31/12/2025
Binabati ko lahat ng maayos at asensadong 2026.
Gaya ng sabi, walang perpektong tao pero manalig palagi sa nag-iisang perpektong Diyos at panginoong "Jesus."
Ang landas po sa paglago, pag-asenso, at pagyaman o makamtam ang gusto natin ay idaan sa dasal, sakripisyo, at magtiwala.
Ang pag-yaman ay hindi dahil sa iyong pinag-aralan o kasarian. Kung di ang patuloy na paglaban mo sa bawat oras, sa bawat hadlang, at sa pag hahanap mo ng paraan.
Tandaan, walang yumayaman sa isang iglap, isang araw, isang lingo o buwan kundi ito ay taon.
Ang yaman na nakuha sa maling paraan pagkinuha ng diyos ay isang saglit lang. Kaya lumaban ng patas lalo sa gusto yumaman.
At isang mahalagang payo, iwasan ang sisihan, siraan, at panay reklamo. Kasi eto ay hadlang lamang sa pag asenso o pagyaman. Kailangan natin ang isat isa, tulungan.
Maligayong bagong taon sa inyo lahat.
Engr. Dennis Amiel Milla, REB, IMBA
Entrepreneur