ng mga panig.

Paliwanag ng Korte Suprema, ang isang kontrata ay maaaring baguhin o itama kung: (1) nagkasundo ang mga panig sa transaksyon; (2) hindi naipapahayag ng kasulatan ang kanilang tunay na kasunduan; at (3) ang kamalian ay sanhi ng pagkakamali o mistake, panlilinlang o fraud, aksidente, o unfair conduct.

Sa kasong ito, napatunayang umiiral ang lahat ng mga kondisyong ito.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=169523

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164169

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


18/07/2026

Nagpasya ang na kung ang karahasang sikolohikal (psychological violence) ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, maaari itong ituring na paggamit ng information and communications technology (ICT). Dahil dito, puwedeng patawan ang gumawa nito ng mas mabigat na parusa alinsunod sa Seksyon 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa isang Resolusyon na isinulat ni Kasangguning Mahistrado Ramon Paul L. Hernando, binago nang bahagya ngunit pinagtibay ng Unang Dibisyon ng Korte Suprema ang nauna nitong Desisyon noong Oktubre 22, 2025. Sa naturang desisyon, pinanatili ang hatol na nagkasala ang isang indibidwal (###) dahil sa paggawa ng karahasang sikolohikal laban sa dati niyang kasintahan (AAA) sa ilalim ng Seksyon 5(i) ng Republic Act (RA) No. 9262, o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act), matapos siyang mag-post ng mga mapanirang pahayag tungkol kay AAA sa Facebook.

Gayunman, nagpasya ang Korte Suprema na itaas ng isang antas ang parusa dahil ang paglabag ay ginawa sa pamamagitan ng Facebook, na malinaw na nakasaad sa sakdal at napatunayan sa paglilitis.

Nagsampa si AAA ng kasong VAWC laban sa dati niyang kasintahan na si ### matapos siyang mag-post sa Facebook ng pahayag kung saan tinawag niya si AAA na maruming babae at hayop, at nagbanta siyang susuntukin kapag nakita niya ito. Inulit pa ni ### ang mga panlalait sa mga komento sa naturang post na maaaring mabasa ng publiko.

Habang dinidinig ang kaso, iniharap ni AAA ang mga screenshot ng post sa Facebook at sinabi niyang siya ang gumawa ng account para kay ### kung saan nai-post ang naturang pahayag. Pinatunayan naman ng dalawa niyang kapatid na kay ### ang account at nakatanggap sila ng mga mensahe mula sa kanya gamit ang parehong account.

Sa kabila ng pagtanggi ni ###, pinagtibay ng Korte Suprema, sa desisyong inilabas nito, ang mga naging pasya ng Family Court at Court of Appeals (CA) na naghatol na nagkasala si ###. Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa mga kasong kriminal, kailangang mapatunayan ng prosekusyon hindi lamang ang mga elemento ng krimen kundi pati ang pagkakakilanlan ng gumawa nito. Pinagtibay din ng Korte Suprema ang parusang ipinataw ng CA kay ###, na kinabibilangan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, multang PHP 100,000, at pagsailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Sa pagresolba sa Motion for Reconsideration ni ###, sinabi ng Korte Suprema na napatunayang si ### ang gumawa ng post sa Facebook nang lampas sa makatwirang pagdududa (beyond reasonable doubt), batay sa mga pamantayang itinakda nito sa nauna nitong desisyon:

1. Pag-amin sa pagmamay-ari ng account o sa paggawa ng naturang post;
2. Pagkakaroon ng patunay na nakita ang akusado na gumagamit ng account o nagsulat ng naturang post;
3. Paglalaman ng impormasyon na tanging ang nagkasala o iilang tao lamang ang nakaaalam;
4. Paggamit ng mga salita o pananalitang naaayon sa karaniwang paraan ng pagpapahayag ng nagkasala;
5. Mga tala mula sa internet service provider, kumpanya ng telekomunikasyon, o social media site, pati na ang resulta ng pagsusuri sa mga digital device na nagpapakita ng lokasyon at iba pang katangiang nag-uugnay sa account sa nagkasala;
6. Mga kilos o gawain na naaayon sa mga nauna niyang post; o
7. Iba pang mga pangyayaring nagpapakita ng pagmamay-ari, paggamit, o paggawa ng account o post.

Dahil napatunayan na si ### ang gumawa ng post sa Facebook at natugunan ang lahat ng kinakailangang elemento ng karahasang sikolohikal, sinabi ng Korte Suprema na naaangkop ang Seksyon 6 ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Itinatakda ng probisyong ito ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga krimen at paglabag na ginawa gamit ang ICT. Mas mabigat ang parusa dahil maaaring magamit ang ICT para makaiwas ang mga nagkasala sa pananagutan, makapinsala sa mas maraming tao, o magdulot ng mas malaking pinsala.

Batay sa kahulugan ng ICT, sinabi ng Korte na ang mga social media platform tulad ng Facebook ay maituturing na ICT systems dahil pinapayagan ng mga ito ang mga gumagamit na lumikha, magpadala, tumanggap, mag-imbak, at magproseso ng mga datos na elektronikong mensahe gamit ang mga kompyuter, mobile phone, o iba pang katulad na kagamitang elektroniko.

Sa kasong ito, nakasaad sa sakdal na ginawa ni ### ang post sa Facebook gamit ang kanyang “Facebook Messenger Account… na maaaring makita ng sinuman (set to public view).” Ayon sa Korte Suprema, sapat na ang pahayag na ito para ipakitang ginamit ang ICT bilang isang nagpapabigat na sirkumstansya. Bagaman hindi tahasang nabanggit ang terminong “ICT,” malinaw pa ring ipinaalam sa sakdal kay ### na siya ay inaakusahan ng paggawa ng karahasang sikolohikal laban kay AAA sa pamamagitan ng Facebook, na kabilang sa saklaw ng isang ICT system.

Napatunayan ng prosekusyon ang nasabing pahayag sa paglilitis.

Dahil dito, itinaas ng Korte ng isang antas ang parusa mula sa pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang walong taon at isang araw, tungo sa pagkakakulong na anim na taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan, at isang araw. Nanatili naman ang multang PHP 100,000. Inatasan din si ### na sumailalim sa psychological counselling o psychiatric treatment.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168987

Basahin ang buong kopya ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168968

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

27/06/2026
11/06/2026

Nagdesisyon ang na walang kapangyarihan ang Lungsod ng Koronadal na pagbawalan ang isang kompanya ng bus na gamitin ang sarili nitong pribadong terminal at pilitin itong lumipat sa pampublikong terminal ng lungsod. Ayon sa Korte, ang ganitong hakbang ay pagsikil sa karapatan ng kompanya na gamitin at pamahalaan ang sarili nitong ari-arian.

Sa isang Desisyong isinulat ni Kasangguning Mahistrado Jhosep Y. Lopez, nagpalabas ang En Banc ng Korte Suprema ng writ of injunction laban sa Lungsod ng Koronadal at mga opisyal nito. Ipinag-utos ng Korte na itigil ang pagharang at sapilitang pagpapadaan sa ibang ruta ng mga bus ng Yellow Bus Lines, Inc. (Yellow Bus), at ipinagbawal din ang pag-aatas sa kompanya na gamitin ang City of Koronadal Integrated Transport Terminal Complex, na nagsisilbing common terminal ng lungsod.

Sa pamamagitan ng Ordinansa Blg. 9, Serye ng 2018, itinatag ng Sangguniang Panlungsod ng Koronadal City ang common terminal na layuning mapahusay ang serbisyo sa transportasyon, mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at polusyon sa sentrong pangkalakalan ng lungsod, at makalikom ng kita para sa mga serbisyong pampubliko.

Naghain ng reklamo para sa injunction ang Yellow Bus para mapahinto ang pagpapatupad ng ordinansa, at iginiit na labag sa batas ang pakikialam ng lungsod sa karapatan nitong gamitin ang sarili nitong pribadong terminal. Ipinunto rin ng bus company na umabot na sa mahigit PHP 1 milyon ang nabayaran nito sa terminal fees, habang nadagdagan naman ng 20 hanggang 25 minuto ang oras ng biyahe ng mga bus at nagkaproblema rin ang iskedyul ng pag-alis o dispatch ng mga sasakyan.

Iginiit ng Lungsod ng Koronadal na matapos itong italaga bilang sentrong administratibo ng Rehiyon XII, kinakailangan na itong magkaroon ng isang sentralisadong terminal ng transportasyon. Ayon sa pamahalaang panlungsod, ito ay bahagi ng lehitimong paggamit ng kapangyarihan nito para ayusin ang daloy ng trapiko, itaguyod ang kapakanang pampubliko, at makalikom ng kita para sa mga serbisyong panlungsod.

Sang-ayon sa Regional Trial Court at Court of Appeals, kinilala ng Korte Suprema ang karapatan ng Yellow Bus sa pagmamay-ari ng sarili nitong pribadong terminal, kabilang ang karapatang gamitin at pamahalaan ito, bilang isang karapatang pinangangalagaan ng Konstitusyon.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na may bisa lamang ang paggamit ng police power ng isang Local Government Unit (LGU) kung ito ay nakatuon sa pagtugon sa isang pampublikong suliranin at kung ang mga pamamaraang ginagamit ay makatwiran at kinakailangan.

Sa kasong ito, labis ang pag-aatas sa lahat ng PUV na gumamit ng common terminal habang epektibong ipinagbabawal ang paggamit ng mga pribadong terminal, dahil hindi ito makatwirang kinakailangang hakbang para makamit ang layuning lutasin ang problema sa trapiko. Hindi rin naipakita na ito ang tanging solusyon sa problema sa trapiko.

Dagdag pa ng Korte Suprema, walang legal na batayan para pigilan ang Yellow Bus sa paggamit ng sarili nitong pasilidad o para pilitin ang pagpapalit ng ruta, dahil hindi naman tahasang inaatas ng ordinansa na lahat ng PUV ay gumamit ng common terminal o kaya’y ipinagbabawal ang paggamit ng mga pribadong terminal.

Basahin ang kabuuan ng presss release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=167210

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/265769-city-of-koronadal-represented-by-hon-atty-eliordo-ogena-in-his-capacity-as-mayor-of-the-city-of-koronadal-south-cotabato-and-chair-of-city-transport-terminal-regulatory-board-cttrb-and/

Basahin ang hiwalay na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/265769-separate-opinion-senior-associate-justice-marvic-m-v-f-leonen/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

📢 PARAAN LAW AND NOTARY PUBLIC IS NOW OFFICIALLY OPEN!⚖️📍For your legal and notarization needs, come and visit our offic...
02/06/2026

📢 PARAAN LAW AND NOTARY PUBLIC IS NOW OFFICIALLY OPEN!⚖️

📍For your legal and notarization needs, come and visit our office at Purok 8, Communal, Davao City.

https://maps.app.goo.gl/Lf561zrN1t374usV8?g_st=ac

We look forward to serving you!!!

29/05/2026

The (SC) has ruled that a spouse’s acts creating a hostile and intimidating environment for the other spouse, their children, and common children may constitute “grossly abusive conduct” under the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦 which serves as a ground for legal separation.

In a Decision written by Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., the SC’s Second Division granted the petition for legal separation filed by a husband against his wife, after finding that her actions constituted grossly abusive conduct under Article 55(1) of the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦.

The couple married in 2003 and later had two children. To support their family, the wife started selling coffee, but they still faced financial hardships. The husband studied nursing with hopes of eventually relocating their family abroad. However, his plan to move abroad never materialized.

During the marriage, the husband claimed he faced various abusive behaviors from his wife. He reported that she controlled their finances and refused to provide financial help, even when he needed treatment for his toothache and was advised to get a root canal.

The husband also claimed that at a party, his wife told their friends she wanted to cut off his p***s because they were no longer having s*x. He also alleged that she shared stories about him with family and friends, often twisting the facts to make him look bad.

The husband also said that his wife refused marriage counseling, prohibited him from seeing his friends, manipulated their children to force him to provide more financial support, and maintained a controlling attitude throughout their marriage.

The Regional Trial Court (RTC) granted the petition for legal separation after finding that the wife’s behavior amounted to grossly abusive conduct. However, the Court of Appeals reversed the ruling, holding that their disagreements were ordinary marital disputes.

The SC affirmed the RTC defining acts constituting “grossly abusive conduct”, which is a ground for legal separation under Article 55(1) of the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦, to include those acts by a spouse that create a hostile and intimidating environment for the other spouse or the children.

The SC also stressed that courts must decide this issue on a case-by-case basis, based on the facts and evidence presented.

While the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦 does not allow absolute divorce, spouses may legally separate by order of a court without ending their marriage. Unlike a declaration that a marriage is void, a legal separation does not break the marital bond.

Among the grounds for legal separation under Article 55(1) of the 𝘍𝘢𝘮𝘪𝘭𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦 is repeated physical violence or grossly abusive conduct against the spouse, their common child, or the spouse’s child.

The SC added that this interpretation is consistent with the State’s constitutional duty to protect marriage as a basic social institution.

In this case, the SC found that the wife’s actions, taken together, created a hostile and intimidating environment for the husband. He was made to constantly follow her lead, and his efforts to fix the marriage through counseling and other interventions were unsuccessful. Witnesses also confirmed her controlling behavior, which supported the finding of a hostile home environment. Because of this, the SC ruled that the husband was justified in seeking reassignment to another province to distance himself from the situation at home.

The SC granted the legal separation and sent the case back to the RTC for the dissolution and division of the couple’s property. It also directed the RTC to decide on the custody and support of their children.

Read the full text of the press release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166927

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164913

Read the Separate Concurring Opinion of Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164917

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy.

Address

Purok 8, Communal
Davao City
8000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Atty. Rovelyn Paraan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share