04/02/2026
Alamin ang Inyong Karapatan: Pagpapatalsik sa Trabaho sa Pilipinas
Sa ilalim ng batas, hindi maaaring sibakin ang isang empleyado nang walang sapat na dahilan at tamang proseso. Narito ang mga dapat ninyong malaman tungkol sa inyong seguridad sa trabaho.
Mga Batayan ng Pagpapatalsik
May dalawang pangunahing klasipikasyon ang pagtatapos ng employment:
✅Just Causes: Ito ay mga seryosong paglabag ng empleyado gaya ng misconduct, palagiang pagpapabaya sa tungkulin, o pandaraya.
✅Authorized Causes: Ito ay dahil sa mga pagbabago sa negosyo gaya ng redundancy, retrenchment, o pagsasara ng kumpanya. Sa mga ganitong kaso, obligasyon ng kumpanya na magbigay ng separation pay.
Ang Tamang Proseso (Due Process)
Dapat dumaan sa tamang hakbang ang bawat termination upang ito ay maging legal:
✅Written Notice: Pagbibigay ng unang sulat na nagpapaliwanag ng basehan ng pagkakatanggal.
✅Opportunity to Respond: Pagbibigay ng pagkakataon sa empleyado na sagutin ang mga paratang o magpaliwanag.
✅Final Notice: Ang huling sulat na nagsasaad ng pinal na desisyon kung itutuloy ang pagpapatalsik.
Ano ang Laban Mo sa Illegal Dismissal?
Kung mapatutunayan na labag sa batas ang pagkakatanggal sa inyo, maaari ninyong makuha ang mga sumusunod:
✅Reinstatement: Pagbabalik sa inyong posisyon nang walang bawas sa seniority.
✅Backwages: Pagbayad sa mga sahod na hindi nakuha mula nang matanggal hanggang sa muling pagbabalik sa trabaho.
✅Damages: Karagdagang kompensasyon kung may napatunayang masamang intensyon ang employer.
Constructive Dismissal - Kung ikaw ay napilitang mag-resign dahil sa hindi makatarungang trato, diskriminasyon, o pagpapahirap sa trabaho, ito ay itinuturing na constructive dismissal. May karapatan kang magsampa ng kaso laban sa iyong employer.
Aksyon Laban sa Maling Pagpapatalsik
✅Kung naniniwala kayong biktima kayo ng wrongful termination, maaari kayong maghain ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang ipaglaban ang inyong mga karapatan.
Para sa legal na payo o katanungan tungkol sa inyong sitwasyon, mag-message sa amin o i-follow ang aming page para sa iba pang tips tungkol sa Labor Law.