Bartolome Law Office

Bartolome Law Office Atty. Jose Rafael Bartolome

05/02/2026

Kinatigan ng ang hatol na habambuhay na pagkakakulong sa Australyanong si Martin Cook para sa trafficking ng apat na menor de edad. Inihayag ng Korte na maaari pa ring maisagawa ang trafficking kahit may pagpayag ng mga menor de edad at kahit walang pamimilit, pang-aabuso, o panloloko laban sa kanila.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Antonio T. Kho, Jr., sinentensiyahan ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema si Cook at pinagbayad ng PHP 2-Milyong multa at PHP 600,000.00 na danyos sa bawat isa sa apat na biktima nito na mga batang lalaki na may edad 11 hanggang 13 taong gulang. Sinabi ng Korte Suprema na may sala si Cook dahil sa pagtanggap nito sa mga bata sa kanyang bahay para sa prostitusyon at sekswal na gawain.

Muling binigyang-diin ng Korte na dahil ang habambuhay na pagkakakulong ay itinakda ng isang special law o natatanging batas kriminal (Republic Act No. 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na inamyendahan ng Republic Act No. 10364), hindi maaaring isaalang-alang ang anumang mga mitigating o iba pang modifying circumstance, sapagkat hindi nito sinusunod ang sistema at katawagan ng mga parusang nakasaad sa Revised Penal Code (RPC).

Nag-ugat ang kaso sa hiling ng Department of Social Welfare and Development sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga aktibidad ni Cook kaugnay umano sa trafficking.

Matapos magkaroon ng pagmamatyag malapit sa bahay ni Cook, nakapanayam ng NBI ang apat na bata na nagsabing inimbitahan sila ng mga kaibigan nila para pumunta sa bahay ni Cook para sa pagkain at pera kapalit ng sekswal na serbisyo.

Dalawa sa apat na biktima ang nagsabi na nakilala nila si Cook sa Facebook.

Magkaiba ang sentensiyang iginawad ng Regional Trial Court (RTC) at ng Court of Appeals (CA). Hanggang 20 taon na pagkakakulong ang hatol ng RTC dahil isinaalang-alang nito ang katandaan ni Cook, na noon ay may edad na 76, bilang “privileged mitigating circumstance” para mapababa ang sentensiya. Pero itinaas ng CA ang parusa sa habambuhay na pagkakakulong dahil ang edad ni Cook ay isa lamang “ordinary mitigating circumstance” na makakapagpababa lamang ng parusa sa minimum na baitang. Ngunit dahil “indivisible penalty” o hindi maaaring hatiin ang parusang habambuhay na pagkakakulong, hindi na ito mapapababa pa.

Nagpasya ang Korte Suprema na napatunayan ang lahat ng elemento ng qualified trafficking at pinagtibay nito ang hatol na pagkakasala kay Cook pati na ang parusang habambuhay na pagkakakulong.

Nilinaw ng Korte Suprema na dahil ang Republic Act No. 9208, na inamyendahan ng Republic Act No. 10364, ay hindi sumusunod sa balangkas ng mga parusa sa Revised Penal Code, anumang mitigating circumstance na pabor kay Cook ay hindi maaaring isaalang-alang.

Basahin ang kabuuan ng Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160217

Basahin ang kabuuan ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160212

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/


05/02/2026

Sa isang Resolusyon na may petsang Nobyembre 4, 2025, sa A.M. Blg. 24-11-02-SC, nagpatupad ang Korte Suprema ng mahahalagang reporma para palawakin ang access sa videoconferencing, lalo na para sa mga indibidwal na may limitadong kakayahang digital (digitally disadvantaged individuals), at para mapahintulutan ang mas malawak na partisipasyon ng mga taong nasa ibang bansa.

Ang Binagong mga Alituntunin ay nalalapat sa pagsasagawa ng videoconferencing sa mga first- at second-level courts, sa Court of Appeals, sa Sandiganbayan, at sa Court of Tax Appeals. Saklaw nito ang lahat ng mga gawain at paglilitis sa alinmang yugto, kabilang ang pag-aayos ng alitan o mediation, konsultasyon, deliberasyon, at ang pagpapalabas ng mga desisyon at resolusyon, kapag isinasagawa sa pamamagitan ng videoconference.

Inaatasan na ngayon ang mga hukuman na tiyakin ang access sa videoconferencing para sa mga indibidwal na may limitadong kakayahang digital, kabilang ang mga nasa malalayong lugar o apektado ng kalagayang pampolitika. Maaaring kabilang dito ang pagde-deploy ng mga kawani ng hukuman para magbigay ng pansamantala o mobile na koneksyon sa internet.

Maaari ring magtayo ang mga hukuman ng mga itinalagang “access point” sa loob ng mga judicial regions kung saan puwedeng gumamit ang mga litigant, mga saksi, at iba pang kalahok sa paglilitis ng mga kompyuter at kagamitang pang-videoconferencing sa ilalim ng pangangasiwa ng hukuman.

Basahin ang kabuuan ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=160150.

Basahin ang kabuaan ng Resolusyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/01/A.M-No.-24-11-02-SC_FINAL.pdf.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


26/01/2026
20/01/2026

Congratulations to 2025 Bar Passers! Welcome to the legal profession!

20/01/2026

Sinuspinde o pinagpaliban muna ng ang hatol sa isang child in conflict with the law (CICL), bilang paggiit sa layunin ng Republic Act No. (RA) 9344, o ang Juvenile Justice and Welfare Act, na isulong ang pinakamahusay na interes at rehabilitasyon ng bata.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez bago siya magretiro, tinanggihan ng En Banc ng Korte Suprema ang apela ni ###265302 (akusado) na napatunayang nagkasala ng qualified r**e ng isang menor de edad. Napatawan siya ng parusang 12 taon hanggang 14 na taon, walong buwan at isang araw sa bilangguan.

Ibinalik ang kaso sa Regional Trial Court (RTC) para ipag-utos na madetine ang akusado sa isang agricultural camp o iba pang pasilidad ng pagsasanay sa ilalim ng Section 51 ng batas.

Kinasuhan ng panggagahasa sa kanyang limang taong gulang na kalaro ang akusado na 15 taong gulang nang mangyari ang krimen.

Labing-walong taong gulang na siya nang hatulan ng Regional Trial Court (RTC) na guilty sa statutory r**e. Ipinataw nito ang parusang pagkakakulong ng walong taon at isang araw hanggang 14 na taon, walong buwan at isang araw, ngunit sinuspinde ng RTC ang kanyang sentensiya.

Sa ilalim ng Section 38 ng RA 9344, may karapatan sa suspensiyon ng kanilang sentensiya ang isang akusado na menor de edad sa panahon ng pagkakasala.

Makalipas ang ilang buwan, naglabas ang RTC ng warrant of arrest, at siya ay ikinulong sa New Bilibid Prison. Tinanggihan ng Court of Appeals ang kanyang apela.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang kanyang hatol ngunit nilinaw na ang krimen ay qualified r**e at ipinag-utos ang suspensiyon ng kanyang sentensiya.

Nakasaad sa Section 40 ng RA 9344 na kapag nasa edad 18 ang CICL habang nasa ilalim ng nasuspinding sentensiya, maaari silang palayain ng korte, iutos na ipatupad ang kanilang sentensiya, o palawigin ang suspendidong sentensiya sa loob ng isang panahon o hanggang umabot sila sa maximum na edad na 21 taong gulang.

Sa kasong ito, 25 taong gulang na ngayon ang akusado na inilipat sa Davao Prison and Penal Farm.

Gayunpaman, pinahaba ng Korte Suprema ang pagsuspinde sa kanyang sentensiya para matupad ang layunin ng batas na inuuna ang pagpapanumbalik, rehabilitasyon, at reintegrasyon ng mga batang nagkasala sa komunidad.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159175.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=159085.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


From our family to yours, Merry Christmas! God bless us, everyone!
24/12/2025

From our family to yours, Merry Christmas! God bless us, everyone!

11/12/2025
11/11/2025

The has reiterated that just compensation in land expropriation cases must be based on all relevant factors, not just market value.

In a Decision written by Associate Justice Samuel H. Gaerlan, the SC’s Third Division remanded to the Regional Trial Court (RTC) the case between the City Government of Pasay (Pasay LGU) and Arellano University (University) to reassess the amount of just compensation owed to the latter.

The University filed a complaint before the RTC in 2015, claiming that the Pasay LGU took its 805-sq. m. parcel of land in Barangay San Isidro and turned it into a public road, now known as Menlo Street, without going through proper expropriation proceedings or paying just compensation. The parties subsequently referred the matter to a board of commissioners composed of Pasay LGU officials.

The board used a base value of PHP200/sq. m. based on the 1978 General Revision of the City Assessor’s Office, then added 6% annual interest from 1978, the year the street was discovered, up to 2017, resulting in a value of PHP2,060/sq. m.

The University disagreed and proposed a total compensation of PHP 5,793,664.63, arguing that the interest should be based on the rates published by the Bangko Sentral ng Pilipinas.

The RTC adopted the board’s base value but applied a different interest rate, ordering Pasay LGU to pay PHP 161,000 plus 12% annual interest from 1978 to 2018.

The CA remanded the case to the RTC, ruling that the RTC relied solely on the 1978 assessment and ignored other relevant factors.

The SC upheld the CA, finding that the RTC’s decision was based on incomplete data.

Article III, Section 9 of the Constitution provides that private property cannot be taken for public use without just compensation. The SC emphasized that just compensation must be real, substantial, full, and ample, and that determining this amount is a matter for the courts to decide.

The SC clarified that although local government assessors provide appraisals, these are not controlling in expropriation cases. Such appraisals often cover broad areas and do not account for specific property differences. They rely on general descriptions and may be inaccurate. And while tax values can serve as a guideline, they cannot substitute for a comprehensive assessment of just compensation.

Thus, courts must use a “totality of circumstances” approach, considering all facts about the property’s condition, surroundings, existing improvements, and capabilities. These include the zonal valuation of the Bureau of Internal Revenue, acquisition cost, tax declarations, size, shape, location, and the current value of similar properties.

Read the full text of the Press Release at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153762

Read the full text of the Decision at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153692

Read the Separate Opinion of Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153737

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.

17/10/2025

Pinawalang-bisa ng ang pagremata ng ilang mga ari-arian dahil hindi patas ang interes na siningil sa isang pautang sa bangko at ipinataw ito nang walang pahintulot mula sa nangungutang.

Sa isang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario, pinagbigyan ng Special Third Division ng Korte ang Motion for Reconsideration na inihain nina Editha Ang at Violeta Fernandez (mga nangutang). Ang kanilang mga ari-arian ay naremata ng United Coconut Planters Bank (UCPB) matapos silang mabigong magbayad ng 16 milyong pisong utang.

Nangutang sina Ang at Fernandez mula sa UCPB. Pinahihintulutan ng kasunduan sa pautang ang UCPB na i-adjust ang interest rate kada quarter batay sa kondisyon ng merkado.

Nang mabigo ang mga nanghihiram na bayaran ang kabuuang utang sa takdang panahon ay sinimulan ng UCPB ang proseso ng pagreremata sa kanilang mga ari-arian.

Nagsumite ng petisyon ang mga nangutang sa Regional Trial Court (RTC) para ipawalang-bisa ang pagbebenta ng ari-arian. Ayon sa kanila, hindi makatarungan at walang bisa ang kasunduan na ang bangko ang may tanging kapangyarihan na magtakda at magtaas ng interest rate.

Sumang-ayon ang RTC na ang mga probisyon sa interest rate ay hindi wasto dahil ipinaubaya ang mga ito sa pagpapasya ng bangko. Gayunpaman, idineklara nitong legal ang ginawang pagbebenta ng ari-arian. Binaliktad ito ng Court of Appeals, na nagpasiyang walang bisa ang parehong interest rate at ang pagbebenta ng ari-arian.

Sa una ay sumang-ayon ang Korte Suprema na hindi wasto ang interest rate ngunit pinagtibay ang pagbebenta ng ari-arian dahil sa kabiguang makapagbayad ng mga nangutang.

Gayunman, sa muling pagsasaalang-alang ng Korte ay nagpasya itong kung ang interest rate ay hindi katanggap-tanggap at ipinataw lamang ng nagpapautang, ang anumang kasunod na pagremata ay wala ring bisa.

Binigyang-diin ng Korte Suprema na sa ilalim ng Civil Code, ang mga kontrata ay dapat patas at napagkasunduan ng magkabilang panig. Walang bisa ang kontrata na nakasalalay lamang sa kagustuhan ng isang partido.

Sa kasong ito, tanging ang UCPB lang ang nagtakda ng interest rate. Dahil hindi wasto ang interest rate, walang bisa ang pagremata ng mga ari-arian.

Naniniwala ang Korte na dapat bigyan ng pagkakataon ang mga nangungutang na bayaran ang utang sa isang interest rate na napagkasunduan ng magkabilang panig. Kung hindi, ang kanilang kapalaran ay nasa kamay lang ng nagpapautang, na maglalagay sa panganib para mawalan sila ng ari-arian bunsod ng hindi patas na pagkakataon para mabayaran ang kanilang utang.

Basahin ang kabuuan ng Press Release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=152735

Basahin ang kabuuan ng Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=152719

Basahin ang Dissenting Opinion ni Acting Chief Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=152726

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO:
https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


17/10/2025

Binigyang-diin ng na karaniwang walang bisa ang kasal na pinangasiwaan ng isang taong walang legal na awtoridad puwera na lang kung tapat na naniniwala ang isa o parehong mag-asawa na may awtoridad ang tao na nagsagawa ng kanilang kasal.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Mario V. Lopez bago siya nagretiro, ibinasura ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang petition for nullity of marriage na inihain ng isang misis na nagsasabing hindi isang hukom ang taong nangasiwa sa kanyang kasal gaya ng kanyang pinaniniwalaan.

Ikinasal ang mag-asawa sa Municipal Hall ng Tarlac City, Tarlac at nakasaad sa kanilang marriage contract na si Judge Conrado De Gracia (Judge De Gracia) ang solemnizing officer.

Gayunpaman, makalipas ang mahigit 20 taon, iginiit ng abogado ng misis na hindi si Judge De Gracia ang lalaki sa kanilang mga larawan sa kasal kundi si Rosalio Florendo na isang kapwa miyembro ng Tarlac City Rotary Club.

Ito ang naging dahilan para maghain ng petisyon ang babae sa Regional Trial Court (RTC) para ideklarang walang bisa ang kasal dahil sa kawalan ng awtoridad ng opisyal na nagkasal sa kanila.

Sa desisyon ng Korte Suprema, nabigo ang asawa na patunayan na walang awtoridad ang opisyal. Naipakita sa sertipiko ng kasal na noo’y nanunungkulan na hukom na may hurisdiksyon ng Tarlac City at may legal na awtoridad na magsagawa ng kasal sa ilalim ng Family Code si Judge De Gracia.

Binanggit ng Korte Suprema ang Article 3 ng Family Code (FC) na nagsasabing ang awtoridad ng solemnizing officer ang isa sa mga pormal na kinakailangan ng isang kasal na may bisa. Samantala, binibigyan ng Article 7 ng FC ang mga hukom sa kanilang hurisdiksyon ng nasabing awtoridad. Walang bisa ang kasal na ginawa ng isang tao na walang ganoong awtoridad sa ilalim ng Articles 4 and 35(2) ng FC maliban kung naniniwala in good faith ang isa o parehong partido na awtorisado ang opisyal na nagkasal kung saan may bisa pa rin ang kasal.

Bagamat nagsabi ang babae na hindi si Judge De Gracia ang nagkasal sa kanila, tinukoy ng Korte Suprema na walang ipinakitang ebidensiya para matukoy si Judge De Gracia o si Florendo.

Binigyang-diin din ng Korte Suprema na dapat na igalang ang legal na presumption pabor sa marriage contract na nagsasaad ng awtoridad ng solemnizing officer kung walang malinaw at matibay na ebidensya na kumukontra dito.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153254.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=153241.

Basahin ang Hindi Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/267998-dissenting-opinion-justice-marvic-m-v-f-leonen/.

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


Address

112B Salazar Street Brgy. Poblacion
Candelaria
4323

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bartolome Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category