15/07/2025
ππ
Iginiit ng na ang pagtatago ng homosexuality ng isang tao mula sa kanyang asawa ay maaaring ituring na panloloko at maaaring gamitin bilang isang batayan para mapawalang-bisa ang isang kasal.
Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., pinawalang-bisa ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang kasal ng isang babae sa asawa nito na itinago ang kanyang homosexuality bago sila ikasal.
Ayon sa talaan, nagkakilala ang dalawa sa social media at naging magkasintahan makalipas ang isang taon. Sa kanilang unang date, napansin ng babae na tila walang gana ang lalake dahil hindi man siya hinalikan o hinawakan ang kamay. Iniwasan din ng lalake na tabihan siya sa tuwing sila ay kumakain o bumibiyahe. Paliwanag ng lalake, nahihiya lang siya at walang kumpiyansa sa sarili.
Nagpatuloy ang kanilang relasyon pero nagtrabaho ang lalaki sa ibang bansa. Ikinasal sila makalipas ang dalawang taon.
Pero patuloy pa rin na umiwas ang lalaki na makipagtalik. Sa halip, nakikipagtalo siya sa asawa. Dalawang buwan matapos ang kasal, nangibang bansa uli ang lalaki at hindi na nakipag-ugnayan pa sa kanyang asawa.
Kalaunan, may nakita ang babae na mga magasin na may hubad na larawan ng mga lalaki sa gamit ng kanyang asawa. Nang komprontahin, inamin ng lalaki ang kanyang sekswalidad. Naghain ng petisyon ang babae para ipawalang-bisa ang kanilang kasal.
Nagpasya ang Korte Suprema na ang pagpayag ng babae sa kasal ay nakuha sa pamamagitan ng panloloko at maaring ipawalang-bisa ang kasal batay sa mapanlokong paglilihim ng sekswalidad sa ilalim ng Article 45(3) kaugnay ng Article 46(4) ng Family Code.
Nakasaad sa Article 45 ng Family Code na maaaring mapawalang-bisa ang kasal kung ang pahintulot ng isang partido ay nakuha sa pamamagitan ng panloloko, bastaβt hindi natuloy ang pagsasama ng mag-asawa matapos matuklasan ang panloloko. Ayon naman sa Article 46, ang pagtatago ng sekswalidad mula sa asawa ay maituturing na panloloko.
Naniwala ang Korte Suprema sa mga paratang ng babae at sinabing hindi pwedeng balewalain ang naging pag-amin ng lalaki at ang kanyang hindi maipaliwanag na katahimikan noong tinanong ang kanyang sekswalidad. Itinago ng lalake ang kanyang sekswalidad para kumbinsihin ang babae na pakasalan siya.
Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/ywadbxwp.
Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/yjn9a89f.
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.