27/11/2021
⚠️ Weekend reminder: Safe Spaces Act also applies to online remarks. Be careful with your every post, share, and comment.
Q: Saklaw ba ng Safe Spaces Act ang mga pambabastos online?
Opo. Ayon sa Article II, Section 12 ng Safe Spaces Act, ang anumang uri ng gender-based sexual harassment na nakalista sa nasabing probisyon ng batas ay pinarurusahan. Halimbawa nito ay pagbabanta, misogynistic, transphobic, homophobic, at sexist comments, pag-i-stalk at walang humpay na pag-send ng mga mensahe, pag-a-upload ng larawan at video ng isang tao nang walang pahintulot, at iba pa.