Organized Labor Associations in Line Industries and Agriculture - KMU

Organized Labor Associations in Line Industries and Agriculture - KMU Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Organized Labor Associations in Line Industries and Agriculture - KMU, Legal, B3 L11 Console Village, Cabuyao.

MANGGAGAWA, TULOY-TULOY NA PAG-ARALAN ANG LIPUNAN!Nagsimula na ang Educational Discussion (ED) Fest ng Organized Labor A...
12/04/2026

MANGGAGAWA, TULOY-TULOY NA PAG-ARALAN ANG LIPUNAN!

Nagsimula na ang Educational Discussion (ED) Fest ng Organized Labor Associations in Line Industries and Agriculture - Kilusang Mayo Uno (OLALIA-KMU), katuwang ang Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan - Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU), ngayong umaga, Abril 12 sa Cabuyao, Laguna.

Ngayong papalapit na ang Pandaigdigang Araw ng Paggawa, magiting nating pag-aralan ang lipunan! Ipaglaban ang karapatan at kabuhayan!

Para sa mga nais lumahok sa mga susunod na pag-aaral o magpahayag ng kalagayan sa pagawaan, maaaring magsumite ng mensahe sa aming page!

📢WORKERS UPDATE 📢Mga manggagawa, alam mo bang may second tranche ang taas sahod noong Oktubre 2025? Ngunit hindi lahat a...
01/04/2026

📢WORKERS UPDATE 📢

Mga manggagawa, alam mo bang may second tranche ang taas sahod noong Oktubre 2025? Ngunit hindi lahat ay sakop nito.

Alamin ang saklaw ng taas sahod ngayong 01 Abril 2026 at ang ating karapatan hinggil sa wage distortion.

Kung mayroon tayong katanungan o reklamo tungkol sa mga ito, huwag mag-atubiling puntahan ang aming opisina o tumawag sa 0963-435-8416

Imperyalistang Gyera sa Middle East, Wakasan!Kabuhayan at Karapatan, Ipaglaban!Nanawagan ang Unyon ng mga panadero sa Ph...
14/03/2026

Imperyalistang Gyera sa Middle East, Wakasan!
Kabuhayan at Karapatan, Ipaglaban!

Nanawagan ang Unyon ng mga panadero sa Philfoods Fresh Baked Products Inc- Olalia (UPPFBPI-OLALIA-KMU) para sa kagyat na hakbangin ng gobyerno upang makaagapay ang kalagayan ng mga manggagawa sa sunud-sunod na taas-presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.

Sa harap ng tumitinding krisis sa langis, malinaw ang pagkainutil ng gobyerno ni Marcos Jr. dahil sa pagpapatupad nito ng mga band-aid na solusyon tulad ng pekeng "fuel subsidy", "staggered" o patse-patseng pagtaas ng presyo ng langis, mga libreng sakay na kalaunan ay hindi sustenable, at ang pagpapatupad ng memo ng "4-days work week".

Sa kasalukuyan, kumakaharap ang mga manggagawa ng Philfoods sa hindi pagsunod ng Kapitalistang Philfoods sa mga kasunduan sa CBA tulad ng paglabag nito sa wage distortion sa hindi nito pagsunod sa wage distortion formula, bagkus ay nagdagdag lamang ng piso tungong 601 piso sa sahod ng mga manggagawang matagal na sa kumpanya.

Matindi ang atake sa hanay ng mga manggagawa matapos kasuhan ng "insubordination" ng Kapitalistang Philfoods ang mga manggagawa na sumama sa iba't ibang pagkilos upang ilantad ang kalagayan ng mga manggagawa sa loob at labas ng pagawaan. Dagdag pa rito, nito lamang Marso 7, nakaranas din ang mga manggagawa ng harassment mula sa LIIP admin sa tuwing naglulunsad ng mga kilos-protesta ang mga manggagawa sa loob at labas ng engklabo.

Nakikiisa ang unyon ng Panadero sa Philfoods Fresh Baked Products Inc.-Olalia-KMU para sa pagpapabasura ng lahat ng pahirap na buwis - 12% VAT at excise tax sa langis at mga pangunahing bilihin, at pagwawakas sa anti-mamamayang Oil Deregulation Law. Ipinapanawagan din natin na agarang wakasan ang digmaang agresyon na inuumpat ng Imperyalistang US at Zionistang Israel sa Middle East!



06/03/2026

Hindi magpapatinag ang mga manggagawa ng PhilFoods sa memorandum at notice to explain na binigay ng management. May mga kilos-protesta at pag-iingay na ginagawa ang manggagawa dahil sa tahasang hindi pagsunod ng kapitalistang Gardenia-PhilFoods sa napagkasunduan ng unyon at management hinggil sa wage distortion.

Kailan pa naging makatarungan na dadagdagan ng piso ang mga manggagawang matagal na sa pagawaan para maging 601 pesos ang sahod para lang masabing may agwat sa mga bagong manggagawa na 600 pesos ang sahod? Lalo pa na mayroong wage distortion na provision sa CBA.

Kaya naman buo ang suporta ng OLALIA-KMU sa mga manggagawa ng Unyon ng mga Panadero sa PhilFoods Fresh Baked Products Inc. para sa laban ng wage distortion. Tutulan ang kahit anong hakbang ng kapitalista na patahimikin ang mga manggagawa!


Manggagawa, anong masasabi mo sa tuluy-tuloy na taas presyo ng langis at four-day work week na plano ni BBM para makatip...
05/03/2026

Manggagawa, anong masasabi mo sa tuluy-tuloy na taas presyo ng langis at four-day work week na plano ni BBM para makatipid daw?

Maaari mo i-share sa comment section kung paano ka naaapektuhan nito!

19/02/2026
ALERT | Mahigit kumulang tatlumpung (30) minuto nang sinusundan ng isang police mobile ng Calamba CPS ang delegasyon ng ...
16/02/2026

ALERT | Mahigit kumulang tatlumpung (30) minuto nang sinusundan ng isang police mobile ng Calamba CPS ang delegasyon ng OLALIA-KMU na nagsasagawa ng agency hopping sa mga ahensya sa Calamba City ngayong araw, Pebrero 16.

TINGNAN: Ikinasa ng mga manggagawang iligal na tinanggal ang isang maikling programa sa harapan ng Department of Public ...
16/02/2026

TINGNAN: Ikinasa ng mga manggagawang iligal na tinanggal ang isang maikling programa sa harapan ng Department of Public Works and Highways Regional IV-A Office (DPWH) sa pangunguna ng pederasyong Organized Labor Associations in Line Industries and Agriculture - KMU (OLALIA-KMU) upang panagutin ang mga ganid at buwaya sa gobyerno, kabilang ang lahat ng pulitiko at kontraktor na sangkot sa malawakang pangungurakot sa kaban ng taumbayan ngayong araw, Pebrero 16.

Hinding-hindi makakalimutan ng uring manggagawa ang bilyun-bilyong pondo na inilalaan ng rehimen ni Marcos Jr. sa ilalim ng pambansang badyet 2026 para pondohan at pahintulutan ang mga flood control projects, farm-to-market roads, at unprogrammed appropriations, sa kabila ng maanomalya at kaduda-dudang paggamit sa pondo ng bayan. Kabilang dito ang pagpapanagot kay Sara Duterte dahil sa pagwaldas nito sa pondo ng DepEd at milyun-milyong confidential funds noong 2024. Habang ang mga manggagawa ay nasasadlak pa rin sa kumunoy ng kahirapan dahil sa mababang sahod, kontraktwalisasyon, at mataas na presyo ng mga bilihin.

Ngayong nalalapit na ang ika-40 taong anibersaryo ng pag-aalsa ng mamamayan noong EDSA People Power, walang maayos na pagbabago sa sitwasyon ng mga manggagawa at mamamayan mula pa noong panahon ng diktadurya ni Marcos Sr. hanggang sa kasalukuyan.

Kaya naman, magtutuloy-tuloy ang pagkilos ng mga manggagawa, tutungo tayo sa opisina ng Social Security System (SSS), Department of Labor and Employment IV-A (DOLE), Petron Crossing, Calamba, at National Labor Relations Commission Regional Office (NLRC) upang ipanawagan ang pagpapatalsik sa pwesto nina Bongbong Marcos at Sara Duterte bilang mga utak ng kurapsyon sa gobyerno at pakikiisa sa paparating na Pebrero 25 upang gunitain ang ika-40 taong anibersaryo ng EDSA.


ALERT | Mga manggagawang iligal na tinanggal, inimbita ng barangay sa utos ng Kapitalistang Ohgitani Ngayong araw, Pebre...
01/02/2026

ALERT | Mga manggagawang iligal na tinanggal, inimbita ng barangay sa utos ng Kapitalistang Ohgitani

Ngayong araw, Pebrero 1, dumulog sa tanggapan ng Olalia-KMU ang mga manggagawa ng Ohgitani matapos maghain ng gawa-gawang reklamo ang Kapitalistang Ohgitani sa opisina ng Barangay Pulo, Cabuyao, Laguna noong Enero 30, 2026.

Ayon sa salaysay ng mga manggagawa, pumunta sila sa opisina ng barangay para harapin ang management ng Ohgitani ngunit ang iniharap lang sa kanila ay representante ng kumpanya na nagpakilalang si "Edwin Ferrer", at mga kasama nitong di-umano'y tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Simula pa lang ng kanilang pag-uusap, agad lumabas na walang pormal na reklamo ang Ohgitani laban sa kanila dahil ang gusto talaga nito ay bayaran sila kapalit ng settlement sa kasong illegal dismissal ng mga manggagawa kahit na gumugulong ang kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC). Nakaranas din ng pananakot ang mga manggagawa mula sa mga tauhan ng NBI matapos silang pagtangkaan na kung hindi isesettle ang kaso sa barangay ay mapipilitan silang "itaas sa ibang lebel".

Mariing kinukondena ng Organized Labor Associations in Line Industries and Agriculture - KMU (OLALIA-KMU) ang Kapitalistang Ohgitani sa mahabang listahan ng pagsasamantala sa mga manggagawa at malawakang tanggalan sa pagawaan. Ginagamit pa nito ang NBI at Brgy. Pulo sa pamumuno ni Kap. Armando H. Amoranto bilang instrumento upang takutin ang mga manggagawa na makipagsettle sa kumpanya.

Kilala si Kap. Amoranto na tagapagsilbi ng mga kapitalista, kung saan siya ang may pakana ng pagpapapasok sa 2nd CMO sa barangay at hindi kumilala sa Memorandum of Agreement (MoA) na nagpahintulot upang ipatanggal ang opisina ng Anakpawis Partylist. Dagdag pa rito, nasa ilalim din ng termino ni Amoranto ang kaso ng 11 na mga aktibista at tagapagtanggol ng karapatang pantao na iligal na inaresto at ikinulong matapos nilang isagawa ang kilos-protesta sa harap ng Pulo Barangay Hall matapos pirmahan ni dating Pangulong Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Naninindigan ang mga manggagawa ng Ohgitani na dapat kilalanin ng kapitalista ang tamang proseso at ang NLRC bilang ahensya ng gobyerno na nag-aasikaso ng mga labor disputes. Hinahamon din natin si Kap. Amoranto, bilang isang lingkod-bayan, na pagsilbihan niya ang mga manggagawa na kanyang mga nasasakupan at hindi ang interes ng mga kapitalista.

Nananawagan tayo sa NLRC na bigyan ng agaran at positibong desisyon ang kaso ng mga manggagawang iligal na tinanggal ng Ohgitani. Kaya naman, matibay ang paninindigan ng mga manggagawa na makatwiran ang kanilang paglaban para sa disente at regular na hanapbuhay!

19/12/2025

PANOORIN: Ibinahagi ni Jerry Desquitado, Former OLALIA-KMU National Chairperson, ang kanyang karanasan bilang isang lider-unyonista at organisador sa ilalim ng pederasyon. Batid niya ang mahirap na kalagayan ng mga manggagawa sa gitna ng militarisasyon mula noon hanggang sa kasalukuyan na lalo pang nagpatibay ng kanyang determinasyon upang tuloy-tuloy na ipagtanggol ang interes at kapakanan ng mga manggagawa.

Hindi maipagkakaila na malalim at makasaysayan ang apat na dekada ng kilusang paggawa sa ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa. Ayon kay Desquitado, "mula sa pagiging bise-presidente hanggang maging pambansang tagapangulo ng OLALIA, ang tagumpay ng mga manggagawa ay tagumpay sa kabuuan ng sambayanang Pilipino." saad niya.

Giit ni Desquitado na ang tunay na magwawakas sa laganap na kahirapan ng sambayanang Pilipino ay ang pagkakaisa ng uring manggagawa tungo sa pagtataguyod ng mga pambansa at demokratikong adhikain.

Sa harap ng tumitinding pampulitikang sitwasyon dahil sa sistematikong korapsyon at kawalan ng hustisyang panlipunan, hinahamon ng pederasyon ang hanay ng uring manggagawa, bilang pinakaabanteng sektor ng lipunan, na pamunuan ang pakikibakang masa sa kahit saan mang larangan hanggang sa ganap na tagumpay!

URING MANGGAGAWA, HUKBONG MAPAGPALAYA!


TINGNAN: Nagmartsa ang hanay ng mga manggagawa kasama ang iba't ibang sektor ng lipunan upang lagumin ang makasaysayang ...
16/12/2025

TINGNAN: Nagmartsa ang hanay ng mga manggagawa kasama ang iba't ibang sektor ng lipunan upang lagumin ang makasaysayang ika-40 na taong anibersaryo ng OLALIA-KMU sa isang maikling programa, sa kahabaan ng Bayan ng Cabuyao, Laguna, noong Linggo, Disyembre 14, 2025.

Pinangunahan ni Mario Fernandez, tagapangulo ng OLALIA-KMU, ang pagbubukas ng programa upang ipagpatuloy ang militanteng laban ng mga manggagawa para sa mga nakabubuhay na sahod, regularisasyon, katiyakan sa trabaho, at karapatan sa pag-uunyon. Ngayon ika-40 anibersaryo ng pederasyon, ipinapanawagan din ang agarang pagpapalaya sa lahat ng mga bilanggong pulitikal sa hanay ng mga manggagawa na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso ng estado na nina Maritess David at Esteban Mendoza ng OLALIA-KMU, Arnedo Lagunias ng Lakas ng Manggagawang Nagakakisa sa Honda Cars at Alyansa ng Manggagawa sa Engklabo, Marlon Torres ng Kulturang Ugnayan ng Makabayang Sining Anakpawis (KUMASA), Tess Dioquino, Nolan Ramos, Benny Hilamon, at Pauline Banjawan.

Kasama rin sa programa si Grace Arias, tagapagsalita ng Bayan Muna Southern Tagalog upang ilantad ang laganap na kahirapan na nararanasan ng mga mamamayan sa rehiyon sa ilalim ng sistematikong korapsyon ng rehimeng US-Marcos. Nagtapos ang programa sa pahayag ni Antonio Fajardo, tagapangulo ng PAMANTIK-KMU, upang ipanawagan ang pagpapabagsak sa burukrata-kapitalismo na isa sa tatlong salot ng lipunan at pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa sistematikong korapsyon, lalong-lalo sina Marcos Jr. at Sara Duterte na siyang Hari at Reyna ng Korapsyon sa bansa.

Mabuhay ang Uring Manggagawa!
Mabuhay ang Kilusang Paggawa!



Address

B3 L11 Console Village
Cabuyao
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Organized Labor Associations in Line Industries and Agriculture - KMU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category