29/04/2026
🚫 HUWAG MAGPALOKO SA “COURT NOTICE” TEXT SCAMS 🚫
May natanggap bang text na ganito?
“Impending civil case” daw.
“Summon will be served.”
“Contact us immediately.”
Or may petsang “schedule of filing.”
Kung ganyan ang message, SCAM yan.
Tandaan:
• Ang hukuman hindi nagpapadala ng legal summons sa text
• Walang “Sheriff” na tumatawag o nagta-text para humingi ng pera o negotiations
• Hindi ginagamit ang “alternative resolution” wording sa random SMS
• Ang official notice ay ipinapahatid sa bahay o opisina sa pamamagitan ng sheriff, process server, o registered mail, at hindi sa personal messaging apps
• Legitimate court communications carry complete case details: case number, title, docket, branch, judge, at pirma ng Clerk of Court
Kung may duda ka sa natanggap mo:
1. Huwag sagutin
2. Huwag magbigay ng personal information
3. I-report sa NTC at PNP-Anti Cybercrime Group
4. Kumonsulta sa isang abogado upang makumpirma kung may tunay na kaso
Huwag hayaang takutin ka ng mga manloloko gamit ang salitang “korte.”