11/08/2025
FYI ICYDK:
Ang License to Sell (LS) ay isang dokumento na pinagkakaloob ng bilang patunay na nakapasa sa minimum standards ang plano ng isang developer para sa proyektong ari-ariang bahay at lupa (real estate project) bago ito ibenta sa publiko. Sa LS, nakasaad ang pangalan at lokasyon ng proyekto, pangalan ng developer o may-ari ng proyeto, uri ng proyekto at kailan ito naka-schedule na matapos.
Kung may LS na, nangangaluhulugang pumasa na ang proyekto base sa mga panuntunan na isinaad sa batas (PD 957 at BP 220).
Ilan sa mga uri ng real property projects ay ang mga sumusunod:
- subdivision lot
- house and lot
- farm lot subdivision
- commercial subdivision
- industrial subdivision
- condominium
- socialized housing
- town house
- memorial park at columbarium
Karapatan mo bilang buyer na manghingi ng LS number o kaya mismong kopya nito mula sa seller bago bumili ng real estate project.
Alamin kung may LS ang inyong property na bibilhin sa link na ito: https://dhsud.gov.ph/list-of-license-to-sell/