Boses ng Batang Kankaloo

Boses ng Batang Kankaloo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Boses ng Batang Kankaloo, North, Caloocan.

01/06/2026
22/05/2026

πŸ“’πŸ“’WALANG PASOKπŸ“’πŸ“’

Idineklara ng MalacaΓ±ang na regular holiday ang May 27, 2026, araw ng Miyerkules, upang magbigay daan sa pagdiriwang ng Eid'l Adha o Feast of Sacrifice.

Source: Caloocan Public Information Office

22/05/2026
21/05/2026

Isang malaking pagbati kay Mayor Along Malapitan!
πŸŽ‰β€οΈ

Kabilang ang ating Punong Lungsod sa mga Top Performing NCR Mayors ayon sa pinakabagong survey ng RPMD Foundation Inc. (Mayo 19, 2026)!

Nakamit ni Mayor Along ang mataas na 85.9% overall governance score (85.5% Trust Rating at 86.4% Performance Rating). Patunay ito ng tapat, mabilis, at de-kalidad na serbisyong ramdam ng bawat Batang Kankaloo.

Salamat sa walang sawang serbisyo! Patuloy ang pag-angat ng Lungsod ng Caloocan! πŸš€

16/05/2026

𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ π‘π„π’πˆπƒπ„ππ“π„ 𝐍𝐆 π‚π€π‹πŽπŽπ‚π€π

Nais pong ipabatid sa lahat ng mga manggagawa at iba pang kwalipikadong residente na patuloy pa rin ang pagpaparehistro sa Social Protection Assistance Database ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.

Ang database na ito ang gagamiting batayan para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang mga programa at serbisyong panlipunan ng ating lungsod.

Maaari kayong magparehistro sa opisyal na link na ito o i-scan ang QR Code sa ibaba:

πŸ”— https://bit.ly/CaloocanSPAD2026

Mahahalagang Paalala Ukol sa Pamamahagi ng Bigas:

Iskedyul: Ang pamamahagi ng bigas ay magpapatuloy hanggang Disyembre 2026. Hinihikayat po ang lahat na maghintay sa opisyal na text o abiso kung hindi pa ito natatanggap.

Pagkuha sa Pamamagitan ng Kinatawan: Pinahihintulutan na po ang pagpapakisuyo o pag-claim sa pamamagitan ng ibang tao, sa kondisyon na sila ay kamag-anak o kapamilya ng benepisyaryo (hindi pinagbibigyan ang kapitbahay lamang).

Mga Dokumentong Kinakailangan para sa Kinatawan:
βœ…Sulat ng Pagpapahintulot (Authorization Letter) na βœ…may lagda ng benepisyaryo
βœ…Photocopy ng ID ng benepisyaryo
βœ…Photocopy ng ID ng kinatawan o magki-claim

Maraming Salamat Po.❀️

PAGOD LANG SI MAMA πŸ˜­πŸ’”Sa sobrang pagod, ang bilis uminit ng ulo.Minsan, nasisigawan natin sila.Napapagalitan nang biglaan...
03/03/2025

PAGOD LANG SI MAMA πŸ˜­πŸ’”

Sa sobrang pagod, ang bilis uminit ng ulo.
Minsan, nasisigawan natin sila.
Napapagalitan nang biglaan.
Mabilis mairita.

Pero bakit ba ganito? Bakit laging si Mommy ang nauubos?
Bakit tila ang mundo, inaasahang kaya mong dalhin lahat?

Hindi ka masamang ina dahil napapagod ka.
Ang problema ay hindi ikaw β€” kundi ang bigat ng responsibilidad na iniatang sa'yo nang mag-isa, nang walang masyadong suporta, nang may judgment mula sa paligid tuwing nagkukulang ka.

Mommy, hindi mo kailangang magpasan ng mundo.
Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo kapag nauubos ka na.

Pagod ka lang.
Pagod dahil binibigay mo lahat ng kaya mo.
Pero kailangan mo rin ng pahinga, ng suporta,
ng pagkilala sa lahat ng ginagawa mo.

Ang pagiging ina ay hindi pagiging perpekto.
Ito ay pagiging tao.
At bilang tao, may limitasyon ka rin.

Kaya, Mommy, tumigil ka muna.
Huminga. Magpahinga.
Hindi mo kailangang gawin ang lahat nang mag-isa.
Hindi mo kasalanang mapagod.🀍✨

πŸ–ΌοΈ : CTTO

Address

North
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Boses ng Batang Kankaloo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share