Quilang Law Office

Quilang Law Office Trial Lawyer | Notary Public | Law Professor⚖️

01/06/2026

Nagpasya ang na ang mga kilos ng isang asawa na lumilikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak, kanilang mga anak, at mga anak sa labas ng kasal ay maaaring ituring na “grossly abusive conduct” o labis na mapang-abusong pag-uugali sa ilalim ng Family Code at maaaring magsilbing batayan para sa legal separation.

Sa isang Desisyong isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., pinagbigyan ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang petisyon para sa legal separation na inihain ng isang asawa laban sa kanyang kabiyak matapos ituring na grossly abusive conduct sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code ang mga kilos nito.

Ikinasal ang mag-asawa noong 2003 at nagkaroon ng dalawang anak. Pero nakaranas ang asawang lalaki ng iba’t ibang mapang-abusong pag-uugali mula sa kanyang kabiyak. Ayon sa kanya, kontrolado nito ang kanilang pananalapi at tumangging magbigay ng tulong pinansiyal kahit kailangan niyang magpagamot ng matinding sakit ng ngipin at sumailalim sa root canal procedure.

Sa isang salu-salo, sinabi umano ng kanyang kabiyak sa kanilang mga kaibigan na nais nitong putulin ang kanyang ari dahil hindi na sila nagtatalik. Inakusahan din niya ang asawa ng pagkukuwento tungkol sa kanya sa pamilya at mga kaibigan habang binabaluktot ang mga pangyayari para mapalabas siyang masama.

Tumanggi rin umano ang kanyang kabiyak na sumailalim sa marriage counseling, pinagbawalan siyang makipagkita sa kanyang mga kaibigan, minanipula ang kanilang mga anak para pilitin siyang magbigay ng mas malaking suportang pinansiyal, at nananatili ang “controlling” na ugali sa buong panahon ng kanilang pagsasama.

Pinagbigyan ng Regional Trial Court (RTC) ang petisyon para sa legal separation pero binaliktad ito ng Court of Appeals matapos nitong ituring na karaniwang alitan lamang ng mag-asawa ang kanilang mga hindi pagkakaunawaan.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pasya ng RTC at nilinaw na ang mga gawaing itinuturing “grossly abusive conduct,” na isang batayan para sa legal separation sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code, ay kinabibilangan ng mga kilos ng isang asawa na lumilikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak o mga anak.

Binigyang-diin din ng Korte Suprema na kinakailangang suriin ng mga hukuman ang bawat kaso batay sa kani-kanilang mga pangyayari at ebidensiyang iniharap.

Bagaman hindi pinahihintulutan ng Family Code ang absolute divorce, maaaring legal na maghiwalay ang mag-asawa sa pamamagitan ng utos ng hukuman nang hindi napapawalang-bisa ang kanilang kasal. Hindi tulad ng deklarasyon na walang bisa ang kasal, ang legal separation ay hindi pumuputol sa bigkis ng pag-aasawa.

Kabilang sa mga batayan para sa legal separation sa ilalim ng Article 55(1) ng Family Code ang paulit-ulit na pisikal na pananakit o grossly abusive conduct laban sa asawa, kanilang anak, o anak ng asawa.

Dagdag pa ng Korte Suprema, ang interpretasyong ito ay naaayon sa tungkulin ng Estado sa ilalim ng Konstitusyon na pangalagaan ang kasal bilang pangunahing institusyong panlipunan.

Sa kasong ito, napag-alaman ng Korte Suprema na ang pinagsama-samang kilos ng asawa ay lumikha ng mapanganib at nakakatakot na paligid para sa kanyang kabiyak. Napilitan umano ang asawa na palaging sumunod sa kagustuhan ng kanyang kabiyak, at nabigo rin ang kanyang mga pagsisikap na ayusin ang kanilang pagsasama sa pamamagitan ng counseling at iba pang mga hakbang. Pinagtibay rin ng mga testigo ang “controlling” na ugali ng asawa, na sumuporta sa konklusyon na may umiiral na mapanganib na kalagayan sa kanilang tahanan. Dahil dito, nagpasya ang Korte Suprema na may sapat na dahilan ang asawa para humiling ng reassignment sa ibang lalawigan para makalayo sa sitwasyon sa kanilang bahay.

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang legal separation at ibinalik ang kaso sa RTC para sa pagbuwag at paghahati ng ari-arian ng mag-asawa. Inatasan din nito ang RTC na magpasya ukol sa kustodiya at suporta para sa kanilang mga anak.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=166927

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164913

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164917

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


15/05/2026

Nagpasya ang na ang mga pananakot na di-berbal (non-verbal threatening gestures) ay maaaring ituring na grave threats sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) kung malinaw na may criminal intent o layuning gumawa ng krimen.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, pinawalang-sala ng Ikatlong Dibisyon ng Korte si Gregory Israel sa kasong grave threats matapos mapag-alamang wala siyang layuning gumawa ng krimen sa kanyang pagkukunwaring babarilin at pupugutan ng ulo ang dalawang indibidwal.

Gayunman, nilinaw ng Korte na maaaring maisagawa ang krimeng grave threats sa pamamagitan ng di-berbal na kilos, at hindi lamang sa pamamagitan ng pasalita o nakasulat na pananakot.

Si Israel na nagpakilala bilang Belgian architect na pinahintulutang magsanay ng kanyang propesyon sa Pilipinas, ay kinuha ng mga Belgian business partner na sina Christine Helena Amanda Navez at Olivier Edmund Denonville para sa pagpapatayo ng kanilang gusali. Matapos tumanggi si Israel na ayusin ang mga depekto sa nasabing gusali, nagpasya ang mag-business partner na sina Navez at Denonville na ihabla siya para masingil sa danyos.

Bandang 2017, habang pauwi mula sa paliparan sina Navez at Denonville, ay muntik nilang makabanggaan ang motorsiklo ni Israel. Kalaunan, sinasabing gumawa si Israel ng dalawang malinaw na kilos ng pananakot: itinutok ang kanyang mga daliri sa ulo ni Navez na parang nagpapaputok ng baril, at iginalaw ang mga daliri sa kanyang leeg na tila nagbabanta ng pagpupugot sa kanyang ulo.

Nahatulan si Israel ng grave threats. Nang pagtibayin ng Court of Appeals ang kanyang hatol, umapela siya sa Korte Suprema at iginiit na wala siyang layuning kriminal nang gawin niya ang mga kilos, at hindi saklaw ng Article 282 ng Revised Penal Code (RPC) ang mga kilos na di-berbal (pure non-verbal gestures).

Pinawalang-sala ng Korte si Israel dahil hindi napatunayan ang layuning kriminal. Gayunman, hindi ito sumang-ayon sa kanyang isa pang argumento, at iginiit na ang mga di-berbal na kilos ay maaari ring ituring na grave threats.

Para maparusahan ang isang tao sa kasong grave threats, dalawang elemento ang hinihingi ng RPC: ang aktwal na pagbigkas o pagpapahayag ng banta, at ang layuning manakot o magdulot ng takot.

Pinagtibay ng Korte na ang Article 282 ng RPC ay hindi nagtatangi sa mga banta na ipinapahayag sa salita at sa mga ipinapakita sa pamamagitan ng di-berbal na mga kilos. Ang mahalaga ay ang paghahatid ng banta na may layuning manakot.

Bagaman binabanggit sa ikalawang talata ng probisyon na ang mga banta ay maaaring ihatid nang pasalita o sa pamamagitan ng sulat, hindi nito isinasantabi ang mga banta na ipinapahayag sa pamamagitan ng di-berbal na mga paraan. Kaya, ang mga banta ay maaaring berbal o di-berbal.

Basahin ang buong press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-non-verbal-gestures-may-be-considered-grave-threats-under-rpc/

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/265736-gregory-israel-vs-people-of-the-philippines/

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/

09/05/2026

Disbarred o tinanggalan ng lisensya ng ang isang abogado dahil sa paggamit ng pekeng Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) compliance number sa kanyang mga isinumiteng pleading.

Sa isang Per Curiam na Desisyon, tinanggal ng En Banc ng Korte Suprema sa pagka-abogado si Atty. Jose R. Hidalgo (Atty. Hidalgo) dahil sa dishonest conduct o hindi tapat na asal na lumalabag sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Nagsilbing abogado si Atty. Hidalgo para sa defendant sa isang kaso ng malicious prosecution na nakabinbin sa Branch 153 ng Regional Trial Court (RTC) sa Lungsod ng Biñan. Sa sagot na inihain niya para sa kanyang kliyente, isinama ni Atty. Hidalgo ang kanyang MCLE compliance number na hinihingi sa mga abogado.

Nagsampa ng motion to expunge ang abogado ng nagrereklamo para burahin ang sagot ni Atty. Hidalgo mula sa mga rekord dahil hindi siya sumunod sa mga kahingian ng MCLE. Kalakip ng nasabing mosyon ang isang Sertipikasyon mula sa Tanggapan ng MCLE na nagsasaad na hindi nakadalo sa MCLE si Atty. Hidalgo mula sa unang compliance period hanggang sa kasalukuyan.

Sa pagtanggal ng lisensya ni Atty. Hidalgo, iginiit ng Korte Suprema ang Canon II ng CPRA na nag-aatas sa mga abogado na kumilos nang maayos (propriety) at panatilihin ang imahe ng kaayusan sa personal at propesyunal na pakikipag-ugnayan, maging tapat at magalang, at itaguyod ang dangal ng legal na propesyon alinsunod sa pinakamataas na pamantayan ng etikal na pag-uugali.

Sa ilalim ng Canon III, hinihingi din sa mga abogado na itaguyod ang Konstitusyon, sundin ang mga batas ng lupain, at isulong ang paggalang sa mga batas at prosesong legal.

Sinabi ng Korte Suprema na nilabag ni Atty. Hidalgo ang mga Canon na ito at sinabing ang gawain ng paglalagay ng maling impormasyon sa mga pleading na isinampa niya ay nagpapakita ng bad faith o masamang hangarin at kawalan ng katapatan, at nagpapakita ng lantarang kawalan ng paggalang sa mga hukuman at sa mga panuntunan nito.

Pinatawan si Atty. Hidalgo ng PHP 35,000 na multa para sa willful disobedience o sadyang pagsuway dahil sa hindi pagpansin sa atas ng IBP na magsumite siya ng sagot at isang verified position paper.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164745.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164728.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


06/05/2026

Pinawalang-sala ng ang isang lalaking nahaharap sa kasong violence against women and their children o VAWC dahil sa pagtanggi umano nitong magbigay ng suportang pinansiyal sa isang batang hindi napatunayang sa kanya. Iginiit nito na nagkakaroon lang ng legal na tungkulin na magbigay ng suportang pinansiyal matapos mapatunayan ang filiation o paternity o ugnayan ng isang anak sa kanyang ama.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, binaliktad ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang mga hatol ng Regional Trial Court at Court of Appeals na unang nagdeklarang guilty ang akusado sa kasalanang economic abuse sa ilalim ng Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (Anti-VAWC Act).

Nagsampa ng reklamo ang isang babae laban sa kanyang dating kasintahan na inakusahan niyang tumatangging magbigay ng suportang pinansiyal para sa kanyang anak.

Patuloy na itinanggi ng akusado na siya ang ama sa katwirang ipinanganak ang bata walong buwan matapos ang huli nilang pagtatalik.

Sa paglilitis, iprinisinta ng babae ang birth certificate ng bata bilang ebidensya. Gayunpaman, ang bahaging nagsasaad ng pangalan ng ama ay minarkahan ng “N/A” at hindi nilagdaan. Inamin din ng babae na tumanggi ang akusado na magbigay ng suportang pinansiyal dahil nag-aalinlangan ito kung siya nga ang ama ng bata.

Sa pagbaliktad ng hatol sa akusado, ipinaliwanag ng Korte Suprema na para mahatulan ang isang tao sa kasalanang economic abuse sa ilalim ng Section 5(i) ng Anti-VAWC Act, dapat mapatunayan ng prosekusyon na: (1) ang biktima ay isang babae at/o kanyang anak; (2) ang babae ay asawa o kapareha ng akusado, o kaya ay isang taong may anak sa akusado; (3) tumanggi ang akusado na magbigay ng kailangang suportang pinansiyal; at (4) ang pagtanggi ay may layuning magdulot ng paghihirap sa isip o emosyon.

Sa kasong ito, nagpasya ang Korte Suprema na nabigo ang prosekusyon na patunayan ang dalawang mahahalagang elemento: na may anak ang akusado at ang babae, at ginawa para magdulot ng pinsalang sikolohikal ang pagtanggi sa pagbibigay ng suporta.

Dahil hindi napatunayan ang paternity ng akusado sa kasong ito, walang legal na obligasyon na magbigay ng suporta ang maaaring ipataw sa kanya.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164663.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164655.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


04/05/2026

Pinagtibay ng na ang Pangulo ay walang kapangyarihang tanggalin sa puwesto ang Deputy Ombudsman.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, isinantabi ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang petition for review o apela na inihain ng Office of the President (OP). Kinuwestiyon ng naturang apela ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagpawalang-bisa sa pagpapatalsik ng OP kay dating Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur H. Carandang (Carandang).

Bagama’t hindi na maaaring maibalik sa tungkulin si Carandang dahil natapos na ang kanyang termino bilang Overall Deputy Ombudsman noong 2020, sinabi ng Korte Suprema na walang legal na bisa ang mga parusang ipinataw sa kanya, kabilang ang pagbawi sa kanyang mga benepisyo sa pagreretiro. Nagpasya ito na may karapatan si Carandang na makuha ang kanyang buong retirement benefits at ang mga sahod na natanggap niya dapat sa panahon ng kanyang preventive suspension at pagkakaalis sa puwesto, hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino.

Noong 2017, naibalita na nagbigay ng pahayag diumano si Carandang sa isang ambush interview na may hawak na ebidensiya ang Office of the Ombudsman hinggil sa umano’y hindi maipaliwanag na kayamanan ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte at ng kanyang pamilya, kabilang ang mga rekord ng transaksiyon sa bangko na ayon sa kanya ay ipinadala ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Ombudsman. May kaugnayan ang mga pahayag na ito sa reklamo na inihain ni dating Senador Antonio F. Trillanes IV tungkol sa umano'y naipong yaman ni Pangulong Duterte.

Dahil dito, dalawang administratibong reklamo ang inihain laban kay Carandang sa OP na nag-aakusa sa kanya ng maling paglalabas ng kumpidensiyal na impormasyon at pagpapakita ng kinikilingan habang nasa panayam. Iniutos ng OP ang preventive suspension ni Carandang pero hindi ito ipinatupad ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Kinuwestiyon ni Carandang ang mga reklamo at iginiit na nagpasya na ang Korte Suprema sa kaso noong 2014 na Gonzales III v. OP (Gonzales) na ang Section 8(2) ng Republic Act No. 6770 o ang Ombudsman Act of 1989 ay labag sa Konstitusyon dahil sa pagbibigay nito ng kapangyarihang pangdisiplina sa Pangulo sa mga Deputy Ombudsman.

Nanindigan ang OP na tinalikuran na ng Korte Suprema ang desisyon nito sa Gonzales sa kaso noong 2016 na Agustin-Se v. OP (Agustin-Se) kaya itinuloy nito ang paghatol kay Carandang na may pananagutan sa graft and corruption at betrayal of public trust at tuluyan siyang tinanggal sa serbisyo. Pagkatapos nito, inatasan ng bagong talagang Ombudsman na si Samuel Martires si Carandang na itigil ang pagganap sa kanyang mga tungkulin at idineklarang bakante na ang kanyang posisyon.

Nilinaw ng Korte Suprema na hindi inabandona o tinalikuran ng desisyon sa Agustin-Se ang Gonzales dahil ang kasong iyon ay kinatigan lamang ang pagsantabi sa isang reklamo laban kay dating Overall Deputy Ombudsman Orlando C. Casimiro nang hindi nagpapataw ng anumang parusa. Hindi naging isyu rito ang kapangyarihang pandisiplina ng Pangulo at ang konstitusyonalidad ng Section 8(2). Bukod dito, pinagpasyahan ng En Banc o ng buong Korte Suprema ang Gonzales kaya hindi ito maaaring baguhin o baliktarin ng desisyon ng isang Dibisyon lamang gaya ng sa Agustin-Se.

Paliwanag ng Korte Suprema, nang mapagpasyahan ang Gonzales noong 2014, naging bahagi ito ng batas ng bansa kung saan matibay na itinakda na ang Pangulo ay walang awtoridad na magtanggal ng Deputy Ombudsman.

Sa muling pagpapatibay sa Gonzales, binigyang-diin ng Korte Suprema na malinaw na inilalarawan ng Konstitusyon ang Ombudsman bilang malaya: walang kontrol, superbisyon, o impluwensiyang politikal mula sa sangay ng Ehekutibo.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164549.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164531.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Happy Labor Day! 🇵🇭Our office is open today—feel free to visit or message us.
01/05/2026

Happy Labor Day! 🇵🇭

Our office is open today—feel free to visit or message us.

29/04/2026

Pinawalang-sala ng ang isang ina sa kasong parricide kaugnay ng pagkamatay ng kanyang anak na babae. Inabswelto siya sa pananagutang kriminal matapos mapatunayan na mayroon siyang schizophrenia, isang kondisyong nag-alis sa kanyang kakayahang matukoy ang kamalian ng kanyang ginagawa.

Sa desisyong isinulat ni Associate Justice Samuel H. Gaerlan, pinagbigyan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang apela ng isang ina at binaliktad ang sentensya nito sa kasong parricide base sa legal insanity o kawalan ng katinuan ng pag-iisip dulot ng schizophrenia, isang exempting circumstance sa ilalim ng Revised Penal Code.

Naharap sa sakdal ang ina matapos siyang makitang kayakap ang kanyang limang-taong gulang na anak habang tumatalon mula sa isang tulay, na nauwi sa pagkamatay ng bata.nBagama’t nailigtas ang ina, hindi na nahanap ang bata hanggang matagpuan ang katawan nito sa ilog kinabukasan.

Ikinatwiran ng ina na wala siya sa tamang pag-iisip nang panahong iyon. Ang huli niyang natandaan ay ang paglalakad niya kasama ang kanyang anak. Sinabi niyang nagkamalay na lang siya habang lumulutang na sa ilog.

Isang lisensyadong doktor mula sa National Center for Mental Health (NCMH) ang nagpatunay na ang ina ay may diagnosis na schizophrenia.

Hinatulan ng Regional Trial Court (RTC) ang ina ng reclusion perpetua o hanggang apatnapung taong pagkakakulong sa paniniwalang matino siya nang mangyari ang insidente. Inihain lamang niya ang depensang insanity matapos ang pagpresenta ng ebidensiya ng prosekusyon. Pinagtibay ito ng Court of Appeals.

Hindi sumang-ayon ang Korte Suprema. Sinabi nito na walang kriminal na pananagutan ang ina dahil naging hadlang ang kondisyon ng kanyang pag-iisip para maunawaan niya ang kamalian ng kanyang ginawa.

Ang insanity o kawalan ng katinuan ay isang sakit o depekto ng utak na makikita sa pananalita o kilos ng isang tao. Sa ilalim ng Artikulo 12 ng Revised Penal Code, isa ito sa mga pagkakataon na nagpapalaya sa isang tao mula sa pananagutang kriminal.

Sa kasong People v. Paña, naglatag ang Korte Suprema ng tatlong basehan para mapatunayang ang insanity bilang exempting circumstance:

•Una, dapat umiiral ang insanity sa oras ng paggawa ng krimen;
•Pangalawa, dapat napatunayan ito ng medisina; at
•Pangatlo, dapat nawalan ng kakayahang unawain ang kamalian ng kanyang kilos ang akusado dahil dito.

Ayon sa Korte Suprema, napatunayan ng ina ang kanyang kondisyon sa tulong ng testimonya at mga ulat mula sa mga psychiatrist. Ang schizophrenia ay isang malalang sakit kung saan hindi na makilala ng tao ang pagkakaiba ng pantasya sa realidad, na kadalasang may kasamang mga guni-guni (hallucinations at delusions).

Bagama't malaya sa pananagutang kriminal, nananatiling may pananagutang sibil ang ina. Iniutos ng SC na magbayad siya sa mga tagapagmana ng biktima ng PHP 75,000 bilang civil indemnity; PHP 200,000 para sa moral, exemplary, at temperate damages.

Iniatas din ng SC ang agarang paglilipat sa ina mula sa Correctional Institution for Women patungo sa NCMH para sa kanyang gamutan. Maaari lamang siyang mapalaya sa utos ng RTC base sa rekomendasyon ng kanyang doktor.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164320.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=164308.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


23/04/2026

HOW THE SUPREME COURT JUSTICES VOTED ON THE PRESCRIPTIVE PERIOD FOR CYBER LIBEL

G.R. No. 258524 (Berteni Cataluña Causing vs. People of the Philippines, et al.)

In a Resolution written by Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, the SC 𝘌𝘯 𝘉𝘢𝘯𝘤 denied the separate motions for reconsideration filed by Berteni Cataluña Causing and the Office of the Solicitor General.

The SC, by an 8-7 vote, held that the prescriptive period for cyber libel is governed by the same provision under the Revised Penal Code on written libel.

In this , see how the Justices voted 8-7 in favor of declaring a one-year prescriptive period for cyber libel.

For more, read the press release and full text of the Decision, and the opinions of the Justices:

Read the full text of the press release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=163671

Read the full text of the Resolution at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=163636

Read the Concurring Opinion of Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=163642

Read the Concurring Opinion of Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa at https://sc.judiciary.gov.ph/wp-admin/post.php?p=163650

Read the Concurring and Dissenting Opinion of Associate Justice Antonio T. Kho, Jr. at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=163661

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution

Our Office is open today. Feel free to visit or message us. 🇵🇭
09/04/2026

Our Office is open today. Feel free to visit or message us. 🇵🇭

07/04/2026

Nilinaw ng ang pagtatangi sa aplikasyon ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Republic Act (RA) Blg. 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at acts of lasciviousness sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC).

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, pinagtibay ng En Banc ng Korte Suprema ang hatol na guilty kay Jeffrey L. Gramatica (Gramatica) para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610, pero binago ang hatol sa isa pang akusado, si ###2660399, at inilapat ang acts of lasciviousness sa ilalim ng Artikulo 366 ng Revised Penal Code (RPC).

Sa mga pinagsamang kasong ito na kinasasangkutan ng mga menor de edad na sina AAA, BBB, at CCC, naglatag ang Korte Suprema ng mga patnubay para matiyak ang wastong pagsasakdal ng mga kaso sa ilalim ng dalawang magkaibang batas na ito.

Kinasuhan si Gramatica ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610 dahil sa pakikipagtalik kina AAA at BBB, na kapwa nalulong sa shabu.

Samantala, kinasuhan naman si ###266039 ng kaparehong kaso dahil sa panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng kanyang apo na si CCC habang ito’y natutulog.

Depensa ni Gramatica, niligawan niya si BBB at nagkaroon sila ng sekswal na pagsasama pero hindi niya alam na isa itong menor de edad. Itinanggi naman ni ###266039 ang mga akusasyon at sinabing ginising lang niya si CCC para humingi ng tulong sa paglagay ng gamot sa mata.

Kapwa nagdesisyon ang Regional Trial Court at Court of Appeals na parehong nagkasala sina Gramatica at ###266039 ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610 laban kina BBB at CCC.

Ang isang menor de edad ay sinasabing ginawan ng iba pang pang-aabusong sekswal kapag sila ay naging biktima ng acts of lasciviousness nang may kasamang pamimilit o impluwensiya ng nakatatanda. Sa kasong ito, 14 lang si BBB at 17 si CCC noong nangyari ang insidente. Si Gramatica ay 23, samantalang si ###266039 ay 62.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol kay Gramatica sa ilalim ng RA 7610, ngunit binago ang hatol ni ###266039 sa acts of lasciviousness sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC). Ayon sa Korte, hindi angkop ang RA 7610 kung ang menor de edad ay ganap na walang kamalayan, pinilit lang, o walang kamalay-malay, dahil sa ganitong sitwasyon, hindi maituturing na sumang-ayon ang biktima sa pakikipagtalik.

Sa ilalim ng Seksyon 5 ng RA 7610, ang mga batang biktima ay sumailalim sa iba pang anyo ng sekswal na pang-aabuso bilang nakikilahok sa pakikipagtalik o malisyosong gawaing sekswal dahil sa pamimilit o impluwensiya ng isang nakatatanda.

Para malinaw ang saklaw ng acts of lasciviousness sa ilalim ng RA 7610 at sa ibang kaugnay na krimen sa ilalim ng RPC, naglatag ang Korte Suprema ng mga patnubay at isinasaalang-alang din ang RA 11648 na nagtaas ng edad ng sexual consent sa 16 taong gulang.

Una, angkop ang Seksyon 5(b) sa mga batang may edad 16 hanggang mas mababa sa 18 na sumasailalim sa sekswal na pang-aabuso.

Ikalawa, saklaw nito ang mga sitwasyon kung saan may depektibong pahintulot. Maaaring tila sumasang-ayon ang menor de edad, ngunit hindi ito bunga ng malayang kalooban kundi dahil sa pamimilit o impluwensiya ng isang nakatatanda. Kaya’t isang krimen ang pakikipagtalik sa batang pinagsamantalahan sa prostitusyon o sumailalim sa sekswal na pang-aabuso, kahit pa tila may pahintulot.

Ikatlo, hindi ito naaangkop kung ang akto ay may kasamang puwersa, pananakot, panlilinlang, pag-alis ng katinuan, kawalan ng malay, o matinding pang-aabuso ng awtoridad. Sa ganitong mga kaso, ang krimen ay papasok sa acts of lasciviousness sa ilalim ng RPC.

Ikaapat, kung ang biktima ay wala pang 12 o wala pang 16 taong gulang, at hindi saklaw ng Seksyon 5(b), ang krimen ay r**e o acts of lasciviousness sa ilalim ng RPC.

Sa kasong ito, si BBB ay isang batang pinagsamantalahan sa prostitusyon o iba pang sekswal na pang-aabuso dahil nakipagtalik siya kay Gramatica kapalit ng isang konsiderasyon, ang shabu, kaya may kriminal na pananagutan si Gramatica sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610.

Samantala, hindi naaangkop ang Seksyon 5(b) ng RA 7610 kay ###266039. Nilinaw ng Korte Suprema na hindi saklaw ng RA 7610 ang lahat ng acts of lasciviousness laban sa mga menor de edad na may edad 12 hanggang mas mababa sa 18. Ang batas ay naaangkop lamang kapag ang mga menor de edad ay nagbigay ng depektibong pahintulot sa gawaing sekswal.

Sa kasong ito, hindi sumang-ayon si CCC sa acts of lasciviousness dahil natutulog siya at wala siyang malay. Hindi ginamit ni ###266039 ang pamimilit o impluwensiya, kundi umasa sa kanyang moral na awtoridad bilang lolo niya, na itinuturing bilang pananakot. Dahil dito, pananagutan ni ###266039 ang acts of lasciviousness sa ilalim ng Artikulo 336 ng RPC, sa halip na RA 7610.

Para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng Seksyon 5(b) na kinasasangkutan si BBB, hinatulan si Gramatica ng maximum na 17 taon, apat na buwan, at isang araw na pagkakakulong at iniutos na magbayad kay BBB ng PHP 150,000 bilang kabayaran at danyos, pati na rin ng multa na PHP 15,000.

Para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng Artikulo 336 ng RPC, hinatulan si ###266039 ng maximum na anim na taon na pagkakakulong at iniutos na magbayad kay CCC ng PHP 450,000 bilang kabayaran at danyos na may karampatang interes.

Kinilala ng Korte Suprema na sa ilalim ng kasalukuyang mga batas, si ###266039, na gumawa ng kasuklam-suklam at asal-hayop na gawain laban sa kanyang menor de edad na apo, ay nahaharap sa mas mababang parusa kumpara sa RA 7610. Hinimok nito ang lehislatura na amyendahan ang umiiral na mga batas upang mas maprotektahang mabuti ang mga bata.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=162863.

Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=162842.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/260233-266039-separate-concurring-opinion-senior-associate-justice-marvic-m-v-f-leonen/.

Basahin ang Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa sa https://sc.judiciary.gov.ph/260233-266039-concurring-opinion-associate-justice-alfredo-benjamin-s-caguioa/.

Basahin ang Hiwalay na Sumasang-ayon na Opinyon ni Associate Justice Rodil V. Zalameda sa https://sc.judiciary.gov.ph/260233-266039-separate-concurring-opinion-associate-justice-rodil-v-zalameda/.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

2F, No. 107, Quezon Street, District 1
Cauayan
3305

Telephone

+639357010888

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Quilang Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Quilang Law Office:

Share