25/05/2025
Ang Savian Legal Aid Clinic ng St. Dominic Savio College Inc. - School of Law, ay nagsagawa ng libreng Legal Aid Mission sa Sto. Niño Emmanuel Del Mundo Parish, Pasong Tamo, Quezon City, kahapon, Sabado, Mayo 24, 2025.
Dinaluhan ito ng mga residente ng Pasong Tamo, Quezon City, at isinagawa sa tulong at gabay ng tatlong law professors mula sa SDSC-School of Law na sina Atty. Felizardo M. Ibarra, Atty. Emmanuel M. Olores at Atty. Regine Juliene G. Roque, na buong pusong nagbigay ng libreng serbisyong legal.
Taos-pusong nagpapasalamat ang Savian Legal Aid Clinic ng SDSC sa lahat ng naging bahagi ng legal mission na ito upang maisakatuparan ito. Isang espesyal na pasasalamat sa kinatawan ng mga misyonero ng parokya na sina Bishop Raul B. Barcela at Rev. Fr. Louie F. Figueroa, sa ating mga abogado, sa mga tagapangasiwa ng parokya, at sa mga taong lumapit at dumulog sa aming legal aid mission.
Patuloy po ang aming pagbibigay ng libreng serbisyong legal. Maaari po kayong magpadala ng mensahe sa aming Facebook/Messenger account.
Maraming salamat po!