23/07/2025
"Binigyang-diin ng Korte Suprema na para matiyak ang hatol sa pagsusugal, ang mga nanghuling opisyal ay dapat magpakita ng malinaw at tiyak na mga detalye tungkol sa mga operasyon ng pagsusugal. Kabilang dito ang pagtukoy sa mga manlalaro, ang larong nilalaro, ang taong tumataya, at ang aktwal na pera na ginamit."
Pinawalang-sala ng ang dalawang indibidwal na inakusahan ng ilegal na pagsusugal dahil bigo ang mga pulis na umaresto sa kanila na magbigay ng malinaw na detalye tungkol sa pagsusugal.
Sa isang Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, binaliktad ng Ikalawang Dibisyon ng Korte Suprema ang hatol na maysala kina Robert Plan (Plan) at Mark Oliver D. Enolva (Enolva) para sa paglabag sa P.D. No. 1602 na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa ilegal na pagsusugal.
Ayon sa talaan, nahuli ng pulisya sina Plan at Enolva na naglalaro ng kara-krus, isang larong pustahan gamit ang barya, matapos makatanggap sila ng sumbong mula sa isang mamamayan. Parehong kinasuhan at napatunayang maysala ang dalawa ng Metropolitan Trial Court (MeTC). Napatawan sila ng parusa ng pagkabilanggo ng aabot sa tatlong taon na sa kalaunan ay binawasan at ginawang 30 araw na lang ng Regional Trial Court. Pinagtibay ng Court of Appeals ang hatol na maysala.
Sa pagpapawalang-sala sa dalawa, dineklara ng Korte Suprema na hindi sapat ang ebidensya laban sa dalawa.
Napag-alaman ng Korte Suprema na nabigo ang mga pulis na patunayan na ang mga akusado ay talagang tumataya. Hindi makumpirma ng mga pulis ang denominasyon kahit na sinabi ng mga opisyal na nakakita sila ng pot money o kabuuang pusta sa sahig.
Binigyang-diin ng Korte Suprema na para matiyak ang hatol sa pagsusugal, ang mga nanghuling opisyal ay dapat magpakita ng malinaw at tiyak na mga detalye tungkol sa mga operasyon ng pagsusugal. Kabilang dito ang pagtukoy sa mga manlalaro, ang larong nilalaro, ang taong tumataya, at ang aktwal na pera na ginamit.
Basahin ang press release sa https://tinyurl.com/ms2xaktt.
Basahin ang Desisyon sa https://tinyurl.com/fvxypv2z.
Basahin ang Sumasang-ayon na Opinyon ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen sa https://tinyurl.com/47ajp3md.
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.